PAHAYAG NG PMCJ HINGGIL SA RICE TARIFFICATION ACT
Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.
The Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) calls on the government to institute more safeguards and protection for rice farmers and the rice industry now that the rice tariffication act has been signed into law.
Nananawagan ang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa pamahalaan na ipatupad ang higit pang mga pananggalang at proteksyon para sa mga magsasaka ng bigas at sa industriya ng palay ngayong nilagdaan na bilang batas ang Rice Tariffication Act (Batas sa Pagbubuwis o Taripa sa Bigas).
On February 14, President Rodrigo Duterte signed into law Republic Act No. 11203, also known as the Rice Tariffication Act, which will lift the quantitative restrictions on rice imports and allow the private sector to import ‘unlimited’ rice with much ease as long as it pays the tariff set by the law. Duterte and his economic managers asserted that it would address the urgent need to improve the availability and affordability of rice in the country.
Noong Pebrero 14, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Batas Republika Blg. 11203, na kilala rin bilang Rice Tariffication Act, na magtataas ng mga pagbabawal sa kwantitatibong pag-angkat ng bigas at pahintulutan ang pribadong sektor na mag-angkat ng 'walang limitasyong' bigas hangga't binabayaran nito ang taripang itinakda ng batas. Sinabi ni Duterte at ng kanyang mga tagapayo sa ekonomya na tutugon ito sa kagyat na pangangailangan upang mapagbuti ang pagkakaroon ng bigas at abotkayang halaga nito sa bansa.
Rice liberalization is a clear abandonment of the local rice farmers and industry
Ang liberalisasyon ng palay ay malinaw na pag-abandona sa mga lokal na magsasaka at industriya ng bigas
Ever since the Philippines liberalized agriculture, many of its agricultural products failed to compete with the cheaper counterparts of the Southeast Asian countries. The price of the agricultural product has always been the determinant in its viability in the market as shown by the cheaper onions and garlic imports vs. the expensive locally produced ones. Eventually, the number of Filipino farmers producing onions and garlic dwindle and lands devoted to producing these products have been converted for other use. This has been the hard lesson the Philippines got from agricultural liberalization, and fears that this is happening again to rice, the most basic staple of Filipinos.
Mula nang mag-liberalisa ang agrikultura ng Pilipinas, marami sa mga produktong agrikultural ang nabigong makipagpaligsahan sa mas murang presyo ng bigas sa mga katapat ng mga bansa sa Timog-silangang Asya. Ang presyo ng produktong pang-agrikultura ay palaging nagtatakda sa posibilidad na mabuhay sa merkado tulad ng ipinakita ng mas murang mga sibuyas at mga inangkat na bawang kumpara sa mahal na presyo ng lokal na produkto. Sa kalaunan, lumiit ang bilang ng mga magsasakang Pilipinong nagsasaka ng mga sibuyas at bawang at binago ang gamit ng lupang sakahang nakatuon sa paglikha ng mga produktong ito. Ito ang matinding aral na nakuha ng Pilipinas mula sa liberalisasyon ng agrikultura, at nangangambang mangyari ito muli sa bigas, na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.
With the flooding of cheaper imported rice in the local market, how can the local rice farmers compete with their foreign counterparts? Farmers will be forced to sell off their harvest to a much lower price amidst the increasing local cost of production. Although the law provides that collected tariffs will be allocated to farm mechanization, seed development, credit assistance, and training services to help farmers adjust, it will still take time for every farmer to actually benefit from it. And this is even under the assumption that the law will successfully be implemented. Farmers would still have to endure the sudden loss of income they will incur upon full implementation of the rice tariffication act, trapping them further in the cycle of poverty.
Sa pagbaha ng mas murang inangkat na bigas sa lokal na pamilihan, paano makikipagpaligsahan ang mga lokal na magsasaka sa mga banyaga? Napipilitang ibenta ng mas mura ng mga magsasaka ang kanilang ani sa gitna ng pagmahal ng lokal na gastos ng produksyon. Bagaman nagsasaad ang batas na ang mga makokolektangtaripa ay ilalaan sa mekanisasyon ng sakahan, pag-unlad ng binhi, tulong sa kredito, at mga serbisyo sa pagsasanay upang matulungang makasabay ang mga magsasaka, matatagalan pa bago makinabang ang bawat magsasaka mula dito. At ito ay kahit na nasa pagtinging ang batas ay matagumpay na ipatupad. Kailangan pa rin ng mga magsasaka na magtiis sa biglaang pagkawala ng kita na makukuha nila sa ganap na pagpapatupad ng Rice Tariffication Act, na bibitagin silang lalo sa siklo ng kahirapan.
Given their poor economic conditions, compounded with the lack of implementation for policies protecting small-scale farmers, incomplete implementation of agrarian reform, degradation of watersheds and forests for irrigation, and now opening up the rice industry to other players, the number of farmers involved in rice farming will most likely shrink as well as the agricultural lands devoted to it. Shift to other profitable commodities is expected, or worse the conversion of rice lands to non-agricultural uses.
Dahil sa kanilang pang-ekonomyang kahirapan, kasama na ang kakulangan ng pagpapatupad ng mga patakarang nagpoprotekta sa mga maliliit na magsasaka, hindi kumpletong pagpapatupad ng repormang agraryo, pagkasira ng mga daluyangtubig at kagubatan para sa irigasyon, at ngayon ay binubuksan ang industriya ng bigas sa iba pang mga negosyante, malamang na lumiit ang bilang ng mga magsasakang nagsasaka ng bigas, pati na rin ang lupang agrikultural na nakatuon dito. Inaasahan na ang paglipat sa iba pang mga pagtutubuang kalakal, o sa mas masahol ay ang pagpapalit ng mga lupang sakahan sa hindi naman agrikultural na gamit.
On the other hand, there is no guarantee that rice prices will lower and stabilize despite the influx of cheaper imported rice. With the new law, the private sector now holds the power to control and dictate market prices. The National Food Authority, which had the previous mandate of stabilizing prices, is now merely tasked of maintaining sufficient rice buffer stock intended for calamities and emergencies. This is a double whammy for the poor farmers being both producers and consumers of rice.
Sa kabilang banda, walang garantiya na bababa at magpapatatag sa presyo ng bigas at magpapatatag sa kabila ng pag-agos ng mas murang angkat na bigas. Sa bagong batas, ang pribadong sektor ngayon ay may kapangyarihang kontrolin at idikta ang presyo ng merkado. Ang National Food Authority, na may datingmandatong ipirmi ang presyo, ay nakatalaga ngayon lamang sa pagpapanatili ng sapat na bigas pantulong na inilaan para sa mga kalamidad at pangkagipitan. Ito ay dobleng gulo para sa mga mahihirap na magsasaka na parehong mga tagalikha at mga mamimili ng bigas.
Rice liberalization is not the key to food security, but self-sufficiency
Hindi susi ang liberalisasyon ng bigas sa seguridad sa pagkain, ngunit sapat sa sariling konsumo
Rice liberalization is a myopic move from the government as it fails to recognize the current global climate crisis. The world, as it is, already goes through the dramatic consequences of climate change on food production. And this is expected to get worse in 12 years time, according to IPCC’s Special Report on Global Warming of 1.5 degree Celsius, if no unprecedented transitions in all aspects of society are done. By 2030, there will be a drastic decline in agricultural yields including rice, corn, and wheat. Rice yields reduction will reach up to 10% for every 1 degree Celsius increase in temperature, or even higher for climate vulnerable countries such as those in Asia.
Isang banlag na kilos mula sa pamahalaan ang liberalisasyon ng bigas dahil nabigo itong makita ang kasalukuyang pandaigdigang krisis sa klima. Nagtutungo ang daigdig sa dramatikong kahihinatnan bunga ng pagbabago ng klima sa produksyon ng pagkain. At inaasahan itong lalong lalala sa loob ng 12 taon, ayon sa Espesyal na Ulat ng IPCC sa Global Warming ng 1.5 degree Celsius, kung walang kakaibang transisyong magagawa sa lahat ng aspeto ng lipunan. Sa taon 2030, magkakaroon ng matinding pagdausdos sa agrikultural na ani kabilang ang bigas, mais, at trigo. Ang pagbawas ng ani sa bigas ay aabot ng hanggang 10% para sa bawat pagtaas ng 1 degree Celsius sa temperatura, o mas mataas pa sa mga klima ng bulnerableng bansa tulad ng sa Asya.
Vietnam and Thailand, the world’s largest rice exporters and the main sources of imported rice in the Philippines, will soon not be able to export the same volume of rice as they do now because of the worsening climate change impacts to their agriculture sector. Given this situation, the Philippines will face another rice crisis in a few years if its rice industry will remain import-dependent.
Ang Vietnam at Thailand, ang pinakamalaking tagaluwas ng bigas sa buong mundo at pangunahing pinagkukunan ng naangkat na bigas sa Pilipinas, ay hindi mailuwas ang parehong dami ng bigas gaya ng ginagawa nila ngayon dahil sa lumalalang epekto sa pagbabago ng klima sa kanilang sektor ng agrikultura. Dahil sa sitwasyong ito, nahaharap ang Pilipinas sa isa pang krisis sa bigas sa loob ng ilang taon kung ang industriya ng bigas ay mananatiling nakadepende sa pag-angkat.
Safeguarding food security does not mean sustaining the country’s food supply through whatever means, in this case, importation. It means protecting the local production and transforming it to an adaptive, resilient, and self-sufficient industry that can cater to the local demands for food. At the same time, it means putting premium on the rights and well-being of local food producers and building their capacity to sustain the local food demands. A country with more than enough domestic food supply is in a better position to face the impending food crisis due to climate change than a country with an import-dependent food system.
Ang pangangalaga sa seguridad ng pagkain ay hindi nangangahulugan ng pagtustos ng suplay ng pagkain ng bansa sa anumang paraan, sa kasong ito, pag-angkat. Nangangahulugan ito na maprotektahan ang lokal na produksyon at baguhin ito sa isang angkop, nakakaakma at sapat na industriya na maaaring magsilbi sa lokal na pangangailangan sa pagkain. Kasabay nito, nangangahulugan itong paglalagay ng premium sa mga karapatan at kagalingan ng mga lokal na tagalika ng pagkain at pagtitiyak ng kanilang kakayahang suportahan ang lokal na pangangailangan sa pagkain. Ang isang bansang may sapat na suplay ng pagkain sa bansa ay nasa mas mahusay na posisyon upang harapin ang nagbabantang krisis ng pagkain dahil sa pagbabago ng klima kaysa sa isang bansang may sistemang nakaasa sa pag-angkat.
In the event of signing the Rice Tariffication Act into law, PMCJ calls on the government to expand and develop local rice production by ensuring that agricultural services, regulation of the cost of production and access to low-interest credit and grants are available to small rice farmers. Protection and expansion of rice farms and small farmers is the key to climate impacts on rice and food production. Conservation of watersheds and forests for irrigation and water supply is critical to sustaining agricultural productivity, as well as complying with our mitigation targets. Further, it calls on the government to stop the tide of liberalization of agriculture and institute reforms and policy to enhance and develop local agricultural production devoted to food consumption of the 100 million Filipinos.
Sa paglagda sa Rice Tariffication Act bilang batas, nananawagan ang PMCJ sa pamahalaan na palawakin at paunlarin ang lokal na produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga serbisyo sa agrikultura, regulasyon ng gastos ng produksyon at pag-akses sa mababang interes na pautang at bigay ay naririyan para magamit ng maliliit na magsasaka. Ang proteksyon at pagpapalawak ng mga sakahan ng bigas at maliliit na magsasaka ang susi sa epekto ng klima sa bigas at produksyon ng pagkain. Mahalaga ang pangangalaga sa mga daluyang tubig at kagubatan para sa patubig at suplay ng tubig para sa panatiling produktibo ang agrikultura, pati na rin ang pagtalima sa puntirya nating mitigasyon. Bukod dito, hinihilin nito sapamahalaan na pigilin ang pagtaas ng liberalisasyon sa agrikultura at gawin ang mga reporma at patakaran upang mapahusay at mapabuti ang produksyon ng lokal na agrikulturang nakatuon sa pagkonsumo ng pagkain ng 100 milyong Pilipino.
###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento