Biyernes, Setyembre 2, 2022

Salin ng tulang Fragments of Olympian Gossip ni Nikola Tesla

Mumunting Tipak ng mala-Olimpyang Tsismis
Tula ni Nikola Tesla
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig bawat taludtod

Habang nakikinig ako / sa kosmikong telepono
Nagagap ko’y sinalita / mula sa hanging Olimpya.
Isang bagong dating yaong / lumitaw sa kaligiran;
Kayrami kong mga hula, / akibat ang mga tunog.
"Nariyan si Archimedes / na tangan ang kanyang pingga
Abala pa ring lutasin / ang dati pang suliranin.
Anya: ang bagay at lakas / ay nariyang nababago
At mali ang mga batas / na tinging di nababago"
"Sa ibaba, sa Daigdig, / gumagawa silang buong tindi
Dumating ang mga ulat / nang malawaka’t mabilis.
Pinakahuli’y nag-ulat / ng isang kosmikong baril.
At ang mapukol ka na nga’y / kayhirap nang kasiyahan.
Kaya anong ingat namin / sa kayraming nakataya,
Peste ang mga pulubi — / na hindi pagkakamali.”
“Anong sama, Sir Isaac, / katanyagan mo’y sinayang 
At ang dakila mong agham / ay kanilang binaligtad
Ngayon ang mahabang buhok / na lokong Einstein ang ngalan,
Mga turo mong magaling / ay sinisi nang taimtim.
Anya: ang bagay at lakas / ay nariyang nababago
At mali ang mga batas / na tinging di nababago"
"Napakabobo ko pala, / O, minamahal kong anak,
Sa paggagap sa iskemang / pinipihit ko ng husay.
Ang aking mga alagad / ay may matinding kaisipan
Ako nama’y masaya nang / manatili sa likuran,
Marahil ako’y nabigo, / datapwat kaya’y ginawa,
Iba’y maaaring gawin / ng aking mga maestro.
Halika, Kelvin, at ako’y / tapos na sa aking tasa.
Kaibigan mong si Tesla’y / kailan kaya darating."
"Ay, sagot naman ni Kelvin, / lagi naman siyang huli,
Walang silbi ang anumang / gawin mong pagsasalangsang.”
Katahimikan — ragasa’y / basa’t kaylambot na paa
Kaya ako’y kumatok at —/ may kaguluhan sa daan.

Isinalin ng Setyembre 2, 2022 sa Maynila, Pilipinas.

* Si Nikola Tesla (10 Hulyo 1856 – 7 Enero 1943) ay isang imbentor, inhinyerong mekanikal at elektrikal. Malimit siyang tinatanaw bilang isa sa pinakamahahalagang mga tapag-ambag sa pagsilang ng pangkomersiyong kuryente at higit na kilala dahil sa kanyang "mapanghimagsik" na mga pagpapaunlad sa larangan ng elektromagnetismo noong huling bahagi ng ika-19 daang taon at maagang bahagi ng ika-20 daang taon. Siya ang imbentor ng AC (alternating current) sa kuryente.
* Ang tulang ito’y isinulat ni Nikola Tesla noong 1920s para sa kanyang kaibigang si George Sylvester Viereck.
* Ang orihinal na tula sa wikang Ingles ay nasa kawing na:
from the link: https://www.facebook.com/photo/?fbid=481602080640621&set=a.179863247481174

Fragments of Olympian Gossip
Poem by Nikola Tesla

While listening on my cosmic phone
I caught words from the Olympus blown.
A newcomer was shown around;
That much I could guess, aided by sound.
“There’s Archimedes with his lever
Still busy on problems as ever.
Says: matter and force are transmutable
And wrong the laws you thought immutable.”
“Below, on Earth, they work at full blast
And news are coming in thick and fast.
The latest tells of a cosmic gun.
To be pelted is very poor fun.
We are wary with so much at stake,
Those beggars are a pest—no mistake.”
“Too bad, Sir Isaac, they dimmed your renown
And turned your great science upside down.
Now a long haired crank, Einstein by name,
Puts on your high teaching all the blame.
Says: matter and force are transmutable
And wrong the laws you thought immutable.”
“I am much too ignorant, my son,
For grasping schemes so finely spun.
My followers are of stronger mind
And I am content to stay behind,
Perhaps I failed, but I did my best,
These masters of mine may do the rest.
Come, Kelvin, I have finished my cup.
When is your friend Tesla coming up.”
“Oh, quoth Kelvin, he is always late,
It would be useless to remonstrate.”
Then silence—shuffle of soft slippered feet—
I knock and—the bedlam of the street.

(Poem written by Nikola Tesla in the 1920s to his friend George Sylvester Viereck.)

Linggo, Agosto 14, 2022

Salin ng "Old Man and the Sea" ni Ernest Hemingway

SALIN NG "OLD MAN AND THE SEA" NI ERNEST HEMINGWAY
Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.

Naisalin na pala ni Ginoong Jesus Manuel Santiago ang akdang "The Old Man and the Sea" ni Nobel prize winner Ernest Hemingway, na isang manunulat na Amerikano. Si Ka Jess ay hindi lang pala mang-aawit kundi translator o tagasalin din pala. Para ring pinagtiyap ang tagasalin at ang bida sa akda. Santiago ang apelyido ni Ka Jess, at Santiago rin ang pangalan ng pangunahing tauhan sa akda.

Nabili ko ang isinalin niyang aklat sa The Bookshop ng UP Hotel sa Diliman sa halagang P150.00 nito lang Hulyo 12, 2022. Ang aklat ay may sukat na 5 1/2" at 7 5/8" at may 100 pahina, ang 94 dito ay ang mismong teksto ng salin.

Pinagpaplanuhan ko sana itong isalin subalit naisalin na pala. At mabuti't aking nakita ang aklat na ito. Kung hindi ko pa nakita ito ay hindi ko pa malalaman na may nagsalin na pala nito. Tanong ko tuloy sa aking sarili, alin pa kayang akda ang hindi pa naisasalin? Ito'y upang hindi na magdoble-doble ang gawain. Bagamat hindi naman sayang dahil may sarili kang bersyon ng pagsasalin.

Ang nasabing aklat ay proyekto ng Aklat Bahandi, na ang logo ay makikita sa gawing taas-kaliwa ng pabalat ng aklat. Ayon sa aklat:

"AKLAT BAHANDI (KAYAMANAN)

Serye ng isina-Filipinong mga klasikang akda sa dayuhang wika at mga wika ng Pilipinas. Sa wikang Bisaya nagsimula ang "bahandi," ibig sabihi'y kayamanan. Tunay na ikayayaman ng ating kultura ang pagkakaroon ng salin sa wikang pambansa ng mga itinuturing na mahalagang panitikan ng daigdig at ng bansa. Inililimbag sa serye ang mga aklat na nagtataguyod sa pag-unlad ng pambansang panitikan mula sa ambag ng panitikan ng daigdig at mga rehiyon sa Pilipinas."

Gayunman, nakakailang ang ilang salin kung hindi mo makikita ang orihinal, at kung hindi mo alam ang kultura ng pinagmulan ng akda. May agam-agam ka tuloy kung tumpak ba ang pagsasalin. Tingnan ang pahina 2-3 nito kung saan nag-uusap ang bata at matanda:

"Santiago," sabi sa kanya ng bata habang umaahon sila sa pampang na pinagpunduhan ng Bangka.

"Pwede ba ulit akong sumama sa iyo. Kumita kami ng kaunti."

Ang matanda ang nagturo sa batang mangisda at napamahal na siya sa bata.

"Hindi," sabi ng matanda. "Nasa maswerte kang Bangka. Doon ka lang."

"Pero alalahanin mong noo'y walumpu't pitong araw tayong walang huli at pagkaraa'y araw-araw tayong nakahuli ng malalaki sa loob ng tatlong linggo."

"Natatandaan ko," sabi ng matanda. "Alam kong umalis ka hindi dahil nagdududa ka."

"Si Papa ang nagpaalis sa akin. Bata ako at dapat ko siyang sundin."

"Alam ko," sabi ng matanda. "Talagang ganyan."

"Kulang siya ng tiwala."

"Hindi," sabi ng matanda. "Pero meron tayo. Di ba?"

"Oo," sabi ng bata. "Pwede ba kitang ilibre ng beer sa Teresa at saka natin iuwi ang mga gamit."

"Bakit hindi?" sabi ng matanda. "Kapwa tayo mangingisda."

Sa pagbabasa pa lang sa pambungad na kabanata, naisip ko kung ano ba talaga ang salin ng "bata" sa orihinal na Ingles. Youth ba o child? Kung youth, tiyak isasalin iyon na "binata" o kaya'y "binatilyo" at kung child ay tama lang isalin na "bata". Subalit nagsabi ang bata kung pwede niyang ilibre ng beer ang matanda? Sa ating kultura, hindi pa pwedeng uminom ng beer ang bata. Pati na ang pagbili ng beer ng bata. Subalit kung ililibre lang niya ng beer ang matanda, ibig sabihin ba, matanda lang ang iinom ng beer at nanlibre lang ang bata? Medyo malabo.

O marahil, depende sa kultura ng lugar na iyon na pinapayagan nang bumili ng beer ang bata.

Gayunpaman, mas nais kong pagtuunan ng pansin ang ilang mahahalagang punto sa pambungad na pananalita na pinamagatang "Aklatang Bayan" sa ikatlong dahon ng aklat (pahina VI, bagamat walang nakasulat na gayon):

"Pinagtibay at ipinatupad sa UP noong 1989 ang isang Patakarang Pangwika na nagtatakda na Filipino ang maging pangunahing midyum ng pagtuturo. Hindi lamang ito pagtalima sa mga probisyong pangwika sa Konstitusyon. Pagkilala rin ito sa katunayan na sariling wika ang higit na mabisang kasangkapan ng edukasyon; at ang edukasyon na ginagamitan ng wikang naiintindihan ng nakararami ay paghawan ng landas tungo sa katarungang panlipunan."

"Ngunit hindi sapat ang isang Patakarang Pangwika para palaganapin ang wikang Filipino sa akademya. Kailangan ang mga kagamitang panturo, lalo na ang mga textbuk sa Filipino na magagamit ng mga guro at mag-aaral. Isinilang ang proyektong Aklatang Bayan para isulat at maglimbag sa wikang Filipino ng mga aklat sa iba't ibang disiplina."

"Ang pagsulat ng mga teksbuk ay nilahukan ng mga guro at iskolar sa iba't ibang disiplina gayundin ang mga manunulat at eksperto sa wikang Filipino. Sinusuportahan naman ang paglilimbag ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST), ilang maaasahang lider pampolitika ng bansa, at iba pang indibidwal na may pagmamalasakit sa pambansang wika."

"Mula nang simulan ang proyekto noong 1994, humigit-kumulang na may isang daang titulo na sa Aklatang Bayan. Hindi lamang ang dami ng mga nailimbag na libro ang ipinagkakapuri nito kundi ang kahusayan ng mga ito. Tumanggap ang ilan sa mga libro ng mga parangal at pagkilala mula sa iba't ibang samahan at institusyon. Noong 1997, pinarangalan ang Sentro ng Wikang Filipino bilang Publisher of the Year sa National Book Awards ng Manila Critic Circle."

"Inaasahan na sa pamamagitan ng Aklatang Bayan, mas mabisang maipupunla ang karununungan sa mga kabataang mag-aaral, gayundin ang komitment na maipalaganap ang gayong karunungan sa sambayanang Filipino. Tunay na alay ito ng UP sa bayan!"

At ito ang mas nakaengganyo sa akin: "Mula nang simulan ang proyekto noong 1994, humigit-kumulang na may isang daang titulo na sa Aklatang Bayan." Ano-ano kaya ang mga titulong naisalin na ng Aklatang Bayan? Dapat madali itong makita o available pag hinanap sa internet. Kung noong 1994 ay nasa isang daan na ito, ngayong 2022 ba ay nasa limang daan na ito o higit nang isang libo?

Dahil may ilang klasikong akda ang nais kong isalin sa wikang Filipino. Na gagawin kong proyekto bilang manunulat na buong buhay kong isasalin. Subalit kung naisalin na pala nila, aba'y doble-doble pala ang trabaho. Naisalin na nila, tapos isasalin ko pa dahil hindi natin alam na naisalin na pala iyon. Baka mapagbintangan pa tayong inaangkin ang dating isinalin na pala. Ang ganansya na lang ay may sarili akong bersyon ng salin.

Kaya ano ang dapat gawin? Aba'y hanapin sa talaan ng Aklatang Bayan, na dahil binabanggit ang "pinarangalan ang Sentro ng Wikang Filipino bilang Publisher of the Year" at Tunay na alay ito ng UP sa bayan!" sa pambungad na pananalita, ang Aklatang Bayan ay nasa SWP ng UP. Marahil, gagawa ako ng liham sa Direktor ng SWP upang malaman kung anu-ano na ba ang mga naisalin na nilang aklat sa wikang Filipino. Kailangan ko itong bigyan ng panahon.

Pansinin kaya nila ang aking liham? Sino ba ako para magsalin ng akda, gayong hindi naman ako propesor o mula sa akademya? Bagamat may mga naisalin na akong ilang akda, na ang pagsasalin ay naging tungkulin ko na dahil kailangang isalin ang ilang dokumento, pahayag, at paninindigan ng samahan o organisasyon. Nakapagsalin na rin ako ng mga tulang banyaga.

Ah, pagbabakasakali. Oo, magbabakasakali ako upang maituloy ko ang proyekto kong pagsasalin kung wala sa talaan nila ang klasikong akdang nais kong isalin. Dapatwat, syempre, sa ngayon, hindi ko sasabihin sa kanila kung ano ang balak kong isalin. Sana, makakuha ako ng talaan ng mga naisalin nang akdang banyaga sa wikang Filipino. Nais mo bang tumulong? Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako.

Agosto 14, 2022

Huwebes, Hulyo 14, 2022

Ikaw

IKAW
Tula ni Vladimir Mayakovsky, 1922
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Dumating ka -
determinado,
sapagkat malaki ako,
sapagkat ako’y umuungol,
ngunit sa malapitang inspeksyon
nakikita mo’y isang batang lalaki.
Kinuha mo
at inagaw ang puso ko
at sinimulan
itong paglaruan -
parang babaeng may bolang tumatalbog.
At bago ang himalang ito
bawat babae
ay maaaring babaeng nagtataka
o kaya’y dalagang nagtatanong:
"Ibigin ang taong ganyan?
Bakit, susuntukin ka niyan!
Dapat niyang mapaamo ang leyon,
isang babae mula sa palahayupan!"
Ngunit nagtagumpay ako.
DI ko iyon naramdaman -
ang pamatok!
Nalilito sa tuwa,
ako'y tumalon 
at napalundag, sa namumulang balat ng masayang katipan,
Nakaramdam ako ng sobrang tuwa
at gaan ng loob.

* Isinalin: Hulyo 14, 2022
* Hinalaw sa Vladimir Mayakovsky Internet Archive
* Litrato mula sa google

YOU
Poem by Vladimir Mayakovsky, 1922

Source: The Bedbug and selected poetry, translated by Max Hayward and George Reavey. Meridian Books, New York, 1960;
Transcribed: by Mitchell Abidor.

You came –
determined,
because I was large,
because I was roaring,
but on close inspection
you saw a mere boy.
You seized
and snatched away my heart
and began
to play with it –
like a girl with a bouncing ball.
And before this miracle
every woman
was either a lady astounded
or a maiden inquiring:
“Love such a fellow?
Why, he'll pounce on you!
She must be a lion tamer,
a girl from the zoo!”
But I was triumphant.
I didn’t feel it –
the yoke!
Oblivious with joy,
I jumped
and leapt about, a bride-happy redskin,
I felt so elated
and light.

Miyerkules, Hulyo 13, 2022

Soneto 77

SONETO 77
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)

Ipakikita sa iyo niyang / salamin ang suot mong alindog,
Idadayal mo pa’no nasayang / yaong mahahalagang sandali;
Matatala sa kawalang puwang / ang sa iyong diwa’y mahuhubog,
At sa aklat na ito’y iyo ngang / malalasap ang aral na mithi.
Ang mga kulubot na naroong / ipinakikita ng salamin
Sa mga bunganga ng libingang / tumatak sa iyong alaala;
Sa pagdayal mo sa makulimlim / na lilim na ari mang alamin
Ang panakaw na pag-unlad niyong / panahon tungong kawalang-hangga.
Tingni kung ano ang hindi aring / maakibat niyang isipan mo
Magsulat sa mga blangkong sayang / na ito’t iyong matatagpuan.
Ang mga inalagaang paslit / na dinala sa iyong huwisyo
Upang ang diwa mo’y magkaroon / ng panibago ring kasamahan.
Ang mga nariritong tanggapan, / sa tuwing pagmamasdan mong sukat,
Ay talagang makikinabang ka’t / mapayayaman pa yaong aklat.

07.13.2022

Tugmaan batay sa aralin sa katutubong pagtula:
abab - katinig na malakas o; patinig na may impit i;
cdcd - katinig na mahina i; patinig na walang impit a;
efef - patinig na walang impit o; katinig na mahina a;
gg - katinig na malakas a.

SONNET 77
from the book The Sonnets, by William Shakespeare, Collins Classics

Thy glass will show thee how thy beauties wear,
Thy dial how thy precious minutes waste;
The vacant leaves thy mind’s imprint will bear,
And of this book this learning mayst thou taste.
The wrinkles which thy glass will truly show
Of mouthed graves will give thee memory;
Thou by thy dial’s shady stealth mayst know
Time’s thievish progress to eternity.
Look what thy memory cannot contain,
Commit to these waste blanks, and thou shalt find
Those children nurs'd, deliver’d from thy brain,
To take a new acquaintance of thy mind.
These offices, so oft as thou wilt look,
Shall profit thee and much enrich thy book.

Martes, Hulyo 12, 2022

Optimistiko

OPTIMISTIKO
tula ni Hazim Hikmet
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

noong bata pa'y di niya binunot ang pakpak ng mga langaw
di rin siya nagtali ng lata sa buntot ng mga pusa
o nagsilid ng salagubang sa mga kahon ng posporo
o dumapa sa umbok na punso
siya'y lumaki na
at lahat ng bagay na iyon ay pinaggagawa sa kanya
nasa tabi ako ng kanyang kama nang siya'y mamatay
sabi niya'y babasahan ako ng tula
tungkol sa araw at sa dagat
tungkol sa mga reaktor ng nukleyar at satelayt
tungkol sa kadakilaan ng sangkatauhan

* Isinalin: Hulyo 12, 2022

OPTIMISTIC MAN
poem by Nazim Hikmet

as a child he never plucked the wings off flies
he didn't tie tin cans to cats' tails
or lock beetles in matchboxes
or stomp anthills
he grew up
and all those things were done to him
I was at his bedside when he died
he said read me a poem
about the sun and the sea
about nuclear reactors and satellites
about the greatness of humanity

Huwebes, Hulyo 7, 2022

Mga tula sa Unang Daigdigang Digmaan

MGA TULA SA UNANG DAIGDIGANG DIGMAAN
Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.

Matindi ang digmaan, madugo, nakamamatay. Kaya ang ilarawan ito ng mga nakaranas mismo ng digmaan, lalo na sa anyong patula o pampanitikan, ay kahanga-hanga, lalo't batid mong sinulat nila iyon habang sila'y nakikipaglaban, tangan ang kanilang baril, nakikipagpalitan ng putok.

Kaya ang dalawang aklat ng tula na nasa akin ay pambihira. Dahil bihira tayong makakita ng mga aklat ng tula hinggil sa Unang Daigdigang Digmaan (hindi  Digmaang Pandaigdig, na ilang beses ko nang sinabing mali ang pagkakasalin). Ang tinutukoy kong mga libro'y ito: Poems of the Great War 1914-1918, may sukat na 4" x 5 1/2", at may 160 pahina, kasama ang 12 pahinang Roman numerals, at inilathala ng Penguin Books noong 1998. Nabili ko ito sa BookSale ng Farmers sa Cubao noong Enero 18, 2018 sa halagang P60.00. Ang isa pa'y ang Some Desperate Glory: The First World War the Poets Knew, ni Max Egremont, may sukat na 5 5/8" x 8 5/8", at may 456 pahina, kasama ang 16 na pahinang Roman numerals, at inilathala ng Farrar, Straus and Goroux sa New York noong 2014, at nabili ko naman sa BookSale sa Shopwise branch sa Cubao noong Disyembre 24, 2020, sa halagang P240.00.

Sa Poems of the Great War 1914-1918 ay may dalawampu't isang makata, at 81 tula. Ito'y sina, at ang bilang ng kanilang tula: Richard Aldington - 2; Edmund Blunden - 8; Rupert Brooke - 1; F. S. Flint - 1; Ford Madox Ford - 1; Robert Graves - 1; Ivor Gurney - 10; Thomas Hardy - 1; John McCrae - 1; Frederic Manning - 1; Charlotte Mew - 1; Alice Meynell - 1; Wilfred Owen - 20; Margaret Postgate Cole - 1; Herbert Read - 1; Edgell Rickword - 1; Isaac Rosenberg - 3; Siegfred Sassoon - 17; Charles Hamilton Sorley - 2; Edward Thomas - 6; at May Wedderburn Cannan - 1.

Ang Some Desperate Glory: The First World War the Poets Knew ay may labing-isang makata, at may 73 tula. Ang mga makatang ito at ang bilang ng kanilang tula sa aklat ay sina: Edmund Blunden - 2; Rupert Brooke - 4; Robert Graves - 1; Julian Grenfell - 2; Ivor Gurney - 11; Robert Nichols - 4; Wilfred Owen - 11; Isaac Rosenberg - 11; Siegfred Sassoon - 9; Charles Sorley - 4; at Thomas Hardy - 14. Ang mga tula rito'y hinati sa panahon o taon ng pagkakasulat, at may mga sanaysay o kwento hinggil sa tula at pangyayari: 1914 - may pitong tula; 1915 - 18 tula; 1916 - 15 tula; 1917 - 19 tula; at 1918 - 14 tula.

Kapansin-pansin sa bilang ng mga tula ang marahil ay masisipag magsulat na makata, o marahil ay mga nagustuhang tula ng patnugot ng aklat. Sa Poems of the Great War 1914-1918, si Ivor Gurney ay may sampu, Wilfred Owen ay may 20, at si Siegfred Sassoon ay may 17  tula. Sa Some Desperate Glory, si Ivor Gurney, Wilfred Owen, at Isaac Rosenberg ay may tiglabing-isang tula, habang si Siegfred Sassoon ay may 9 na tula at si Thomas Hardy naman ay may 14 tula.

Nais kong proyektuhin ito ng pagsasalin o isasalin ko sa wikang Filipino ang kanilang mga tula, na susubukan kong may sukat at tugma ang iba, upang mas madama natin ang kanilang mga katha sa panahon ng digmaan. Marahil isa pang dapat gawin ay saliksikin ang kanilang mga talambuhay, at ano ang kaugnayan nila sa Unang Daigdigang Digmaan. Sila ba'y mga sibilyan lamang o mga kawal na nakibaka sa panahong iyon? Isa ito sa mga nais kong tapusing isalin at mailathala upang mabasa ng ating mga kababayan ang kanilang mga tula sa ating sariling wika.

Kung ating titingnan, ang dalawang aklat ay tumutukoy sa mga likhang tula noong Unang Daigdigang Digmaan mula 1914-1918. Nagsimula ang digmaan noong Hunyo 28 1914 nang pinaslang ng isang nasyunalistang Serbyan si Archduke Franz Ferdinand ng Imperyong Austriya-Hunggariya. Mula rito'y nagdigmaan na ang mga makapangyarihang bansa sa mundo, na noon ay nahahati sa Pwersang Alyado (batay sa Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransya), at ang Pwersang Sentral (mula naman sa Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Hunggarya at Italya). Natapos ang digmaan noong 11 Nobyembre 1918, kung saan nagkaroon ng limang tratado sa pagitan ng mga bansang kasali sa digmaan. Umabot umano, ayon sa pananaliksik, ang Unang Daigdigang Digmaan, sa dalawampung milyong namatay at dalawampu't isang milyong sugatan. Kaya isa ito sa napakatinding digmaan sa kasaysayan.

Kaya ang pagsasalin ng mga tula ng mga makatang nakasaksi sa digmaang ito ay naging adhikain na o misyon ng inyong lingkod. At bilang panimula ay aking isinalin ang tulang August 2014 ng isang makatang Ingles, na nasa pahina 128 ng aklat na Some Desperate Glory.

AUGUST 1914
Poem by Isaac Rosenberg

What in our lives is burnt
In the fire of this?
The heart's dear granary?
The much we shall miss?

Three lives hath one life -
Iron, honey, gold.
The gold, the honey gone - 
Left is the hard and cold.

Iron are our lives
Molten rights through our youth.
A burnt space through ripe fields,
A fair mouth's broken tooth.

AGOSTO 1914
Tula ni Isaac Rosenberg
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod

Ano sa buhay nati'y nasusunog
Sa naglalagablab na apoy nito?
Na sa puso'y kamalig nating irog?
Kayraming di natin nakakatagpo?

Tatlong buhay yaong may isang buhay -
Ang bakal, pulot-pukyutan, at ginto.
Ang ginto, ang pulot ay nangawala -
Naiwan ang matigas at malamig.

Yaong bakal na yaring ating buhay
Karapata'y lusaw sa pagkabata.
Espasyo'y sunog sa maayang bukid,
Sira ang ngipin ng magandang bibig.

Si Isaac Rosenberg, isang makata't alagad ng sining (artist), ay isinilang sa Bristol, England noong Nobyembre 25, 1890. Kinatha niya ang una niyang tulang On Receiving News of the War noong huling bahagi ng Hunyo 2014. Nalathala rin ang Youth na ikalawang katipunan ng kanyang mga tula. At dahil walang makuhang trabaho bilang artist ay nagpalista siya sa British Army sa katapusan ng Oktubre 1915. Sa edad na 27, siya'y killed in action o namatay sa digmaan noong Abril 1, 2018. (saliksik mula sa Wikipedia)

Sa isang personal niyang liham, inilarawan ni Rosenberg ang pananaw niya sa digmaan: "I never joined the army for patriotic reasons. Nothing can justify war. I suppose we must all fight to get the trouble over." (Hindi ako sumali sa hukbo para lang sa mga kadahilanang patriotiko. Walang makakapagbigay katwiran sa digmaan. Tingin ko'y dapat tayong lumaban lahat upang matapos na ang gulo.)"

Martes, Hulyo 5, 2022

Soneto 94

SONETO 94
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)

Sila yaong may kapangyarihang / manakit at walang ginagawa,
Na hindi magawa yaong bagay / na lagi nilang inilaladlad,
Sino, na iba’y pinagagalaw, / silang sa bato ginayang pawa,
Hindi natitinag, anong lamig, / at pagdating sa tukso’y kaykupad -
Minana nila ng wato mula / sa langit yaong mga biyaya,
At pati yaman ng kalikasan / ng asawa mula sa gugulin;
Sila yaong mga panginoon / at may-ari niyong mukha nila,
Habang iba’y tagapangasiwa / ng kanilang kahusayan man din.
Yaong bulaklak niyong tag-araw / na sa tag-araw din ay kaytamis
Datapwat ito’y sa sarili lang / nangabubuhay at namamatay;
Subalit kung yaong bulaklak na / nakahahawa’y nagkakaniig,
Ang pinakamasama mang damo’y / sinasalungat ang kanyang dangal.
Matatamis ma’y pinaaasim / ng mga ikinikilos nito:
Tulad ng mga liryong ang amoy / ay mas malala pa kaysa damo.

07.05.2022

Tugmaan batay sa aralin sa katutubong pagtula:
abab - patinig na may impit a; katinig na malakas a;
cdcd - patinig na walang impit a; katinig na mahina i;
efef - katinig na mahina a;  katinig na malakas i;
gg - patinig na walang impit o.

SONNET 94 
from the book The Sonnets, by William Shakespeare, Collins Classics

They that have power to hurt and will do none,
That do not do the thing they most do show,
Who, moving others, are themselves as stone,
Unmoved, cold, and to temptation slow-
They rightly do inherit Heaven's graces,
And husband nature's riches from expense;
They are the lords and owners of their faces,
Others but stewards of their excellence.
The summer's flow'r is to the summer sweet
Though to itself it only live and die;
But if that flow'r with base infection meet,
The basest weed outbraves his dignity.
For sweetest things turn sourest by their deeds:
Lilies that fester smell far worse than weeds.

Linggo, Hulyo 3, 2022

Himagsikang panlipunan

HIMAGSIKANG PANLIPUNAN
Pinagmulan: Eugène Pottier, Chants Révolutionnaires (ikalawang edisyon), Paris, Bureau de Comité Pottier, [n.d.] ;
Isinalin mula Pranses ni Mitchell Abidor;
CopyLeft: Creative Commons (Attribute & ShareAlike) marxists.org 2018.
Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

Nakita nang lumitaw ang dambuhalang halimaw,
Ang malalaking kilabot at ang mga bagito,
Ang mga heneral pati ang mga kaparian
Lahat sila’y nangatal: ang sandal na’y dumatal!

Dinagundong ng lintik yaong mata’t angking bisig,
Hindi palihim na kumikilos yaong Paggawa:
Kumikilos  iyon at gumagana nang hayagan
At nag-oorganisa nang walang sinumang amo!

Anila: “Sa daigdig at sa mga bunga nito,
Sa mga kasangkapan at lahat ng nalilikha,
Nilahad mo ang iyong kamay: isuko mo sila!"

"At dumating kayo, na nakamamatay na multo
Upang makibahagi lang ba sa pamumuhunan?"
"Upang ipamahagi? Hindi! Upang kunin lahat!

sa Manchester noong 1881

* Isinalin noong Hulyo 3, 2022
* Litrato mula sa google
* Talasalitaan
dambuhala - salin ng great, imbes na dakila
halimaw - salin ng colossus, imbes na higante o malaki
bagito – salin ng parvenus

SOCIAL REVOLUTION 
Source: Eugène Pottier, Chants Révolutionnaires (second edition), Paris, Bureau de Comité Pottier, [n.d.] ;
Translated: by Mitchell Abidor;
CopyLeft: Creative Commons (Attribute & ShareAlike) marxists.org 2018.

Seeing the great colossus appear,
The big shots and the parvenus,
The generals and priests
All of them are trembling: the moment has arrived!

Thunder bolt eyes and bare arms,
Labor doesn’t act in secret:
It works openly
And will organize without master!

It says: “On the globe and its fruits,
On tools and all produced,
You laid your hands: give them up!”

“And so you come, fatal specter
To share in capital?"
"To share it? No! To take it all!

Manchester 1881

Hiyaw upang maningil

HIYAW UPANG MANINGIL!
Tula ni Vladimir Mayakovsky 
Isinalin sa Ingles ni Lika Galkina kasama si Jasper Goss, 2005.
Malayang salin sa wikang Filipino ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang gardang ng digmaan ay dumadagundong ng dumadagundong.
Inihihiyaw nito: itulak ang bakal sa mga buhay.
Mula sa bawat bansa
alipin sa alipin
na itinapon sa bayonetang bakal.
Para sa kapakanan ng ano?
Nayayanig ang lupa
sa gutom
at hinubaran.
Sumisingaw ang sangkatauhan sa dugong nagsidanak
kaya lang
sinuman
saanman 
ay maaaring makaapak sa Albania.
Mga pulutong ng taong gapos sa masamang hangarin,
yaong upak nang upak sa mundo
para lamang
sa sinumang ang sinasakyan
ay makadaan nang walang bayad
sa pamamagitan ng Bosporus.
Nalalapit na
ang daigdig
ay hindi magkakaroon ng tadyang na buo.
At ang diwa nito’y bububutin.
At tatapak-tapakan
para lang sa sinuman,
ilalatag
ang kanilang kamay
sa Mesopotamia.
Bakit nangyaring 
isang bota
ang bumagsak sa Daigdig — bitak at magaspang?
Ano ang nasa itaas ng labanan sa alapaan -
Kalayaan?
Bathala?
Salapi!
Kailan ka titindig ng buo mong taas,
ikaw,
na inalay ang buhay mo sa kanila?
Kailan ka magbabato ng tanong sa kanilang mukha:
Bakit tayo naglalabanan?

* Talasalitaan
gardang – salitang Ilokano ng tambol, ang tambol naman ay mula sa wikang Espanyol na tambor

* Isinalin noong ikatlo ng Hulyo, 2022
* Litrato mula sa google

CALL TO ACCOUNT!
by Vladimir Mayakovsky
translated by Lika Galkina with Jasper Goss, 2005.

The drum of war thunders and thunders.
It calls: thrust iron into the living.
From every country
slave after slave
are thrown onto bayonet steel.
For the sake of what?
The earth shivers
hungry
and stripped.
Mankind is vapourised in a blood bath
only so
someone
somewhere
can get hold of Albania.
Human gangs bound in malice,
blow after blow strikes the world
only for
someone’s vessels
to pass without charge
through the Bosporus.
Soon
the world
won’t have a rib intact.
And its soul will be pulled out.
And trampled down
only for someone,
to lay
their hands on
Mesopotamia.
Why does
a boot
crush the Earth — fissured and rough?
What is above the battles’ sky -
Freedom?
God?
Money!
When will you stand to your full height,
you,
giving them your life?
When will you hurl a question to their faces:
Why are we fighting?

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

Digmaan

DIGMAAN
Tula ni Eugene Pottier
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 10 pantig bawat taludtod 

Para kay Eugene Baillet

Kahahayag pa lang ng digmaan 
Anang mga buwitre, "Sunggaban!"
Ngunit wala halos kaibahan:
Di ba't araw-araw na'y digmaan?

Gayunman, balatkayo'y tinanggal,
Animo'y baliw sa paghalakhak;
Helmet ay sinuot ng kalansay,
Kabayong kalansay na'y daratal

Hintay nila'y pawang kasamaan,
Sa bawat uri 't lahat ng antas;
Dito'y may bayarang pananambang,
Doon, tangan ng pamilya'y tabak.

Di mapalawak, mga bandido'y
Pinatapon sa kolonyang penal;
Hinayaan lang ang pandarambong
Sa anyo ng buwis, mga istak

Pinawi nila ang madugong uhaw,
Pati makahayop na silakbo,
Ginambala pa si Lacenaire,
At pinalungkot pa si Castaing.

Pagpaslang ng bata'y kinondena,
Anak nami'y dalawampu, ngayon
Ang lupon ng berdugo'y nagpasya
Aling mabuti ang sa bitayan.

Ang impantisidyo'y tinuligsa,
Anak namin ngayo'y dalawampu,
Ngayong gabi, Lupon ng Berdugo'y
Pinasya ang angkop sa bitayan.

May balahibo, may tatu, kaming
Pulangkutis, mula ibang angkan.
Mga tae'y ikalat sa lupa:
"Mundo'y lilikha ng bagong tao."

Hinamak, Ebanghelyo'y lumikas,
Alagad ay lumisan, naligaw.
O amang bayan, mayroong tigre
Sa mabuting puso'y umatungal.

Naglalagablab ang iyong poot,
Ang madla'y walang pagkakaisa,
Na nagdurusa sa bilangguan
Ng rehimen ng nasyunalidad

Gabi'y pinutol ng bolang kanyon,
Ang lungsod ay nilamon ng apoy,
Dugong pumatak, tara't inumin,
Ikaw, tawag ay sangkatauhan.

Katumpakan ng lakas at bilang
Niyurakan ay sugatang gapi;
Glorya't kumalat sa malakabag
Na pakpak ng karimlang pusikit.

Digma, digma, anong hinihintay
Upang laman at buto'y madurog?
Hinihintay nito'y bagong dahon,
Ang buwan ng bulaklak at ibon.

Paris 1857

* sina Lacenaire at Castaing ay dalawang kilabot na mamamatay-taong Pranses noong ika -19 na siglo

* isinalin mula sa Ingles sa petsang ika-22 ng Hunyo, 2022

Ang Magsasaka at ang Tagak, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Tagak ni Aesop Isang Tagak na napakasimple at mapagkakatiwalaan ang hiniling ng isang masayang grupo ng mga Itik na bis...