Pahayag ng Philippines Venezuela Solidarity
Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan
Naninindigan kami tungo sa pakikiisa sa mga kababaihan ng Rebolusyong Bolivariano!
Ang mga banta at
pag-atake ng misoginistang pangulo ng US na si Donald Trump ay nagpapakita ng
nakamamatay na banta sa mga kababaihan ng Venezuela.
Tila bigo ang
pinakahuling pagtatangka ng US na ibagsak ang demokrasya at ang sosyalistang
Rebolusyong Bolivariano sa Venezuela. Kabaligtaran sa paglalarawan ng midya sa
mundo at mga sinasabi ng administrasyong Trump, ang maamong oposisyon sa US, at
ng kanilang mga kaalyado sa ilang punong lungsod ng Europa at Latin America, hindi nagkaisang sumuporta
sa mamamayang Venezuelano ang pinili ng US na maging pangulong si Juan Guaidó,
maliban sa ilang saray ng mga ekonomikong elitista. Nananatiling mas marami ang
sama-samang pagkilos ng mamamayan upang suportahan ang demokratikong halal na
si Pangulong Nicolás Maduro kaysa mga sumusuporta sa kudeta, na sumasalamin sa mas malawak na
seksyon ng populasyon. Nakikita ito sa mga madlang maka-Maduro na sumasalamin
sa etnikong pagkakaiba-iba ng Venezuela na salungat sa nakararaming madlang tisoy
na sumusuporta kay Guaidó. Ang panawagan ng US na bumaligtad na ang sandatahang
lakas - o mga seksyon nito - ay tinututulan.
Gayunpaman, dahil
nabigo sa kanilang tangkang ipagtagumpay ang isang kudeta, patuloy ang bantang interbensyong
militar ng administrasyong Trump. Pinupuntirya ng bantang ito ang mamamayang
Venezuelano na, mula nang inihalal ang namayapang Hugo Chavez noong 1998 at sa
pagsisimula ng Rebolusyong Bolivariano, ay kumilos mula sa kanilang
nakatalagang lugar upang pumagitna sa pulitikang Venezuelano. Lalo na’t ang mga
babae ang nasa sentro.
Habang tinatalakay
ng Kanluraning midya ang krisis pang-ekonomiya ng Venezuela sa nakalipas na 9
na taon, ang ipinagwawalang-bahala nito ay noong bago mag-1998, 80% ng
Venezuelano ang nabubuhay sa kalunos-lunos na kahirapan. Pinakaapektado ang mga
babae. Iniangat ng Rebolusyong Bolivariano ang pamantayan ng pamumuhay at ang panlipunang
pasahod. Tiniyak ng paglikha ng mga institusyon tulad ng Banmujer (ang Bangko
ng Kababaihan) na mga kababaihan ang nakasentro sa pagsulong ng pamantayan ng
pamumuhay at muling pamamahagi ng yaman ng lipunan.
Ngunit higit pa
doon, ginawa ito sa pamamagitan ng popular na pakikilahok. Nasa nangungunang
papel ang mga kababaihan sa Panlipunang Misyon na nangangahulugang mas maraming
tao ang may akses sa pangangalaga sa kalusugan at sa edukasyon sa unang
pagkakataon. Malawakan namang itinayo ang mga bagong pabahay. Ang mga
kababaihan, na siyang nasa pinaka-disbentahe, ang mas nakinabang.
Ang maraming
naipanalo ng kababaihan ay sumasalamin sa mga artikulong lehislatibo at
konstitusyunal. Halimbawa, kauna-unahan sa daigdig, kinikilala ng konstitusyon
ng Venezuela ang domestikong paggawa "bilang isang pang-ekonomiyang
aktibidad na lumilikha ng karagdagang halaga at lumilikha ng panlipunang kagalingan
at yaman," at idinagdag pa: "Ang mga maybahay ay may karapatan sa Panlipunang
Seguridad alinsunod sa batas." Subalit mas mahalaga kaysa mga ligal na
pagbabagong ito ang pangingibabaw ng kababaihan sa mga organisasyong masa: sa
mga pangmasang kilusang pampulitika, sa mga Panlipunang Misyon at sa pumapaimbulog
na sistema ng mamamayan na nakikilahok sa demokrasya: ang mga Komiteng Komyunal
at ang mga Komyun.
Kababaihan ang
pinakamatinding tinamaan ng krisis pang-ekonomya na nagpalubog sa bansa mula pa
noong 2014. Sa pasuray-suray na pagpapakita ng pagkukunwari ng US at mga
kaalyadong imperyalista, at ang kanilang mga loro sa midya, ginamit nila ang
pang-ekonomiyang krisis bilang katibayan ng kabiguan ng Sosyalismong Bolivariano
at ang pangangailangang baguhin ang rehimen. Gayunpaman, habang may mga
kontradiksyon din ang Rebolusyong Bolivariano at ang pamahalaan nito’y
nakakagawa ng pagkakamali, ang krisis ay malaking resulta ng mga dahilang labas
sa Venezuela. Ang pagbagsak ng presyo ng langis, na nagsimula sa krisis, ay pinangunahan
ng Saudi Arabia, na kaalyado ng US, kaya nagbaha ng langis sa merkado bilang
isang anyo ng agresyong pang-ekonomiya laban sa Venezuela (at Iran). Malaki rin
ang nagawa ng pananabotahe ng burgesyang Venezuelano (na panlipunang base ng oposisyong
maka-US). Bukod dito, ang lalim ng krisis ay resulta rin ng mas direktang anyo
ng pang-ekonomiyang digmaan: mga ekonomikong pagharang. Simula sa panahon ng administrasyong
Obama, ang mga ekonomikong pagharang na ipinataw ng US at mga kaalyado nito, ay
nangangahulugan ng malawakang pagnanakaw ng mga ari-arian ng Venezuela. Ang mga
tubô mula sa pagbebenta ng langis ay nanigas sa mga bank account sa US. Ang mga
reserbang ginto ng Venezuela ay tinanganan ng Bank of England. Mas humigpit pa
ang pagkakasakal sa mga bagong pang-ekonomyang pagharang na itinaguyod ni Trump
bilang bahagi ng kanyang bagong pagtatangkang kudeta. Dagdag pa, ang mga
imperyalista ngayon ay nagbabantang ibibigay ang mga ninakaw na ari-arian sa
kanilang manikang si Juan Guaidó.
Sa isang matinding
panayam ng BBC, tinukoy ni Maduro ang pagkukunwari ng US sa paggamit ng $20
milyong halaga ng tulong bilang Trojan horse upang labagin ang kasarinlan ng
Venezuela habang ilegal na tinatanganan ang mahigit sa $10 bilyon ng Venezuela.
Kababaihan ang pinakamatinding
tinamaan ng pang-ekonomyang pagharang, na tumutungo sa isang bangkulong (blockade).
Halimbawa, habang nananatiling mahusay na pinaglilingkuran ng mga doktor ang
mga mahihirap na Venezuelano at mga manggagawang pangkalusugan sa paraang hindi
pa mailalarawan bago pa ang 1998, ang pagbangkulong ay lumikha ng malubhang
kakulangan sa ilang uri ng mga gamot na magagamit lamang mula sa mga bansang Kanluranin.
May negatibong epekto ito, bukod sa iba pang mga bagay, ang reproduktibong
kalusugan ng kababaihan. Ngunit ang mga kababaihan, sa pamamagitan ng kanilang
pamumuno sa mga pangmasang organisasyon, ay nangunguna upang igpawan ang mga pang-ekonomiyang
kahirapan, halimbawa sa pamamagitan ng Pueblo, o isang programa ng Pueblo, na
kinabibilangan ng pang-ekonomiyang pakikipagtulungan at direktang kalakalan sa
pagitan ng mga pangmasang organisasyon sa mga mahihirap na nayon sa kalunsuran at
nakikibakang pamayanang agrikultural, na nilalalaktawan ang mga kapitalistang
hunyango na nagpapalaki ng kakapusan. Ipinaliliwanag nito ang kabalintunaan na,
ayon sa naratibong Kanluranin, ang uring manggagawa at mga mahihirap na
kababaihan sa kanayunan, na pinakamatinding tinatamaan ng pang-ekonomyang
krisis na dahilan ng kawalang-tatag na pampulitika, ang nasa unahan ng mga
pulitikal na mobilisasyon sa pagtatanggol sa Rebolusyong Bolivariano.
Habang nabigo ang
kudeta ni Guaidó at tumahimik ang pahiwatig ng bantang agresyong militar ni
Trump, nananatili ang bantang pananakop at ang agresyong pang-ekonomiya’y
tumitindi. Kung magtagumpay ang US sa pagpapatalsik sa rebolusyon, ang
proyektong pagwasak ng malawak na baseng pampulitika nito ay kakila-kilabot, at
matinding matatamaan ang mga kababaihan. Ibinalangkas ito ni Trump sa pagtatalaga
kay Elliot, na isang beteranong operatiba ng maruming digmaan, upang masubaybayan
ang kanyang planong pagbabago ng rehimen. Mula sa Latin America hanggang
Gitnang Silangan, si Elliot ay may malawak na deka-dekadang rekord ng
kriminalidad, pang-aalipusta, paglabag sa soberanya at pang-aabuso sa
karapatang pantao. Ngunit marahil ay pinakasikat sa pagdidirekta ng karahasang
kontra-rebolusyonaryo sa Gitnang Amerika noong dekada 1980 kung saan normal na
lang ang sekswal na karahasan at kahit na sanggol ay hindi pinatawad mula sa mga
patayan.
Pinangungunahan ng
mga kababaihan ng Venezuela ang paglaban para sa karapatan ng kababaihan at sa
magkakaugnay na pakikibaka para sa isang panlipunan at makakalikasang daigdig
na makatarungan at sustenable. Nagagalit dito ang imperyalismo, na kinakatawan
ng sagad-sa-butong-misoginistang si Donald Trump. Kaya dapat makipagkaisa ang
mga kababaihan sa buong mundo sa kanilang mga kapatid na kababaihang
Venezuelano.
Tayong nasa kilusan
ng kababaihan sa Pilipinas ay nakikipagkaisa sa ating mga kapatid na kababaihan
ng rebolusyong Bolivariano at isinisigaw:
Ayaw namin sa kudetang pinangungunahan ng US!
Huwag pakialaman ang Venezuela!
Marso 8, 2019
Philippines
Venezuela Solidarity Statement – March 8, International Women’s Day
We
stand in solidarity with the women of the Bolivarian Revolution!
The
threats and attacks by the misogynist US president Donald Trump pose a deadly
threat to women in Venezuela.
The
latest US attempt at overthrowing democracy and the socialist Bolivarian
Revolution in Venezuela appears to have failed. Contradicting the picture
painted by the world's media and the claims of the US Trump administration, the
tame US opposition, and their allies in some European and Latin American
capitals, the Venezuelan people have not rallied to the US-appointed
president-in-waiting Juan Guaidó, with the exception of some layers from the
economic elite. Mobilisations in support of democratically elected President
Nicolás Maduro have consistently outnumbered pro-coup mobilisations and
reflected a much broader section of the population. This has been visible in the
pro-Maduro crowds reflecting the ethnic diversity of Venezuela in contrast to
the predominantly white crowds supporting Guaidó. Calls by the US for the armed
forces – or sections of it – to defect were rejected.
However,
having failed in their attempts to engineer a coup d'etat, the Trump
administration continues to threaten military intervention. This threat is
targeted at the Venezuelan masses who since the election of the late Hugo
Chavez in 1998 and the start of the Bolivarian Revolution have moved from their
assigned place at the periphery of Venezuelan politics to take centre stage.
Women are particularly in the frame.
While
the Western media has dwelt on Venezuela's economic crisis of the past 9 years,
what it ignores is that before 1998, 80% of Venezuelans lived in abject
poverty. Women were the most affected. The Bolivarian Revolution raised living
standards and the social wage. The creation of institutions such as Banmujer
(the Women's Bank) ensured that women were centred in the raising of living
standards and wealth redistribution.
But
more than that, it did so through popular participation. Women played the
leading role in the Social Missions that meant that many people had access to
healthcare and education for the first time ever. Massive amounts of new
housing were built. Women, as the most disadvantaged, benefited the most.
Many
gains for women are reflected in legislative and constitutional articles. For
example, in a world's first, Venezuela's constitution recognises domestic
labour “as an economic activity that creates added value and produces social
welfare and wealth,” adding: “Housewives are entitled to Social Security in
accordance with the law.” But more important than these legal changes is the
predominance of women in mass organisation: in grassroots political movements,
in the Social Missions and in the evolving system of grassroots participatory
democracy: the Communal Councils and Communes.
Women
have been hardest hit by the economic crisis that has engulfed the country
since 2014. In a staggering display of hypocrisy, the US and allied imperialists,
and their media echo chamber, have used the economic crisis as evidence of the
failure of Bolivarian Socialism and the need for regime change. However, while
the Bolivarian Revolution has its contradictions and its governments have made
errors, the crisis is overwhelmingly the result of external factors. The drop
in oil prices, which precipitated the crisis, was in part manufactured by US
ally Saudi Arabia flooding the market as a form of economic aggression against
Venezuela (and Iran). Sabotage by the Venezuelan bourgeoisie (who are the
social base of the pro-US opposition) has also played a large part. Moreover,
the depth of the crisis is largely the result of a far more direct form of
economic warfare: sanctions. Starting during the Obama administration,
sanctions imposed by the US and its allies, have amounted to wholesale theft of
Venezuela's assets. Profits from the sale of oil are frozen in US bank
accounts. Venezuela's gold reserves are held hostage by the Bank of England.
The noose has been further tightened in new sanctions introduced by Trump as
part of his latest coup attempt. Furthermore, the imperialists are now
threatening to give the stolen assets to their puppet, Juan Guaidó.
In a
hostile interview by the BBC, Maduro pointed out the hypocrisy of the US in
using a convoy of $20 million worth of aid as a Trojan horse to violate Venezuela's
sovereignty while illegally holding more than $10 billion of Venezuela.
Women
are hardest hit by the sanctions, which amounts to a blockade. For example,
while poor Venezuelans remain well served by doctors and health workers in a
way unimaginable before 1998, the blockade is creating a severe shortage of
some types of pharmaceuticals that are only available from Western countries.
This has negatively impacted, among other things, women's reproductive health.
But women, through their leadership of grassroots organisation, are taking the
lead in overcoming the economic difficulties, for example through the Pueblo a
Pueblo programme, which involves economic collaboration and direct trade
between grassroots organisations in impoverished urban barrios and struggling
agricultural communities, bypassing the capitalist hoarders who have
accentuated shortages. This explains the paradox that working class and rural
poor women, who are hardest hit by the economic crisis that according to the
Western narrative is the cause of the political instability, are in the front
line of the political mobilisations in defence of the Bolivarian Revolution.
While
Guaidó's coup has failed and Trump's hints of imminent military aggression have
quietened, the threat of invasion remains and the economic aggression is
continuing to intensify. Should the US be successful in overthrowing the
revolution, the project of annihilating its vast political base will be
gruesome, and it is women who are most under threat. This is underlined by
Trump appointing veteran dirty war operative Elliot to oversee his plans for
regime change. Elliot has an extensive decades-long record, from Latin America
to the Middle East, of criminality, warmongering, violations of sovereignty and
human rights abuse but is perhaps most notorious for directing
counter-revolutionary violence in Central America in the 1980s in which sexual
violence was normalised and not even infants were spared from massacre.
Women
in Venezuela are leading the fight for women's rights and the interrelated
struggle for a socially and ecological just and sustainable world. This has
angered imperialism, personified by the arch-misogynist Donald Trump, so women
the world over need to give solidarity to their Venezuelan sisters.
We in
the Philippines women’s movement stand in solidarity with our sisters of the
Bolivarian revolution and demand:
No to
US-led Coup!
Hands
of Venezuela!
March
8, 2019
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento