Isang araw ng Linggo, habang naglalakad siya sa Champs Élysées upang magpahinga pagkatapos ng linggong trabaho, bigla niyang nakita ang isang babaeng naglalakad kasama ang isang bata. Si Aling Forestier iyon, bata pa, maganda pa rin, at kaakit-akit pa rin.
Napukaw ang damdamin ni Aling Loisel. Dapat ba niya itong kausapin? Aba'y Oo naman. At ngayong nakapagbayad na siya, sasabihin na niya ang lahat. Bakit hindi?
Lumapit siya rito.
"Magandang umaga, Jeanne."
Ang isa naman, nagulat na tinawag nang pamilyar ng karaniwang babaeng ito, ay hindi siya nakilala. Nauutal siyang nagsabi:
"Subalit - ginang - hindi ko alam. Malamang nagkamali ka."
"Hindi, ako si Mathilde Loisel."
Umiyak ang kanyang kaibigan.
"Oh! ... kawawang Mathilde ko, ang laki ng pinagbago mo! ..."
"Oo, dumanas ako ng ilang paghihirap simula noong huli kitang makita, at maraming paghihirap ... at lahat dahil sa iyo! ..."
"Ako? Paano nangyari iyon?"
"Naaalala mo ba 'yung kwintas na diyamanteng pinahiram mo sa akin para isuot sa piging ng Ministeryo?"
"Oo. Aba?"
"Nawala ko."
"Anong ibig mong sabihin? Ibinalik mo na."
"Ibinalik ko sa iyo ang isa pang katulad niyon. At inabot kami ng sampung taon upang mabayaran iyon. Hindi iyon naging madali para sa amin, kakaunti lang ang mayroon kami. Subalit sa wakas ay natapos na rin, at natutuwa ako."
Natigilan si Aling Forestier.
"Sabi mo bumili ka ng kwintas na diyamante para palitan ang akin?"
"Oo; hindi mo ba napansin iyon? Magkamukha sila."
Sa labis na oagkaantig, hinawakan ni Aling Forestier ang kanyabg dalawang kamay.
At ngumiti siyang may kagalakan na sabay na may pagmamalaki at pagiging mahinhin.
Si Madame Forestier, na labis na naantig, ay hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Oh, kawawang Mathilde ko! Aba, ang kwintas ko ay pwet ng baso lamang! Ang halaga niyon ay wala pang limang daang francs!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento