Lunes, Marso 11, 2019

Pahayag ng PMCJ hinggil sa Rice Tariffication Act

PAHAYAG NG PMCJ HINGGIL SA RICE TARIFFICATION ACT
Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

The Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) calls on the government to institute more safeguards and protection for rice farmers and the rice industry now that the rice tariffication act has been signed into law.

Nananawagan ang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa pamahalaan na ipatupad ang higit pang mga pananggalang at proteksyon para sa mga magsasaka ng bigas at sa industriya ng palay ngayong nilagdaan na bilang batas ang Rice Tariffication Act (Batas sa Pagbubuwis o Taripa sa Bigas).


On February 14, President Rodrigo Duterte signed into law Republic Act No. 11203, also known as the Rice Tariffication Act, which will lift the quantitative restrictions on rice imports and allow the private sector to import ‘unlimited’ rice with much ease as long as it pays the tariff set by the law. Duterte and his economic managers asserted that it would address the urgent need to improve the availability and affordability of rice in the country.

Noong Pebrero 14, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Batas Republika Blg. 11203, na kilala rin bilang Rice Tariffication Act, na magtataas ng mga pagbabawal sa kwantitatibong pag-angkat ng bigas at pahintulutan ang pribadong sektor na mag-angkat ng 'walang limitasyong' bigas hangga't binabayaran nito ang taripang itinakda ng batas. Sinabi ni Duterte at ng kanyang mga tagapayo sa ekonomya na tutugon ito sa kagyat na pangangailangan upang mapagbuti ang pagkakaroon ng bigas at abotkayang halaga nito sa bansa.


Rice liberalization is a clear abandonment of the local rice farmers and industry

Ang liberalisasyon ng palay ay malinaw na pag-abandona sa mga lokal na magsasaka at industriya ng bigas


Ever since the Philippines liberalized agriculture, many of its agricultural products failed to compete with the cheaper counterparts of the Southeast Asian countries. The price of the agricultural product has always been the determinant in its viability in the market as shown by the cheaper onions and garlic imports vs. the expensive locally produced ones. Eventually, the number of Filipino farmers producing onions and garlic dwindle and lands devoted to producing these products have been converted for other use. This has been the hard lesson the Philippines got from agricultural liberalization, and fears that this is happening again to rice, the most basic staple of Filipinos.

Mula nang mag-liberalisa ang agrikultura ng Pilipinas, marami sa mga produktong agrikultural ang nabigong makipagpaligsahan sa mas murang presyo ng bigas sa mga katapat ng mga bansa sa Timog-silangang Asya. Ang presyo ng produktong pang-agrikultura ay palaging nagtatakda sa posibilidad na mabuhay sa merkado tulad ng ipinakita ng mas murang mga sibuyas at mga inangkat na bawang kumpara sa mahal na presyo ng lokal na produkto. Sa kalaunan, lumiit ang bilang ng mga magsasakang Pilipinong nagsasaka ng mga sibuyas at bawang at binago ang gamit ng lupang sakahang nakatuon sa paglikha ng mga produktong ito. Ito ang matinding aral na nakuha ng Pilipinas mula sa liberalisasyon ng agrikultura, at nangangambang mangyari ito muli sa bigas, na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.


With the flooding of cheaper imported rice in the local market, how can the local rice farmers compete with their foreign counterparts? Farmers will be forced to sell off their harvest to a much lower price amidst the increasing local cost of production. Although the law provides that collected tariffs will be allocated to farm mechanization, seed development, credit assistance, and training services to help farmers adjust, it will still take time for every farmer to actually benefit from it. And this is even under the assumption that the law will successfully be implemented. Farmers would still have to endure the sudden loss of income they will incur upon full implementation of the rice tariffication act, trapping them further in the cycle of poverty.

Sa pagbaha ng mas murang inangkat na bigas sa lokal na pamilihan, paano makikipagpaligsahan ang mga lokal na magsasaka sa mga banyaga? Napipilitang ibenta ng mas mura ng mga magsasaka ang kanilang ani sa gitna ng pagmahal ng lokal na gastos ng produksyon. Bagaman nagsasaad ang batas na ang mga makokolektangtaripa ay ilalaan sa mekanisasyon ng sakahan, pag-unlad ng binhi, tulong sa kredito, at mga serbisyo sa pagsasanay upang matulungang makasabay ang mga magsasaka, matatagalan pa bago makinabang ang bawat magsasaka mula dito. At ito ay kahit na nasa pagtinging ang batas ay matagumpay na ipatupad. Kailangan pa rin ng mga magsasaka na magtiis sa biglaang pagkawala ng kita na makukuha nila sa ganap na pagpapatupad ng Rice Tariffication Act, na bibitagin silang lalo sa siklo ng kahirapan.


Given their poor economic conditions, compounded with the lack of implementation for policies protecting small-scale farmers, incomplete implementation of agrarian reform, degradation of watersheds and forests for irrigation, and now opening up the rice industry to other players, the number of farmers involved in rice farming will most likely shrink as well as the agricultural lands devoted to it. Shift to other profitable commodities is expected, or worse the conversion of rice lands to non-agricultural uses.

Dahil sa kanilang pang-ekonomyang kahirapan, kasama na ang kakulangan ng pagpapatupad ng mga patakarang nagpoprotekta sa mga maliliit na magsasaka, hindi kumpletong pagpapatupad ng repormang agraryo, pagkasira ng mga daluyangtubig at kagubatan para sa irigasyon, at ngayon ay binubuksan ang industriya ng bigas sa iba pang mga negosyante, malamang na lumiit ang bilang ng mga magsasakang nagsasaka ng bigas,  pati na rin ang lupang agrikultural na nakatuon dito. Inaasahan na ang paglipat sa iba pang mga pagtutubuang kalakal, o sa mas masahol ay ang pagpapalit ng mga lupang sakahan sa hindi naman agrikultural na gamit.


On the other hand, there is no guarantee that rice prices will lower and stabilize despite the influx of cheaper imported rice. With the new law, the private sector now holds the power to control and dictate market prices. The National Food Authority, which had the previous mandate of stabilizing prices, is now merely tasked of maintaining sufficient rice buffer stock intended for calamities and emergencies. This is a double whammy for the poor farmers being both producers and consumers of rice.

Sa kabilang banda, walang garantiya na bababa at magpapatatag sa presyo ng bigas at magpapatatag sa kabila ng pag-agos ng mas murang angkat na bigas. Sa bagong batas, ang pribadong sektor ngayon ay may kapangyarihang kontrolin at idikta ang presyo ng merkado. Ang National Food Authority, na may datingmandatong ipirmi ang presyo, ay nakatalaga ngayon lamang sa pagpapanatili ng sapat na bigas pantulong na inilaan para sa mga kalamidad at pangkagipitan. Ito ay dobleng gulo para sa mga mahihirap na magsasaka na parehong mga tagalikha at mga mamimili ng bigas.


Rice liberalization is not the key to food security, but self-sufficiency

Hindi susi ang liberalisasyon ng bigas sa seguridad sa pagkain, ngunit sapat sa sariling konsumo


Rice liberalization is a myopic move from the government as it fails to recognize the current global climate crisis. The world, as it is, already goes through the dramatic consequences of climate change on food production. And this is expected to get worse in 12 years time, according to IPCC’s Special Report on Global Warming of 1.5 degree Celsius, if no unprecedented transitions in all aspects of society are done. By 2030, there will be a drastic decline in agricultural yields including rice, corn, and wheat. Rice yields reduction will reach up to 10% for every 1 degree Celsius increase in temperature, or even higher for climate vulnerable countries such as those in Asia.

Isang banlag na kilos mula sa pamahalaan ang liberalisasyon ng bigas dahil nabigo itong makita ang kasalukuyang pandaigdigang krisis sa klima. Nagtutungo ang daigdig sa dramatikong kahihinatnan bunga ng pagbabago ng klima sa produksyon ng pagkain. At inaasahan itong lalong lalala sa loob ng 12 taon, ayon sa Espesyal na Ulat ng IPCC sa Global Warming ng 1.5 degree Celsius, kung walang kakaibang transisyong magagawa sa lahat ng aspeto ng lipunan. Sa taon 2030, magkakaroon ng matinding pagdausdos sa agrikultural na ani kabilang ang bigas, mais, at trigo. Ang pagbawas ng ani sa bigas ay aabot ng hanggang 10% para sa bawat pagtaas ng 1 degree Celsius sa temperatura, o mas mataas pa sa mga klima ng bulnerableng bansa  tulad ng sa Asya.


Vietnam and Thailand, the world’s largest rice exporters and the main sources of imported rice in the Philippines, will soon not be able to export the same volume of rice as they do now because of the worsening climate change impacts to their agriculture sector. Given this situation, the Philippines will face another rice crisis in a few years if its rice industry will remain import-dependent.

Ang Vietnam at Thailand, ang pinakamalaking tagaluwas ng bigas sa buong mundo at pangunahing pinagkukunan ng naangkat na bigas sa Pilipinas, ay hindi mailuwas ang parehong dami ng bigas gaya ng ginagawa nila ngayon dahil sa lumalalang epekto sa pagbabago ng klima sa kanilang sektor ng agrikultura. Dahil sa sitwasyong ito, nahaharap ang Pilipinas sa isa pang krisis sa bigas sa loob ng ilang taon kung ang industriya ng bigas ay mananatiling nakadepende sa pag-angkat.


Safeguarding food security does not mean sustaining the country’s food supply through whatever means, in this case, importation. It means protecting the local production and transforming it to an adaptive, resilient, and self-sufficient industry that can cater to the local demands for food.  At the same time, it means putting premium on the rights and well-being of local food producers and building their capacity to sustain the local food demands. A country with more than enough domestic food supply is in a better position to face the impending food crisis due to climate change than a country with an import-dependent food system.

Ang pangangalaga sa seguridad ng pagkain ay hindi nangangahulugan ng pagtustos ng suplay ng pagkain ng bansa sa anumang paraan, sa kasong ito, pag-angkat. Nangangahulugan ito na maprotektahan ang lokal na produksyon at baguhin ito sa isang angkop, nakakaakma at sapat na industriya na maaaring magsilbi sa lokal na pangangailangan sa pagkain. Kasabay nito, nangangahulugan itong paglalagay ng premium sa mga karapatan at kagalingan ng mga lokal na tagalika ng pagkain at pagtitiyak ng kanilang kakayahang suportahan ang lokal na pangangailangan sa pagkain. Ang isang bansang may sapat na suplay ng pagkain sa bansa ay nasa mas mahusay na posisyon upang harapin ang nagbabantang krisis ng pagkain dahil sa pagbabago ng klima kaysa sa isang bansang may sistemang nakaasa sa pag-angkat.


In the event of signing the Rice Tariffication Act into law, PMCJ calls on the government to expand and develop local rice production by ensuring that agricultural services, regulation of the cost of production and access to low-interest credit and grants are available to small rice farmers. Protection and expansion of rice farms and small farmers is the key to climate impacts on rice and food production. Conservation of watersheds and forests for irrigation and water supply is critical to sustaining agricultural productivity, as well as complying with our mitigation targets. Further, it calls on the government to stop the tide of liberalization of agriculture and institute reforms and policy to enhance and develop local agricultural production devoted to food consumption of the 100 million Filipinos.

Sa paglagda sa Rice Tariffication Act bilang batas, nananawagan ang PMCJ sa pamahalaan na palawakin at paunlarin ang lokal na produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga serbisyo sa agrikultura, regulasyon ng gastos ng produksyon at pag-akses sa  mababang interes na pautang at bigay ay naririyan para magamit ng maliliit na magsasaka. Ang proteksyon at pagpapalawak ng mga sakahan ng bigas at maliliit na magsasaka ang susi sa epekto ng klima sa bigas at produksyon ng pagkain. Mahalaga ang pangangalaga sa mga daluyang tubig at kagubatan para sa patubig at suplay ng tubig para sa panatiling produktibo ang agrikultura, pati na rin ang pagtalima sa puntirya nating mitigasyon. Bukod dito, hinihilin nito sapamahalaan na pigilin ang pagtaas ng liberalisasyon sa agrikultura at gawin ang mga reporma at patakaran upang mapahusay at mapabuti ang produksyon ng lokal na agrikulturang nakatuon sa pagkonsumo ng pagkain ng 100 milyong Pilipino.

###

Martes, Marso 5, 2019

Salin ng tulang Spirits of the Dead ni Edgar Allan Poe


SPIRITS OF THE DEAD
by Edgar Allan Poe

MGA ESPIRITU NG PATAY
ni Edgar Allan Poe
Malayang Salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

I

Thy soul shall find itself alone
’Mid dark thoughts of the gray tombstone—
Not one, of all the crowd, to pry
Into thine hour of secrecy.

I

Nagisnang mong nangulila ang iyong kaluluwa
Saloobin ay kaydilim sa abuhing lapida
Walang isa man, sa tanang madla, ang nagigisa
Sa iyong napapanahong lihim na nag-iisa.

II

Be silent in that solitude,
Which is not loneliness—for then
The spirits of the dead who stood
In life before thee are again
In death around thee—and their will
Shall overshadow thee: be still.

II

Maging matahimik ka sa pag-iisa mong iyon
Na hindi naman kalungkutan - at kung magkagayon
Yaong naroroong mga espiritu ng patay
Sa harap mo ay muling nakatayong nabubuhay
Sa kamatayang lumigid - at loob na pinukaw
Nila ang sa iyo'y lalamon: huwag kang gagalaw.

III

The night, tho’ clear, shall frown—
And the stars shall look not down
From their high thrones in the heaven,
With light like Hope to mortals given—
But their red orbs, without beam,
To thy weariness shall seem
As a burning and a fever
Which would cling to thee for ever.

III

Ang gabi, bagamat maliwanag, ay sumimangot-
At ang mga bituin ay hindi dapat yumukod
Mula sa luklukang kaytayog sa langit na banal
Ng may liwanag tulad ng Pag-asang alay sa mortal
Ngunit ang mga pulang globo nilang walang sinag
Ay tila nakikita, sa iyong pagkabagabag,
Bilang siyang nasusunog at yaong karamdaman
Ang mangungunyapit sa iyo magpakailanman

IV

Now are thoughts thou shalt not banish,
Now are visions ne’er to vanish;
From thy spirit shall they pass
No more—like dew-drop from the grass.

IV

Ngayon mga saloobin mo'y hindi mawawala,
Ngayon mga pangitain ay hindi mapupuksa;
Makakatawid sila mula sa espiritu mo
Walang higit pa - tulad ng hamog - mula sa damo.

V

The breeze—the breath of God—is still—
And the mist upon the hill,
Shadowy—shadowy—yet unbroken,
Is a symbol and a token—
How it hangs upon the trees,
A mystery of mysteries!

V

Ang simoy - ang hininga ni Bathala - ay patuloy
At yaong alapaap na naroroon sa burol,
Malabo - malabo - subalit hindi nasisira
Itong isang sagisag at isa rin itong tanda
Paano naisabit sa punong tinitingala
Tunay na kahiwagaan sa lahat ng hiwaga!

Source: The Complete Poems and Stories of Edgar Allan Poe (1946)
Pinagbatayan: aklat na The Complete Poems and Stories of Edgar Allan Poe (1946)

Lunes, Marso 4, 2019

Pahayag ng PhilVenSol sa March 8 International Womens' Day


Pahayag ng Philippines Venezuela Solidarity
Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Naninindigan kami tungo sa pakikiisa sa mga kababaihan ng Rebolusyong Bolivariano!

Ang mga banta at pag-atake ng misoginistang pangulo ng US na si Donald Trump ay nagpapakita ng nakamamatay na banta sa mga kababaihan ng Venezuela.

Tila bigo ang pinakahuling pagtatangka ng US na ibagsak ang demokrasya at ang sosyalistang Rebolusyong Bolivariano sa Venezuela. Kabaligtaran sa paglalarawan ng midya sa mundo at mga sinasabi ng administrasyong Trump, ang maamong oposisyon sa US, at ng kanilang mga kaalyado sa ilang punong lungsod ng  Europa at Latin America, hindi nagkaisang sumuporta sa mamamayang Venezuelano ang pinili ng US na maging pangulong si Juan Guaidó, maliban sa ilang saray ng mga ekonomikong elitista. Nananatiling mas marami ang sama-samang pagkilos ng mamamayan upang suportahan ang demokratikong halal na si Pangulong Nicolás Maduro kaysa mga sumusuporta  sa kudeta, na sumasalamin sa mas malawak na seksyon ng populasyon. Nakikita ito sa mga madlang maka-Maduro na sumasalamin sa etnikong pagkakaiba-iba ng Venezuela na salungat sa nakararaming madlang tisoy na sumusuporta kay Guaidó. Ang panawagan ng US na bumaligtad na ang sandatahang lakas - o mga seksyon nito - ay tinututulan.

Gayunpaman, dahil nabigo sa kanilang tangkang ipagtagumpay ang isang kudeta, patuloy ang bantang interbensyong militar ng administrasyong Trump. Pinupuntirya ng bantang ito ang mamamayang Venezuelano na, mula nang inihalal ang namayapang Hugo Chavez noong 1998 at sa pagsisimula ng Rebolusyong Bolivariano, ay kumilos mula sa kanilang nakatalagang lugar upang pumagitna sa pulitikang Venezuelano. Lalo na’t ang mga babae ang nasa sentro.

Habang tinatalakay ng Kanluraning midya ang krisis pang-ekonomiya ng Venezuela sa nakalipas na 9 na taon, ang ipinagwawalang-bahala nito ay noong bago mag-1998, 80% ng Venezuelano ang nabubuhay sa kalunos-lunos na kahirapan. Pinakaapektado ang mga babae. Iniangat ng Rebolusyong Bolivariano ang pamantayan ng pamumuhay at ang panlipunang pasahod. Tiniyak ng paglikha ng mga institusyon tulad ng Banmujer (ang Bangko ng Kababaihan) na mga kababaihan ang nakasentro sa pagsulong ng pamantayan ng pamumuhay at muling pamamahagi ng yaman ng lipunan.

Ngunit higit pa doon, ginawa ito sa pamamagitan ng popular na pakikilahok. Nasa nangungunang papel ang mga kababaihan sa Panlipunang Misyon na nangangahulugang mas maraming tao ang may akses sa pangangalaga sa kalusugan at sa edukasyon sa unang pagkakataon. Malawakan namang itinayo ang mga bagong pabahay. Ang mga kababaihan, na siyang nasa pinaka-disbentahe, ang mas nakinabang.

Ang maraming naipanalo ng kababaihan ay sumasalamin sa mga artikulong lehislatibo at konstitusyunal. Halimbawa, kauna-unahan sa daigdig, kinikilala ng konstitusyon ng Venezuela ang domestikong paggawa "bilang isang pang-ekonomiyang aktibidad na lumilikha ng karagdagang halaga at lumilikha ng panlipunang kagalingan at yaman," at idinagdag pa: "Ang mga maybahay ay may karapatan sa Panlipunang Seguridad alinsunod sa batas." Subalit mas mahalaga kaysa mga ligal na pagbabagong ito ang pangingibabaw ng kababaihan sa mga organisasyong masa: sa mga pangmasang kilusang pampulitika, sa mga Panlipunang Misyon at sa pumapaimbulog na sistema ng mamamayan na nakikilahok sa demokrasya: ang mga Komiteng Komyunal at ang mga Komyun.

Kababaihan ang pinakamatinding tinamaan ng krisis pang-ekonomya na nagpalubog sa bansa mula pa noong 2014. Sa pasuray-suray na pagpapakita ng pagkukunwari ng US at mga kaalyadong imperyalista, at ang kanilang mga loro sa midya, ginamit nila ang pang-ekonomiyang krisis bilang katibayan ng kabiguan ng Sosyalismong Bolivariano at ang pangangailangang baguhin ang rehimen. Gayunpaman, habang may mga kontradiksyon din ang Rebolusyong Bolivariano at ang pamahalaan nito’y nakakagawa ng pagkakamali, ang krisis ay malaking resulta ng mga dahilang labas sa Venezuela. Ang pagbagsak ng presyo ng langis, na nagsimula sa krisis, ay pinangunahan ng Saudi Arabia, na kaalyado ng US, kaya nagbaha ng langis sa merkado bilang isang anyo ng agresyong pang-ekonomiya laban sa Venezuela (at Iran). Malaki rin ang nagawa ng pananabotahe ng burgesyang Venezuelano (na panlipunang base ng oposisyong maka-US). Bukod dito, ang lalim ng krisis ay resulta rin ng mas direktang anyo ng pang-ekonomiyang digmaan: mga ekonomikong pagharang. Simula sa panahon ng administrasyong Obama, ang mga ekonomikong pagharang na ipinataw ng US at mga kaalyado nito, ay nangangahulugan ng malawakang pagnanakaw ng mga ari-arian ng Venezuela. Ang mga tubô mula sa pagbebenta ng langis ay nanigas sa mga bank account sa US. Ang mga reserbang ginto ng Venezuela ay tinanganan ng Bank of England. Mas humigpit pa ang pagkakasakal sa mga bagong pang-ekonomyang pagharang na itinaguyod ni Trump bilang bahagi ng kanyang bagong pagtatangkang kudeta. Dagdag pa, ang mga imperyalista ngayon ay nagbabantang ibibigay ang mga ninakaw na ari-arian sa kanilang manikang si Juan Guaidó.

Sa isang matinding panayam ng BBC, tinukoy ni Maduro ang pagkukunwari ng US sa paggamit ng $20 milyong halaga ng tulong bilang Trojan horse upang labagin ang kasarinlan ng Venezuela habang ilegal na tinatanganan ang mahigit sa $10 bilyon ng Venezuela.

Kababaihan ang pinakamatinding tinamaan ng pang-ekonomyang pagharang, na tumutungo sa isang bangkulong (blockade). Halimbawa, habang nananatiling mahusay na pinaglilingkuran ng mga doktor ang mga mahihirap na Venezuelano at mga manggagawang pangkalusugan sa paraang hindi pa mailalarawan bago pa ang 1998, ang pagbangkulong ay lumikha ng malubhang kakulangan sa ilang uri ng mga gamot na magagamit lamang mula sa mga bansang Kanluranin. May negatibong epekto ito, bukod sa iba pang mga bagay, ang reproduktibong kalusugan ng kababaihan. Ngunit ang mga kababaihan, sa pamamagitan ng kanilang pamumuno sa mga pangmasang organisasyon, ay nangunguna upang igpawan ang mga pang-ekonomiyang kahirapan, halimbawa sa pamamagitan ng Pueblo, o isang programa ng Pueblo, na kinabibilangan ng pang-ekonomiyang pakikipagtulungan at direktang kalakalan sa pagitan ng mga pangmasang organisasyon sa mga mahihirap na nayon sa kalunsuran at nakikibakang pamayanang agrikultural, na nilalalaktawan ang mga kapitalistang hunyango na nagpapalaki ng kakapusan. Ipinaliliwanag nito ang kabalintunaan na, ayon sa naratibong Kanluranin, ang uring manggagawa at mga mahihirap na kababaihan sa kanayunan, na pinakamatinding tinatamaan ng pang-ekonomyang krisis na dahilan ng kawalang-tatag na pampulitika, ang nasa unahan ng mga pulitikal na mobilisasyon sa pagtatanggol sa Rebolusyong Bolivariano.

Habang nabigo ang kudeta ni Guaidó at tumahimik ang pahiwatig ng bantang agresyong militar ni Trump, nananatili ang bantang pananakop at ang agresyong pang-ekonomiya’y tumitindi. Kung magtagumpay ang US sa pagpapatalsik sa rebolusyon, ang proyektong pagwasak ng malawak na baseng pampulitika nito ay kakila-kilabot, at matinding matatamaan ang mga kababaihan. Ibinalangkas ito ni Trump sa pagtatalaga kay Elliot, na isang beteranong operatiba ng maruming digmaan, upang masubaybayan ang kanyang planong pagbabago ng rehimen. Mula sa Latin America hanggang Gitnang Silangan, si Elliot ay may malawak na deka-dekadang rekord ng kriminalidad, pang-aalipusta, paglabag sa soberanya at pang-aabuso sa karapatang pantao. Ngunit marahil ay pinakasikat sa pagdidirekta ng karahasang kontra-rebolusyonaryo sa Gitnang Amerika noong dekada 1980 kung saan normal na lang ang sekswal na karahasan at kahit na sanggol ay hindi pinatawad mula sa mga patayan.

Pinangungunahan ng mga kababaihan ng Venezuela ang paglaban para sa karapatan ng kababaihan at sa magkakaugnay na pakikibaka para sa isang panlipunan at makakalikasang daigdig na makatarungan at sustenable. Nagagalit dito ang imperyalismo, na kinakatawan ng sagad-sa-butong-misoginistang si Donald Trump. Kaya dapat makipagkaisa ang mga kababaihan sa buong mundo sa kanilang mga kapatid na kababaihang Venezuelano.

Tayong nasa kilusan ng kababaihan sa Pilipinas ay nakikipagkaisa sa ating mga kapatid na kababaihan ng rebolusyong Bolivariano at isinisigaw:

Ayaw namin sa kudetang pinangungunahan ng US!
Huwag pakialaman ang Venezuela!
Marso 8, 2019



Philippines Venezuela Solidarity Statement – March 8, International Women’s Day

We stand in solidarity with the women of the Bolivarian Revolution!

The threats and attacks by the misogynist US president Donald Trump pose a deadly threat to women in Venezuela.

The latest US attempt at overthrowing democracy and the socialist Bolivarian Revolution in Venezuela appears to have failed. Contradicting the picture painted by the world's media and the claims of the US Trump administration, the tame US opposition, and their allies in some European and Latin American capitals, the Venezuelan people have not rallied to the US-appointed president-in-waiting Juan Guaidó, with the exception of some layers from the economic elite. Mobilisations in support of democratically elected President Nicolás Maduro have consistently outnumbered pro-coup mobilisations and reflected a much broader section of the population. This has been visible in the pro-Maduro crowds reflecting the ethnic diversity of Venezuela in contrast to the predominantly white crowds supporting Guaidó. Calls by the US for the armed forces – or sections of it – to defect were rejected.

However, having failed in their attempts to engineer a coup d'etat, the Trump administration continues to threaten military intervention. This threat is targeted at the Venezuelan masses who since the election of the late Hugo Chavez in 1998 and the start of the Bolivarian Revolution have moved from their assigned place at the periphery of Venezuelan politics to take centre stage. Women are particularly in the frame.

While the Western media has dwelt on Venezuela's economic crisis of the past 9 years, what it ignores is that before 1998, 80% of Venezuelans lived in abject poverty. Women were the most affected. The Bolivarian Revolution raised living standards and the social wage. The creation of institutions such as Banmujer (the Women's Bank) ensured that women were centred in the raising of living standards and wealth redistribution.

But more than that, it did so through popular participation. Women played the leading role in the Social Missions that meant that many people had access to healthcare and education for the first time ever. Massive amounts of new housing were built. Women, as the most disadvantaged, benefited the most.

Many gains for women are reflected in legislative and constitutional articles. For example, in a world's first, Venezuela's constitution recognises domestic labour “as an economic activity that creates added value and produces social welfare and wealth,” adding: “Housewives are entitled to Social Security in accordance with the law.” But more important than these legal changes is the predominance of women in mass organisation: in grassroots political movements, in the Social Missions and in the evolving system of grassroots participatory democracy: the Communal Councils and Communes.

Women have been hardest hit by the economic crisis that has engulfed the country since 2014. In a staggering display of hypocrisy, the US and allied imperialists, and their media echo chamber, have used the economic crisis as evidence of the failure of Bolivarian Socialism and the need for regime change. However, while the Bolivarian Revolution has its contradictions and its governments have made errors, the crisis is overwhelmingly the result of external factors. The drop in oil prices, which precipitated the crisis, was in part manufactured by US ally Saudi Arabia flooding the market as a form of economic aggression against Venezuela (and Iran). Sabotage by the Venezuelan bourgeoisie (who are the social base of the pro-US opposition) has also played a large part. Moreover, the depth of the crisis is largely the result of a far more direct form of economic warfare: sanctions. Starting during the Obama administration, sanctions imposed by the US and its allies, have amounted to wholesale theft of Venezuela's assets. Profits from the sale of oil are frozen in US bank accounts. Venezuela's gold reserves are held hostage by the Bank of England. The noose has been further tightened in new sanctions introduced by Trump as part of his latest coup attempt. Furthermore, the imperialists are now threatening to give the stolen assets to their puppet, Juan Guaidó.

In a hostile interview by the BBC, Maduro pointed out the hypocrisy of the US in using a convoy of $20 million worth of aid as a Trojan horse to violate Venezuela's sovereignty while illegally holding more than $10 billion of Venezuela.

Women are hardest hit by the sanctions, which amounts to a blockade. For example, while poor Venezuelans remain well served by doctors and health workers in a way unimaginable before 1998, the blockade is creating a severe shortage of some types of pharmaceuticals that are only available from Western countries. This has negatively impacted, among other things, women's reproductive health. But women, through their leadership of grassroots organisation, are taking the lead in overcoming the economic difficulties, for example through the Pueblo a Pueblo programme, which involves economic collaboration and direct trade between grassroots organisations in impoverished urban barrios and struggling agricultural communities, bypassing the capitalist hoarders who have accentuated shortages. This explains the paradox that working class and rural poor women, who are hardest hit by the economic crisis that according to the Western narrative is the cause of the political instability, are in the front line of the political mobilisations in defence of the Bolivarian Revolution.

While Guaidó's coup has failed and Trump's hints of imminent military aggression have quietened, the threat of invasion remains and the economic aggression is continuing to intensify. Should the US be successful in overthrowing the revolution, the project of annihilating its vast political base will be gruesome, and it is women who are most under threat. This is underlined by Trump appointing veteran dirty war operative Elliot to oversee his plans for regime change. Elliot has an extensive decades-long record, from Latin America to the Middle East, of criminality, warmongering, violations of sovereignty and human rights abuse but is perhaps most notorious for directing counter-revolutionary violence in Central America in the 1980s in which sexual violence was normalised and not even infants were spared from massacre.

Women in Venezuela are leading the fight for women's rights and the interrelated struggle for a socially and ecological just and sustainable world. This has angered imperialism, personified by the arch-misogynist Donald Trump, so women the world over need to give solidarity to their Venezuelan sisters.

We in the Philippines women’s movement stand in solidarity with our sisters of the Bolivarian revolution and demand:

No to US-led Coup!
Hands of Venezuela!
March 8, 2019

Sabado, Pebrero 16, 2019

Bukas na Liham ni Pangulong Nicolás Maduro ng Venezuela sa mamamayang Amerikano


An Open Letter to the American People from President Nicolas Maduro

Bukas na Liham sa Mamamayang Amerikano
mula kay Pangulong Nicolás Maduro ng Venezuela
(Malayang salin ni Greg Bituin Jr.)

If I know anything, it is about peoples, such as you, I am a man of the people. I was born and raised in a poor neighborhood of Caracas. I forged myself in the heat of popular and union struggles in a Venezuela submerged in exclusion and inequality. I am not a tycoon, I am a worker of reason and heart, today I have the great privilege of presiding over the new Venezuela, rooted in a model of inclusive development and social equality, which was forged by Commander Hugo Chávez since 1998 inspired by the Bolivarian legacy.

Kung alam ko ang anumang bagay, ito ay tungkol sa mga tao, tulad mo, ako'y tao ng sambayanan. Ako'y isinilang at tumubo sa isang mahirap na kapitbahayan sa Caracas. Inugit ko ang aking sarili sa gitna ng init ng mga kilalang pakikibaka ng mga unyon sa isang Venezuelang lubog sa pagkakahiwa-hiwalay at hindi pagkakapantay-pantay. Hindi ako napakayamang mangangalakal, ako ay isang manggagawa ng katwiran at puso, ngayon ako'y may dakilang pribilehiyong mamuno sa bagong Venezuela, na nakaugat sa isang modelo ng pag-unlad na kasama ang lahat at panlipunang pagkakapantay-pantay, na inugit ni Kumandante Hugo Chavez noon pang 1998 na inspirado ng pamanang Bolivariano.

We live today a historical trance. There are days that will define the future of our countries between war and peace. Your national representatives of Washington want to bring to their borders the same hatred that they planted in Vietnam. They want to invade and intervene in Venezuela – they say, as they said then – in the name of democracy and freedom. But it’s not like that. The history of the usurpation of power in Venezuela is as false as the weapons of mass destruction in Iraq. It is a false case, but it can have dramatic consequences for our entire region.

Nabubuhay tayo ngayon sa isang makasaysayagng pagkalugmok. May mga araw na itatakda ang kinabukasan ng ating mga bansa sa pagitan ng digmaan at kapayapaan. Nais ng inyong mga pambansang kinatawan ng Washington na dalhin sa kanilang mga hangganan ang parehong pagkapoot na kanilang itinanim sa Vietnam. Gusto nilang sakupin at makialam sa Venezuela - sinasabi nila, tulad ng sinabi na nila noon - sa ngalan ng demokrasya at kalayaan. Ngunit hindi iyon ganoon. Ang kasaysayan ng pang-aagaw ng kapangyarihan sa Venezuela ay kasingmali ng weapons of mass destruction (sandata ng pangkalahatang pagwasak) sa Iraq. Isa iyong maling kaso, ngunit maaari itong magkaroon ng mga dramatikong kahihinatnan para sa aming buong rehiyon.

Venezuela is a country that, by virtue of its 1999 Constitution, has broadly expanded the participatory and protagonist democracy of the people, and that is unprecedented today, as one of the countries with the largest number of electoral processes in its last 20 years. You might not like our ideology, or our appearance, but we exist and we are millions.

Ang Venezuela ay isang bansang, sa pamamagitan ng Konstitusyong 1999 nito, mas pinalawak ang demokrasya ng pakikilahok at paglaban ng sambayanan, at wala pang nakagagawa niyan ngayon, bilang isa sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng proseso ng halalan sa nakaraang 20 taon. Maaaring hindi mo gusto ang aming ideolohiya, o ang aming hitsura, ngunit umiiral kami at kami ay milyun-milyon.

I address these words to the people of the United States of America to warn of the gravity and danger that intend some sectors in the White House to invade Venezuela with unpredictable consequences for my country and for the entire American region. President Donald Trump also intends to disturb noble dialogue initiatives promoted by Uruguay and Mexico with the support of CARICOM for a peaceful solution and dialogue in favour of Venezuela. We know that for the good of Venezuela we have to sit down and talk, because to refuse to dialogue is to choose strength as a way. Keep in mind the words of John F. Kennedy: “Let us never negotiate out of fear. But let us never fear to negotiate”. Are those who do not want to dialogue afraid of the truth?

Ipinahahayag ko ang mga pananalitang ito sa mamamayan ng Estados Unidos ng Amerika upang magbabala ng tindi at panganib na hinahangad ng ilang sektor sa White House na lusubin ang Venezuela na may hindi inaasahang kahihinatnan para sa aking bansa at para sa buong rehiyon ng Amerika. Hinahayaan din ni Pangulong Donald Trump na abalahin ang mga inisyatibo ng marangal na pag-uusap na itinataguyod ng Uruguay at Mexico sa tulong ng CARICOM para sa mapayapang solusyon at pag-uusap na pabor sa Venezuela. Alam namin na para sa kabutihan ng Venezuela kailangan naming umupo at makipag-usap, dahil ang pagtanggi sa pag-uusap ay pinipili ang pwersa bilang pamamaraan. Tandaan ang sinabi noon ni John F. Kennedy: "Huwag tayong makipag-ayos dahil sa takot. Ngunit huwag tayong matakot na makipag-ayos". Yaon bang ayaw makipag-usap ay natatakot sa katotohanan?

The political intolerance towards the Venezuelan Bolivarian model and the desires for our immense oil resources, minerals and other great riches, has prompted an international coalition headed by the US government to commit the serious insanity of militarily attacking Venezuela under the false excuse of a non-existent humanitarian crisis.

Ang kawalang-pagpaparayang pulitikal sa modelong Bolivariano ng Venezuela at ang pagnanais ng aming napakalawak na mapagkukunan ng langis, mineral at iba pang malalaking kayamana, ang nagtulak sa isang daigdigang koalisyon na pinamumunuan ng gobyernong US upang gumawa ng malubhang kabaliwanng  na militarisadong lusubin ang Venezuela dahil sa gawa-gawang dahilan ng isang krisis na humanitaryan na hindi naman umiiral.

The people of Venezuela have suffered painfully social wounds caused by a criminal commercial and financial blockade, which has been aggravated by the dispossession and robbery of our financial resources and assets in countries aligned with this demented onslaught.

Nagdusa na ang mamamayan ng Venezuela ng masasakit na panlipunang sugat dulot ng isang kriminal na blokadang pangkomersyo at pinansiyal, na pinalala ng pag-aalis at pandarambong ng aming mga pinansyal na likas-yaman at mga ari-arian sa mga bansang kahanay sa nakamamatay na pagsalakay na ito.

And yet, thanks to a new system of social protection, of direct attention to the most vulnerable sectors, we proudly continue to be a country with high human development index and lower inequality in the Americas.

Gayunpaman, salamat sa isang bagong sistema ng panlipunang proteksyon, ng direktang atensyon sa mga pinakamahihirap na sektor, ipinagmamalaki naming kami'y isang bansang may mataas na antas ng pag-unlad ng tao at mas mababa ang hindi pagkakapantay-pantay sa Amerika.

The American people must know that this complex multiform aggression is carried out with total impunity and in clear violation of the Charter of the United Nations, which expressly outlaws the threat or use of force, among other principles and purposes for the sake of peace and the friendly relations between the Nations.

Dapat mabatid ng mamamayang Amerikano na ang kumplikadong samutsaring anyo ng pagsalakay na ito'y isinasagawa na may lubusang imunidad at may malinaw na paglabag sa Charter ng United Nations, na malinaw na ipinagbabawal ang pagbabanta o paggamit ng lakas, bukod sa iba pang mga prinsipyo at layunin para sa kapayapaan at mapagkaibigang ugnayan sa pagitan ng mga Bansa.

We want to continue being business partners of the people of the United States, as we have been throughout our history. Their politicians in Washington, on the other hand, are willing to send their sons and daughters to die in an absurd war, instead of respecting the sacred right of the Venezuelan people to self-determination and safeguarding their sovereignty.

Nais naming ipagpatuloy ang pakikipagkalakalan sa mamamayan ng Estados Unidos, tulad ng aming ginawa sa buong kasaysayan namin. Ang kanilang mga pulitiko sa Washington, sa kabilang banda, ay handang ipadala ang kanilang mga anak upang mamatay sa isang walang katuturang digmaan, sa halip na igalang ang banal na karapatan ng mamamayan ng Venezuela sa sariling pagpapasiya at pangalagaan ang kanilang soberanya.

Like you, people of the United States, we Venezuelans are patriots. And we shall defend our homeland with all the pieces of our soul. Today Venezuela is united in a single clamor: we demand the cessation of the aggression that seeks to suffocate our economy and socially suffocate our people, as well as the cessation of the serious and dangerous threats of military intervention against Venezuela. We appeal to the good soul of the American society, victim of its own leaders, to join our call for peace, let us be all one people against warmongering and war.

Tulad ninyo, mamamayan ng Estados Unidos, kaming mga Venezuelano ay makabayan. At ipagtatanggol namin ang aming sariling bayan kasama ng bawat piraso ng aming kaluluwa. Ngayon ang Venezuela ay nagkakaisa sa isang panawagan: nais naming matigil na ang agresyong ang layunin ay suminghap-singhap ang aming ekonomya at panlipunang pagsinghapin ang aming mamamayan, pati na rin ang pagtigil ng seryoso at mapanganib na banta ng interbensyong militar laban sa Venezuela. Ipinanawagan namin sa mabubuting tao sa Amerika, na bitikam ng kanilang sariling pamunuan, upang sumali sa aming panawagan para sa kapayapaan, tayo'y magkaisa bilang sambayanan laban sa panunulsol at digmaan.

Long live the peoples of America!

Mabuhay ang mamamayan ng Amerika!


Nicolás Maduro
President of the Bolivarian Republic of Venezuela

Nicolás Maduro
Pangulo ng Republikang Bolivariano ng Venezuela

Sabado, Pebrero 9, 2019

Pahayag ng Phil-Ven-Sol


In solidarity with people of Venezuela against US-directed coup d’etat and threatened military intervention
By Philippines-Venezuela Solidarity (Phil-Ven-Sol)

Sa pakikiisa sa mamamayan ng Venezuela laban sa kudetang pinangungunahan ng Estados Unidos at pagbabanta ng pakikialam ng militar

Pahayag ng Philippines-Venezuela Solidarity (Phil-Ven-Sol)

January 24, 2019 — Philippines-Venezuela Solidarity stands unequivocally with the Venezuelan people, and their democratically elected government and president, against the unfolding coup attempt being orchestrated in Washington and against the growing threat of US invasion.

Enero 24, 2019 - Walang pasubaling naninindigan ang Philippines-Venezuela Solidarity (PhilVenSol) sa mamamayan ng Venezuela, at sa kanilang demokratikong inihalal na pamahalaan at pangulo, laban sa tangkang kudetang itinataguyod ng Washington at laban sa tumitinding banta ng pagsalakay ng Estados Unidos.

The situation in Venezuela is becoming more dangerous by the moment, as the US government is stepping up its efforts to overthrow the democratically elected Venezuelan president, the socialist Nicolas Maduro. Following a week of provocations and terrorist attacks by US-backed opposition elements, on January 23 the US and its allies in the Lima Group recognised little-known opposition politician Juan Guaidó as president.

Nagiging mas mapanganib ang kalagayan ng Venezuela sa sandaling ito, habang pinatitindi ng gubyernong Estados Unidos ang mga paggapang nito upang ibagsak ang demokratikong inihalal na pangulo ng Venezuela, ang sosyalistang si Nicolas Maduro. Kasunod ng isang linggong mga pang-uupat at pag-atakeng terorista ng mga elemento ng oposisyong sinuportahan ng Estados Unidos, kinilala noong Enero 23 ng Estados Unidos at ng mga kaalyado nito sa pangkat Lima ang hindi kilalang politikong si Juan Guaidó bilang pangulo.

With the Venezuelan armed forces pledging loyalty to the constitution and to the elected government, it appears that the coup is faltering. However, the belligerent rhetoric from US Trump administration leaders has only escalated, explicitly threatening, and inventing pretexts for, direct US military aggression against Venezuela.

Habang nanumpa ng katapatan ang kasundaluhan ng Venezuela sa Konstitusyon at sa inihalal na pamahalaan, tila nauudlot ang kudeta. Gayunpaman, ang mapanlabang retorika mula sa mga lider ng administrasyong Trump ay lumalakas lamang, tahasang nagbabanta, at nag-iimbento ng mga dahilan para sa direktang pananakop militar ng Estados Unidos laban sa Venezuela.

While thousands of Venezuelans have taken to the streets to support the legitimately elected government — and the continuation of the Bolivarian Revolution that began after the election to the presidency of Hugo Chavez in 1998, much smaller numbers of opposition supporters have also taken to the streets to indulge in violence and vandalism. The US has opposed the Bolivarian Revolution since the outset.

Habang libu-libong Venezuelano ang nagtungo sa lansangan upang suportahan ang lehitimong halal na pamahalaan - at ang pagpapatuloy ng Rebolusyong Bolivariano na nagsimula pagkatapos mahalal na pangulo si Hugo Chavez noong 1998, mas maliit na bilang naman ng mga tagasuporta ng oposisyon ang nagtungo sa lansangan upang magkalat ng karahasan at manalaula. Tutol na ang Estados Unidos sa Rebolusyong Bolivariano noong una pa lamang.

Previous attempts to overthrow the Venezuelan government include the 2002 coup d’etat against Chavez that was defeated by a massive popular mobilisation. Since 2014, some support for the Bolivarian Revolution has been undermined by an economic crisis that has undone much of the rise in living standards that the revolution brought about. However, this crisis is largely the result of crippling US-led economic sanctions and this is widely understood in Venezuela. Maduro has continued winning elections.

Kabilang sa mga naunang pagtatangka upang ibagsak ang gobyerno ng Venezuela ay ang kudeta noong 2002 laban kay Chavez na tinalo ng isang napakalaking popular na pagkilos ng mamamayan. Mula noong 2014, pinarupok ng isang krisis pang-ekonomya ang ilang suporta para sa Rebolusyong Bolivariano na sinagasaan ang pamantayan ng pamumuhay na resulta ng rebolusyon. Gayunpaman, malaking dahilan ng krisis na ito ang nakapipilay na pagharang na pang-ekonomya na pinangunahan ng Estados Unidos at malawak itong nauunawaan sa Venezuela. Patuloy namang nananalo sa halalan si Maduro.

The decision by the US to recognise Guaidó as president, in defiance of international law and the basic norms of diplomacy, has been echoed by the governments of Argentina, Brazil, Canada, Chile, Colombia, Costa Rica, Ecuador, Peru and other US allies in the region. Belize, Bolivia, Cuba, Mexico and Nicaragua are among the countries in the region supporting Venezuela.

Ang pasiya ng Estados Unidos na kilalanin si Guaidó bilang pangulo, habang binabale-wala ang internasyunal na batas at mga batayang kaugalian ng diplomasya, ay sinambit ng mga pamahalaan ng Argentina, Brazil, Canada, Chile, Colombia, Costa Rica, Ecuador, Peru at iba pang mga alyado ng Ameika sa rehiyon. Ang Belize, Bolivia, Cuba, Mexico at Nicaragua ay kabilang sa mga bansa sa rehiyon na sumusuporta sa Venezuela.

In a display of utter hypocrisy, the US and its allies are using the rhetoric of democracy, rule of law and human rights to justify removing the democratically elected president of Venezuela and install someone who did not even stand in the presidential elections. However, this hypocrisy is perhaps not surprising given the centuries long history of violent and criminal aggression by US imperialism in the Americas and the current administration of Donald Trump plumbing new depths in criminality, racist authoritarianism and a foreign policy based on imperialist arrogance and xenophobic contempt.

Sa pagpapakita ng lubos na kaipokritohan, ginagamit ng Estados Unidos at ng mga kaalyado nito ang retorika ng demokrasya, panuntunan ng batas at karapatang pantao upang bigyang-katwiran ang pagtanggal sa demokratikong inihalal na pangulo ng Venezuela at maglagay ng isang taong hindi man lamang nahalal sa panguluhan. Gayunpaman, hindi marahil nakagugulat ang kaipokritohang ito dahil na rin sa mga siglo ng kasaysayan ng marahas at kriminal na pagsalakay ng imperyalismong Estados Unidos sa Latino Amerika at sa kasalukuyang pangangasiwa ni Donald Trump na nag-aayos ng bagong kaloob-looban  sa kriminalidad, rasistang awtoritaryanismo at isang patakarang panlabas batay sa imperyalistang pagyayabang at pang-aalipusta’t pagkagalit sa mga banyaga.

The recently elected right-wing president of Brazil, Jair Bolsonaro, has been one of the loudest voices supporting the US plans for regime change in Venezuela. Bolsonaro’s attempts to question the legitimacy of Maduro’s election are particularly ironic given that his own electoral victory followed a judicial coup d’etat against former President Dilma Rousseff, the legally dubious trial and imprisonment of the most popular candidate, Lula da Silva, and voter intimidation by elements in the police and armed forces, and Bolsonaro’s own goons. Bolsonaro’s domestic agenda, which has been described as fascist, literally threatens genocide against Indigenous people, the LGBTI and violent repression against environmentalists, feminists and the left.

Ang kamakailang inihalal na makakanang pangulo ng Brazil, si Jair Bolsonaro, ang isa sa pinakamalakas na tinig na sumusuporta sa mga plano ng Estados Unidos para sa pagbabago ng rehimen sa Venezuela. Ang pagtatangkang paghinalaan ni Bolsonaro ang pagiging lehitimo ng pagkakahalal kay Maduro ay nakapagtataka gayong ang tagumpay niya sa halalan ay sinundan ng isang kudeta laban sa dating Pangulong Dilma Rousseff, ang legal na kahina-hinalang paglilitis at pagkabilanggo ng pinakapopular na kandidato, si Lula da Silva, at pananakot sa mga botante ng mga elemento ng pulisya at militar, at ng mga tauhan ni Bolsonaro. Ang lokal na adyenda ni Bolsonaro, na inilarawan bilang pasista, ay literal na nagbabanta ng dyenosidyo laban sa mga Katutubo, LGBTI at marahas na panunupil laban sa mga environmentalista, mga feminista at sa kaliwa.

Another regional government to have come out strongly in support of the US aggression is that of Colombia. This government has shown its disregard for democracy and human rights with assassinations of former guerrillas who disarmed under a peace deal.

Ang Colombia ay lumantad na isa pang panrehiyong pamahalaan na nagbibigay ng buong suporta sa pananakop ng Estados Unidos. Ipinakita ng pamahalaang ito ang pagwawalang-bahala sa demokrasya at karapatang pantao sa pamamagitan ng pagpaslang sa mga dating gerilya na disarmado na sa ilalim ng kasunduang pangkapayapaan.

It is possible that if the coup attempt continues to fail, Colombian and Brazilian troops will provide the ground force for a US-led invasion. Following the expulsion of US diplomats from Venezuela, the US State Department said on January 23: “The United States does not recognize the Maduro regime as the government of Venezuela. Accordingly the United States does not consider former president Nicolas Maduro to have the legal authority to break diplomatic relations with the United States or to declare our diplomats persona non grata.” This is clearly an attempt to create a pretext for war.

Posibleng kung patuloy na mabigo ang mga tangkang kudeta, ang mga hukbo ng Colombia at Brazil ay magbibigay ng puwersang panlupa para sa pagsalakay na pangungunahan ng Estados Unidos. Kasunod ng pagpapalayas sa mga diplomat ng Estados Unidos mula sa Venezuela, sinabi ng State Department ng Estados Unidos noong Enero 23: "Hindi kinikilala ng Estados Unidos ang rehimeng Maduro bilang pamahalaan ng Venezuela. Samakatuwid hindi itinuturing ng Estados Unidos ang dating pangulo na si Nicolas Maduro na magkaroon ng ligal na awtoridad na pahintuin ang diplomatikong relasyon sa Estados Unidos o ideklara ang aming mga diplomat na persona non grata." Ito'y malinaw na pagtatangkang lumikha ng dahilan para sa digmaan.

Urgent international solidarity is needed to support the legitimately elected government of President Nicolas Maduro and to defend the Bolivarian revolution against the US-led coup and possible military intervention.

Kinakailangan ang isang agarang pandaigdigang pagkakaisa upang suportahan ang lehitimong inihalal na pamahalaan ni Pangulong Nicolas Maduro at ipagtanggol ang rebolusyong Bolivariano laban sa kudetang pinangunahan ng Estados Unidos at posibleng interbensyong militar.

Miyerkules, Enero 2, 2019

Salin ng pahayag ng PhilCuba hinggik sa ika-60 anibersaryo ng tagumpay ng Rebolusyong Cubano


Mensahe ng Philippines-Cuba Cultural & Friendship Association (PHILCUBA)
Hinggil sa ika-60 Anibersaryo ng Tagumpay ng Rebolusyong Cubano
(Isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.)


Pagpapatuloy ng Pamana, Pagpeperpekto ng Sistema at Pangunguna sa Gawaing Internasyunalista-Humanista


Sa kabila ng digmaang pang-ekonomiya, pag-uusig sa pananalapi, matinding pagharang, pagturing ng National Security Adviser na si John Bolton sa Cuba bilang isa sa Tatsulok ng Paniniil, at iba pang mga aksyon at pahayag na nakaturo sa US sa pagtungo sa pakikipagtuos sa Cuba, ang lahat ng karapatan ay nasa mga Cubano upang ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng kanilang tagumpay laban sa rehimen ng awtoritaryan at mandarambong na si Fulgencio Batista na suportado ng Estados Unidos.

Kaming mga kasapi ng Philippines-Cuba Cultural and Friendship Association (Phil-Cuba) ay mahigpit na nakikiisa sa mga Cubano sa kanilang pagdiriwang. Pinagpupugayan namin ang mga bayani hindi lamang sa mga taon ng armadong pakikibaka laban sa rehimeng Batista kundi pati na rin sa pagtatanggol laban sa pagsalakay at pagsabotahe ng US, ng mga kampanya upang itatag ang ekonomiyang Cubano at bumuo ng sistema ng edukasyon at kalusugan nito, sa pagsisikap na mapagtagumpayan ang espesyal na panahon at epekto ng pagharang sa pang-ekonomiya, pampinansya at pangkomersyo ng bansa.

Ang mga sumunod na taon matapos makatakas ni Batista sa Cuba sa gabi ng Disyembre 31, 1958 ay, sa katunayan, animnapung taon ng "sagupaan, pagtutol, at pagkamalikhain tungo sa  rurok ng tagumpay" na siyang inilarawan ni Pangulong Miguel Díaz-Canel Bermúdez sa kanyang talumpati kamakailan. Hindi hinahayaan kahit isang saglit ng mga kaaway ng Bagong Cuba nang walang bagong pakana upang wasakin ang Cuba, upang pahinain ang rebolusyonaryong pagpapasiya ng mamamayan nang sa gayon ay itakwil nila ang sosyalismo.

Kami’y nagagalak na isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa ika-60 taon ng Rebolusyon ang pagdaraos ng isang reperendum upang maipasa ang bagong Saligang Batas ng Cuba. Umaasa kaming tinatanganan ng Cuba ang pagbabago ng Saligang Batas upang gawin ang Batayang Batas ng Cuba na nakaakma sa nagbabagong kalagayan habang nananatiling tapat sa mga pamanang iniwan ng kanilang mga mapagpalayang bayani at sa Marxismo-Leninismo habang pineperpekto ang sosyalistang proseso. Pinahahalagahan naming binigyang pansin ng proseso sa paglulunsad ng mga talakayan sa mamamayang Cubano bago ito pagtibayin ng Parlamentong Cubano. Pinasisinungalingan nito ang mga paratang na hindi demokratiko ang sistemang Cubano.

Ipagdiwang din namin ang iba pang mga napagtagumpayan ng Cuba. Nabatid na ng mundo ang mga nagawa nila sa kalusugan, bayoteknolohiya at edukasyon. Sa kabila ng mga natural na kalamidad at ang pagharang pang-ekonomya, inirehistro ng Cuba ang paglago ng ekonomya nito. Kapansin-pansin ang pagpapabuti ng Cuba sa agrikultura, sa imprastraktura, pabahay, pagbabayad ng pensiyon at iba pang mga benepisyong materyal. Patuloy na sumisikat ang Cuba sa sports at sa sining.

Hindi maaaring burahin ng isang Bolsonaro ang natatanging rekord ng Cuba sa internasyunalista-humanistang gawain. Nagbigay ang Cuba ng higit pang mga medikal na tauhan sa papapaunlad pang mundo kaysa sa lahat ng pinagsamang bansa ng G8. Sila’y nasa maraming bansa ng Latin America, Aprika, kahit sa Asya at Pasipiko. Sinanay ng Cuba ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang bansa upang maging mga doktor. At hindi ito magagawa ng Cuba kung hindi dahil sa pinagtagumpayan nilang rebolusyon noong 1959.

Siyang tunay, ang tagumpay ng rebolusyong Cubano ay tagumpay ng sangkatauhan!

Mas galit na sa Cuba ang mga imperyalista at ang kanilang mga ahente dahil sa walang pagod na diwa ng sambayanan. Patuloy ang pakikibaka at magtatagumpay muli ang sambayanang Cubano!

Hayaang magdiwang ang mamamayan ng daigdig!

Halina’t patuloy nating suportahan ang Cuba laban sa imperyalistang paniniil!

Mabuhay ang Rebolusyong Cubano!


Ang orihinal na pahayag sa wikang Ingles:
Mula sa https://www.facebook.com/PhilCubaSol/posts/919804164882200?__tn__=K-R

Message of the Philippines-Cuba Cultural & Friendship Association (PHILCUBA)
On the 60th Anniversary of the Triumph of the Cuban Revolution

Continuing the Legacy, Perfecting the System and Leading in Internationalist-Humanist Work

Despite an economic war, financial persecution, a tightened blockade, branding Cuba by National Security Adviser John Bolton as one in a Troika of Tyranny, and other actions and pronouncements all pointing to the US’s moving towards a course of confrontation with Cuba, the Cuban people have all the right to celebrate with pride the 60th anniversary of their triumph over the US-backed regime of authoritarian and plunderer, Fulgencio Batista.

We, the members of the Philippines-Cuba Cultural and Friendship Association (Phil-Cuba) join the Cuban people in their celebration. We salute the heroes not only of the years of armed resistance against the Batista regime but also of the defense against US invasion and sabotage, of the campaigns to build the Cuban economy and develop its educational and health system, of the effort to overcome the special period and effects of the economic, financial and commercial blockade.

The years that followed Batista’s escape from Cuba in the evening of December 31, 1958 were, indeed, sixty years “of combat, resistance and creativity of the final triumph” as President Miguel Díaz-Canel Bermúdez described in his recent speech. The enemies of New Cuba never allow a single moment to pass without hatching a new plot to destroy Cuba, to weaken the people’s revolutionary determination so that they renounce socialism.

We are glad that a referendum to submit the new Cuban Constitution for ratification will be one of the most significant events on the 60th year of the Revolution. We trust that Cuba is holding this charter change to make the Fundamental Law of Cuba more adjusted with the changed situation while remaining faithful to the legacy of their liberation heroes and to Marxism-Leninism while perfecting the socialist process. We appreciate that the process gave much attention to holding discussions among the people before its approval by the Cuban Parliament. It belies allegations that the Cuban system is not democratic.

We celebrate as well Cuba’s other achievements. Those on health, biotechnology and education are well-known. Despite the natural disasters and the blockade, Cuban economy registered growth. Cuba has noteworthy improvements in agriculture, in infrastructure, housing, paying pension and other material benefits. Cuba continues to shine in sports and in the arts.

A Bolsonaro can never erase Cuba’s outstanding record in internationalist-humanist work. Cuba has provided more medical personnel to the developing world than all the G8 countries combined. They are in many countries of Latin America, Africa, even in Asia and the Pacific. Cuba has trained students from different countries to become doctors. And Cuba couldn’t have done this if not for the revolution that triumphed in 1959.

Indeed, the victory of the Cuban revolution is a victory of humanity!

Imperialists and their agents are ever angrier at Cuba for its people’s indefatigable spirit. The struggle continues and the Cuban people will come out victorious!

Let peoples of the entire world celebrate!

Let us continue supporting Cuba against imperialist attacks!

Long Live the Cuban Revolution!

Lunes, Pebrero 26, 2018

Salin ng Pahayag ng Laban ng Masa

PAHAYAG NG LABAN NG MASA HINGGIL SA REBOLUSYONG EDSA AT SA KONSTITUSYONG 1987
Pebrero 21, 2018

Ang diwa ng kasalukuyan ay rebolusyon.

Paisa-isa, nagmamartsa sa kalsada ang mga Pilipino upang wakasan na ang bangungot na dumadapo sa bansa. Sa pamamagitan ng mga bulaklak, rosaryo, at dilaw na laso sa kanilang mga kamay, matayog ang pangarap ng nagmamalaking populasyon sa mga pangako ng demokrasya. Taun-taon, rehimen sa rehimen, at makalipas ang tatlumpu't dalawang taon nang mangyari iyon, ang tanging naiwang alaala ng EDSA ay hindi iyon reebolusyon o simbol ng kapangyarihan ng mamamayan.

Nang mawala ang alikabok sa pagbagsak ng diktador, agarang ipinahayag ng rebolusyonaryong pamahalaang nasa kapangyarihan kung nakanino ang tunay na katapatan ng pakikipag-alyansa nito. Sa pangako ng kapayapaan, tinugon ito ng matinding pagsuporta sa mga elementong paramilitar. Sa pangako ng pagsasakapangyarihan ng mamamayan, tinugon ito sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan subalit sa kapritso ng kapital, na malayo sa kayang abutin ng mamamayan. Sa pangako ng hustisya, itinayo nito ang mga kinathang institusyon na madaling lumpuhin ng impluwensiya ng kayamanan at kapangyarihan. Sa pangako ng pagsasama, tinugon ito ng pagbabalik ng pamumuno ng mga dinastiya.

Ang pundasyon ng sistematikong panlilibak sa rebolusyonaryong diwa ay pinagtibay ng pmanipesto ng pagkakatatag ng Republikang EDSA. Pagkatapos ay ipinagkaloob ni Pangulong Aquino ang Proklamasyon Blg. 3 ang lahat ng kapangyarihan sa Limampung (50) Mapapalad, sila ang mga indibidwal na pinili mismo ng Pangulo sa kabila ng milyon-milyong Pilipinong nagnanais marinig, ay isinilang ang Konstitusyong 1987. Hindi naging matatag ang mababaw na pluralismong ito kapag ang kahilingan ay masyadong radikal para pahintulutan ng "rebolusyonaryong" gobyerno. Nasusuya na sa harap ng kalayaan habang ang bansa ay nakapako sa tanikala ng kapital at imperyo, umuusok sa galit ang mga tulad nina Lino Brocka at Jaime Tadeo laban sa dokumentong gumagarantiya sa lahat ng iba pang karapatan, ang pagprotekta sa karapatan sa pribadong pagmamay-ari.

Sabihin nang naukit na sa Saligang Batas ang kinakailangang Tala ng mga Karapatan at ang pagbubukod ng mga kapangyarihan sa pagitan ng mga sangay ng pamahalaan na wala noong madilim na panahon ng pamamahalang diktaduryal, ang tatlong dekada ng pagpapatupad sa Saligang Batas ay naglantad lamang sa kabalintunaan ng mga prinsipyong nakasaad dito at sa limitasyon ng elitistang demokrasya. Wala halos pagbabago sa tantos ng pamumuhay ng mga naghihirap mula 2000 hanggang 2015. Nang ipinahayag ng Asian Development Bank na malapit sa sangkapat ng populasyon ang nabubuhay ng kalunos-lunos, ang Pilipinas ngayon ang ikatlong pinakamalaking proporsyon ng mga mahihirap sa Timog-silangang Asya, matapos ang Myanmar at Laos. Isang mas wastong panukat ay ang paglalagay ng proporsyon ng mahihirap sa tatlumpung bahagdan ng populasyon, anupa't ang mahihirao na Pinoy ang pinakamasahol sa Timog-silangang Asya.

Maaring mag-iba ng kaunti ang mga istatistika subalit matatag ang mga kongkulusyon. Ano pa't iniukit ang mga prinsipyo ng panlipunang hustisya - tulad ng karapatan sa paggawa, repormang agraryo, mga demokratikong kalayaan, pamnbansang kasarinlan, at batayang karapatang pantao - gayong hindi ito tumutugma sa mga dikersyon ng patakarang neoliberal at dinastikong panghihimasok na hinahanap ng Republikang EDSA? At pagkatapos ng 32 taon, ang mismong mga kabalintunaang ito ang naglatag ng daan sa panunumbalik ng bantang awtoritaryan sa Konstitusyon na tangkang pigilan. Saksi ang bansa sa rebolusyong nauwi sa trahedya.

Naniniwala ang Laban ng Masa na ang imahinasyong pulitikal ng mamamayan ay hindi mapipigilan ng mga paghihigpit na ipinataw ng isang pirasong papel na nagtatampok bilang tagumpay ng isang rebolusyon. Kung tunay ngang rebolusyon ang EDSA, ang mga tagumopay nito'y inagaw ng iilan mula sa nakararami. Habang ang bansa'y muling nabibighani sa pangako ng radikal na pagbabago sa pamamagitan ng isa na namang piraso ng papel na tumitiyak sa mga pakinabang nito sa mas papaunting kamay, paano natin mababawi ang diwa ng rebolusyon ng bayan?

25.02.2018

https://www.facebook.com/LabanNgMasaPH/posts/573377159690096

Laban ng Masa
Pebrero 21 nang 8:00 PM · 
LABAN NG MASA STATEMENT ON EDSA REVOLUTION AND THE 1987 CONSTITUTION
Feb. 21, 2018

The spirit of the time was revolution.

One by one, Filipinos marched out into the streets to put an end to a nation’s nightmare. With flowers, rosaries, and yellow ribbons in hand, the proud populace was high on the promises of democracy. Year by year, regime by regime, and thirty-two years after the fact; the only memory of EDSA left is that it was neither a revolution nor a symbol of people power.

When the dust settled from the dictator’s downfall, the revolutionary government in power swiftly revealed its true allegiances. To the promise of peace, it answered with staunch support of paramilitary elements. To the promise of empowerment, it responded with handing over basic social services to the whims of the market, far from the people’s reach. To the promise of justice, it constructed the fiction of institutions easily crippled by the influence of wealth and power. To the promise of inclusion, it answered with the restoration of dynastic rule.

The cornerstone of this systematic mockery of the revolutionary spirit was solidified in the founding manifesto of the EDSA Republic. After President Aquino’s Proclamation No. 3 bestowed all power to the Lucky 50, individuals hand-picked by the President herself among millions of Filipinos clamoring to be heard, the 1987 Constitution was born. This shallow pluralism became untenable when demands proved to be too radical for a “revolutionary” government to allow. Disgusted by the facade of freedom while the nation was fastened to the shackles of capital and empire, the likes of Lino Brocka and Jaime Tadeo stormed out in rage against a document that guaranteed above all other rights, the protection of the right to private property.

Granted that the Constitution was able to enshrine the much-needed Bill of Rights and separation of powers between branches of government absent in the dark days under dictatorial rule, three decades of implementing the Constitution only laid bare the contradictions between its principles and the limits of elite democracy. There was virtually no change in the proportion of people living in poverty between 2000 and 2015. With the Asian Development Bank declaring that close to a quarter of the population is living in absolute poverty, the Philippines now has the third largest proportion of poor people in Southeast Asia, after Myanmar and Laos. A more accurate measure places the proportion of the poor to thirty-percent of the population, making the Filipino poor the worst-off in Southeast Asia.

Statistics may vary minimally but the conclusions are robust. What use is enshrining principles of social justice – labor rights, agrarian reform, indigenous peoples’ rights, democratic freedoms, national sovereignty, and basic human rights – when they are incompatible with the neoliberal policy direction and dynastic entrenchment pursued by the EDSA Republic? And after 32 years, these very contradictions paved the road for the return of the authoritarian threat the Constitution sought to preempt. The nation stood witness as a revolution degraded into a tragedy.

Laban ng Masa believes that the political imagination of the people cannot be constrained by the restrictions imposed by a piece of paper masquerading as the victory of a revolution. If EDSA were indeed a revolution, its victories were wrested from the many by the few. As the nation is once again enamored with the promise of radical change through another piece of paper that further secures its gains to fewer and fewer hands, how can we reclaim the spirit of a people’s revolution?

25.02.2018

Huwebes, Pebrero 1, 2018

Panalangin ni Papa Francisco upang Labanan ang mga "Huwad na Balita"

Pope Francis' prayer for countering fake news,
translated from English to Filipino language
Panalangin ni Papa Francisco upang Labanan ang mga "Huwad na Balita"
Malayang salin mula sa wikang Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

Panginoon, gawin mo kaming instrumento ng iyong
kapayapaan.

Tulungan mo po kaming makilala ang nakakubling
kasamaan sa isang pag-uusap na hindi nagtatatag
ng pagkakaisa.

Tulungan mo po kaming tanggalin ang lason sa aming mga paghuhusga.

Tulungan mo po kaming magsalita hinggil sa aming
kapwa bilang aming mga kapatid.


Kayo po ay matapat at mapagkakatiwalaan;
nawa ang aming mga salita'y maging binhi ng kabutihan sa daigdig:

Kung saan may sigawan, nawa'y masanay po kaming makinig;

Kung saan may kaligaligan, nawa'y makapagbigay po
kami ng inspirasyon ng pagkakasundo;

Kung saan may kalabuan, nawa'y makapagdala po kami ng kalinawan;

Kung saan may pagbubukod, nawa'y makapag-alay po
kami ng pagkakabuklod;

Kung saan may makapukaw-damdaming usapin, nawa'y magkaroon po ng kahinahunan;

Kung saan may kalabisan, nawa'y maibigay po namin
ang totoong mga tanong;

Kung saan may kapinsalaan, nawa'y makapukaw po kami
ng pagtitiwala;

Kung saan may paglalabanan, nawa'y makapagdala po kami ng paggalang;

Kung saan may kasinungalingan, nawa'y madala po namin ay katotohanan.  Amen.

- Papa Francisco, pahayag sa Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon 2018

Sabado, Disyembre 16, 2017

Ang mga kaaway - salin ng tula ni Pablo Neruda

Ang mga kaaway
ni Pablo Neruda
Isinalin ni Greg Bituin Jr.

Dito, dinala nila ang kanilang mga baril na puno
ng pulbura at iniatas ang matinding paglipol,
Dito, natagpuan nila ang sambayanang umaawit, sambayanang muling pinagkaisa
Ng pangangailangan at pag-ibig,

At ang payat na batang babaeng may tangan ng watawat ay nahulog,
At ang isang minsang-nakangiting batang lalaki’y gumulong at nasugatan sa tagiliran
At minasdan ng natatarantang bayan ang patay na nalugmok 
Sa galit at sakit.

Pagkatapos, doon
Kung saan ang patay ay nahulog, pinaslang, 
Ibinaba nila ang kanilang mga watawat at ibinabad sa dugo
Upang itaas muli at ipamukha sa mga pumaslang sa kanila.

Para sa aming mga patay, hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga nagkalat ng dugo sa aming bansa, hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa pumaslang na nagdala sa amin ng pagpatay,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga taong umunlad mula sa pagkitil sa amin,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa nagbigay ng atas na naging sanhi ng aming pagdurusa,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga nagtatanggol sa pagkakasalang ito,
hinihiling ko’y kaparusahan.

Ayokong alukin nila kami
Ng kanilang kamay - na nabubo ng
Dugo: nais ko silang parusahan.
Hindi ko sila nais na maging kinatawan,
O kaya'y manirahan sila ng maalwan sa kanilang mga tahanan:

Nais ko silang makitang nililitis
sa liwasang ito, dito sa lugar na ito.

Hinihiling ko’y kaparusahan.



The Enemies
by Pablo Neruda

Here, they brought their guns filled
With powder and ordered callous extermination,
Here, they found a people singing, a people reunited
By necessity and love,

And the skinny girl fell with her flag,
And the once-smiling boy rolled wounded to his side
And the dazed town watched the dead fall
In fury and pain.

Then, there
Where the dead fell, murdered,
They lowered their flags and soaked them in blood
To raise them again in the face of their murderers.

For these our dead, I ask for punishment.
For those who spilled blood in our country,
I ask for punishment.
For the executioner who sent us murder,
I ask for punishment.
For those who prospered from our slaughter,
I ask for punishment.
For he who gave the order that caused our agony,
I ask for punishment.
For those that defended this crime,
I ask for punishment.

I don't want them to offer us
Their hands - soaked in our own
Blood: I want them punished.
I don't want them as ambassadors,
Or living comfortably in their homes:

I want to see them tried
here in this plaza, here in this place.

I demand punishment.

Ang Magsasaka at ang Tagak, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Tagak ni Aesop Isang Tagak na napakasimple at mapagkakatiwalaan ang hiniling ng isang masayang grupo ng mga Itik na bis...