“At pagkatapos ay pumasok ako sa silid. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa botaniya. Sinabi ko kung paano ako nakakita ng isang bulaklak na tumutubo sa isang bunton ng alikabok sa dating kinaroroonan ng isang lumang bahay sa Kingsway. Ang binhi, sabi ko, ay malamang na naihasik noong panahon ng paghahari ni Carlito ang Una. Anong mga bulaklak ang tumubo noong panahon ng paghahari ni Carlito ang Una?” tanong ko — (suvalit hindi ko matandaan ang tugon). Matataas na bulaklak na may mga lilang palawit marahil. At nagpatuloy nga nga. Anumang oras ay inaayos ko ang sarili sa aking isipan, nang may pagmamahal, palihim, hindi hayagang sinasamba ito, dahil kung ginawa ko iyon, huhulihin ko ang aking sarili, at agad na iuunat ang aking kamay upang kumuha ng isang aklat bilang pananggalang sa sarili. Sa katunayan, nakakapagtaka kung paano likas na ipinagsasanggalang ng isang tao ang imahe ng sarili mula sa idolatriya o anumang iba pang pagtangan, na maaari itong gawing katawa-tawa, o masyadong kakaiba sa orihinal na hindi na paniniwalaan pa. O hindi ba pagtatakhan pa? Ito'y napakahalagang bagay. Kung sakaling mabasag ang salamin, maglaho ang imahe, at wala na ang romantikong pigurang may luntiang lalim ng kagubatan, kundi ang balat na lamang ng isang taong nakikita ng ibang tao — ito'y nagiging mundong walang-hangin, mababaw, kalbo, at bantog! Isang mundong hindi dapat tirhan. Habang nagkakaharap tayo sa mga bus at mga riles sa ilalim ng lupa, nakatingin tayo sa salamin; iyan ang dahilan ng kalabuan, ng kinang ng pagiging malabo, sa ating mga mata. At lalong mapagtatanto ng mga nobelista sa hinaharap ang kahalagahan ng mga repleksyong ito, dahil gayunman, walang iisang repleksyon kundi halos walang katapusang bilang; iyon ang mga kalalimang kanilang tutuklasin, iyon ang mga multong kanilang susundan, na iiwanan ang paglalarawan ng reyalidad nang higit pa sa kanilang mga salaysay, na ipinagwawalang-bahala ang kaalaman tungkol doon, tulad ng ginawa ng mga Griyego at marahil ni Shakespeare — ngunit walang kabuluhan ang kalahatang ito. Sapat na ang tunog militar ng salita. Naaalala nito ang mga nangungunang artikulo, mga ministro ng gabinete — isang buong uri ng mga bagay nga na noong bata pa ay inakala ng isa na ang bagay mismo, ang karaniwang bagay, ang tunay na bagay, na hindi maaaring iwanan maliban sa panganib ng walang pangalang kapahamakan. Ang mga pangkalahatan kahit papaano'y nagbabalik sa Linggo sa London, mga paglalakad sa hapon ng Linggo, mga tanghalian ng Linggo, at mga paraan din ng pagsasalita tungkol sa mga patay, damit, at gawi — tulad ng ugali ng pag-upo nang magkakasama sa isang silid hanggang sa isang takdang oras, bagamat walang may nais ng gayon. May tuntunin para sa lahat. Ang tuntunin para sa mga mantel sa partikular na panahong iyon ay dapat itong gawin ng tapiserya ng may maliliit na dilaw na kompartamento na minarkahan, tulad ng makikita mo sa mga litrato ng mga karpet sa mga pasilyo ng mga palasyo ng hari. Ang mga mantel na may kakakibang uri ay hindi totoong mantel. Nakagugulat, ngunit gaano kagandang matuklasan ang mga totoong bagay na ito, mga tanghalian ng Linggo, mga paglalakad sa Linggo, mga bahay sa lalawigan, at mga mantel na hindi talaga totoo, ay kalahating guniguni pa nga, at ang kapahamakang dumalaw sa hindi naniniwala sa mga ito'y isang pakiramdam lamang ng hindi tunay na kalayaan. Ano na ngayon ang papalit sa mga bagay na iyon, ang mga tunay na pamantayang bagay? Marahil mga lalaki, kung ikaw ay isang babae; ang pananaw ng lalaking namamahala sa ating buhay, na nagtatakda ng pamantayan, na nagtatatag ng Talaan ng mga Kapangyarihan ni Whitaker, na, sa palagay ko, mula noong digmaan ay naging kalahating guniguni para sa maraming kalalakihan at kababaihan, na sana kung pag-isipan, ay pagtawanan sa basurahan kung saan nagpupunta ang mga multo, ang mga aparador na gawa sa mahogany at ang mga inilimbag ng Landseer, mga Diyoses at mga Diyablo, Impiyerno at iba pa, na nag-iiwan sa ating lahat ng nakalalasing na pakiramdam ng hindi tunay na kalayaan — kung mayroon mang kalayaan….
Mga Salin mula sa ibang wika tungo sa wikang Filipino, pinagsikapang gawin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang Marka sa Dingding, ni Virginia Woolf - Bahagi 5
Sa ilang liwanag na tumatama sa dingding, tila lumalabas ito mula sa dingding. Hindi rin naman ito talagang pabilog. Hindi ako nakatitiyak, ...
-
CALL FOR A NATIONAL CONFERENCE AGAINST DICTATORSHIP 20-21 July 2017 PANAWAGAN PARA SA ISANG PAMBANSANG KUMPERENSYA LABAN SA DIKTADURA...
-
SONETO 116 ni William Shakespeare malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg) Huwag a...
-
Mumunting Tipak ng mala-Olimpyang Tsismis Tula ni Nikola Tesla Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 16 pantig bawat taludtod Habang naki...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento