TINIG NG KABABAIHAN
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ang kawayang Tsino sa mga pintuang salamin
Ay dapat plastik, kung dahil
Sa antiseptikong hangin, sa ating pagmamahal sa lamig,
O kawalan ng salapi para sa mga hardinero
Walang nakakaalam, walang may pakialam.
Ang sintetikong katahimikan, luntian at kunig,
Kung pakikingan mo'y umaawit na tulad ng erkon,
Istaypler, telepono, makinilya
Isang monotono ng pasasalamat at pagbati.
Nasasaktan ako para sa tinig ng kababaihan;
Lumilikha sila ng isang dosenang tainga ng durungawan
At hinahalo ang malagkit na hininga ng takipsilim
Sa oksihenong matamlay at sinala.
Ang tula ay isa lamang anyo
Ng pagsasalsal; at ang Batahala at kababaihan,
Kamatayan, mga butones, at mga posisyon
Ang siyang mga plastik nitong hardin ng kawayanan.
* kunig - salitang Ilokano sa yellow, ang iba pa'y amarilyo at dilaw
* erkon - airconditioner
* Inilathala sa Philippines Free Press, Setyembre 16, 1967, p.31
* Isinalin ng petsang Agosto 24, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.
THE VOICES OF WOMEN
The Chinese bamboo by the glass doors
Must be plastic, if because
Of antiseptic air, our love for coolness,
Or lack of cash for gardeners
No one knows, no one cares.
The synthetic silence, green and yellow,
If you listen, sings like air-conditioners,
Staplers, telephones, typewriters
A monotone of thank you and hello.
I ache for the voices of women;
They make a dozen ears of windows
And mix the sticky breath of dusk
With dull and filtered oxygen.
Poetry's just another form
Of masturbation; and God and women,
Death, buttons, and positions
Are its plastic bamboo gardens.
- Emmanuel Lacaba
