Lunes, Hulyo 13, 2026

Ang Marka sa Dingding, ni Virginia Woolf - Bahagi 5

Sa ilang liwanag na tumatama sa dingding, tila lumalabas ito mula sa dingding. Hindi rin naman ito talagang pabilog. Hindi ako nakatitiyak, ngunit tila naglalagay ito ng isang kapansin-pansing anino, na nagmumungkahing kung dadalirutin ko ng aking daliri ang piraso ng pader na iyon, sa isang punto, ay aakyat at bababa ito sa isang maliit na agos, isang magandang agos tulad ng mga lungga sa South Downs na, sabi nila, ay alinman sa mga libingan o kampo. Sa dalawa, mas nais kong ituring iyong mga libingan, na nagpapakita ng lumbay tulad ng karamihan sa mga Ingles, at makitang likas iyon sa dulo ng paglalakad upang isiping mga buto iyong nakaunat sa ilalim ng damuhan…. Tiyak na may ilang aklat tungkol doon. Tiyak na may isang antikwaryong naghukay ng mga butong iyon at binigyan ng pangalan…. Anong uri ng tao ang isang antikwaryo, naisip ko? Mga retiradong koronel sa halos lahat ng bahagi, sa palagay ko, nangunguna sa mga grupo ng matatandang manggagawa papunta sa tuktok dito, sinusuri ang mga tipak ng lupa at bato, at nakikipag-ugnayan sa mga kalapit na pari, na, dahil pag binuksan sa oras ng almusal, ay nagbibigay sa kanila ng pakiramdam ng kahalagahan, at ang paghahambing ng mga tunod ng palaso ay nangangailangan ng mga paglalakbay sa buong bansa patungo sa mga bayan-bayan sa mga lalawigan, isang kaaya-ayang pangangailangan kapwa para sa kanila at sa kanilang mga matatandang asawa, na nais gumawa ng ensaladang kalumpit o maglinis ng silid-aralan, at may lahat ng dahilan upang panatilihing nakabitin ang malaking tanong tungkol sa kampo o sa libingan, habang nakakaramdam ng kaaya-ayang pilosopikal an mismong Koronel sa pag-iipon ng ebidensya sa magkabilang panig ng tanong. Totoong sa wakas ay naniniwala na siya sa kampo; at, dahil tinututulan, ay naglathala ng isang polyetong babasahin niya sa pulong tuwing ikatlong buwan ng lokal na samahan nang bumagsak siya dahil sa isang istrok, at ang kanyang huling malay na mga iniisip ay hindi ang asawa o anak, kundi ang kampo at ang tunod ng palaso roon, na ngayon ay nasa kahon sa lokal na museo, kasama ang paa ng isang Tsinong mamamatay-tao, isang dakot ng mga pako noong panahon ni Elizabeth, napakaraming pipang luad ng Tudor, isang piraso ng Romanong palayok, at ang baso ng alak na inuminan ni Nelson — na nagpapatunay na hindi ko talaga alam kung ano.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Marka sa Dingding, ni Virginia Woolf - Bahagi 5

Sa ilang liwanag na tumatama sa dingding, tila lumalabas ito mula sa dingding. Hindi rin naman ito talagang pabilog. Hindi ako nakatitiyak, ...