KAARAWAN
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Walang kahit isang galaw ng apoy ang mauulit,
Ni ang karagatan. Tiyan sa basahan o buhangin,
Isang paa'y nasa bukung-bukong ng kabilang paa,
Ang bába sa mga kamay ng sapatos ng kabayo, at mga mata sa apoy
O karagatan, makapananghali o hatinggabi,
Kapwa sa kaisahan at katahimikan, iniisip niya'y nawisikang
Mga uling at paglubog ng araw sa pampang: apoy at karagatan
Tulad ng kuko at bakal, o, mas mabuti pa, sa pagtatalik
Na karaniwang di mangyari; iniisip niya ang mga kombinasyon
Ng mga buwan, mga araw, mga kuwit, at mga taóng hindi kailanman
Mauulit sa ilalim ng anno domini. Kahit papaano'y
Natuto siyang subukang makita ang parehong itim at tiyan.
Palad at kamao ng kamay, at bawat sulok
Sa pagitan ng mga daliri; nakikita niya ang mga katotohanan ng apoy at karagatan,
Ang pagkaluskos at ang pagkadurog at ang aral para sa puso
Ng kahoy at buhangin: ang bukas na puso at utak. Nakalimutan na niya
Ang mga apoy at alon na ilang saglit lang ang nakalipas
Ay gumahasa sa kanyang utak, ngunit dahil lang ikinasal sila ng kanyang utak.
Nagngangalit sa mga imahe, at isinilang at ikinasal nang may
Hilakbot ng tao sa init at lamig, na siyang wawakas sa daigdig,
At sa katotohanan at pag-ibig, na siyang pasimula ng daigdig, at kumikilos
Tulad ng apoy at karagatan, ngayong naging tao na siya,
Siya'y musmos pa rin; ngunit walang kahit isang pagkilos
Ng apoy ang mauulit, ni ng karagatan.
* Inilathala sa Philippines Free Press, Nobyembre 5, 1966, p.35
* Isinalin ng petsang Mayo 31, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.
BIRTHDAY
Not one movement of the fire will be repeated,
Nor of the ocean. Belly to the rug or sand,
One foot on the other foot's ankle,
Chin in horseshoe hands, and eyes on fire
Or ocean, early afternoon or late night,
Both in singleness and silence, he thinks of watered
Coals and sunset on the beach: fire and ocean
Like hoof and steel, or, better yet, in copulation
Normally impossible; he thinks of combinations
Of months, days, commas, and years that will never
Be repeated under anno domini. At least
He has learned to try to see both black and belly.
Palm and back of the hand, and every corner
Between the fingers; he sees the facts of fire and ocean,
The crackling and the crashing and the lesson for the heart
Of wood and sand: the open heart and brain. He has forgotten
The flames and waves that just some seconds ago
Raped his brain, but only because his brain has wed them.
Raging in images, and born and married with
The human fear of heat and cold, with which a world will end,
And of truth and love, with which the world begins, and moving
Like fire and ocean, now that he has become a man,
He is still a child; but not one movement
Of the fire will be repeated, nor of the ocean.
Emmanuel A.F. Lacaba
* Published at the Philippines Free Press, November 5, 1966, p.35

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento