Subalit ang iba pang silid na ito'y siksikan, at sa mga ito'y mabilis na tumitibok ang puso ng buhay. At ang pagsasaya'y patuloy na umiikot, hanggang sa tumunog ang hatinggabi sa orasan. At tumigil ang musika, gaya ng aking nasabi; at tumahimik ang ebolusyon ng mga mananayaw ng waltz; at nagkaroon ng hindi mapakaling paghinto ng lahat ng bagay gaya ng dati. Ngunit ngayon ay may labindalawang kumpas na dapat patunugin ng kampana ng orasan; at gayon nga ang nangyari, marahil, na mas maraming nagsigapang, ng mas maraming panahon, sa mga pagmumuni-muni ng mga nag-iisip sa mga nagsasaya. At gayon din ang nangyari, marahil, na bago tuluyang natahimik ang huling alingawngaw ng huling tunog ng orasan, maraming indibidwal sa karamihan ang nakahanap ng oras upang mapansin ang presensya ng isang nakamaskarang pigurang hindi pa nakakuha ng atensyon ng kahit sinong indibidwal noon. At ang bulung-bulungan ng bagong presensyang ito, nang kumalat nang pabulong sa paligid, sa wakas ay lumitaw mula sa buong grupo ang isang ugong, o bulong, na nagpapahayag ng hindi pagsang-ayon at pagkagulat — na sa wakas, ng panghihilakbot, ng takot, at ng pagkasuklam.
Sa isang asembliya ng mga pantasya tulad ng aking ipininta, maaaring isiping walang ordinaryong anyo ang makapagpapasigla ng ganitong sensasyon. Sa katunayan, ang lisensyang magbalatkayo ng gabing iyon ay halos walang limitasyon; ngunit ang pigurang pinag-uusapan ay nalampasan si Herodes, at lumampas kahit sa hangganan ng walang katiyakang kagandahang-asal ng prinsipe. May mga tali sa puso ng pinakapabaya na hindi maaantig nang walang emosyon. Kahit na sa mga lubos na naliligaw, na ang buhay at kamatayan ay tila ba biro, may mga bagay na hindi maaaring gawing biro. Ang buong pangkat, sa katunayan, ay tila ngayon ay lubos na nararamdaman na sa kasuotan at tindig ng estranghero nang walang katalinuhan o kagandahang-asal ang umiiral. Ang pigura'y mataas at payat, at nababalot mula ulo hanggang paa ng mga damit ng libingan. Ang maskarang nagtatago ng mukha ay ginawang halos kahawig ng mukha ng isang naninigas na bangkay kaya ang masusing pagsusuri ay tiyak na nahirapan sa pagtuklas ng manlilinlang. Gayunpaman, ang lahat ng ito'y maaaring tiisin, kung hindi man maaprubahan, ng mga baliw na nagsasaya sa paligid. Ngunit ang payaso'y umabot pa sa puntong ginagaya ang tipo ng Pulang Kamatayan. Ang kanyang damit ay puno ng dugo — at nabahiran ng matingkad na takot ang kanyang malapad na noo, kasama ang kanyang buong mukha.
Nang ang mga mata ni Prinsipe Prospero ay dumako sa mala-multong imaheng ito (na, sa isang mabagal at taimtim na paggalaw, na parang mas lubos na sumusuporta sa kanyang papel, ay paroo't parito sa mga mananayaw ng waltz) nakita siyang nangangatal, sa unang saglit na may matinding pangangatal alinman sa takot o pagkasuklam; ngunit, sa sumunod na saglit, namumula siya sa galit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento