Linggo, Hulyo 26, 2026

Ang Magsasaka at ang Tagak, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Tagak
ni Aesop

Isang Tagak na napakasimple at mapagkakatiwalaan ang hiniling ng isang masayang grupo ng mga Itik na bisitahin ang isang bukid na bagong tanim. Ngunit ang salu-salo ay nagtapos nang malungkot na ang lahat ng mga ibon ay nakasabit sa lambat ng mqgsasaka.

Nagmakaawa ang tagak sa magsasaka na huwag siyang patayin.

"Pakiusap, pakawalan mo ako," pagmamakaawa niya. "Ako ay kabilang sa pamilya ng Tagak na alam mong tapat at may mabuting pagkatao. Bukod pa riyan, hindi ko alam na magnanakaw pala ang mga Itik."

"Maaaring isa kang napakabuting ibon," sagot ng magsasaka, "ngunit nahuli kita kasama ang mga magnanakaw na Itik at dapat ka ring makasama sa kaparusahan sa kanila."

Moral

Huhusgahan ka batay sa mga kasama mo.

Ang Magsasaka at ang Ahas, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Ahas
ni Aesop

Naglakad ng agsasaka sa kanyang bukid isang umaga ng taglamig. Sa lupa ay naroon ang isang ahas, naninigas at nagyeyelo dahil sa lamig. Alam ng magsasaka kung gaano kalaki ang panganib ng ahas, ngunit binuhat niya ito at inilagay sa kanyang dibdib upang mainitan ito't bumalik ang malay.

Hindi nagtagal ay nagkamalay ang Ahas, at nang magkaroon ito ng sapat na lakas, kinagat niya ang lalaking naging napakabait sa kanya. Ang kagat ay nakamamatay at naramdaman ng magsasakang siya na'y mamamatay. Habang siya'y naghihingalo, sinabi niya sa mga nakatayo sa paligid:

Matuto kayo mula sa aking karanasan at huwag maawa sa  mga tampalasan.

Ang Magsasaka at ang Kanyang Mga Anak, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Kanyang Mga Anak
ni Aesop

Pinaghanguan ng kwento
https://americanliterature.com/author/aesop/short-story/the-farmer-and-his-sons

Isang mayamang matandang magsasaka, na nakaramdam na wala na siyang maraming araw pa upang mabuhay, ay tinawag ang kanyang mga anak na lalaki sa kanyang tabi.

"Mga anak ko," sabi niya, "makinig kayong mabuti sa sasabihin ko. Anuman ang mangyari, huwag iwanan ang ari-ariang pag-aari ng ating pamilya sa loob ng napakaraming henerasyon. Saanman doon ay nakatago ang isang malaking kayamanan. Hindi ko alam ang eksaktong lugar, ngunit naroon iyon, at tiyak na matatagpuan ninyo iyon. Huwag kayong mag-aksaya ng panahon at huwag mag-iwan ng anuman sa inyong paghahanap."

Namatay ang ama, at nang siya ay mailibing, ang mga anak na lalaki ay nagsimulang maghukay nang buong lakas, binubuklat ang bawat talampakan ng lupa gamit ang kanilang mga pala, at nilibot ang buong bukid nang dalawa o tatlong beses.

Wala silang natagpuang nakatagong ginto; ngunit sa panahon ng anihan, nang matapos nilang bayaran ang kanilang mga kautangan at kumita ng malaking tubo na mas malaki kaysa sa kanino man sa kanilang mga kapitbahay, naunawaan nila sa wakas na ang kayamanang sinabi sa kanila ng kanilang ama ay ang kayamanan ng isang masaganang ani, at sa kanilang pagsusumikap ay natagpuan nila ang tunay na kayamanan.

Ang pahsisikap mismo ay isang kayamanan.

Sabado, Hulyo 25, 2026

Ang Butil na Kasinlaki ng Itlog ng Manok, ni Leo Tolstoy - Bahagi 3

At nagtanong ang hari:

'Sabihin mo sa akin, lolo, binili mo ba ito saanman, o kayo mismo ang nagtanim nito?'

Ngumiti ang matanda.

'Noong panahon ko,' tugon niya, 'walang sinuman ang nakaisip ng ganyang kasalanan tulad ng pagbili o pagbenta ng tinapay; at wala kaming alam tungkol sa salapi. Bawat tao'y may sapat na mais.'

'Kung gayon, sabihin mo sa akin, lolo,' tanong ng Hari, 'saan ang iyong bukid, saan ka nagtanim ng mais nang ganito?'

At sumagot ang lolo:

'Ang aking bukid ay lupa ng Bathala. Saanman ako mag-araro, naroon ang aking bukid. Malaya ang lupa. Ito'y isang bagay na hindi maituturing na kanya ng sinuman. Ang paggawa lamang ang tinatawag ng mga tao na kanya.'

'Sagutin mo ako sa dalawa kong tanong,' sabi ng Hari. 'Ang una ay, Bakit ang lupa ay nagbunga ng ganitong butil noon, at tumigil na ngayon? At ang pangalawa ay, Bakit ang iyong apo ay naglalakad na may dalawang saklay, ang iyong anak ay may isa, at ikaw mismo ay wala? Ang iyong mga mata ay maliwanag, ang iyong mga ngipin ay malusog, at ang iyong pananalita ay malinaw at kaaya-aya sa pandinig. Paano nangyari ang mga bagay na ito?'

At sumagot ang matanda:

'Ganyan nga po ang mga bagay-bagay, dahil ang mga tao ay nagsitigil na sa pamumuhay sa kanilang sariling paggawa, at umasa na lamang sa paggawa ng iba. Noong unang panahon, ang mga tao ay namuhay ayon sa batas ng Bathala. Mayroon silang sarili nilang mga ari-arian, at hindi hinangad ang mga gawa ng iba.'

Biyernes, Hulyo 24, 2026

Ang Butil na Kasinlaki ng Itlog ng Manok, ni Leo Tolstoy - Bahagi 2

Kaya ipinatawag ng hari ang ama ng matanda, at natagpuan siya at dinala sa harap ng hari. Lumapit siyang naglalakad na may isang saklay. Ipinakita sa kanya ng hari ang butil, at ang matandang magsasaka, na nakakakita pa naman, ay tiningnan itong mabuti. At tinanong siya ng hari:

'Hindi mo ba masasabi sa amin, Tanda, kung saan tumutubo ang ganitong uri ng mais? Nakabili ka na ba ng ganito, o nakapagtanim na ba ng ganito sa iyong bukid?'

Bagama't mahina ang pandinig ng matanda, mas maayos pa rin ang kanyang pandinig kaysa sa kanyang anak.

'Hindi,' sabi niya, 'hindi ako nagtanim o umani ng ganitong uri ng butil sa aking bukid. Tungkol sa pagbili, hindi ako bumili, dahil noong panahon ko ay wala pang salapi. Bawat isa'y nagtatanim ng sarili niyang mais, at kapag may pangangailangan ay nagbabahaginan kami. Hindi ko alam kung saan tumutubo ang ganitong uri ng mais. Mas malaki ang sa amin at mas maraming harina ang ani kaysa sa mga butil ngayon, ngunit hindi pa ako nakakita ng ganito. Gayunpaman, narinig ko ang aking ama na nagsabi na noong panahon niya ay mas malaki ang butil at mas maraming harina ang ani kaysa sa amin. Mas mabuting tanungin mo siya.'

Kaya ipinatawag ng hari ang ama ng matandang iyon, at siya'y natagpuan din nila, at dinala sa harap ng hari. ​Madali siyang pumasok na naglalakad at walang saklay: malinaw ang kanyang mga mata, maayos ang kanyang pandinig, at malinaw ang kanyang pananalita. Ipinakita sa kanya ng hari ang butil, at tiningnan ito ni lolo, at inikot ito sa kanyang kamay.

'Matagal na mula nang makakita ako ng ganito kagandang butil,' aniya, at kinagat niya ang isang piraso at tinikman ito.

'Ganito rin ang uri,' dagdag niya.

'Sabihin mo sa akin, lolo,' anang hari, 'kailan at saan itinanim ang ganitong uri ng mais? Nakabili ka na ba ng katulad nito, o nakapagtanim na ba ng ganito sa iyong bukid?'

At sumagot ang matanda:

'Ang ganitong mais ay tumutubo kahit saan noong panahon ko. Nabubuhay ako sa ganitong mais noong kabataan ko, at pinapakain ko ang iba nito. Ito ang butil na aming itinatanim, inaani, at ginigiik.'

Huwebes, Hulyo 23, 2026

Ang Butil na Kasinlaki ng Itlog ng Manok, ni Leo Tolstoy - Bahagi 1

Ang Butil na Kasinlaki ng Itlog ng Manok
ni Leo Tolstoy

Isang araw, may mga batang nakakita sa isang bangin ng isang bagay na hugis butil ng mais na may uka sa gitna, ngunit sinlaki ng itlog ng manok. Isang napadpad na manlalakbay ang nakakita sa bagay na iyon, binili iyon mula sa mga bata sa halagang isang sentimo, dinala iyon sa bayan at nag-uusisang ipinagbili iyon sa hari.

Tinawag ng hari ang kanyang mga pantas, at sinabihan silang alamin kung ano ang bagay na iyon. Nag-isip nang nag-isip ang mga pantas at hindi nila matukoy ang ulo o buntot niyon, hanggang sa isang araw, habang ang bagay ay nakalagay sa pasimano ng bintana, isang inahing manok ang lumipad at tinuka iyon hanggang sa makagawa ito ng butas, at pagkatapos ay nakita ng lahat na ito'y isang butil ng mais. Pumunta ang mga pantas sa Hari, at sinabing:

'Ito'y isang butil ng mais.'

Sa pagkagulat ng hari, inutusan niya ang mga matatalinong tao upang alamin kung kailan at saan tumubo ang gayong mais. Muling nag-isip ang mga matatalinong tao, at nagsaliksik sa kanilang mga aklat, ngunit wala silang nakitang tungkol doon. Kaya bumalik sila sa hari at sinabing:

'Wala kaming maibibigay na sagot. Walang anumang tungkol dito sa aming mga aklat. Dapat kayong magtanong sa mga magsasaka; marahil ang ilan sa kanila'y maaaring nakarinig mula sa kanilang mga ama kung kailan at saan lumaki ang butil na ganito kalaki.'

Kaya nag-utos ang hari baka may mga matatandang magsasakang dapat dalhin sa harap niya; at natagpuan ng kanyang mga tagapaglingkod ang isang magsasaka at dinala siya sa hari. Hukot na sa katandaan, maputla pa at bungal, nagawa niyang makalapit sa hari gamit ang dalawang saklay.

Ipinakita sa kanya ng hari ang butil, ngunit halos hindi ito makita ng matanda; kinuha niya ito at hinipo gamit ang kanyang kamay. Tinanong siya ng hari:

'Maaari mo bang sabihin sa amin, Tanda, kung saan tumutubo ang ganitong butil? Nakabili ka na ba ng ganitong uri ng mais, o nakapaghasik na ba ng ganito sa iyong bukid?'

Ang matanda ay bingi kaya halos hindi niya marinig ang sinasabi ng hari, at naunawaan din ang tanong kahit nahihirapan.

'Hindi!' agad niyang tugon, 'Hindi pa ako nakapagtanim o umani ng ganyan sa aming bukid, ni hindi rin ako nakabili ng ganyan. Noong bumibili kami ng mais, ang mga butil ay palaging singliit tulad ngayon. Ngunit maaari mong itanong sa aking ama. Maaaring narinig niya kung saan tumutubo ang ganyang uri ng butil.'

Martes, Hulyo 21, 2026

Ang Maskara ng Pulang Kamatayan, ni Edgar Allan Poe - Bahagi 4

“Sinong matapang diyan,” — paos niyang tanong sa mga alalay na nakatayo malapit sa kanya — “sinong matapang na laitin tayo ng ganitong kalapastanganan? Hulihin at ilantad siya — upang malaman natin kung sinong dapat bitayin, sa pagsikat ng araw, mula sa mga kuta!”

Nakatayo si Prinsipe Prospero sa silangan o bughaw na silid habang binibigkas niya ang mga salitang iyon. Umalingawngaw nang malakas at malinaw ang mga iyon sa pitong silid, dahil matapang at matipunon ang prinsipe, at tumahimik ang musika sa kumpas ng kanyang kamay.

Nasa bughaw na silid nakatayo ang prinsipe, kasama ang isang pangkat ng mga maputlang alalay sa kanyang tabi. Noong una, habang nagsasalita siya, may bahagyang mabilis na paggalaw ng pangkat na ito patungo sa nais manghimasok, na sa sandaling iyon ay malapit din, at ngayon, nang may malay at marangal na hakbang, ay lumapit sa nagsasalita. Ngunit mula sa di napangalanang pagkamangha nang may kabaliwang palagay ng isang payaso ang nagbigay-inspirasyon sa buong piging, walang natagpuang nag-abot ng kamay upang hulihin siya; kaya't, walang hadlang siyang dumaan sa harap mismo ng prinsipe; at, habang ang malaking asembliyang parang may isang bugso, ay lumiit mula sa gitna ng mga silid patungo sa mga dingding, walang balakid siyang dumaan, ngunit may parehong taimtim at maingat na hakbang na nag-iba sa kanya mula sa una, sa pamamagitan ng bughaw na silid patungo sa lila — sa pamamagitan ng lila patungo sa luntian — sa pamamagitan ng luntian patungo sa kahel — muli itong tumungo sa puti — at maging mula roon hanggang sa biyoleta, bago pa man nagkaroon ng isang tiyak na pagkilos upang hulihin siya. Gayunpaman, si Prinsipe Prospero, na nababaliw sa galit at sa kahihiyan ng kanyang panandaliang kaduwagan, ay nagmamadaling sumugod sa anim na silid, habang walang sumunod sa kanya dahil sa isang nakamamatay na takot na sumakop sa lahat. Itinaas niya ang isang nabunot na punyal, at mabilis na lumapit, sa loob ng tatlo o apat na talampakan mula sa papaatras na pigura, nang ang huli, nang marating ang dulo ng pelus na silid, ay biglang lumingon at hinarap ang humahabol sa kanya. May isang malakas na sigaw — at ang punyal ay bumagsak na kumikinang sa pusikit na karpet, kung saan, pagkatapos noon, ay bumagsak na namatay si Prinsipe Prospero. Pagkatapos, tinawag ang matinding tapang ng kawalang pag-asa, isang pangkat ng mga nagsasaya ang agad na nagsipasukan sa itim na silid, at, sinunggaban ang payaso, na ang matangkad na pigura'y nakatayo nang tuwid at hindi gumagalaw sa ilalim ng anino ng orasang itim, ay napanganga sa hindi masabing takot nang matagpuan ang mga sementeryo sa libingan at maskarang parang bangkay, na kanilang hinawakan nang may kalupitan, na hindi nakikita ng anumang nasasalat na anyo.

At ngayon ay kinilala ang presensya ng Pulang Kamatayan. Dumating siyang parang magnanakaw sa gabi. At isa-isa nilang inihulog ang mga nagsasaya sa mga bulwagang puno ng dugo ng kanilang pagsasaya, at namatay ang bawat isa sa kawalan ng pag-asang postura ng kani-kanilang pagkahulog. At ang buhay ng itim na orasan ay namatay kasama ng huling mga buhay. At ang apoy ng mga tungko ay namatay. At ang Kadiliman, Pagkabulok, at ang Pulang Kamatayan ay may walang limitasyong kapangyarihan sa lahat.

Ang Maskara ng Pulang Kamatayan, ni Edgar Allan Poe - Bahagi 3

Subalit ang iba pang silid na ito'y siksikan, at sa mga ito'y mabilis na tumitibok ang puso ng buhay. At ang pagsasaya'y patuloy na umiikot, hanggang sa tumunog ang hatinggabi sa orasan. At tumigil ang musika, gaya ng aking nasabi; at tumahimik ang ebolusyon ng mga mananayaw ng waltz; at nagkaroon ng hindi mapakaling paghinto ng lahat ng bagay gaya ng dati. Ngunit ngayon ay may labindalawang kumpas na dapat patunugin ng kampana ng orasan; at gayon nga ang nangyari, marahil, na mas maraming nagsigapang, ng mas maraming panahon, sa mga pagmumuni-muni ng mga nag-iisip sa mga nagsasaya. At gayon din ang nangyari, marahil, na bago tuluyang natahimik ang huling alingawngaw ng huling tunog ng orasan, maraming indibidwal sa karamihan ang nakahanap ng oras upang mapansin ang presensya ng isang nakamaskarang pigurang hindi pa nakakuha ng atensyon ng kahit sinong indibidwal noon. At ang bulung-bulungan ng bagong presensyang ito, nang kumalat nang pabulong sa paligid, sa wakas ay lumitaw mula sa buong grupo ang isang ugong, o bulong, na nagpapahayag ng hindi pagsang-ayon at pagkagulat — na sa wakas, ng panghihilakbot, ng takot, at ng pagkasuklam.

Sa isang asembliya ng mga pantasya tulad ng aking ipininta, maaaring isiping walang ordinaryong anyo ang makapagpapasigla ng ganitong sensasyon. Sa katunayan, ang lisensyang magbalatkayo ng gabing iyon ay halos walang limitasyon; ngunit ang pigurang pinag-uusapan ay nalampasan si Herodes, at lumampas kahit sa hangganan ng walang katiyakang kagandahang-asal ng prinsipe. May mga tali sa puso ng pinakapabaya na hindi maaantig nang walang emosyon. Kahit na sa mga lubos na naliligaw, na ang buhay at kamatayan ay tila ba biro, may mga bagay na hindi maaaring gawing biro. Ang buong pangkat, sa katunayan, ay tila ngayon ay lubos na nararamdaman na sa kasuotan at tindig ng estranghero nang walang katalinuhan o kagandahang-asal ang umiiral. Ang pigura'y mataas at payat, at nababalot mula ulo hanggang paa ng mga damit ng libingan. Ang maskarang nagtatago ng mukha ay ginawang halos kahawig ng mukha ng isang naninigas na bangkay kaya ang masusing pagsusuri ay tiyak na nahirapan sa pagtuklas ng manlilinlang. Gayunpaman, ang lahat ng ito'y maaaring tiisin, kung hindi man maaprubahan, ng mga baliw na nagsasaya sa paligid. Ngunit ang payaso'y umabot pa sa puntong ginagaya ang tipo ng Pulang Kamatayan. Ang kanyang damit ay puno ng dugo — at nabahiran ng matingkad na takot ang kanyang malapad na noo, kasama ang kanyang buong mukha.

Nang ang mga mata ni Prinsipe Prospero ay dumako sa mala-multong imaheng ito (na, sa isang mabagal at taimtim na paggalaw, na parang mas lubos na sumusuporta sa kanyang papel, ay paroo't parito sa mga mananayaw ng waltz) nakita siyang nangangatal, sa unang saglit na may matinding pangangatal alinman sa takot o pagkasuklam; ngunit, sa sumunod na saglit, namumula siya sa galit.

Lunes, Hulyo 20, 2026

Ang Maskara ng Pulang Kamatayan, ni Edgar Allan Poe - Bahagi 2

Sa silid ding ito sa tapat ng kanlurang dingding nakatayo ang isang napakalaking orasang gawa sa itim na kahoy. Ang pendulo nito'y umuugoy pabalik-balik na may mahina, mabigat, at nakakabagot na tunog; at nang umikot ang minuto sa mukha, at malapit nang itakda ang oras, nagmula sa tansong baga ng orasan ang isang tunog na malinaw, malakas, malalim, at labis na musikal, ngunit may kakaibang nota at diin na, sa bawat paglipas ng isang oras, ang mga musikero ng orkestra ay napilitang huminto saglit sa kanilang pagtatanghal, upang makinig sa tunog; at sa gayon ay pilit na itinigil ng mga mananayaw ng waltz ang kanilang ebolusyon; at nagkaroon ng maikling kaguluhan sa masasayang pangkat; at, habang tumutunog pa ang mga kampana ng orasan, napansing ang mga nahihilo ay namumutla, at ang mga mas matanda at tahimik ay nagdarampi ng kanilang kamay sa kanilang noong parang nasa nalilitong pagmumuni-muni o pagninilay. Subalit nang tuluyang tumigil ang mga alingawngaw, isang mahinang tawanan ang agad kumalat sa pagtitipon; nagtinginan ang mga musikero at napangiti na lang kahit dama ang sariling kaba at kahangalan, at bumulong-bulong ng panata, sa bawat isa, na ang susunod na pagtunog ng orasan ay hindi magdudulot ng katulad na emosyon sa kanila; at matapos ang animnapung minuto, (na sumasaklaw sa tatlong libo at animnaraang segundo ng lumilipad na Oras,) ay may isa pang pagtunog ng orasan, at pagkatapos ay nagkaroon ng parehong kaguluhan at panginginig at pagninilay tulad ng dati.

Bagamat sa kabila ng mga iyon, ito'y isang masaya at kahanga-hangang pagsasaya. Kakaiba ang panlasa ng duke. Mayroon siyang mahusay na mata para sa mga kulay at epekto. Hindi niya pinansin ang dekorasyon ng simpleng moda. Ang mga plano niya'y matatapang at nag-aalab, at ang mga konsepto niya'y nagniningning sa barbarong kinang. May ilang mag-iisip na baliw siya. Nadama ng kanyang mga tagasunod na hindi siya baliw. Kinakailangang marinig, makita, at mahawakan siya upang matiyak na hindi siya baliw.

Siya ang nag-utos, sa malaking bahagi, ng mga nagagalaw na palamuti ng pitong silid, sa okasyon ng dakilang pagdiriwang na ito; at ang sarili niyang panlasa ang nagbigay ng karakter sa mga mapagbalatkayo. Tiyaking sila'y katawa-tawa. Maraming silaw, kinang, at kakaibang lasa, at pantasya — karamihan sa mga nakita na sa "Hernani". May mga pigurang arabeskong may hindi angkop na paa at ayos. May mga nahihibang na pantasya tulad ng moda ng baliw. Maraming naggagandahan, maraming walang habas, maraming kakaiba, bagay na kakila-kilabot, at hindi kaunti ang maaaring pumukaw ng pagkasuklam. Sa katunayan, sa pagpabalik-balik sa pitong silid ay may napakaraming nasusundang panaginip. At ang mga panaginip na ito'y namimilipit sa loob at paligid na kumukuha ng hibla sa mga silid, at nagiging sanhi ng magulong musika ng orkestrang tila alingawngaw ng kanilang mga hakbang. At, biglaan, tumunog ang itim na orasang nakalagay sa bulwagan ng pelus. At pagkatapos, sa ilang saglit, lahat ay nanatili, at lahat na'y tumahimik maliban sa tinig ng orasan. Naninigas ang mga panaginip habang nakatindig. Subalit naglaho ang alingawngaw ng tugtog — saglit lamang ang mga iyon — at isang magaan, bahagyang payapang tawanan ang sumunod sa kanila habang sila'y paalis. At ngayon ay muling lumalakas ang musika, at ang mga panaginip ay nabubuhay, at pumipihit nang mas masaya kaysa dati, kumukuha ng hibla mula sa maraming makulay na bintana kung saan dumadaloy ang mga sinag mula sa mga tungko. Ngunit sa silid na nasa pinakakanluran ng pito, wala nang mga nakamaskarang nangangahas; sapagkat ang karimlan ay pawala na; at may dumadaloy na mas matingkad na kulay dugong liwanag sa mga salamin; at ang kadiliman ng mga telang pusikit ay sumisilip; at sa kanyang ang paa ay nahuhulog sa itim na karpet, ay nagmumula sa malapit na orasan ng itim na kahoy ang isang mahinang tunog na mas taimtim at mas mariin kaysa anumang nakakarating sa kanilang mga tainga na nagpapakasasa sa mas liblib na mga kasiyahan ng ibang silid.

Linggo, Hulyo 19, 2026

Ang Maskara ng Pulang Kamatayan, ni Edgar Allan Poe - Bahagi 1

Ang Maskara ng Pulang Kamatayan
ni Edgar Allan Poe

Matagal nang winasak ng "Pulang Kamatayan" ang bansa. Walang salot na naging ganito kalaki ang nakamamatay, o kakila-kilabot. Dugo ang Avatar nito at tatak — ang pamumula at ang kakila-kilabot ng dugo. May mga matitinding kirot, at biglaang pagkahilo, at pagkatapos ay matinding pagdurugo sa mga butas ng balat, na may kasamang pagkatunaw. Ang mga pulang mantsa sa katawan at lalo na sa mukha ng biktima, ang nagbabawal sa kanya sa tulong at pakikiramay ng kanyang kapwa. At ang buong panlulupig, paglala at pagtatapos ng sakit, ay naganap sa loob lang ng kalahating oras.

Ngunit masaya si Prinsipe Prospero, walang takot, at matalino. Nang ang kanyang mga nasasakupan ay halos wala nang tao, tinawag niya sa kanyang harapan ang isang libong matatalino at masayang kaibigan mula sa mga kabalyero at mga dama ng kanyang korte, at kasama ang mga ito ay nanahan sa isa sa kanyang kumbento sa kastilyo. Isa iyong malawak at kahanga-hangang istraktura, na nilikha ng prinsipe mula sa sarili niyang kakaiba ngunit marangal na panlasa. Isang matibay at mataas na dingding ang bumabalot dito. Ang dingding na ito'y may mga pintuang bakal. Ang mga alalay, pagpasok, ay nagdala ng mga hurno at maso at hinihinang ang mga turnilyo. Nagpasya silang huwag mag-iwan ng mga bakas ng pagpasok o paglabas para sa mga biglaang udyok ng kawalang pag-asa o ng pagkabaliw mula sa loob. Sapat ang mga kagamitan sa kumbento. Sa ganitong mga pag-iingat, maaaring labanan ng mga alalay ang pagkahawa. Maaaring pangalagaan ng panlabas na mundo ang sarili nito. Samantala, kahangalan ang magdalamhati, o mag-isip. Inilaan ng prinsipe ang lahat ng kagamitan ng kasiyahan. May mga bugok, may mga biglaang nilikha, may mga mananayaw, may mga musikero, may Kagandahan, may alak. Lahat ng ito at ang seguridad ay nasa loob. Sa labas ay ang "Pulang Kamatayan".

Malapit na sa pagtatapos ng ikalimang o ikaanim na buwan ng kanyang pag-iisa, at habang ang salot ay nagngangalit nang napakalakas, inaliw ni Prinsipe Prospero ang kanyang libu-libong kaibigan sa isang maskaradong sayawan nang may pinaka-hindi pangkaraniwang kariktan.

Isang karangyaan ang tanawing iyon, isang pagbabalatkayo. Ngunit hayaan mo muna akong magkwento tungkol sa mga silid kung saan ito ginanap. Pito iyon — isang imperyal ng mga tagapaglingkod. Gayunpaman, sa maraming palasyo, ang mga ganitong istruktira'y binubuo ng mahahaba at tuwid na tanawin, habang ang mga natitiklop na pinto ay halos dumudulas pabalik sa mga dingding sa magkabilang panig, kaya't ang tanawin ng buong lawak ay halos hindi nahahadlangan. Dito, ibang-iba ang kalagayan, gaya ng inaasahan mula sa pagmamahal ng duke sa kakaiba. Ang mga apartment ay napaka-hindi pantay ang pagkakaayos kaya't ang pangitain ay sumasaklaw lamang ng higit sa isa sa bawat pagkakataon. Mayroong isang matalim na pagliko sa bawat dalawampu o tatlumpung yarda, at sa bawat pagliko ay may kakaibang epekto. Sa kanan at kaliwa, sa gitna ng bawat dingding, isang matangkad at makitid na bintanang Gothic ang nakatanaw sa isang saradong pasilyong humahabol sa mga paikot-ikot na bahagi ng istruktura. Ang mga bintanang ito ay gawa sa makukulay na salamin na ang kulay ay iba-iba alinsunod sa nangingibabaw na kulay ng mga dekorasyon ng silid kung saan ito bumubukas. Na sa dulong silangan ay nakasabit, halimbawa sa bughaw —at matingkad na bughaw ang mga bintana nito. Ang pangalawang silid ay kulay lila sa mga palamuti at tapiserya nito, at dito ay lila ang mga salamin. Ang ikatlo ay kulay luntian sa kabuuan, gayundin ang mga bintana. Ang ikaapat ay may mga muwebles at ilaw na kulay kahel — ang ikalima ay puti — ang ikaanim ay biyoleta. Ang ikapitong silid ay nababalutan ng mga itim na tapiseryang pelus na nakasabit sa buong kisame at pababa sa mga dingding, na nahuhulog nang mabibigat sa ibabaw ng isang karpet na gawa sa parehong materyal at kulay. Ngunit sa silid na ito lamang, ang kulay ng mga bintana ay hindi tumutugma sa mga dekorasyon. Ang mga bintana rito'y iskarlata — isang matingkad na kulay ng dugo. Ngayon, wala sa alinman sa pitong silid ang mayroong anumang lampara o kandelabro, sa gitna ng masaganang ginintuang palamuting nakakalat papunta at pabalik o nakasalalay sa bubong. Walang anumang uri ng liwanag na nagmumula sa lampara o kandila sa loob ng istruktura ng mga silid. Ngunit sa mga pasilyo na sumusunod sa istruktura, nakatayo, sa tapat ng bawat bintana, ang isang mabigat na tungko, na may dalang nagbabagang apoy, na nagpapalabas ng mga sinag nito sa makulay na salamin at sa gayon ay maliwanag na nagpapaningning sa silid. At sa gayon ay nabuo ang maraming magarbo at kamangha-manghang anyo. Ngunit sa kanluran o itim na silid, kaytindi ng epekto ng liwanag ng apoy na tumatagos sa madilim na mga tabing sa mga salaming kulay dugo, at nagdulot ng matinding kakila-kilabot na tanawin sa mukha ng mga pumapasok, kaya't kakaunti sa grupo ang may sapat na lakas ng loob na tumuntong sa loob ng mga bakuran nito.

Ang Makata at ang Magsasaka, ni O. Henry - Bahagi 4

"Sige lang, Tanda," bulong niya, nang may panunumbat. "Marahil ay kulungan ng surot ang Sentrong Tanggapan upang palabasin kang mukhang gago. Hindi ka makakalapit nang dalawang bloke sa isang larong walang kwenta sa bangketa habang nakasuot ng mga palamuti ni Tony Pastor. Dahil kay Ginoong Scotty mula sa Death Valley, nalampasan mo ang isang bloke sa kabilang bayan dahil sa mga tanawin at mekanikal na kagamitan noong panahon ni Elizabeth. Hayaan mo na lang na maging tagatakbo mo. Hindi, wala akong alam na ginintuang bulwagan kung saan maaaring itaya ang isang sasakyan ng pulis sa alas."

Muling tinanggihan ng malaking lungsod na napakabilis makatuklas ng mga artipisyal na bagay, umupo si Haylocks sa gilid ng kalsada at inilahad ang kanyang saloobin upang magdaos ng isang pulong.

"Damit ko 'yan," sabi niya; "nakakainis kung hindi. Iniisip nilang isa akong damong ligaw at wala silang pakialam sa akin. Walang sinumang nanlait sa sambalilong ito sa Ulster County. Marahil kung nais mong mapansin ka ng mga tao sa Nuweba York, dapat kang magbihis tulad nila."

Kaya't namili si Haylocks sa mga palengke kung saan ang mga tao'y nagsasalita sa kanilang ilong at nagkukuskos ng kanilang kamay at tuwang-tuwa na pinadaan ang panukat sa ibabaw ng umbok ng kanyang bulsa kung saan naroon ang isang pulang butil ng mais na may pantay na bilang ng hanay. At ang mga mensaherong may dalang parsela at kahon ay dumagsa patungo sa kanyang hotel sa Broadway sa loob ng mga ilaw ng Long Acre.

Ikasiyam ng gabi, may bumaba sa bangketa na malamang ay ipagtatanggol ng Ulster County. Matingkad na kayumanggi ang kanyang sapatos; ang kanyang sumbrero ang pinakahuli. Ang kanyang mapusyaw na abuhing pantalon ay lukot na lukot; isang matingkad na bughaw na panyong sutla ang lumabas mula sa bulsa ng dibdib ng kanyang eleganteng palakad na amerikana. Ang kwelyo niya'y maaaring naipatong sa bintana ng labahan; ang kanyang ginintuang buhok ay halos gupitin; ang kaunting uban ay nawala.

Sa isang iglap, nakatindig siya, maringal, na may maginhawang simoy ng isang mayamang nilalang na nililikha sa kanyang isipan ang ruta ng kanyang mga panggabing kasiyahan. At pagkatapos ay lumiko siya sa masaya at maliwanag na kalsadang madali at kaaya-ayang paglalakad ng isang milyonaryo.

Ngunit nang ipinakita niya ang pinakamatalino at pinakamatatalas na mata sa lungsod ay binalutan iya ng kanilang mga sulyap. Isang matipunong lalaking may abuhing mata ang lumapit sa dalawa niyang kaibigan habang tinataas ang kanyang mga kilay mula sa hanay ng mga upuan sa harap ng hotel.

"Ang pinakamasarap na mangmang na nakita ko sa loob ng anim na buwan," sabi ng lalaking may abuhing mata. "Halika."

Alas-onse y medya na nang isang lalaki ang tumakbo papasok sa istasyon ng pulisya sa West Forty-seventh Street dala ang daing ng kanyang mga pagkakamali.

"Siyam na raan at limampung dolyar," hingal niyang sabi, "lahat ng aking bahagi sa bukid ng lola."

Pinag-utos sa kanya ng sarhento sa mesa ang pangalang Jabez Bulltongue, ng bukid sa Locust Valley, Ulster County, at pagkatapos ay inilarawan ang mga matitipunong lalaki.

Nang makipagkita si Conant sa patnugot tungkol sa kapalaran ng kanyang tula, tinanggap siya ng kawani ng opisina sa loob ng tanggapang pinapalamutian ng mga estatwa nina Rodin at J. G. Brown.

"Nang mabasa ko ang unang linya ng 'Ang Usa at ang Batis,'" sabi ng patnugot, "alam kong gawa ito ng isang taong ang buhay ay puno ng pagmamahal sa Kalikasan. Hindi ako nabulag sa katotohanan ng sining ng taludtod na iyon. Sa paggamit ng medyo pantahanang paghahambing, animo'y isang ligaw at malayang bata ng kagubatan at kabukiran ang magsusuot ng usong damit at maglalakad sa Broadway. Sa ilalim ng damit na ipapakita ng lalaki."

"Salamat," sabi ni Conant. "Sa palagay ko ay magiging bilog ang tseke sa Huwebes, gaya ng dati."

Ang mga aral ng kuwentong ito ay medyo naghalo-halo. Maaari kang pumili ng "Manatili sa Bukid" o "Huwag Sumulat ng Tula."

Sabado, Hulyo 18, 2026

Ang Makata at ang Magsasaka, ni O. Henry - Bahagi 3

Kinuha ni "Bunco Harry" ang bungkos ng salapia at tiningnan ito nang may halos paggalang sa kanyang nakangiting mata.

"Nakakita na ako ng mas malala pa," aniyang nagsusuri. "Subalit hindi mo ito magagawa nang nakasuot ang mga damit na iyon. Nais mong bumili ng sapatos na kulay kayumanggi at itim na baro at sambalilong may makulay na paha, at magkwento nang marami tungkol sa Pittsburg at mga freight differential, at uminom ng alak para sa almusal upang maalis ang mga dispalinghadong bagay na tulad niyan."

"Anong linya niya?" tanong ng dalawa o tatlong lalaking may mapanlinlang na mata ni "Bunco Harry" matapos tipunin ni Haylocks ang kanyang pinagtatalunang salapi at umalis.

"Ang kakaiba, marahil," ani Harry. "O kaya, isa siya sa mga tauhan ni Jerome. O isang taong may bagong pangunguwarta. Masyado siyang maraming uban. Marahil ang kanyang - iniisip ko ngayon - naku, hindi, hindi iyon maaaring totoong salapi."

Nagpatuloy si Haylocks sa paglalakad. Malamang ay nauhaw na naman siya, dahil sumisid siya sa isang madilim na tindahan sa isang gilid ng kalye at bumili ng serbesa. Sa unang tingin pa lang nila sa kanya, nagliwanag ang kanilang mga mata; ngunit nang lumitaw ang kanyang mapilit at labis na pagiging payak, napalitan ng pagdududa ang kanilang mukha.

Inihagis ni Haylocks ang kanyang maleta sa barikan.

"Pakiingatan munang sandali iyan, ginoo," aniya, habang ngumunguya sa dulo ng isang matapang na tabako. "Babalik ako pagkatapos kong matanggal ang gayuman. At pakibantayan mo ito, dahil may $950 sa loob nito, bagamat marahil balewalain mokaya tingnan mo ako."

Sa labas, may ponograpong tumutugtog ng isang piyesa, at agad na sinundan ito ni Haylocks, ang kanyang mga butones sa likod ay lumalaylay sa gitna ng kanyang likuran.

"Sama kami, Mike," sabi ng mga lalaking nakatambay sa barikan, sabay kindat sa isa't isa.

"Sa totoo lang, ngayon," sabi ng tagapagsilbi ng alak, habang sinisipa ang maleta sa isang gilid. "Sa tingin mo ba mahuhumaling ako riyan, 'ano? Kahit sinong makakita, batid niyang di siya mangmang. Isa siya marahil sa mga kapangkat ni McAdoo. Magaling siya kung magpanggap lang siya. Wala nang lugar sa bansa ngayon kung saan ganyan ang pananamit nila dahil libre ang padala nila sa lalawigan papuntang Providence, sa Isla ng Rhode. Kung may $950 siya sa maletang iyon, iyon ay 98 sentimo na Waterbury na humihinto ng 10 minuto bago mag-10."

Nang maubos na ni Haylocks ang mga kagamitan ni Ginoong Edison upang magpatawa, bumalik siya upang kunin ang kanyang maletang. At pagkatapos ay naglakad-lakad siya sa Broadway, sinisipat ang mga tanawin gamit ang kanyang sabik na bughaw na mata. Ngunit gayundin naman, tinanggihan siya ng Broadway nang may maiikling sulyap at ngingisi-ngisi. Siya ang pinakamatanda sa mga "birong" kailangang tiisin ng lungsod. Siya'y sadyang napakahirap unawain, napakapambukid, napaka-eksaherado lampas sa mga pinaka-kakaibang produkto ng bakuran, taniman ng dayami at entablado ng vaudeville, kaya't tanging pagod at hinala ang kanyang napukaw. At ang kaunting uban sa kanyang buhok ay tunay, napakasariwa at simbango ng parang, napakaingay sa lalawigan na kahit ang isang mangunguha ng kabibe ay maglalagay ng kanyang mga gisantes at itutupi ang kanyang mesa pagkakita niyon.

Umupo si Haylocks sa isang hagdang bato at muling hinukay ang kanyang bungkos ng mga dilaw na damit mula sa maleta. Ang pang-itaas, isang dadalawampuin, ay tinanggal niya at sinenyasan ang isang dyarista.

"Anak," sabi niya, "pumunta ka saanmang pook at papalitan mo ito para sa akin. Malapit na akong maubusan ng patuka sa manok. Sa palagay ko ay makakakuha ka ng isang sentimo kung magmadali ka."

Isang masamang tingin ang lumitaw sa dumi sa mukha ng dyarista.

"Naku, ano ka, hilo! Ikaw ang magpapakit ng mga luma mong salapi. Wala silang damit pambukid na tulad ng suot mo. Nais ko ang salapi mo sa entablado."

Sa isang sulok ay pakuya-kuyakoy ang isang matalas ang matang tagautos sa isang pasugalan. Siya si Haylocks, at ang kanyang mukha'y biglang lumamig at luminis.

"Ginoo," sabi ng taganayon. "May narinig akong lugar sa bayang ito kung saan ang isang tao'y maaaring maglaro ng lumang kareta o magsuksok ng baraha sa keno. Mayroon akong $950 sa maletang ito, at bumaba ako mula sa lumang Ulster upang makita ang mga tanawin. Alam mo ba kung saan maaaring kumita ang isang tao ng humigit-kumulang $9 o $10? Maglalaro ako, at pagkatapos ay bibilhin ko ang anumang negosyo."

Mukhang nasaktan ang tagautos, at sinuri ang isang puting batik sa kanyang kaliwang hintuturo.

Biyernes, Hulyo 17, 2026

Ang Makata at ang Magsasaka, ni O. Henry - Bahagi 2

"Masyadong makapal, kaibigan," mapanuring sabi niya - "masyadong makapal nang ilang pulgada. Hindi ko alam kung ano ang latag mo; subalit kaykapal ng mga ari-arian mo. Ang dayami, ngayon - bakit, hindi na nila pinapayagan 'yan sa paligid ni Proctor."

"Hindi kita maunawaan, ginoo," sabi ng nakaluntian. "Hindi ako naghahanap ng kahit anong sirko. Kabababa ko lang galing Ulster County upang tingnan ang bayan, katatapos lang ng anihan. Naku! subalit napakalaki nito. Akala ko ang Poughkeepsie ay isang kalabas; subalit sa bayang ito'y mas Malaki ng limang ulit."

"Ah, sige," sabi ni "Bunco Harry," habang nakataas ang kilay, "hindi ko sinasadyang sumabat. Hindi mo kailangang sabihin. Akala ko dapat kang huminahon nang kaunti, kaya sinubukan kong bigyan ka ng magandang payo. Sana'y magtagumpay ka sa iyong pangunguwalta, kahit ano pa man iyon. Halika at uminom ka, kahit papaano."

"Wala akong pakialam kung uminom pa ako ng isang basongserbesa," anang isa pa.

Pumunta sila sa isang kapeteryang madalas puntahan ng mga lalaking may makinis na mukha at mapang-akit na mga mata, at umupo upang uminom.

"Mabuti na lang at nakita kita, ginoo," sabi ni Haylocks. "Gusto mo bang maglaro ng isa o dalawang seven-up? Nandito na ako sa keerds."

Hinawi niya ang mga ito mula sa maleta ni Noah - isang pambihira at walang kapantay na kubyerta, mamantika dahil sa mga hapunang tusino at marumi dahil sa lupa ng mga mais.

Malakas at maikling tumawa si "Bunco Harry."

"Hindi para sa akin, isport," mariin niyang sabi. "Hindi ako tumututol sa pampaganda mo kahit isang sentimo. Subalit sinasabi ko pa ring sumusobra ka na. Hindi pa ganoon ang pananamit ng mga Reub simula noong '79. Nagdududa ako kung magkakatrabaho ka sa Brooklyn para sa isang relo na may susi na may ganyang disenyo."

"Naku, hindi mo kailangang isiping wala akong salapi," pagyayabang ni Haylocks. Inilabas niya ang isang mahigpit na bungkos ng salaping singlaki ng isang tasa, at inilapag ito sa mesa.

"Nakuha ko iyan mula sa bahagi ko sa bukid ng lola," aniya. "May $950 sa bungkos na iyan. Naisip kong pumunta sa lungsod at maghanap ng posibleng negosyong papasukin."

Huwebes, Hulyo 16, 2026

Ang Makata at ang Magsasaka, ni O. Henry - Bahagi 1

Ang Makata at ang Magsasaka
ni O. Henry

Noong isang araw, isang kaibigan kong makata, na namuhay nang malapit sa kalikasan sa buong buhay niya, ay sumulat ng isang tula at dinala ito sa isang patnugot.

Hinggil iyon sa buhay sa kabukiran, puno ng tunay na hininga ng mga bukid, huni ng mga ibon, at kaaya-ayang lagaslas ng mga umaagos na sapa.

Nang muling tumawag ang makata upang kumustahin iyon, na may pag-asa sa isang hapunang bistek sa kanyang puso, ibinalik iyon sa kanya kasama ang komentong:

"Masyadong artipisyal."

Ilan sa amin ay nagkita-kita habang kumakain ng spaghetti sa Dutchess County chianti, at nilunok ang ngitngit gamit ang madulas na tinidor.

At doon ay naghukay kami ng hukay para sa patnugot. Kasama namin si Conant, isang mahusay na mangangathang isip - isang taong nakatapak na sa aspalto sa buong buhay niya, at hindi pa nakakakita ng mga eksenang bukirin maliban sa mga pakiramdam ng pagkasuklam mula sa mga bintana ng mga mabibilis na tren.

Sumulat si Conant ng isang tula at pinamagatan itong "Ang Usa at ang Batis." Isa itong magandang halimbawa ng uri ng akda na aasahan mo mula sa isang makatang naligaw kasama ang Amarilis hanggang sa mga bintana lamang ng mga nagtitinda ng bulaklak, at ang tanging talakayan tungkol sa pag-aaral ng mga ibon na isinagawa kasama ang isang weyter. Nilagdaan ni Conant ang tulang ito, at ipinadala namin ito sa parehong patnugot.

Ngunit wala itong gaanong kinalaman sa kwento.

Habang binabasa ng patnugot ang unang taludtod ng tula, kinabukasan, isang nilalang ang natisod mula sa isng bangka sa Kanluraning Aplaya, at dahan-dahang tumakbo sa Ikaapatnapu't dalawang Kalsada.

Ang mananakop ay isang binatang may mapusyaw na mga matang bughaw, nakalaylay na labi at buhok na saktong kakulay ng sa maliit na ulila (na kalaunan ay natuklasang anak ng lakan) sa isa sa mga dula ni G. Blaney. Ang kanyang pantalon ay kulduroy, ang kanyang amerikana'y maikli ang manggas, na may mga butones sa gitnang likuran. Isang pekeng damit ang nasa labas ng mga kulduroy. May pag-asam, bagama't walang saysay, ang iyong pagtingin sa kanyang sumbrerong dayami na may butas sa bandang tainga, ang hugis nito'y aakalaing ninakaw mula sa isang dating may-ari ng kabayo. Sa kanyang kamay ay may  maleta - ang paglalarawan nito'y isang imposibleng gawain; ang isang taga-Boston ay hindi magdadala ng kanyang pananghalian at mga aklat sa batas papunta sa kanyang opisina gamit iyon. At sa itaas ng isang tainga, sa kanyang buhok, ay isang piraso ng uban - ang sulat ng kredito ng taganayon, ang kanyang tsapa ng kawalang-kasalanan, ang huling nakakapit na haplos ng Hardin ng Eden na naghihintay upang ipahiya ang mga taong gawa sa gintong ladrilyo.

Nakangiti't batid niyang dinadaan-daanan siya ng mga tao sa lungsod. Nakita nila ang matandang estrangherong nakatayo sa alulod at iniunat ang kanyang leeg sa matataas na gusali. Dahil doon, tumigil sila sa pagngiti, at kahit tingnan siya. Madalas na itong ginagawa. Ilan ang sumulyap sa antigong maleta upang makita kung anong "pang-akit" o tatak ng babol gam ang maaaring humihiyaw sa kanyang alaala. Ngunit halos hindi siya pinansin. Maging ang mga tagapagbalita ay mukhang inip na nang tumakbo siyang parang isang payaso sa daanan ng mga taksi at mga sasakyan sa kalye.

Sa Kalye Pangwalo nakatayo si "Bunco Harry," may tina ang kanyang bigote at magaganda niyang mata'y kumikinang. Napakagaling ni Harry bilang artista upang hindi masaktan sa nakikitang aktor na sumosobra sa kanyang papel. Lumapit siya sa taganayon, na humintong buksan ang bibig sa bintana ng isang tindahan ng alahas, at umiling.

Ang Hunyango, ni Anton Chekhov - Bahagi 3

“Sa Heneral iyan, tiyak iyan!” sabi ng isang boses sa karamihan.

“Aba, tulungan mo akong isuot ang aking amerikana, Yeldyrin, aking binata . . . lumalakas na ang hangin. . . . Nilalamig ako. . . . Dalhin mo ito sa Heneral, at magtanong doon. Sabihin mong natagpuan ko ito at ipinadala. At sabihin mo sa kanilang huwag itong ilabas sa kalsada. . . . Maaaring isa itong mamahaling aso, at kung ang bawat baboy ay lalagyan ng tabako sa bibig nito, masisira na iyon. Maselang hayop ang aso. . . . Ibaba mo nga ang kamay mo, tanga. Walang saysay na ipakita mo ang sugatan mong daliri. Kasalanan mo iyan. . . .”

“Narito na ang kusinero ng Heneral, tanungin mo siya. . . Kumusta, Prohor! Halika rito, katoto ko! Tingnan mo ang asong ito. . . . Sa inyo ba ito?”

“Napakagandang ideya! Hindi pa kami nagkakaroon ng ganyan!”

“Hindi na kailangang mag-aksaya ng oras sa pagtatanong,” sabi ni Otchumyelov. “Asong gala iyan! Ayokong mag-aksaya ng oras sa pag-uusap tungkol diyan. . . . Dahil sinabi niyang asong gala iyan, asong gala talaga iyan. . . . Dapat iyang katayin, iyon lang.

“Hindi namin aso iyan,” patuloy ni Prohor. “Pag-aari iyan ng kapatid ng Heneral, na dumating noong isang araw. Walang pakialam ang ating panginoon sa mga asong ganyan. Subalit natutuwa si sir sa kanila. . . .”

“Hindi mo sinasabing nandito ang kapatid ng kanyang Kamahalan? Si Vladimir Ivanitch?” tanong ni Otchumyelov, at ang kanyang buong mukha ay lumiwanag nang may masayang ngiti. “Aba'y hindi ko...! At hindi ko alam! Dumalaw ba siya?

“Opo.”

“Aba'y hindi ko...! Hindi niya kayang lumayo sa kanyang kapatid… At doon hindi ko batid! Kaya ito ang aso ni sir? Natuwa akong marinig ito… Kunin mo. Hindi ito masamang tuta… Isang masiglang nilalang… Pinitik ang daliri ng kasamahan! Ha-ha-ha… Teka, bakit ka nangangatal? Rrrr… Rrrr… Galit na ang tampalasan… nakakatuwang tutang maliit.”

Tinawag ni Prohor ang aso, at naglakad palayo sa bakuran ng tableriya kasama niya. Pinagtawanan ng mga tao si Hryukin.

“Gagawin kitang matalino!” Banta ni Otchumyelov sa kanya, at binalot ang sarili sa kanyang gaban, at nagpatuloy sa pagtawid sa plasa.

Ang Hunyango, ni Anton Chekhov - Bahagi 2

“Tungkol saan ba ang lahat ng ito?” tanong ni Otchumyelov, habang isinisiksik ang sarili sa gitna ng karamihan. “Para saan at narito kayo? Bakit ninyo iwinawagwag ang inyong daliri . . . ? Kanino iyon isinigaw?”

“Naglalakad ako rito, hindi nakikialam sa kahit sino, sir,” panimula ni Hryukin, habang umuubo sa kanyang kamao. “Kinausap ko si Mitry Mitritch tungkol sa panggatong, nang ang mababang hayop na ito'y kamuka-muka'y kinagat ang aking daliri. . . . Paumanhin po, ako'y isang manggagawa. . . . Maayos ang aking trabaho. Marahil ay may mga danyos ako, dahil hindi ko magagamit ang daliring ito sa loob ng isang linggo, marahil. . . . kahit na nga batas, sir, ay dapat tiisin dahil sa isang halimaw. . . . Kung lahat ay kakagatin, walang saysay ang mabuhay. . . .”

“Hmm. Magaling,” matigas na sabi ni Otchumyelov, habang nakataas ang kilay na umuubo. “Napakagaling. Kaninong aso ito? Hindi ko palalampasin ito! Tuturuan ko silang hayaan ang mga aso nilang tumakbo kung saan-saan! Panahon na upang tingnan ang mga edukadong ito, kung hindi sila susunod sa mga regulasyon! Kapag siya ay pinagmulta, ang abusado, tuturuan ko siya kung anong ibig sabihin ng pag-aalaga ng aso at galang baka! Bibigyan ko siya ng leksyon! . . . Yeldyrin,” sigaw ng superintendente, habang kinakausap ang pulis, “alamin kung kaninong aso ito at gumawa ng ulat! At ang aso'y dapat sakalin. Agad! Tiyak na magagalit ito. . . . Kaninong aso ito, tanong ko?”

“Sa tingin ko ay kay Heneral Zhigalov ito,” sabi ng isang tao sa pulutong.

“Kay Heneral Zhigalov, hmm… Tulungan mo akong tanggalin ang amerikana ko, Yeldyrin… napakainit! Baka senyales ito ng ulan… May isang bagay akong hindi maunawaan, kung paano ka nito kinagat?” Humarap si Otchumyelov kay Hryukin. “Siguradong hindi nito maabot ang daliri mo. Isa itong maliit na aso, at napakalaki mong tao! Siguro kinamot mo ang daliri mo gamit ang pako, at naisip mong humingi ng danyos para dito. Alam nating lahat… ang tipo mo! Alam kong mga demonyo kayo!”

“Nilagyan niya ng sigarilyo ang mukha ng babae, sir, upang magbiro, at nagkaroon ito ng pagkakataong sampalin siya… Isa siyang walang kwentang tao, sir!”

“Kasinungalingan iyan, Squinteye! Hindi mo nakita, kaya bakit ka magsisinungaling tungkol diyan? Ang kanyang karangalan ay isang matalinong ginoo, at makikita niya kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng totoo, gaya ng pagtingin ng Bathala. . . . At kung ako ay nagsisinungaling, hayaan ang korte ang magdesisyon. Nakasulat ito sa batas. . . . Pantay-pantay tayong lahat ngayon. Ang sarili kong kapatid ay nasa kapulisan . . . hayaan mong sabihin ko sa iyo. . . .”

“Huwag kang makipagtalo!”

“Hindi, hindi iyan aso ng Heneral,” sabi ng pulis, nang may malalim na paniniwala, “walang ganoong aso ang Heneral. Karamihan sa kanya ay mga setter.”

“Alam mo ba talaga iyan?”

“Opo, sir.”

“Alam ko rin iyan. Ang Heneral ay may mahahalagang aso, purong lahi, at ito ay alam na alam! Walang balahibo, walang hugis. . . . Isang mababang nilalang. At ang mag-alaga ng asong ganyan! . . . nasaan ang saysay nito. Kung ang isang asong ganyan ay lumitaw sa Petersburg o sa Moscow, alam mo ba kung ano ang mangyayari? Hindi sila mag-aalala tungkol sa batas, sasakalin nila iyon sa isang kisapmata! Nasugatan ka, Hryukin, at hindi natin maaaring pabayaan ang bagay na ito. . . . Dapat natin silang bigyan ng leksyon! Panahon na . . . . !”

“Ngunit marahil ito ay sa Heneral,” sabi ng pulis, habang nag-iisip nang malakas. “Wala itong nakasulat sa mukha nito. . . . Nakakita ako ng isang na katulad nito noong isang araw sa kanyang bakuran.”

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

Ang Hunyango, ni Anton Chekhov - Bahagi 1

ANG HUNYANGO
ni Anton Chekhov

Naglalakad sa liwasan sa palengke si Otchumyelov, ang superintendente ng pulisya, suot ang isang bagong gaban at yakap ang isang pakete. Isang pulis na may pulang buhok ang humahabol sa kanya, tangan ang isang bistayang puno ng mga nakumpiskang aratiles sa kanyang mga kamay. Tahimik ang paligid. Walang sinuman sa liwasan.... Ang mga bukas na pinto ng mga tindahan at taberna ay nakatanaw sa daigdig ng Bathala nang may kalungkutan, parang mga gutom na bibig; wala ni isang pulubi malapit sa kanila.

“Kaya nangangagat ka, ikaw na isinumpang hayop?” biglang narinig ni Otchumyelov. “Mga binata, huwag ninyo siyang bitawan! Bawal ang mangagat ngayon! Hawakan ninyo siya! ah . . . ah!” May narinig na ungol ng aso. Tumingin si Otchumyelov sa direksyon ng tunog at nakita ang isang aso, patalon-talon gamit ang tatlong paa at lumilingon sa paligid, tumatakbo palabas ng tableriya ni Pitchugin. Isang lalaking nakasuot ng inarmirol na damit, na walang butones ang kanyang tsaleko, ang humahabol sa kanya. Hinabol siya nito, at sa pagtalsik ng kanyang katawan paharap ay natumba at hinawakan ang aso sa mga binti nito sa likuran. Muli ay may narinig na ungol at sigaw na "Huwag mong bitawan!" Naglabasan sa tindahan ang mga mukhang puyat, at di nagtagal ay isang pulutong, na tila nagmula sa lupa, ang nagtipon sa paligid ng bakuran ng tableriya.

"Mukhang may away, sir..." sabi ng pulis.

Lumingon si Otchumyelov nang bahagya sa kaliwa at humakbang patungo sa karamihan.

Nakita niya ang nabanggit na lalaking nakasuot ng tsaleko, nakatayo malapit sa tarangkahan ng tableriya, nakataas ang kanang kamay at ipinapakita ang dumudugong daliri sa karamihan. Sa kanyang halos lasing na mukha, malinaw na nakasulat: "Babayaran kita, gago ka!" at sa katunayan ang mismong daliri ay may hitsura ng isang bandila ng tagumpay. Sa lalaking ito, naalala ni Otchumyelov si Hryukin, ang panday-ginto. Isang puting tutang Borzoy na may matalas na nguso at dilaw na tagpi sa kanyang likod ang salaring nagdulot ng kaguluhan, tutang nakaupo sa lupa, nakaunat ang mga paa sa gitna ng karamihan, nangangatal ang buong katawan. May pahiwatig ng paghihirap at takot sa kanyang mga matang lumuluha.

* gaban - makapal at mahabang kasuotang panlabas na isinusuot sa ibabaw ng damit at ginagamit kung taglamig; mula sa Diksiyonaryong Adarna, p.251

Ang Marka sa Dingding, ni Virginia Woolf - Bahagi 7

Tunay nga, ngayong natitigan ko na iyon, pakiramdam ko'y nakahawak ako sa isang kahoy na babad sa dagat; nadama ko'y kalugod-lugod na pakiramdam ng reyalidad na agad na nagpapabalik sa dalawang Arsobispo at sa Kataas-Taasang Panginoong Tsanselor sa mga anino ng mga lilim. Narito ang bagay na tiyak, bagay na totoo. Kaya, pagkagising isang hatinggabi ng kakila-kilabot napanaginip, may agad na nagbukas ng ilaw at humiga nang tahimik, sinasamba ang aparador, sinasamba ang katatagan, sinasamba ang reyalidad, sinasamba ang impersonal na daigdig na patunay ng ilan pang bagay na umiiral maliban sa atin. Iyan ang nais mong matiyak…. Ang kahoy ay kaaya-ayang bagay kung iisipin. Iyon ay nagmula sa  puno; at ang mga puno ay lumalaki, at hindi natin alam kung paano sila lumalaki. Sa loob ng maraming taon, lumalaki sila, nang hindi tayo pinapansin, sa kaparangan, sa kagubatan, at sa tabing ilog — lahat ng bagay na gustong isipin ng isang tao. Inihahampas ng baka sa ilalim nila ang kanilang buntot pag mainit na hapon; pinipinturahan nila ang ilog na napakalunti na kapag sumisid ang isang itik, inaasahan mong makita ang mga balahibo nitong pawang luntian kapag ito'y muling umahon. Nais kong isipin ang mga isdang nakabalanse sa agos na parang mga bandilang hinuhubaran; at ng mga salagubang-tubig na dahan-dahang nagbubuga ng mga simboryo ng putik sa ibabaw ng ilog. Nais kong isipin ang puno mismo: una ang halos tuyong pakiramdam ng pagiging kahoy; pagkatapos ang paggiling ng bagyo; pagkatapos ang mabagal at masarap na pag-agos ng dagta. Nais ko rin itong isipin, sa mga gabi ng taglamig na nakatayo sa bakanteng kaparangan na ang lahat ng mga dahon ay magkakadikit, walang malambot na nakalantad sa mga balang bakal ng buwan, ang hubad na masta sa isang lupang gumuguho't gumuguho, buong gabi. Ang huni ng mga ibon ay tiyak na napakalakas at kakaiba sa Hunyo; at gaano kalamig ang nararamdaman ng mga paa ng mga kulisap dito, habang sila'y gumagawa ng masipag na pag-akyat sa mga tupi ng balakbak ng puno, o sumisikat sa manipis na luntiang sibi ng mga dahon, at tumingin nang diretso sa harap nila na may mga pulang matang parang diyamante ang hiwa.... Isa-isang napuputol ang mga hibla sa matinding lamig ng lupa, pagkatapos ay dumating ang huling bagyo at, nagsibagsakan, ang pinakamataas na mga sanga ay muling tumutusok nang malalim sa lupa. Gayunpaman, ang buhay ay hindi pa tapos; mayroong isang milyong matiyaga at mapagmasid na buhay para sa isang puno, sa buong daigdig, sa mga silid-tulugan, sa mga barko, sa bangketa, sa mga silid-tulugan, kung saan ang mga lalaki at babae ay nakaupo pagkatapos mag-tsaa, naninigarilyo. Puno iyon ng mapayapang kaisipan, masasayang kaisipan, ang punong ito. Nais kong kunin ang bawat isa nang hiwalay — subalit may humahadlang…. Nasaan ako? Tungkol saan ang lahat ng iyon? Isang puno? Isang ilog? Ang Downs? Ang Almanak ni Whitaker? Ang mga bukid ng asphodel? Wala akong maalala. Lahat ay gumagalaw, nahuhulog, nadudulas, nawawala…. May malawak na kaguluhan ng materya. May nakatayo sa aking tabi at nagsasabing—

“Lalabas ako upang bumili ng diyaryo.”

“Sige?”

“Kahit na hindi magandang bumili ng diyaryo…. Walang nangyayari. Sumpain ang digmaang ito; Diyos ko, sumpain ang digmaang ito!… Gayunpaman, hindi ko maunawaan kung bakit dapat tayong magkaroon ng kuhol sa ating dingding.”

Ah, ang marka sa dingding! Isa iyong kuhol.

Martes, Hulyo 14, 2026

Ang Marka sa Dingding, ni Virginia Woolf - Bahagi 6

Hindi, hindi, walang napapatunayan, walang nalaman. At kung babangon ako ngayon at titiyaking ang marka sa dingding ay talagang — ano ang sasabihin natin? — ulo ng isang luma't napakalaking pako, na itinusok dalawang daang taon na ang nakararaan, na ngayon, dahil sa matiyagang paglisan ng maraming henerasyon ng mga kasambahay, ay nagpakita ng ulo nito sa ibabaw ng pintura, at unang nasisilayan ang modernong buhay pagkakita sa puting pader na naliliwanagan ng apoy, ano ang aking mahihita? — Kaalaman? Kailangan pa ba ng haka-haka? Nakakapag-isip pa ako kahit nakaupo o nakatayo. At ano ang kaalaman? Ano ang ating mga marurunong na tao maliban sa mga inapo ng mga mangkukulam at ermitanyong nakayuko sa mga kuweba at sa kakahuyan, nagtitimpla ng mga halamang gamot, nagtatanong sa mga daga at nagsusulat ng wika ng mga bituin? At habang nababawasan ang ating paggalang sa mga ito habang nababawasan ang ating mga pamahiin at tumataas ang ating paggalang sa kagandahan at kalusugan ng isip…. Oo, maiisip ninuman ang isang napakagandang daigdig. Isang tahimik at maluwang na daigdig, na may mga bulaklak na napakapula at bughaw sa lantad na parang. Isang daigdig na walang mga guro, espesyalista, o kasambahay na parang mga pulis, isang daigdig na kayang hiwain gamit ang isip kung paanong hinihiwa ng isda ang tubig gamit ang kanyang palikpik, kumakain ng mga tangkay ng mga liryo sa tubig, na nakasabit sa pugad ng mga puting itlog ng dagat…. Kaypayapa rito sa ibaba, nakaugat sa gitna ng daigdig at nakatingala sa kulay abong tubig, kasama ang kanilang biglaang kislap ng liwanag, at ang kanilang mga repleksyon — kung hindi dahil sa Almanak ni Whitaker — kung hindi dahil sa Talaan ng mga Karapatang-ari!

Kailangan kong tumalon at tingnan mismo kung ano talaga ang markang iyon sa dingding — isang pako, isang dahon ng rosas, isang bitak sa kahoy?

Narito muli ang kalikasan sa kanyang lumang laro ng pangangalaga sa sarili. Ang sunod-sund na pag-iisip na ito, napagtanto niya, ay nagbabanta lamang ng pag-aaksaya ng enerhiya, kahit na ilan pang banggaan sa reyalidad, sapagkat sino pa ang makakapag-angat ng daliri laban sa Talahanayan ng Kataas-taasang Kagalingan ni Whitaker? Ang Arsobispo ng Canterbury ay sinusundan ng Kataaas-Taasang Panginoong Tsanselor; ang Kataaas-Taasang Panginoong Tsanselor ay sinusundan ng Arsobispo ng York. Lahat ay may sinusunod, ganoon ang pilosopiya ni Whitaker; at ang dakila ay ang malaman kung sino ang sumusunod kanino. Alam ni Whitaker, at hayaan mong gayon, ayon sa payo ng Kalikasan, ang umaliw sa iyo, sa halip na galitin ka; at kung hindi ka maaliw, kung kailangan mong basagin ang oras na ito ng kapayapaan, isipin ang marka sa dingding.

Nauunawaan ko ang laro ng Kalikasan — ang kanyang pag-uudyok na kumilos bilang paraan ng pagwakas ng anumang kaisipang nagbabanta sa pagpukaw o sakit. Kaya naman, sa palagay ko, ay nagmumula ang ating bahagyang paghamak sa mga taong kumikilos — mga taong, ipinapalagay nating, hindi nag-iisip. Gayunpaman, walang masama sa pagtigil nang lubusan sa iyong mga hindi kanais-nais na kaisipan sa pamamagitan ng pagtingin sa isang marka sa dingding.

Lunes, Hulyo 13, 2026

Ang Marka sa Dingding, ni Virginia Woolf - Bahagi 5

Sa ilang liwanag na tumatama sa dingding, tila lumalabas ito mula sa dingding. Hindi rin naman ito talagang pabilog. Hindi ako nakatitiyak, ngunit tila naglalagay ito ng isang kapansin-pansing anino, na nagmumungkahing kung dadalirutin ko ng aking daliri ang piraso ng pader na iyon, sa isang punto, ay aakyat at bababa ito sa isang maliit na agos, isang magandang agos tulad ng mga lungga sa South Downs na, sabi nila, ay alinman sa mga libingan o kampo. Sa dalawa, mas nais kong ituring iyong mga libingan, na nagpapakita ng lumbay tulad ng karamihan sa mga Ingles, at makitang likas iyon sa dulo ng paglalakad upang isiping mga buto iyong nakaunat sa ilalim ng damuhan…. Tiyak na may ilang aklat tungkol doon. Tiyak na may isang antikwaryong naghukay ng mga butong iyon at binigyan ng pangalan…. Anong uri ng tao ang isang antikwaryo, naisip ko? Mga retiradong koronel sa halos lahat ng bahagi, sa palagay ko, nangunguna sa mga grupo ng matatandang manggagawa papunta sa tuktok dito, sinusuri ang mga tipak ng lupa at bato, at nakikipag-ugnayan sa mga kalapit na pari, na, dahil pag binuksan sa oras ng almusal, ay nagbibigay sa kanila ng pakiramdam ng kahalagahan, at ang paghahambing ng mga tunod ng palaso ay nangangailangan ng mga paglalakbay sa buong bansa patungo sa mga bayan-bayan sa mga lalawigan, isang kaaya-ayang pangangailangan kapwa para sa kanila at sa kanilang mga matatandang asawa, na nais gumawa ng ensaladang kalumpit o maglinis ng silid-aralan, at may lahat ng dahilan upang panatilihing nakabitin ang malaking tanong tungkol sa kampo o sa libingan, habang nakakaramdam ng kaaya-ayang pilosopikal an mismong Koronel sa pag-iipon ng ebidensya sa magkabilang panig ng tanong. Totoong sa wakas ay naniniwala na siya sa kampo; at, dahil tinututulan, ay naglathala ng isang polyetong babasahin niya sa pulong tuwing ikatlong buwan ng lokal na samahan nang bumagsak siya dahil sa isang istrok, at ang kanyang huling malay na mga iniisip ay hindi ang asawa o anak, kundi ang kampo at ang tunod ng palaso roon, na ngayon ay nasa kahon sa lokal na museo, kasama ang paa ng isang Tsinong mamamatay-tao, isang dakot ng mga pako noong panahon ni Elizabeth, napakaraming pipang luad ng Tudor, isang piraso ng Romanong palayok, at ang baso ng alak na inuminan ni Nelson — na nagpapatunay na hindi ko talaga alam kung ano.

Ang Magsasaka at ang Tagak, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Tagak ni Aesop Isang Tagak na napakasimple at mapagkakatiwalaan ang hiniling ng isang masayang grupo ng mga Itik na bis...