Sabado, Hulyo 11, 2026

Ang Marka sa Dingding, ni Virginia Woolf - Bahagi 2

Subalit tungkol sa markang iyon, hindi ako nakatitiyak tungkol doon; sa palagay ko'y hindi ito gawa ng pako; napakalaki niyon, bilog na bilog, para diyan. Maaaring tumayo ako, ngunit kung tatayo ako at titingnan iyon, sampu sa isa ay hindi ko masasabi nang tiyak; dahil kapag ang isang bagay ay nagawa na, walang nakakaalam kung paano ito nangyari. Naku! ang misteryo ng buhay; Ang kamalian ng pag-iisip! Ang kamangmangan ng sangkatauhan! Upang ipakita kung gaano kaliit ang kontrol natin sa ating mga ari-arian — ano't aksidenteng pangyayari ng pamumuhay na ito pagkatapos ng lahat ng ating kabihasnan — hayaan mong bilangin ko ang ilan sa mga bagay na nawala sa isang buhay, simula, dahil tila iyon ang palaging pinaka-mahiwagang pagkawala — anong ngangatngatin ng pusa, anong kakagatin ng daga — tatlong mapusyaw na bughaw na lalagyan ng mga kagamitan sa pambigkis ng aklat? Pagkatapos ay naroon ang mga hawla ng ibon, ang mga bakal na aro, ang mga isketing na bakal, ang kaldero ng uling ni Reyna Anna, ang larong bagatelle, ang organong kamay — lahat ay nangawala, amaging mga alahas. Mga opal at esmeralda, ang mga iyon ay nakahimlay sa mga ugat ng singkamas. Ano't kaytinding pagkakayas nito, tiyak! Ang kamangha-mangha'y mayroon akong damit sa aking likod, na nakaupo akong napapaligiran ng mga matibay na muwebles sa sandaling ito. Aba, kung nais ihambing ang buhay sa anumang bagay, dapat itong ihalintulad sa isang hinipan sa Tubo sa bilis na limampung milya kada oras — lumapag sa kabilang dulo nang walang kahit isang ipit sa buhok! Pumuna sa paanan ng Diyos na hubad na hubad! Gumagapang nang patiwarik sa mga parang ng asphodel na animo'y mga pakete ng kayumangging papel na inihagis sa isang usbong sa tanggapan ng koreo! Habang ang buhok ay lumilipad pabalik na parang buntot ng isang kabayong pangkarera. Oo, tila ipinapahayag nito ang bilis ng buhay, ang walang hanggang pag-aaksaya at pagkukumpuni; lahat ay kaswal, lahat ay walang pakundangan….

Ngunit pagkatapos ng buhay. Ang mabagal na paghila pababa ng makakapal na luntiang tangkay upang ang pinakatasa ng bulaklak, habang ito'y umiikot, ay umaapaw sa isa ng lila at pulang liwanag. Bakit nga ba hindi dapat ipanganak ang isang tao roon tulad ng pagkapanganak sa kanya rito, walang magawa, walang maisalita, hindi makapagtuon ng paningin, kumakapa sa mga ugat ng damo, sa mga daliri ng paa ng mga Higante? Tungkol naman sa pagsabi kung alin ang mga puno, at alin ang mga lalaki at babae, o kung mayroon nga bang mga bagay na hindi niya magagawa sa loob ng limampung taon o higit pa. Wala nang iba kundi ang mga guwang ng liwanag at dilim, na pinagsasalubungan ng makakapal na tangkay, at marahil ay mas mataas pa, mga hugis-rosas na batik na may malabong kulay — madilim na rosas at bughaw — na, sa paglipas ng panahon, ay magiging mas tiyak, magiging — hindi ko alam kung ano….

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Marka sa Dingding, ni Virginia Woolf - Bahagi 2

Subalit tungkol sa markang iyon, hindi ako nakatitiyak tungkol doon; sa palagay ko'y hindi ito gawa ng pako; napakalaki niyon, bilog na ...