CALL
FOR A NATIONAL CONFERENCE AGAINST DICTATORSHIP
20-21 July 2017
PANAWAGAN
PARA SA ISANG PAMBANSANG KUMPERENSYA LABAN SA DIKTADURA
20-21
Hulyo 2017
Since he assumed office, President
Rodrigo Duterte has still failed to fulfill his promise to “provide for those
who have little”: Workers still continue to receive low wages and experience
job insecurity because he has failed to fulfill his vow to end
contractualization. Small farmers and peasants still suffer from landlessness
and rural distress because he has refused to carry out land reform and prevent
land grabs. Even middle-class professionals suffer from the high cost of
living, inadequate and poor public services, and worsening pollution because he
has refused to strengthen the regulation of the market and to pursue
progressive taxation. Women and LGBTs, in particular, continue to suffer more
as a result of his failure to significantly reduce poverty and improve people’s
well-being.
Mula
nang siyang maupo sa pwesto, nananatiling bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na
tuparin ang kanyang pangakong "maglaan para sa mga kapos": Patuloy na
nakatatanggap ng mababang sahod ang mga manggagawa at nakararanas ng kawalan ng
katiyakan sa trabaho dahil nabigo siyang tupdin ang kanyang panatang wakasan ang
kontraktwalisasyon. Patuloy na nagdurusa sa kapighatian at kawalan ng lupa ang
mga maliliit na magsasaka't pesante dahil ayaw niyang isagawa ang reporma sa
lupa at masawata ang pang-aagaw ng lupa. Kahit na ang mga panggitnang uring
propesyunal ay nagdurusa sa mataas na halaga ng pamumuhay, di sapat at di
mabuting serbisyo sa bayan, at lumalalang polusyon dahil ayaw niyang palakasin
ang patakaran ng pamilihan at isagawa ang progresibong pagbubuwis. Sa
partikular, patuloy na nagdurusa ang mga kababaihan at LGBT dahil sa kabiguan niyang mabawasan ang
kahirapan at mapabuti ang kapakanan ng mga tao.
Unable or unwilling to carry out the
social reforms needed to keep the support of those who placed their hopes in
him, Duterte has instead been laying the ground for a more repressive
regime--for the restoration of dictatorship in the country.
Di
kaya o ayaw isagawa ang mga repormang panlipunang kinakailangan upang manatili
ang suporta ng mga umaasa sa kanya, sa halip ay inilalatag ni Duterte ang mas
mapanupil na rehimen - para sa pagbabalik ng diktadura sa bansa.
After burying Ferdinand Marcos’
remains at the national heroes’ cemetery and helping Bongbong Marcos in his bid
to become vice president, Duterte has now placed the entire Mindanao--and
threatened to place the entire country--under martial law. Today, we may now be
just one “security crisis” away from outright military rule.
Matapos
ilibing ang labi ni Ferdinand Marcos sa libingang para sa mga bayani at
matulungan si Bongbong Marcos sa kagustuhan nitong maging pangalawang pangulo,
inilagay ni Duterte ang buong Mindanao - at nagbantang ilalagay din ang buong
bansa - sa ilalim ng batas-militar. Sa ngayon, isang hakbang pa patungo sa
"krisis sa saguridad" upang mailagay ang buong bansa sa pamamahalang
militar.
If that happens, ordinary people like
us--those who have never fully enjoyed “democracy” despite the end of the
Marcos dictatorship--will be the first to suffer. Not only will our already
limited freedoms be further restricted, our ability to defend our rights and to
fight for more substantive social transformations will also be further
curtailed. We may find it harder to march on the streets, to carry out
strikes--or even just to hold meetings or talk to each other. We may be further
vilified as “enemies” of the people. And worse, we might even be arrested,
imprisoned, tortured, or “disappeared.”
Pag
nangyari ito, ang mga karaniwang taong tulad natin - na hindi pa talagang
natatamasa ang "demokrasya" bagamat nagwakas na ang diktadurang
Marcos - ang siyang unang magdurusa. Hindi lamang lalo pang malilimitahan ang
dati nang limitadong kalayaan, masasagkaan pa ang kakayahan nating
maipagtanggol ang ating mga karapatan at makibaka para sa mas makabuluhang
pagbabagong panlipunan. Maaaring mahirapan na tayong magmartsa sa lansangan,
ang magsagawa ng welga - o kaya'y maglunsad ng mga pulong o mag-usap-usap.
Maaaring ituring pa tayong "kaaway" ng sambayanan. At ang matindi,
maaari pa tayong dakpin, ipiit, matortyur o "maiwala".
And yet, opposition to dictatorship
remains weak. Both of the dominant opposition forces in the country, the
liberals and the national democrats, have so far refused or failed to provide
the leadership needed to rally our people against the threat of our
dictatorship.
Subalit
nananatiling mahina ang mga sumasalungat sa diktadura. Ang mga nangungunang
pwersang oposisyon sa bansa, ang mga liberal at ang mga pambansang demokrata,
ay ayaw o bigong pamunuan ang sambayanan laban sa banta ng diktadura.
Faced with the threat of dictatorship
and with the inability or refusal of the more powerful opposition forces to
lead the opposition, we ordinary people--those of us who have suffered from
neoliberalism and the elite democracy that paved the way for Duterte--need to
come together. We urgently need to create an open, safe, mutually supportive,
space to discuss how we can work together to prevent--or if need be, to
resist--dictatorship. We need to build the broadest unity against despotism,
and we need to establish more effective ways of organizing ourselves.
Nahaharap
tayo sa banta ng diktadura at kawalang kakayahan o pagtanggi ng mga pwersang
sumasalungat na pamunuan ang oposisyon, tayong mga karaniwang mamamayan, tayong
nagdurusa dahil sa neoliberalismo at demokrasyang elitista na nagbigay-daan sa
isang Duterte, ay kinakailangang magkaisa. Dapat na agaran tayong makalikha ng
espasyong bukas, ligtas, at nagsusuportahan upang makapagtalakayan kung papaano
tayo magtutulungan upang ang diktadura ay mapigilan - o kung kinailangan ay
labanan. Dapat nating mabuo ang pinakamalawak na pagkakaisa laban sa
despotismo, at maitatag ang mas mabisang pamamaraan ng pag-oorganisa ng ating
sarili.
This is why we are calling for a
National Conference against Dictatorship this July 20-21, at a venue to be
announced later, to gather all those groups and individuals who oppose both
dictatorship and the elite democracy that gave birth to it.
Ito
ang dahilan kung bakit nananawagan tayo para sa isang Pambansang Kumperensya
Laban sa Diktadura sa darating na Hulyo 20-21, sa isang lugar na ipahahayag
namin sa kalaunan, upang magsama-sama ang lahat ng grupo at indibidwal na
tumututol sa diktadura at sa demokrasyang elitista na nagsilang dito.
We are committed to helping build a
broad but principled united front not just to block authoritarian rule, but
also to fight for meaningful social transformation. We cannot “defend” an
inauthentic--and therefore failed--democracy; we need to construct a real
democracy on its ruins.
Kami'y
naninindigan sa pagbubuo ng isang malawak ngunit prinsipyadong nagkakaisang
prente, hindi lamang upang hadlangan ang patakarang awtoritaryan, kundi upang
makibaka para sa makabuluhang pagbabagong panlipunan. Hindi namin
"maipagtatanggol" ang isang demokrasyang huwad - at kaya nabigo;
dapat nating mabuo ang isang tunay na demokrasya mula sa pagkawasak nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento