Ang Marka sa Dingding
ni Virginia Woolf
Marahil kalagitnaan ng Enero ng kasalukuyang taon nang una akong tumingala at nakita ang marka sa dingding. Upang matukoy ang petsa, dapat matandaan kung ano ang nakita. Kaya ngayon, apoy ang naiisip koy; ang matatag na balok ng dilaw na liwanag sa pahina ng aking aklat; ang tatlong krisantemum sa bilog na babasaging mangkok sa dapog. Oo, malamang na taglamig iyon, at katatapos lang naming mag-tsaa, dahil naaalala kong ako'y naninigarilyo nang mapatingala ako at nakita ang marka sa dingding sa unang pagkakataon. Napatingala ako sa usok ng aking sigarilyo at sandaling nanatili ang aking mata sa nagliliyab na mga baga, at ang dating kinahumalingang pulang bandilang kumakaway mula sa tore ng kastilyo ay pumasok sa aking isipan, at naisip ko ang pangkat ng mga nakasakay na pulang kabalyero sa gilid ng itim na bato. Sa halip, ako'y nakahinga nang ang isip ko'y ginambala pagkakita sa marka, dahil isa itong dating naiisip, isang awtomatikong ideya, marahil ay ginawa noong bata pa ako. Isa iyong maliit at bilog na marka, itim sa puting dingding, mga anim o pitong pulgada sa itaas ng dapog.
Kung gaano kadaling kumuyog sa ating isip pagdating sa bagong bagay, iniaangat ito nang kaunti, tulad ng mga langgam na may dalang talim ng dayami nang animo'y naghihingalo, at pagkatapos ay iniiwan ito…. Kung ang markang iyon ay ginawa ng isang pako, hindi ito maaaring para sa isang larawan, dapat ito ay para sa isang minyatura — ang maliit na modelo ng isang ginang na may puting kulot na pulbos, mga pinulbusang pisngi, at mga labi na parang pulang rosas. Aba'y isang panlilinlang, para sa mga naunang tao sa bahay na ito, na pipili ng mga larawan sa gayong paraan — isang lumang larawan para sa isang lumang silid. Ganyan sila dati — mga kawili-wiling tao, at madalas ko silang naiisip, sa mga kakaibang lugar na iyon, dahil hindi na sila makikita pang muli, hindi na malalaman kung ano ang sumunod na nangyari. Nais nilang umalis sa bahay na ito dahil nais nilang baguhin ang kanilang istilo ng mga muwebles, aniya, at sinasabi niya noon na sa kanyang palagay, ang sining ay dapat may mga ideya sa likod nito noong tayo'y mangasira, tulad ng pagkasira mula sa matandang babae na malapit nang magsalin ng tsaa at ng binatang malapit nang hampasin ang bola ng tennis sa likod-bahay ng tirahang suburban habang nagmamadali sa pagdaan ng tren.
* balok - film, 3. the thin skin of something; mula sa English-Tagalog Dictionary ni Leo James English, pahina 366
* dapog - mantelpiece - the shelf above a fireplace and the decorative pieces on the sides of the fireplace - from Webster dictionary
- kalan na gawa sa putik o luad, may tatlong tungko at ginagatungan ng kahoy; mula sa Diksiyonaryong Adarna, p. 169
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento