Huwebes, Hulyo 16, 2026

Ang Hunyango, ni Anton Chekhov - Bahagi 3

“Sa Heneral iyan, tiyak iyan!” sabi ng isang boses sa karamihan.

“Aba, tulungan mo akong isuot ang aking amerikana, Yeldyrin, aking binata . . . lumalakas na ang hangin. . . . Nilalamig ako. . . . Dalhin mo ito sa Heneral, at magtanong doon. Sabihin mong natagpuan ko ito at ipinadala. At sabihin mo sa kanilang huwag itong ilabas sa kalsada. . . . Maaaring isa itong mamahaling aso, at kung ang bawat baboy ay lalagyan ng tabako sa bibig nito, masisira na iyon. Maselang hayop ang aso. . . . Ibaba mo nga ang kamay mo, tanga. Walang saysay na ipakita mo ang sugatan mong daliri. Kasalanan mo iyan. . . .”

“Narito na ang kusinero ng Heneral, tanungin mo siya. . . Kumusta, Prohor! Halika rito, katoto ko! Tingnan mo ang asong ito. . . . Sa inyo ba ito?”

“Napakagandang ideya! Hindi pa kami nagkakaroon ng ganyan!”

“Hindi na kailangang mag-aksaya ng oras sa pagtatanong,” sabi ni Otchumyelov. “Asong gala iyan! Ayokong mag-aksaya ng oras sa pag-uusap tungkol diyan. . . . Dahil sinabi niyang asong gala iyan, asong gala talaga iyan. . . . Dapat iyang katayin, iyon lang.

“Hindi namin aso iyan,” patuloy ni Prohor. “Pag-aari iyan ng kapatid ng Heneral, na dumating noong isang araw. Walang pakialam ang ating panginoon sa mga asong ganyan. Subalit natutuwa si sir sa kanila. . . .”

“Hindi mo sinasabing nandito ang kapatid ng kanyang Kamahalan? Si Vladimir Ivanitch?” tanong ni Otchumyelov, at ang kanyang buong mukha ay lumiwanag nang may masayang ngiti. “Aba'y hindi ko...! At hindi ko alam! Dumalaw ba siya?

“Opo.”

“Aba'y hindi ko...! Hindi niya kayang lumayo sa kanyang kapatid… At doon hindi ko batid! Kaya ito ang aso ni sir? Natuwa akong marinig ito… Kunin mo. Hindi ito masamang tuta… Isang masiglang nilalang… Pinitik ang daliri ng kasamahan! Ha-ha-ha… Teka, bakit ka nangangatal? Rrrr… Rrrr… Galit na ang tampalasan… nakakatuwang tutang maliit.”

Tinawag ni Prohor ang aso, at naglakad palayo sa bakuran ng tableriya kasama niya. Pinagtawanan ng mga tao si Hryukin.

“Gagawin kitang matalino!” Banta ni Otchumyelov sa kanya, at binalot ang sarili sa kanyang gaban, at nagpatuloy sa pagtawid sa plasa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Makata at ang Magsasaka, ni O. Henry - Bahagi 1

Ang Makata at ang Magsasaka ni O. Henry Noong isang araw, isang kaibigan kong makata, na namuhay nang malapit sa kalikasan sa buong buhay ni...