Huwebes, Hulyo 16, 2026

Ang Hunyango, ni Anton Chekhov - Bahagi 2

“Tungkol saan ba ang lahat ng ito?” tanong ni Otchumyelov, habang isinisiksik ang sarili sa gitna ng karamihan. “Para saan at narito kayo? Bakit ninyo iwinawagwag ang inyong daliri . . . ? Kanino iyon isinigaw?”

“Naglalakad ako rito, hindi nakikialam sa kahit sino, sir,” panimula ni Hryukin, habang umuubo sa kanyang kamao. “Kinausap ko si Mitry Mitritch tungkol sa panggatong, nang ang mababang hayop na ito'y kamuka-muka'y kinagat ang aking daliri. . . . Paumanhin po, ako'y isang manggagawa. . . . Maayos ang aking trabaho. Marahil ay may mga danyos ako, dahil hindi ko magagamit ang daliring ito sa loob ng isang linggo, marahil. . . . kahit na nga batas, sir, ay dapat tiisin dahil sa isang halimaw. . . . Kung lahat ay kakagatin, walang saysay ang mabuhay. . . .”

“Hmm. Magaling,” matigas na sabi ni Otchumyelov, habang nakataas ang kilay na umuubo. “Napakagaling. Kaninong aso ito? Hindi ko palalampasin ito! Tuturuan ko silang hayaan ang mga aso nilang tumakbo kung saan-saan! Panahon na upang tingnan ang mga edukadong ito, kung hindi sila susunod sa mga regulasyon! Kapag siya ay pinagmulta, ang abusado, tuturuan ko siya kung anong ibig sabihin ng pag-aalaga ng aso at galang baka! Bibigyan ko siya ng leksyon! . . . Yeldyrin,” sigaw ng superintendente, habang kinakausap ang pulis, “alamin kung kaninong aso ito at gumawa ng ulat! At ang aso'y dapat sakalin. Agad! Tiyak na magagalit ito. . . . Kaninong aso ito, tanong ko?”

“Sa tingin ko ay kay Heneral Zhigalov ito,” sabi ng isang tao sa pulutong.

“Kay Heneral Zhigalov, hmm… Tulungan mo akong tanggalin ang amerikana ko, Yeldyrin… napakainit! Baka senyales ito ng ulan… May isang bagay akong hindi maunawaan, kung paano ka nito kinagat?” Humarap si Otchumyelov kay Hryukin. “Siguradong hindi nito maabot ang daliri mo. Isa itong maliit na aso, at napakalaki mong tao! Siguro kinamot mo ang daliri mo gamit ang pako, at naisip mong humingi ng danyos para dito. Alam nating lahat… ang tipo mo! Alam kong mga demonyo kayo!”

“Nilagyan niya ng sigarilyo ang mukha ng babae, sir, upang magbiro, at nagkaroon ito ng pagkakataong sampalin siya… Isa siyang walang kwentang tao, sir!”

“Kasinungalingan iyan, Squinteye! Hindi mo nakita, kaya bakit ka magsisinungaling tungkol diyan? Ang kanyang karangalan ay isang matalinong ginoo, at makikita niya kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng totoo, gaya ng pagtingin ng Bathala. . . . At kung ako ay nagsisinungaling, hayaan ang korte ang magdesisyon. Nakasulat ito sa batas. . . . Pantay-pantay tayong lahat ngayon. Ang sarili kong kapatid ay nasa kapulisan . . . hayaan mong sabihin ko sa iyo. . . .”

“Huwag kang makipagtalo!”

“Hindi, hindi iyan aso ng Heneral,” sabi ng pulis, nang may malalim na paniniwala, “walang ganoong aso ang Heneral. Karamihan sa kanya ay mga setter.”

“Alam mo ba talaga iyan?”

“Opo, sir.”

“Alam ko rin iyan. Ang Heneral ay may mahahalagang aso, purong lahi, at ito ay alam na alam! Walang balahibo, walang hugis. . . . Isang mababang nilalang. At ang mag-alaga ng asong ganyan! . . . nasaan ang saysay nito. Kung ang isang asong ganyan ay lumitaw sa Petersburg o sa Moscow, alam mo ba kung ano ang mangyayari? Hindi sila mag-aalala tungkol sa batas, sasakalin nila iyon sa isang kisapmata! Nasugatan ka, Hryukin, at hindi natin maaaring pabayaan ang bagay na ito. . . . Dapat natin silang bigyan ng leksyon! Panahon na . . . . !”

“Ngunit marahil ito ay sa Heneral,” sabi ng pulis, habang nag-iisip nang malakas. “Wala itong nakasulat sa mukha nito. . . . Nakakita ako ng isang na katulad nito noong isang araw sa kanyang bakuran.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Makata at ang Magsasaka, ni O. Henry - Bahagi 1

Ang Makata at ang Magsasaka ni O. Henry Noong isang araw, isang kaibigan kong makata, na namuhay nang malapit sa kalikasan sa buong buhay ni...