Biyernes, Marso 25, 2022

Pagsasalin ng haiku

PAGSASALIN NG HAIKU

Nakabili ako ng libro ng haiku ng makatang Hapones na si Matsuo Basho noong Abril 13, 2019 sa halagang P80.00. Nilathala ito ng Penguin Classics. Naitago ko ang librong ito at nakita muli. Binasa ko ang ilan niyang haiku na pawang salin na sa Ingles. 

Sinubukan kong isalin sa wikang Filipino ang lima niyang haiku sa paraan ding iyon na pantigang 5-7-5. Pinili ko lang ang isinalin dahil ang iba'y hindi kayang ipasok sa 5-7-5 dahil sa mahahabang salita natin. Na marahil sa wikang Hapones,  maraming salitang iisa ang pantig na pasok na pasok sa kanilang haiku.

p. 28
Whiter than stones (Ang Batong Bundok)
of Stone Mountain - (maputi pa sa bato -)
autumn wind. (hanging taglagas.)

p. 31
Where cuckoo (Nang ibong kuku)
vanishes - (ay tuluyang naglaho -)
an island. (ang isang pulo.)

p. 38
Violets - (Ang mga lila -)
how precious on (kayhalaga sa landas)
a mountain path. (ng kabundukan.)

p. 47
Come, see real (Halika, tingni
flowers (ang bulaklak sa mundong)
of this painful world. (napakasakit.)

p. 49
Crow's (Ang iniwanang)
abandoned nest, (pugad ng isang uwak,)
a plum tree. (puno ng duhat.)

Isa siyang inspirasyon. Pawang mula sa kalikasan ang kanyang mga haiku. Dahil dito, kumatha rin ako ng una kong limang haiku.

1
Langay-langayan
pagkatuka'y lilipad,
parang tulisan!

2
Ang mga langgam
ay sadyang kaysisipag,
mumo na'y tangay!

3
Daga sa bahay,
takbuhan ng takbuhan,
kisame'y luray.

4
Sa tinding usok,
napuksa ba ng katol
ang laksang lamok?

5
Pusa'y humibik,
nang mabigyan ng tinik
agad humilik.

- gregoriovbituinjr.
03.25.2022

Martes, Oktubre 19, 2021

Salin ng tula kay Che



SALIN NG TULA KAY CHE

Salin ng isang tula mula sa fb page ng End the Blockade of Cuba:
"Alam na alam kong babalik ka
Na uuwi ka mula sa kung saan
Dahil hindi napapatay ng kirot ang mga pangarap
Dahil walang hanggan ang pagmamahal at
Ang mga nagmamahal sa iyo'y di ka nalilimutan" (malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr., 10.19.2021)

Noong Oktubre 17, 1997. Ang mortal na labi ni Che Guevara at ng kanyang mga kasama ay inilibing sa Santa Clara. Matapos ang huling pagpupugay parangal, na pinangunahan ng kanyang pangalawa sa Pagsalakay, na si Ramiro Valdés Menéndez, ang Kumander ng Rebolusyon, na pinagkatiwalaan ng misyon na hanapin ang labi ng mga napaslang na gerilya at ibalik sila sa kanilang bayan, kung saan iniwan ni Che patungo sa Plaza de la Revolución na nagdadala ng kanyang pangalan.
Doon, hinihintay siya ni Punong Kumandante Fidel Castro, na tiyak na itatalaga ni Che ang huling pagninilay sa kanya, tulad ng ipinangako niya sa kanyang sulat ng pamamaalam.

Martes, Enero 12, 2021

Ang salin ng TENANT sa wikang Filipino

ANG SALIN NG TENANT SA WIKANG FILIPINO
Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.

Isa sa mga nakaengkwentro kong salitang talagang dapat pag-isipan kung paano isasalin mula sa Ingles patungong wikang Filipino ay ang TENANT. Ano kaya ang tamang salin ng tenant batay sa gamit nito?

Nagsaliksik ako. Sa dalawang diskyunaryong ginagamit ko ay nakita ko ang kahulugan sa wikang Filipino ang tennt. Sa English-Tagalog Dictionary ni Fr. Leo James English, 33rd printing - 2009, pahina 1062, ang tenant ay:
(1) noun,a person paying rent for the use of land or building. Nangungupahan. Ingkilino (Spanish).
(2) a tenant in land holding: Kasamá.
(3) one that occupies or dwells: Ang nakatira (tumitira).
(4) verb, to hold or occupy as a tenant: Umupa, mangupahan, upahan.

Sa UP Diksiyonaryong Filipino naman, Ikalawang Edisyon 2010, Virgilio S. Almario - Editor, pahina 1241, ang tenant ay: png [Ingles] 1: tao na nagbabayad upang umokupa o gumamit sa lupa, gusali, at iba pa. 2: Agr kasamá. (Ang daglat na Agr ay Agrikultura.)

Sa dalawang diksyunaryo, nangingibabaw ang dalawang salin: nangungupahan at kasamá. Subalit pag iningles natin ang nangungupahan at kasamá, karaniwang hindi agad tenant ang naiisip ng tulad kong laki sa lungsod kundi renter para sa nangungupahan at comrade para sa kasamá, na may tuldik na pahilis sa ikatlong pantig, at companion para sa kasáma kung ang tuldik na pahilis ay nasa ikalawang pantig.

Kaya ano dapat ang salin? Kung gagamitin ko ang nangungupahan batay sa salin ng diksyunaryo, baka mali. Dahil sa palagay ko'y malaki ang kaibahan ng ng renter sa tenant. Ang renter, tulad ng mga nangungupahan ng isang kwarto o isang bahay sa lungsod, ay iba sa tenant. Ang tenant naman ay nangungupahan subalit siya na rin ang nangangasiwa o itinalagang tagapangalaga ng ari-arian ng may-ari. Kaya hindi renter at hindi nangungupahan ang ginagawa kong salin. Sa usapin ng mga maralitang lungsod ay kilala ang katawagang renter dahil din ito ang mga lumilitaw sa mga negosasyon hinggil sa usaping pabahay.

May iba pang salita ang kasamá sa wikang FIlipino, na maaaring pag-isipan din. Sa UP Diksiyonaryong Filipino ay ito ang iba pang kahulugan ng kasama, na ang iba'y nasa wikang lalawiganin: abe, agom, asosyado, gayyem, iba, kada, kauban, kavulun, at kompanyero. Subalit hindi ko iyon magagamit sa ngayon kung mas nais kong maunawaan ng mambabasa ang aking isinalin.

Kaya ano ang dapat na pagsasalin, lalo na ngayong may mga isinasalin akong akda ng ibang manunulat, at ito ngang tenant ang isa sa pinagkunutan ko ng noo. Na marahil ay madali lang sa mga laking probinsya, na may malawak na karanasan sa mga sakahan. Kailangan ko pang umuwi ng lalawigan upang matukoy talaga ang tamang salita sa aking isinasalin.

May nagsabi sa akin, ginagamit na ang tenant sa mga usapan sa wikang Filipino, bakit hindi mo iyon gamitin? Tama naman siya. Baka iyon na nga ang aking gamitin kaysa magsalin pa ng iba. Minsan, naiisip kong isalin ang tenant na tenante, na parang tenyente. Subalit wala naman nito sa diksyunaryo.

Sumang-ayon ako sa sinabi ng aking nakatatandang kapatid na babae na matagal nang nakatira sa lalawigan, na ayon sa kanya ang tenant ay tinatawag na kasama na mabilis ang pagbigkas. Dahil lalawigan ang setting ng akdang aking isinasalin, ginamit ko ang kasamá, na may tuldik na pahilis sa ikatlong titik a at binibigkas ng mabilis, bilang salin ng tenant, at ang kasama na mabagal ang bigkas bilang salin ng comrade o companion.

Sa ganito ko nalutas ang problemang ito. Gayunman, dapat pa ring mas maunawaan ng mambabasa ang gamit ng ating mga tuldik sa balarilang Pilipino, na marahil ay napag-aralan nila nuong elementarya, upang mapag-iba nila ang kasama sa kasamá.

Linggo, Nobyembre 29, 2020

Kwento - Bakit ako ang magsasalin ng RA 7270 o UDHA? Dapat KWF dahil sila ang ahensya sa wika!


BAKIT AKO ANG MAGSASALIN NG RA 7279 O UDHA? DAPAT KWF DAHIL SILA ANG AHENSYA SA WIKA!
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Isang hapon iyon nang kinausap ni Igme si Igor dahil nais niyang isalin ni Igor sa wikang Filipino ang Urban Development and Housing Act (UDHA) o Republic Act 7279. “Igor, maaari mo bang isalin ang UDHA upang mas maunawaan ng kapwa natin maralita kung ano ba ang batas na itong nakakaapekto sa kanila.”

Sumagot si Igor, “Aba, oo. Malaking karangalan sa akin ang pagsasalin ng batas na iyan sa wikang Filipino. May kopya ka ba ng UDHA upang masimulan ko nang isalin?”

“Eto, o.” At ibinigay ni Igme kay Igor ang kopya ng UDHA.

Sa bahay, binabasa ni Igor ang dokumento, hanggang sinimulan niyang isalin ang bawat salita, bawat artikulo, at bawat seksyon. Kinailangan pa niya ng diksyunaryong Ingles-Filipino dahil may mga salitang duda siya kung tama ba ang salin. Sa katagalan, napapaisip siya. Tanong niya sa sarili, “Batas ito ng bansa para sa mga maralita. Pag isinalin ko ba ito ay pakikinabangan ng maralita? Sino ang magpopondo nito? Kung ang samahan lang namin ni Igme ang makikinabang, paano ang iba? Baka may iba pang nagsasalin sa ibang organisasyon, o baka naman may salin na ito sa wikang Filipino, ay hindi namin alam.”

Nasa gayon siyang pagninilay nang makita siya ng kanyang asawa, at tinanong siya kung anong ginagawa niya. At sumagot siya, “Hiniling ni Igme sa akin na tagalugin ko itong UDHA para mas maunawaan ng ating mga kapitbahay at kapwa maralita kung ano ang batas na ito. Kaya lang napapaisip ako, mahal ko. Pakikinabangan ba ito ng mas nakararami pag natagalog ko na, o kami lang ang makakaintindi? Hindi ba dapat ang mga batas ng bansa ay hindi isa-isa nating isinasalin. Baka sabihan pa ako ng mga mas nakakaalam na bara-bara lang itong salin ko .”

Sumagot si Ingrid, “Sige lang, tagalugin mo, at malaking tulong iyan sa ating mga maralita dahil UDHA iyan. Diyan nakalagay sa seksyon 28 niyan kung paano ang proseso bago idemolis ang isang lugar?”

“Iyon nga, eh, kaya ba nakasulat sa Ingles ang mga batas natin ay upang hindi natin maintindihan ang mga batas na nakakaapekto sa masa, sa ating maralita, tulad nga niyang Seksyon 28 ng UDHA hinggil sa demolisyon. Napapaisip nga ako, sino ang maglalathala ng tinagalog ko upang maunawaan ito ng mas marami, kahit nasa probinsya.” Ani Igor.

Sumagot si Ingrid, “Tulong mo na iyan sa samahan. Kaya ituloy mo lang ang binigay ni Pangulong Igme sa iyo.”

Muling nagsalita si Igor, “Napapaisip din kasi ako. Dapat ba sa bawat batas na tatama sa maralita, o iyang Labor Code ng manggagawa, o Local Government Code, bakit lahat nakasulat sa ingles, at paghirapan nating intindihin. Ngayon, pipilitin nating tagalugin. Hanggang mamilipit tayo. Dapat ang gobyerno mismo ang magsalin ng mga ito. Mungkahi ko nga, dapat ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ang dapat magsalin ng lahat ng batas ng bansa, dahil sila ang ating ahensya sa wika. KWF dapat ang bigyan ng mandato sa pagsasalin ng lahat ng batas ng bansa. Isalin nila sa wikang Filipino, o Tagalog para sa mga nasa NCR, Gitnang Luzon, at Timog Katagalugan. Isalin din ang mga batas natin sa Igorot, Ilokano, Kapampangan, Bikolano, Ilonggo, Cebuano, Tausug, Maranao, at iba pang wika sa ating bansa. Halimbawa, iyang IPRA o Indigenous People’s Rights Act, katutubo ba ang magsasalin niyan upang maunawaan nila? O iyang KWF.”

“Paano iyan magagawa, eh, wala yata sa batas na naglikha sa KWF na sila ang magsalin? Kung meron, dapat ginagawa na nila.” Ani Ingrid.

“Tama ka, mahal ko,” ani Igor, “kailangang kumausap tayo ng mga kongresista at senador na gagawa ng batas upang gawing opisyal na tagasalin ng mga batas ng bansa iyang KWF.”

“Kausapin muna natin si Pangulong Igme,” Ani Ingrid. At nagtungo naman sila sa pangulo ng samahan.

Ani Igor, “Sinimulan ko nang isalin ang UDHA. Subalit bakit ako ang magsasalin ng batas ng bansa. Hindi ba dapat ang Komisyon sa Wikang Filipino dahil ito ang ahensyang pangwika ng pamahalaan? Baka hindi ito maipamahagi sa iba, o baka isiping bara-bara lang ang salin ko?”

“Tama ka, Igor,” ani Igme. “Mungkahi ko, gumawa tayo ng petisyon na lalagdaan ng ating mga kasapian, at ipadala sa mga gumagawa ng batas na hinihiling nating amyendahan ang batas na lumikha ng KWF, at italaga ang KWF bilang opisyal na tagasalin ng lahat ng batas ng ating bansa. Bukod sa pagsasalin mo ng UDHA ay isa iyan sa ating kampanya upang mas maunawaan ng masa ang mga batas na apektado sila.”

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Nobyembre 16-30, 2020, pahina 14-15.

Biyernes, Hunyo 5, 2020

Pahayag ng Laban ng Masa hinggil sa Anti-Terrorism Bill, Hunyo 5, 2020

RESISTANCE IS THE ONLY OPTION

PAKIKIBAKA ANG TANGING OPSYON

Statement of Laban ng Masa on the Anti-Terrorism Bill, June 5, 2020

Pahayag ng Laban ng Masa hinggil sa Anti-Terrorism Bill, Hunyo 5, 2020
(Isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.)

Laban ng Masa joins all concerned citizens here and abroad who have denounced the Philippine Anti-Terrorism Bill as an assault on civil liberties and democracy.

Mahigpit na nakikiisa ang Laban ng Masa sa lahat ng mga nag-aalalang mamamayan dito at sa labas ng bansa sa pagtuligsa sa Panukalang Batas Laban sa Terorismo bilang pag-atake sa demokrasya at kalayaang sibil.

With its provision allowing state agents to arrest anyone suspected of terrorism without any warrant of arrest and allowing them 24 days to isolate suspects before delivering them to the judicial authorities, the Anti-Terrorism Bill gives the security forces an extraordinarily wide latitude for repressing all types of political opposition.

Ilan sa probisyon nito ang nagpapahintulot sa mga ahente ng estado na arestuhin ang sinumang pinaghihinalaan ng terorismo nang walang mandamyento de aresto at ikukulong ng dalawampu't apat na araw ang mga pinaghihinalaan bago sila dalhin sa mga awtoridad ng hukuman, binibigyan ng Anti-Terrorism Bill ang mga pwersang pangseguridad ng ekstraordinaryong lawak ng kalayaang magsagawa ng represyon sa lahat ng uri ng pampulitikang oposisyon.

The Anti-Terrorism Council it sets up is nothing other than an updated version of the infamous Committee of Public Safety, with partisan political appointees being provided with the unconstitutional power to determine the fate of people on political grounds.

Ang binuo nitong Konsehong Laban sa Terorismo ay wala rin naman maliban sa ito'y binagong bersyon ng malalang Komite sa Pampublikong Kaligtasan, kung saan ang mga partisang pulitikal na itinalaga rito'y binigyan ng labag-sa-Konstitusyong kapangyarihang tukuyin ang kapalaran ng mga tao sa batayang pampulitika.

The passage of the bill has taken place at a time when there is no serious terrorist threat, driven by an Executive Power that mustered every argument, including the remote threat that the Philippines risked being blacklisted in international commerce owing to its having “weak” anti-terrorist legislation, to secure its approval.

Naganap ang pagpasa ng nasabing panukalang batas sa panahong walang seryosong banta ng terorismo, na itinulak ng isang Kapangyarihang Ehekutibo na nagtipon ng bawat argumento, kasama na ang katiting na bantang ang Pilipinas ay nanganganib na ma-blacklist sa pandaigdigang komersyo dahil sa "mahinang" lehislasyong laban sa terorismo, upang matiyak ang pag-apruba nito.

The Anti-Terrorism Bill must be seen in the context of a $2 billion dollars’ worth of arms being delivered to the Philippines by Washington and the Duterte administration’s shameful retreat from its previously announced decision to terminate the Visiting Forces Agreement with the United States. All these moves bear the strong imprint of the AFP, which has been a central part of the US’s international war on terror, has long been the recipient of military aid from Washington, and has opposed any move to destabilize close US-Philippine relations.

Dapat makita ang Anti-Terrorism Bill sa konteksto ng $2 Bilyong dolyar na halaga ng armas na ipapadala ng Washington sa Pilipinas at sa nakakahiyang pag-urong ng administrasyong Duterte mula sa dating inanunsyong desisyon na wakasan na ang Visiting Forces Agreement sa Estados Unidos. Nagtataglay ang lahat ng mga galaw na ito ng matinding bakas ng AFP, na naging sentrong bahagi ng pandaigdigang digmaan laban sa terorismo ng Estados Unidos, na matagal nang tumatanggap ng tulong militar mula sa Washington, at tumututol sa anumang galaw upang mawasak ang malapit na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

In short, the Anti-Terrorism Bill must be seen as part of Duterte’s deal with the AFP to keep the military happy and a compliant partner in his drive towards absolute power.

Sa madaling salita, dapat makita ang Anti-Terrorism Bill bilang bahagi ng pakikipagkasundo ni Duterte sa AFP upang manatiling masaya ang kasundaluhan at masunuring kabakas niya sa kanyang pamamahala tungo sa ganap na kapangyarihan.

Moreover, the Anti-Terrorism Bill must be seen in the context of the bloody war on drugs that has taken the lives of some 27,000 people, the declaration of martial law in Mindanao, the subjugation of Congress and the Judiciary to the Executive, the illegal detention of political dissidents and oppositionists, the murders of peasant, worker, urban poor, environmentalist, and indigenous activists, and the recent Bayanihan to Heal as One (BAHO) Act, which used the Covid 19 pandemic to legally enhance executive power.

Dagdag pa rito, dapat makita ang Anti-Terrorism Bill sa konteksto ng madugong digmaan laban sa droga na pumaslang ng nasa 27,000 katao, ang deklarasyon ng batas-militar sa Mindanao, ang pagsakop ng Ehekutibo sa Kongreso at Hudikatura, ang iligal na detensyon sa mga kalaban sa pulitika at oposisyonista, ang pagpaslang sa mga magsasaka, manggagawa, maralitang lungsod, environmentalista, at mga aktibistang katutubo, at ang kamakailang Bayanihan to Heal as One (BAHO) Act, na ginamit ang  Covid 19 upang ligal na mapalawak pa ang kapangyarihang ehekutibo.

The truth is the Philippines is already under a de facto dictatorship, and the Anti-Terrorist Bill must be seen as one of the key steps to make it a de jure dictatorship as well. This is a case of legislation catching up with the realities of power.

Sa totoo lang, ang Pilipinas ay nasa diktadurang di pa ganap (de facto), at dapat makitang ang Anti-Terrorism Bill ay isa sa mga susing hakbang upang ito'y maging lubusang diktadura (de jure). Ito'y isang kaso ng lehislasyong humahabol sa reyalidad ng kapangyarihan.

Is this road to full-fledged dictatorship inevitable? Not if the people resist.

Hindi na ba maiiwasan pa ang pagtungo nito sa ganap na diktadura? Hindi kung lalaban ang mamamayan.

Laban ng Masa is confident that even though significant numbers of our compatriots are still blinded by Duterte’s false image as someone promoting the national interest, the Filipino people will eventually see the dangerous journey to a total dictatorship on which he is leading them and realize that resistance is the only option.

Nagtitiwala ang Laban ng Masa na bagamat signipikanteng bilang ng ating mga kababayan ang nabubulagan pa rin sa maling imahe ni Duterte bilang tagapagtaguyod ng pambansang interes, sa kalaunan ay makikita ng sambayanang Pilipino ang mapanganib na paglalakbay tungo sa lubusang diktadura kung saan siya ang namumuno sa kanila at mapapagtanto ring ang pagtutol ang tanging pagpipilian.

Laban ng Masa pledges its allegiance to that Resistance to dictatorial rule that is growing and calls on all to resist the Anti-Terrorism Bill and other moves to bring the country under the yoke of one-man rule.

Sumusumpa ng katapatan ang Laban ng Masa sa Pakikibaka laban sa pamamahalang diktadura na lumalaki at nananawagan sa lahat na labanan ang Anti-Terrorism Bill at iba pang pagkilos upang dalhin ang bansa sa ilalim ng pamamahala ng isang tao.

REJECT THE ANTI-TERRORISM BILL

TUTULAN ANG ANTI-TERRORISM BILL!

RESIST DICTATORSHIP

LABANAN ANG DIKTADURA!

Martes, Hunyo 2, 2020

Salin ng pahayag ng NUJP

Salin ng pahayag ng NUJP
Isinalin ni Greg Bituin Jr., mula sa grupong #BlockMarcos

PAHAYAG

Tinututulan namin ang Panukalang Batas sa Terorismo

Bakit kaya laging naiisip ng mga opisyales ng ating pamahalaan na ang batas at kaayusan, kapayapaan at seguridad ay napapagtanto lang pag natatamaan ang ating mga karapatan?

Kami, mga mamamahayag, samahan ng mga midya, mga grupo ng lipunang sibil (CSOs), akademya at iba pang nababahalang indibidwal ay talagang tinututulan ang panukalang batas laban sa teror na mabilisang isinagawa ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamamagitan ng malawakang pagpapatibay sa Panukalang Batas ng Senado Blg. 1083, upang maisagawa na ng kumperensya ng komiteng bicameral at agarang maipasa ito't maisabatas.

Isang bagay lang ang dapat maging malinaw: Laban kami sa terorismo.

Gayunman, kasingsama man ng Human Security Act of 2007 ang panukalang batas na ito, magiging mas masahol pa ito kung maisasabatas, kaya't mas angkop pang tawagin itong Panukalang Teror o Terror Bill.

Hindi lamang lilikhain ng panukalang batas na ito ang isang "Konseho Laban sa Pananakot o Anti-Terror Council" na may kapangyarihang magtalaga, sa "maaaring dahilan" lang, sa mga tao o sinupaman bilang mga terorista o grupo ng mga terorista, pinapayagan din nito ang Anti-Money Laundering Council, na kasapi ng ATC, na pigilin ang mga ari-arian ng mga taong ito o grupo, lahat nang walang binibigay na pagkakataon sa kanila upang ipagtanggol ang sarili at ipagkaila ang anumang impormasyon laban sa kanila.

Mas masama pa, pinapayagan ng panukalang batas ang ATC na magkaroon ng kapangyarihang ikulong nang walang hudisyal na mandamyento de aresto ang mga suspek ng hanggang 14 na araw ng kalendaryo, na maaaring pahabain pa ng 10 araw.

Ang mga ito'y maliwanag na paglabag sa iginagarantiya ng Saligang Batas sa nararapat na proseso at naglalaman ng pangungubabaw sa kapangyarihang panghukuman.

Mas matindi pa, palalalain pa ng panukalang batas na ito ang impunidad kung saan karamihan sa ating mga batas at karapatan ay nilalabag na ng mismong mga sumumpang poprotektahan at itataguyod ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga mahihigpit na parusang inilaan upang mahadlangan ang anumang pang-aabuso sa pinakadambuhalang hakbang ng panukalang batas na ito, ang ekstra hudisyal na paghuli at pagkulong sa mga suspek.

Isinasapanganib din ng malubha ng nasabing panukalang batas ang mga prinsipyo ng kalayaan ng pamahayagan at pagpapahayag sa Seksyon 9 na tumutukoy sa krimen ng "pang-uudyok sa terorismo," na maaaring maisagawa "sa pamamagitan ng mga talumpati, proklamasyon, sulatin, sagisag, balatengga o iba pang mga representasyong tulad niyon" at mapaparusahan ng 12 taon sa kulungan.

Gayunman, ang probisyong ito'y madali pang lagyan ng anumang malawak na aplikasyon tulad nito at ginamit na ng mga nakaraang administrasyon ang mga umiiral na pagkakasalang pang-uudyok sa sedisyon at rebelyon upang durugin ang malayang pagpapahayag at takutin ang mga kritiko.

Ang epekto, ang pag-ulat ng mga tao at grupong itinuturing na terorista, o kahit na pag-uulit lang ng sinabi nila, ay maaari nang mangahulugang pang-uudyok sa terorismo.

Bagamat lahat tayo'y sumasang-ayong mahalaga ang paglaban sa terorismo at kailangan ng pakikilahok at kooperasyon ng bawat isa, pinaninindigan naming ang nasabing panukalang batas ay lantad sa pang-aabuso ng mga despotikong gobyerno upang isagawa ang terorismo laban sa mga kritiko at sa mamamayan sa pangkalahatan.

Kung pagninilayan ang isang batas na lalaban sa terorismo, pinakamahalagang dapat isaalang-alang ay ang paggalang at pagtatanggol sa karapatang pantao.

WAKAS


Orihinal na teksto:

STATEMENT

We Reject the Terror Bill

Why do our government officials always think law and order, peace and security can be realized only at the expense of our rights?

We, journalists, media organizations, civil society groups, academics and other concerned individuals unequivocally reject the anti-terror bill that the House of Representatives railroaded through the wholesale adoption of Senate Bill No. 1083, to do away with the bicameral committee conference hasten its passage and enactment into law.

Let us be clear about one thing: We are against terrorism.

However, bad as the Human Security Act of 2007 is, this bill, should it become law, would be much worse, so much that it would be more apt to call it the Terror Bill.

Not only does this proposed law grant an “Anti-Terror Council” the power to designate, on mere probable cause, persons or entities as terrorists or terrorist groups, it also allows the Anti-Money Laundering Council, an ATC member, to freeze the assets of these persons or groups, all without granting them the opportunity to defend themselves and refute any information against them.

Worse, the proposed law would also allow the ATC to authorize the detention without judicial warrant of arrest of suspects for up to 14 calendar days, extendible by another 10 days.

These clearly violate the Constitution’s guarantee to due process and constitutes a usurpation of judicial power.

Worse, this bill would worsen the impunity with which many of our laws and rights are violated by the very ones sworn to protect and uphold these by doing away with the stiff penalties intended to prevent any abuse of this legislation’s most draconian measure, the extrajudicial arrest and detention of suspects.

The bill also poses mortal danger to the principles of freedom of the press and of expression in Section 9 defining the crime of “inciting to terrorism,” which can be committed “by means of speeches, proclamations, writings, emblems, banners or other representations of the same” and is punishable by 12 years in prison.

This provision is, however, prone to broad application much like this and previous administrations have used the existing offenses of inciting to sedition and rebellion to quell free speech and intimidate critics.

In effect, reportage on persons and groups deemed terrorist, or even merely repeating what they say, could be interpreted as committing inciting to terrorism.

While we all agree that the fight against terrorism is important and needs the participation and cooperation of everyone, we maintain that the proposed law is open to abuse by despotic governments to visit terror against critics and the people in general.

If a law to fight terrorism is to be contemplated, let the respect and defense of human rights be the paramount consideration.

END

Biyernes, Pebrero 28, 2020

Soneto XIII. Mula kay Petrarch

Soneto XIII. Mula kay Petrarch
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig bawat taludtod

O, ilagay mo ako sa naglalagablab na buwan
Na pinagbawal humihip ang nalalantang bulaklak;
O ilagay mo ako sa napakalamig na lunan
Sa mga kabundukan ng nyebeng walang katapusan:
Hayaan mong hanapin ko'y hakbang tungong katanyagan,
O ang mas mahirap tahaking landas ng Kahirapan;
Paagusin ang pagkabatang kay-init sa'king ugat,
O animnapung taglamig sa dugo ko'y kumaligkig:
Kahit ang diwang ginigiliw sa Langit ay lumipad,
O kahit mawalan na ng saysay dito sa daigdig,
Bilangguan o kalayaan - di kilala o sikat,
Ang iwi kong puso, O, Laura! ay nasa iyo pa rin.
Kung saanman ang patutunguhan niring kapalaran
Patuloy pang mag-aalab ang pusong tapat sa iyo!

Ang makatang Italyanong si Petrarch (Hulyo 20, 1304 - Hulyo 19, 1374)
Sonnet XIII. From Petrarch

OH! place me where the burning moon
Forbids the wither'd flower to blow;
Or place me in the frigid zone,
On mountains of eternal snow:
Let me pursue the steps of Fame,
Or Poverty's more tranquil road;
Let youth's warm tide my veins inflame,
Or sixty winters chill my blood:
Though my fond soul to Heaven were flown,
Or though on earth 'tis doom'd to pine,
Prisoner or free--obscure or known,
My heart, oh Laura! still is thine.
Whate'er my destiny may be,
That faithful heart still burns for thee!

* Ang tula ay mula sa: https://allpoetry.com/Sonnet-XIII.-From-Petrarch

Miyerkules, Pebrero 19, 2020

Pahayag ng Laban ng Masa (LnM) hinggil sa COVID-19

WALANG SINUMAN ANG MAKAKAPAG-ISA
Sama-samang Bayanihan ng Mamamayan upang Tugunan ang Banta ng COVID-19
Pahayag ng Laban ng Masa, Marso 17, 2020
Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang ating bansa ay nahaharap ngayon ng isang malaking hamon - ang epidemya ng COVID-19 na uaapekto sa higit sa 150 bansa. Ang ating mga public health personnel ay nagtatrabaho ng 24)7 upang masawata ang COVID-19 mula pa noong huli bahagi ng Enero. Nagmadali sila sa mga pasilidad sa ospital, angsisiyasat upang malaman ang mga nahawaan ng sakit, nagsasagawa ng mga testing, at nagpakalat ng mga front line fighters upang turuan ang mga tao sa mga hakbang upang protektahan ang kanilang sarili. Sa kabila ng kanilang mgaa pagsisikap, tumaas sa 187 ang mga kaso ng impeksyon ng COVID-19, na ang mga namatay ay umabot na sa 14.

Kabaligtaran sa ating mga public health personnel, tila bigo ang ating mga pulitikal na awtoridad sa kanilang mga tungkuling dapat ginagawa upang suportahan ang mga pagsisikap ng mga nasa frontline. Naglabas sila ng mga kautusan na may kaunting patnubay sa implementasyon, na lumilikha ng pagkalito sa mga LGU at kaguluhan sa ating mga komunidad. Sa pinakabagong hakbang upang malabanan ang pag-abante ng virus, itinulak ng gobyerno ang isang "pinahusay na quarantine ng komunidad" sa buong isla ng Luzon.

Bagaman kinakailangan ang containment upang labanan ang pagkalat ng sakit, hinarap ito ng ating mga pulitikal na pinuno bilang isang operasyong militar, pinipilit ang pagsunod ng mga tao nang may banta ng pag-aresto. Ang bagong atas na nagpapataw ng mas mahigpit na mga hakbang ay bulag sa malubhang kahihinatnan para sa mga bulnerable’t mardyinalisadong sektor. Napakagastos para sa mga taong walang sistema ng pagsuporta sa kanila ang nangungunang hakbang na ito sa panahong ito.

Habang ang COVID-19 ay hindi nagdidiskrimina at maaaring makahawa sa sinuman, ang mga panganib para sa sakit ay hindi pantay na nababahagi sa ating lipunan. Sinuman ang makakaligtas sa epidemya ay lubos na matutukoy kung sino ang mas mayroon sa buhay – ang kayang maalagaan, magmaneho sa pinakamalapit na ospital, makaiwas sa gutom, ang salungatin ang malupit na mga hakbang na tinatanggihan ang mga pagpipiliang kaligtasan ng mga mahihirap na mamamayan. Iniilalantad pa at pinalalalim ng epidemya ang hindi pagkakapantay sa lipunang Pilipino.

Dapat isaalang-alang sa anu-mang desisyon hinggil sa emerhensiyang pangkalusugan ng publiko ang mga pagkakaiba ng epekto ng mga hakbang sa iba't ibang sektor ng lipunan.

Habang naiisip ito, dama namin sa Laban ng Masa na ang mga sumusunod na prinsipyo’y dapat gabayan ng pambansang estratehiya sa pagharap sa COVID-19.

1) Dapat idirekta ng mga public health personnel ang lahat ng pagsisikap sa lahat ng antas, kasama ang mga pulitiko, pulisya, at militar upang makatulong.

2) Bagaman mahalaga ang isang matibay na sentral na direksyon ng istratehiya, hindi ito dapat isagawa bilang mula taas-pababang operasyon ng pulis o militar, ngunit isagawa ang panghihikayat at edukasyon bilang pangunahing pamamaraan sa pagkuha ng suporta sa komunidad dahil sa napakalaki ngunit kinakailangang pagkagambala ng kanilang buhay.

3) Dapat makilahok ang mga civil society organizations (CSOs), mga unyon sa paggawa, mga samahang pangrelihiyon, at iba pang mga organisasyon ng mama-mayan bilang mga mahahalagang aktor sa lipunan.

4) Dapat nating magagap ang mga pinakamahusay na kasanayan ng mga bansang may pinaka-epektibong paraan ng paglaban sa virus, tulad ng Vietnam, Macao, Timog Korea at Singapore.

5) Ang transparensidad at paggalang sa kalayaan sa pagpa-pahayag, at sa katotohanan, ay mahalaga kung kailangan nating iwasan ang mga kakila-kilabot na kalamidad na nagaganap sa ilan pang mga bansa, tulad ng Estados Unidos.

6) Ang pamahalaan at ang pribadong sektor ay dapat magbigay ng pinansyal at iba pang mga mekanismo ng suporta sa mga manggagawa na ang mga hanapbuhay at kabuhayan ay nasisira sa mga panukalang containment o paghaharang. Kaugnay nito, sinusuportahan ng Laban ng Masa ang mga sumusunod na kagyatang hakbang:

a) Dapat agad na magpasa ang Kongreso ng mga karagdagang panukalang batas o amyenda hinggil sa pag-triple ng badyet para sa kalusugan, kasama ang mga perang nakuha mula sa pondong nakalaan para sa pambansang depensa, iba pang pondong may kaugnayan sa seguridad, pondo ng kalamidad, at pondong pagpapasyahan ng pangulo.

b) Dapat agad na magpasa ang Kongreso ng mga karagdagang panukalang batas o amyenda hinggil sa pag-triple ng badyet para sa DOLE at DSWD, kasama din ang mga perang nakuha mula sa pondong nakalaan sa seguridad, kalamidad, at pondo ng pangulo, na may mga probisyong tumutukoy sa paggamit ng mga pondong ito upang punuan ang kinikita ng mga pamilyang mas mababa ang sinasahod sa panahon ng emerhensiya.

c) Ang lahat ng mga opisyal mula sa antas ng assistant secretary pataas sa mga kagawaran ng gobyerno at kanilang mga katapat sa dalubhasang lupon ng gobyerno, sa Kongreso, at sa hudikatura ay dapat magbigay ng isang buwang halaga ng kanilang suweldo upang pantustos sa mga nawalang kita ng mga may mababang sahod na pamilya.

d) Ang mga pribadong kumpanya ay dapat hikayating magtalaga ng pondo upang suportahan ang mga manggagawa at pamilya nito sa panahon ng emerhensiya, na ang nasabing pondo’y mula sa tubo ng kumpanya pati na rin ang boluntaryang pagbawas sa suweldo ng nasa mataas na antas ng manedsment. Bukod dito, hindi dapat gamitin ng mga kumpanya ang krisis bilang dahilan upang magtanggalan ng manggagawa o bawiin ang mga karapatan sa paggawa.

Idinulot ng COVID -19 ang liwanag sa karimlan ng kalagayang pangkalusugan ng mayorya ng ating mamamayang iginupo ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at kakulangan ng pag-aalala sa mayayamang minorya. Kung may isang bagay na itinuturo sa atin ng pandemya, ito’y ang buhay ng tao’y nakasalalay sa kalagayan ng pagiging mas mayroon ng iba, at ang mas masahol pa rito, mas malaki ang balik sa mga nagtatamasa ng mas magandang buhay kapag ang isang banta tulad ng COVID-19 ay dumating. Walang sinuman ang solong isla. Ang kapitalismo, na pangunahin ang kumpetisyon sa halip na kooperasyon, ang ugat ng matinding pagkabigo ng ating bansa upang harapin ang kasalukuyang krisis.

Ang isang malusog na lipunang naging posible sa pamamagitan ng higit na pagkakapantay-pantay at pakikiramay sa isa't isa ay isa sa ating pinakamahusay na proteksyon laban sa bantang dulot ng pandemya. Inaasahan naming, ang pangangailangang maitaguyod ang ating lipunan sa mga haligi ng pagkakapantay-pantay at ibinabahaging kasaganaan, sa halip na napakatinding pagkakaiba ng kalagayan sa lipunan, ay isa sa mga magiging aral na ating maisasapuso’t diwa mula sa krisis na ito.


NO ONE IS AN ISLAND 
Harnessing our People’s Energies to Meet the Threat of COVID-19
Statement of Laban ng Masa, March 17, 2020

Our country faces today a great challenge – the COVID-19 pandemic that afflicts more than 150 countries. Our public health personnel have been grappling 24)7 with containing COVID-19 since late January. They have rushed hospital facilities, undertaken contact tracing, conducted testing, and dispersed frontline fighters to educate people on measures to protect themselves. Despite their best efforts, cases of COVID-19 infection have risen to 187, with the death toll at 12.

In contrast to our public health personnel, our political authorities seem to fail in the tasks they are supposed to be doing in support of frontline efforts. They have issued decrees with few guidelines for implementation, creating confusion among LGUs and chaos in our communities. In the latest step to stem the advance of the virus, the government has pushed for an “enhanced community quarantine” of the whole of Luzon Island.

While containment is necessary to combat the spread of disease, our political leaders have approached it as a military operation, forcing people’s compliance with threats of arrest. The new order which imposes more stringent measures is blind to the grave consequences for the vulnerable and marginalized. Those who do not have the support system to tide them over this period will carry most of the social cost of these top-down measures.

While COVID-19 does not discriminate and can infect anybody, the risks for disease are not evenly distributed in our society. Who survives the epidemic is greatly determined by who has more in life – to afford care, to drive to the nearest hospital, to stave off hunger, to counter the cruel measures that deny survival options of marginalized people. The epidemic thus exposes and deepens the inequalities in Philippine society.

Any public health emergency decision must take into account the differential impacts of measures on various sectors of society.

With this in mind, we in Laban ng Masa feel the following principles should guide the national strategy to deal with COVID-19.

1) Public health personnel should direct the effort at all levels, with politicians, police, and the military in a subordinate role.

2) While a strong central direction of the strategy is important, it must not be conducted as a top-down police or military operation, but instill persuasion and education as the key approaches to getting community support for massive but necessary disruptions of their lives.

3) Civil society organizations (CSO’s), labor unions, religious organizations, and other citizens’ organizations must participate as vital social actors.

4) We must draw from the best practices of societies that have dealt most effectively so far with the virus, like Vietnam, Macao, South Korea and Singapore.

5) Transparency and respect for freedom of expression, and the truth, are essential if we are to avoid the terrible disasters unfolding in some countries, like the United States.

6) Government and the private sector must provide financial and other support mechanisms to working people whose jobs and livelihoods are disrupted by the containment measures. In this regard, Laban ng Masa supports the following urgent measures:

a) Congress should immediately pass supplemental measures or amendments tripling the health budget, with money taken from already allocated funds for national defense, other security-related funds, disaster funds, and presidential discretionary funds.

b) Congress should immediately pass supplemental measures or amendments tripling the budget for DOLE and DSWD, also with money taken from already allocated security, disaster, and presidential funds, with provisions specifying the use of these funds for making up for lost income of lower income families during the emergency.

c) All officials from the level of assistant secretary and above in government departments and their counterparts in specialized government bodies, in Congress, and in the judiciary must donate one months’ worth of their salaries to make up for the loss of income of low income families.

d) Private companies must be encouraged to set up funds to support workers and their families during the emergency, with such funds taken from company profits as well as voluntary cuts in the salaries of upper management. Moreover, companies must not use the crisis as an excuse to cut their work forces or roll back labor rights.

COVID -19 has brought to light the fragile health conditions of the majority of our people, owing to poverty, inequality, and sheer lack of concern of the wealthy minority. If there is one thing the pandemic teaches us, it is that one’s life is bound up with the conditions of existence of others, and the worse off these are, the greater the boomerang on those enjoying a better life when a threat like COVID-19 comes along. No one is an island. Capitalism, which places competition above cooperation, is the root of our country’s spectacular failure to deal with the current crisis.

A healthy society made possible by greater equality and compassion for one another is one of our best protections against the threat posed by pandemics. Hopefully, the need to establish our society on the pillars of equality and shared prosperity, instead of massive inequality, will be one of the lessons we will internalize from this crisis.

Huwebes, Setyembre 26, 2019

Ang talumpati ni Greta Thunberg sa Kongreso ng Amerika

TALUMPATI NI GRETA THUNBERG
SA KONGRESO NG AMERIKA
Setyembre 18, 2019
Malayang salin ni Greg Bituin Jr.

Ang pangalan ko ay Greta Thunberg. Ako'y labing-anim na taong gulang at mula sa Sweden. Nagpapasalamat ako't kasama ko kayo rito sa Amerika. Isang bansang para sa maraming tao'y bansa ng mga pangarap.

Mayroon din akong pangarap: na magagap ng mga pamahalaan, partido pulitikal at korporasyon ang pangangailangan ng agarang pagkilos hinggil sa krisis sa klima at ekolohiya at magsama-sama sa kabila ng kanilang pagkakaiba - tulad ng gagawin mo sa isang kagipitan - at gawin ang mga kinakailangang hakbang upang mapangalagaan ang mga kondisyon para sa buhay na may dignidad para sa lahat ng tao sa daigdig.

Nang sa gayon - kaming milyun-milyong nag-aaklas na kabataan mula sa paaralan - ay makabalik na sa paaralan.

May pangarap akong ang mga nasa kapangyarihan, pati na rin ang midya, ay simulang tratuhin ang krisis na ito tulad ng umiiral na emerhensiyang ito. Upang makauwi na ako sa aking kapatid na babae at mga alaga kong aso. 

Sa katunayan, marami akong pangarap. Subalit ito ang taon 2019. Hindi ito ang panahon at lugar para sa mga pangarap. Ngayon ang panahon ng paggising. Ito ang sandali ng kasaysayan kung saan dapat tayong lahat ay gising.

At oo, kailangan natin ng mga pangarap, hindi tayo mabubuhay ng walang pangarap. Subalit may panahon at lugar para sa lahat ng bagay. At hindi dapat pigilan ng mga pangarap ang pagsasabi tulad ng ganoon.

At gayunpaman, kahit saan ako pumunta ay parang napapaligiran ako ng mga alamat. Ang mga namumuno sa negosyo, mga halal na opisyal sa iba't ibang saray ng pulitika na nagbigay ng kanilang oras sa paglikha at pagtalakay ng mga kwentong pampatulog na nagpapaginhawa sa atin, na tayo'y babalik sa pagtulog.

Ito'y mga kwentong "pampabuti ng pakiramdam" tungkol sa kung paano natin aayusin ang lahat ng gusot. Gaano kaganda ang lahat ng bagay kung "malulutas" ang lahat. Ngunit ang problemang kinakaharap natin ay hindi ang kakulangan natin ng kakayahang mangarap, o isipin ang isang mas mahusay na mundo. Ang problema ngayon ay kailangan nating gumising. Panahon na upang harapin ang reyalidad, ang mga katotohanan, ang siyensya.

At ang pinag-uusapan ng siyensya ay di lamang ang "mga dakilang pagkakataon upang lumikha ng lipunang ninanais natin lagi". Tinatalakay nito ang hindi sinasabing pagdurusa ng tao, na lalala pa ng lalala habang naaantala tayo sa pagkilos - maliban kung kikilos na tayo ngayon. At oo, kasama sa isang sustenableng nagbabagong mundo ang maraming bagong benepisyo. Ngunit kailangan ninyong maunawaan. Hindi ito pagkakataon upang lumikha ng mga bagong luntiang trabaho, bagong mga negosyo o paglago ng luntiang ekonomiya. Higit sa lahat ito'y emerhensiya, at hindi lang ito tulad ng ibang emerhensiya. Ito ang pinakamalaking krisis na naranasan ng sangkatauhan.

At kailangan nating tratuhin ito nang naaayon upang maunawaan at magagap ng mga tao ang pangangailangan ng agarang aksyon. Dahil hindi mo malulutas ang isang krisis kung hindi mo ito tatratuhing isang krisis. Tigilan ang pagsasabi sa mga tao na ang lahat ay magiging maayos kung sa katunayan, tulad ng nakikita ngayon, hindi ito magiging maayos. Hindi ito isang bagay na maaari mong ibalot at ibenta o "i-like" sa social media.

Itigil ang pagpapanggap na ikaw, ang ideya mo sa negosyo, ang iyong partidong pampulitika o plano ang makakalutas sa lahat. Dapat mapagtanto nating wala pa tayo ng lahat ng mga solusyon. Malayo pa iyon. Maliban kung ang mga solusyong iyon ay nangangahulugang tumitigil lang tayo sa paggawa ng ilang mga bagay.

Hindi maituturing na pag-unlad ang pagbabago ng isang mapaminsalang mapagkukunan ng enerhiya para sa isang bagay na hindi gaanong mapaminsala. Ang pagdadala ng ating mga emisyon sa ibang bansa ay di nakakabawas ng ating emisyon. Hindi makakatulong sa atin ang malikhaing pagpapaliwanag. Sa katunayan, ito ang mismong puso ng problema.

Maaaring narinig na ng ilan sa inyo na mayroon na lang tayong labingdalawang taon mula noong Enero 1, 2018 upang putulin sa kalahati ang emisyon natin ng carbon dioxide. Ngunit sa palagay ko, iilan lang sa inyo ang narinig na mayroong limampung bahagdan (o singkwenta porsyento) na tsansa na manatiling mababa pa sa 1.5 degri Celsius ng pandaigdigang pagtaas ng temperatura sa ibabaw ng antas ng bago pa ang panahong industriyal. Limampung bahagdang pagkakataon (o singkwenta porsyentong tsansa).

At sa  kasalukuyang, pinakamahusay na magagamit na siyentipinong kalkulasyon, di kasama ang mga di kahanay na kritikal na dako pati na rin ang karamihan sa mga hindi inaasahang lundo ng pagbalik (feedback loop) tulad ng napakalakas na methane gas na tumakas mula sa mabilis na nalulusaw na arctic permafrost. O nakakandado na sa nakatagong pag-init ng nakakalasong polusyon ng hangin. O ang aspeto ng ekwidad; hustisya sa klima.

Kaya tiyak na di sapat ang isang 50 porsyentong tsansa - isang istatistikong kalansing ng barya – ay tiyak na di pa sapat. Imposible iyon upang moral na ipagtanggol. Mayroon bang sinuman sa inyong sasakay ng eroplano kung alam ninyong mayroon itong higit sa 50 porsyentong tsansa ng pagbagsak? Higit pa sa punto: pasasakayin ba ninyo ang inyong mga anak sa paglipad niyon?

At bakit napakahalagang manatili sa ibaba ng limitasyong 1.5 degri? Sapagkat iyon ang panawagan ng nagkakaisang siyensya, upang maiwasang masira ang klima, upang manatiling malinaw ang pagtatakda ng isang hindi maibabalik na tanikala ng reaksyong lampas sa kontrol ng tao. Kahit na sa isang degri ng pag-init ay nakikita natin ang hindi katanggap-tanggap na pagkawala ng buhay at kabuhayan.

Kaya saan tayo magsisimula? Iminumungkahi kong simulan nating tingnan ang kabanata 2, sa pahina 108 ng ulat ng IPCC na lumabas noong nakaraang taon. Sinasabi doon na kung mayroon tayong 67 porsyentong tsansa na malimitahan ang daigdigang pagtaas ng temperatura sa ibaba ng 1.5 degri Celsius, mayroon tayo sa 1 Enero 2018, ng aabot sa 420 Gtonnes ng CO2 na naiwan upang ibuga ang badyet na carbon dioxide. At syempre mas mababa na ngayon ang numerong iyon. Habang nagbubuga tayo ng halos 42 Gtonnes ng CO2 bawat taon, kung isasama mo ang paggamit ng lupa.

Sa mga antas ng kasalukuyang emisyon, nawala na ang natitirang badyet sa loob ng mas mababa sa walo at kalahating taon. Hindi ko opinyon ang mga numerong iyon. Hindi rin ito opinyon o pananaw sa pulitika ng sinuman. Ito ang kasalukuyang pinakamahusay na naabot ng siyensiya. Bagaman sinasabi ng mga siyentipiko na napaka-moderato ng pigurang ito, ito ang katanggap-tanggap sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng IPCC.

At mangyaring tandaan na ang mga pigurang ito'y pandaigdigan at samakatuwid ay walang sinasabi sa aspeto ng ekwidad, na malinaw na nakasaad sa buong Kasunduan ng Paris, na talagang kinakailangan upang gumana ito sa isang pandaigdigang sukatan. Nangangahulugan itong kailangang gawin ng mga mayayamang bansa ang kanilang patas na bahagi at bumaba ng mas mabilis ang emisyon sa zero, upang maaaring mapataas ng mga tao sa mas mahirap na mga bansa ang kanilang pamantayan ng pamumuhay, sa pamamagitan ng pagtatayo ng ilang mga imprastraktura na itinayo na natin. Tulad ng mga kalsada, ospital, paaralan, malinis na inuming tubig at kuryente.

Ang USA ang pinakamalaking carbon polluter o tagapagdumi ng karbon sa kasaysayan. Ito rin ang numero unong tagagawa ng langis ng mundo. At gayundin naman, ikaw din ang nag-iisang bansa sa mundo na nagbigay hudyat ng iyong malakas na balak na iwanan ang Kasunduan sa Paris. Dahil sa sinasabing "ito'y isang masamang pakikitungo para sa Amerika".

Apatnaraan at dalawampung Gt ng CO2 ang naiwan upang ibuga noong Enero 1, 2018 upang magkaroon ng isang 67 porsyentong tsansang manatili sa ibaba ng 1.5 degri ng pagtaas ng temperatura sa mundo. Ngayon ang pigurang iyon ay nasa mas mababa sa 360 Gt.

Nakaliligalig ang mga numerong ito. Subalit karapatan ng mga taong makaalam. At ang karamihan sa atin ay walang ideya na umiiral ang mga numerong ito. Sa katunayan kahit na ang mga mamamahayag na nakausap ko'y tila di rin alam na umiral ang mga iyon. Di pa natin nababanggit ang mga pulitiko. At tila mukhang tingin nila na ang kanilang pampulitikang plano ang makakalutas sa buong krisis.

Subalit paano ba natin malulutas ang problemang di natin lubusang nauunawaan? Paano ba natin maiiwanan ang buong larawan at ang kasalukuyang naririyang siyensya?

Naniniwala akong may malaking panganib na gawin ito. At gaano man kapulitikal ang paglalarawan sa krisis na ito, huwag nating hayaang magpatuloy ito bilang partisanong pulitikal na usapin. Ang krisis ekolohikal at klima ay lampas pa sa pulitikang pampartido. At ang pangunahing kaaway natin ngayon ay hindi ang ating mga kalaban sa politika. Ang pangunahing kaaway natin ngayon ay pisika. At hindi tayo "nakikipagkasundo" sa pisika.

Marami ang nagsasabing imposibleng magawa ang pagsasakripisyo ng marami para sa kaligtasan ng bisospero (o kabuuan ng ekosistema) at tiyakin ang kalagayan ng pamumuhay para sa hinaharap at kasalukuyang henerasyon.

Marami na ngang nagawang dakilang sakripisyo ang mga Amerikano upang malagpasan ang mga teribleng panganib noon.

Isipin ninyo ang matatapang na kawal na sumugod sa dalampasigan sa unang salpukan sa Omaha Beach noong D Day. Isipin ninyo si Martin Luther King at ang 600 iba pang mga pinuno ng karapatang sibil na itinaya ang lahat upang magmartsa mula Selma hanggang Montgomery. Isipin ninyo si Pangulong John F. Kennedy na inihayag noong 1962 na ang Amerika ay "pipiliin pang magtungo sa buwan sa dekadang ito at gawin ang iba pang mga bagay, hindi dahil iyon ay madali, ngunit dahil iyon ay mahirap..."

Marahil nga ay imposible. Ngunit sa pagtingin sa mga numerong iyon - ang pagtingin sa kasalukuyang pinakamahusay na siyensya na nilagdaan ng bawat bansa - sa palagay ko'y iyon ang kinakalaban natin.

Subalit di mo dapat aksayahin ang buong panahon mo sa pangangarap, o tingnan ito bilang ilang laban sa politika na dapat pagtagumpayan.

At hindi mo dapat isugal ang kinabukasan iyong mga anak sa isang kalansing ng barya.

Sa halip, dapat kayong makiisa sa siyensya.

Dapat kayong kumilos.

Dapat ninyong gawin ang imposible.

Dahil ang pagsuko ay di kailanman kasama sa pagpipilian.



https://www.independent.co.uk/voices/greta-thunberg-congress-speech-climate-change-crisis-dream-a9112151.html

Greta Thunberg speech in the US Congress
September 18, 2019

My name is Greta Thunberg. I am 16 years old and I’m from Sweden. I am grateful for being with you here in the USA. A nation that, to many people, is the country of dreams.

I also have a dream: that governments, political parties and corporations grasp the urgency of the climate and ecological crisis and come together despite their differences – as you would in an emergency – and take the measures required to safeguard the conditions for a dignified life for everybody on earth.

Because then – we millions of school striking youth – could go back to school.

I have a dream that the people in power, as well as the media, start treating this crisis like the existential emergency it is. So that I could go home to my sister and my dogs. Because I miss them.

In fact I have many dreams. But this is the year 2019. This is not the time and place for dreams. This is the time to wake up. This is the moment in history when we need to be wide awake.

And yes, we need dreams, we can not live without dreams. But there’s a time and place for everything. And dreams can not stand in the way of telling it like it is.

And yet, wherever I go I seem to be surrounded by fairy tales. Business leaders, elected officials all across the political spectrum spending their time making up and telling bedtime stories that soothe us, that make us go back to sleep.

These are “feel-good” stories about how we are going to fix everything. How wonderful everything is going to be when we have “solved” everything. But the problem we are facing is not that we lack the ability to dream, or to imagine a better world. The problem now is that we need to wake up. It’s time to face the reality, the facts, the science.

And the science doesn’t mainly speak of “great opportunities to create the society we always wanted”. It tells of unspoken human sufferings, which will get worse and worse the longer we delay action – unless we start to act now. And yes, of course a sustainable transformed world will include lots of new benefits. But you have to understand. This is not primarily an opportunity to create new green jobs, new businesses or green economic growth. This is above all an emergency, and not just any emergency. This is the biggest crisis humanity has ever faced.

And we need to treat it accordingly so that people can understand and grasp the urgency. Because you can not solve a crisis without treating it as one. Stop telling people that everything will be fine when in fact, as it looks now, it won’t be very fine. This is not something you can package and sell or ”like” on social media.

Stop pretending that you, your business idea, your political party or plan will solve everything. We must realise that we don’t have all the solutions yet. Far from it. Unless those solutions mean that we simply stop doing certain things.

Changing one disastrous energy source for a slightly less disastrous one is not progress. Exporting our emissions overseas is not reducing our emission. Creative accounting will not help us. In fact, it’s the very heart of the problem.

Some of you may have heard that we have 12 years as from 1 January 2018 to cut our emissions of carbon dioxide in half. But I guess that hardly any of you have heard that there is a 50 per cent chance of staying below a 1.5 degree Celsius of global temperature rise above pre-industrial levels. Fifty per cent chance.

And these current, best available scientific calculations do not include non linear tipping points as well as most unforeseen feedback loops like the extremely powerful methane gas escaping from rapidly thawing arctic permafrost. Or already locked in warming hidden by toxic air pollution. Or the aspect of equity; climate justice.

So a 50 per cent chance – a statistical flip of a coin – will most definitely not be enough. That would be impossible to morally defend. Would anyone of you step onto a plane if you knew it had more than a 50 per cent chance of crashing? More to the point: would you put your children on that flight?

And why is it so important to stay below the 1.5 degree limit? Because that is what the united science calls for, to avoid destabilising the climate, so that we stay clear of setting off an irreversible chain reaction beyond human control. Even at 1 degree of warming we are seeing an unacceptable loss of life and livelihoods.

So where do we begin? Well I would suggest that we start looking at chapter 2, on page 108 in the IPCC report that came out last year. Right there it says that if we are to have a 67 per cent chance of limiting the global temperature rise to below 1.5 degrees Celsius, we had, on 1 January 2018, about 420 Gtonnes of CO2 left to emit in that carbon dioxide budget. And of course that number is much lower today. As we emit about 42 Gtonnes of CO2 every year, if you include land use.

With today’s emissions levels, that remaining budget is gone within less than 8 and a half years. These numbers are not my opinions. They aren’t anyone’s opinions or political views. This is the current best available science. Though a great number of scientists suggest even these figures are too moderate, these are the ones that have been accepted by all nations through the IPCC.

And please note that these figures are global and therefore do not say anything about the aspect of equity, clearly stated throughout the Paris Agreement, which is absolutely necessary to make it work on a global scale. That means that richer countries need to do their fair share and get down to zero emissions much faster, so that people in poorer countries can heighten their standard of living, by building some of the infrastructure that we have already built. Such as roads, hospitals, schools, clean drinking water and electricity.

The USA is the biggest carbon polluter in history. It is also the world’s number one producer of oil. And yet, you are also the only nation in the world that has signalled your strong intention to leave the Paris Agreement. Because quote “it was a bad deal for the USA”.

Four-hundred and twenty Gt of CO2 left to emit on 1 January 2018 to have a 67 per cent chance of staying below a 1.5 degrees of global temperature rise. Now that figure is already down to less than 360 Gt.

These numbers are very uncomfortable. But people have the right to know. And the vast majority of us have no idea these numbers even exist. In fact not even the journalists that I meet seem to know that they even exist. Not to mention the politicians. And yet they all seem so certain that their political plan will solve the entire crisis.

But how can we solve a problem that we don’t even fully understand? How can we leave out the full picture and the current best available science?

I believe there is a huge danger in doing so. And no matter how political the background to this crisis may be, we must not allow this to continue to be a partisan political question. The climate and ecological crisis is beyond party politics. And our main enemy right now is not our political opponents. Our main enemy now is physics. And we can not make “deals” with physics.

Everybody says that making sacrifices for the survival of the biosphere – and to secure the living conditions for future and present generations – is an impossible thing to do.

Americans have indeed made great sacrifices to overcome terrible odds before.

Think of the brave soldiers that rushed ashore in that first wave on Omaha Beach on D Day. Think of Martin Luther King and the 600 other civil rights leaders who risked everything to march from Selma to Montgomery. Think of President John F. Kennedy announcing in 1962 that America would “choose to go to the moon in this decade and do the other things, not because they are easy, but because they are hard…”

Perhaps it is impossible. But looking at those numbers – looking at the current best available science signed by every nation – then I think that is precisely what we are up against.

But you must not spend all of your time dreaming, or see this as some political fight to win.

And you must not gamble your children’s future on the flip of a coin.

Instead, you must unite behind the science.

You must take action.

You must do the impossible.

Because giving up can never ever be an option.

Martes, Setyembre 17, 2019

Bukas na Liham sa mga Magulang ng Aktibista, ni Tony La Viña

BUKAS NA LIHAM SA MGA MAGULANG NG AKTIBISTA
Mula sa kolum na EAGLE EYES ni Tony La Viña
7 September 2019, The Standard
Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.

Sinulat ko ito para sa lahat ng magulang na may mga anak na aktibista. Isinulat ko rin ito sa aking mga kapwa guro na may mga estudyanteng aktibista.

Isa akong estudyante’t kabataang aktibista noong ako'y nasa hayskul at kolehiyo. Ako ngayon ay isang abogadong pangkalikasan na kumikilos sa internasyonal, isang manunulat at iskolar, isang panlipunang negosyante, at isang propesor ng batas, pilosopiya at pamamahala sa labing-isang pamantasan sa Pilipinas at maraming iba pang institusyon sa pag-aaral tulad ng Philippine Judicial Academy at ilang seminaryong Katoliko. Sa nakaraang apatnapung taon, hinawakan ko ang mga nangungunang panlideratong posisyon sa gobyerno, mga organisasyon sa internasyonal, pang-akademiko, propesyonal, at samahan ng mamamayan.

Utang ko ang aking propesyonal na tagumpay sa aking pagiging isang estudyante at kalaunan bilang isang panlipunang aktibista, lalo na bilang tagapagtaguyod ng kapaligiran at karapatang pantao. Dahil sa pakikipag-ugnayan ko sa mga pinakamalalaking isyu ng ating bansa at sa daigdig, nakakuha ako ng kaalaman, kasanayan, karanasan, talakupan (network), at karunungang nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon.

Kasama na rito ang pagiging magulang ng mga kabataang may taya (commited) upang itayo ang isang mas magandang bansa, isang mas makatarungan at masayang lipunan - sa isang salita, aktibista.

Kamakailan, nakita natin ang pagtatangka ng ilang personalidad sa pamahalaan kabilang ang mga senador na maka-administrasyon, mga miyembro ng mababang kapulungan, at yaong may matataas na katungkulan sa militar at pulisya upang gawing krimen ang pagiging kasapi ng militanteng organisasyon at upang buhayin ang batas ng anti-subersyon na napawalang-bisa noong panahon ni Pangulong Ramos. Alam nating lahat, ang mga ligal na hakbang na ito’y matagal nang itinakwil bilang labi ng mapanupil na pamumuno ng rehimeng Marcos.

Alam nating lahat na tulad ng pinakamadilim na panahon ng batas militar, ang mga hakbang na ito'y walang ibang layunin maliban sa panggigipit sa mga lehitimong tinig ng protesta at oposisyon hanggang sa nararamdamang pang-aabuso at maling paggamit ng kapangyarihan. Bilang mga magulang, labis kaming nag-aalala na sa panahong ito kung saan lumaganap ang klima ng takot sa ating lipunan, kung titingnan ang libu-libong patay na ngayon bunga ng brutal na kampanya kontra-droga, at libu-libo pang mga hindi nalutas na ekstra-dyudisyal na pagpaslang, natatakot kaming ang aming mga anak ay maaaring mapabilang bilang bahagi ng kakila-kilabot na istadistikang ito, alinman dahil sila'y nabilanggo, naging biktima ng pagmamaltrato o baka mas masahol pa.

Maraming kabataan ang naging martir noong madilim na panahon ng diktadura, na lahat sila sa ngayon ay itinuturing nating bayani. Subalit wala sa amin bilang magulang ang nais itong mangyari sa aming mga anak.

Bagaman ang mga alalahanin namin bilang mga magulang ay maaaring lehitimo at ang aming mga takot ay di basta maipagkikibit-balikat lamang, dapat nating mapagtantong ang ating mga anak ay nasa hustong gulang na at mayroon nang kakayahang maging kritikal at may malayang pag-iisip at mas mahusay na paghuhusga. Maaaring may panahong ang ilan sa atin ay di nila nakakasundo sa kanilang pulitika, o sa pag-unawa sa ilang mga bagay na nangyayari sa kanilang paligid. Subalit magtiwala tayo sa kanilang paghuhusga. Kasama na rito ang pagtitiwala sa kanilang kakayahang makagawa ng kamalian. At kapag nagkamali sila, dapat naroon tayo upang matulungan sila - hindi ang murahin sila, hindi ang magalit sa kanila, kundi higit na mahalin sila.

Para lang nakatitik, naniniwala akong ang paraan pasulong para sa anumang lipunan upang malutas ang mga salungatan ay sa pamamagitan ng diyalogo at pinagkasunduan. Matagal ko nang tinalikuran ang matinding ideolohiyang balangkas o pagtatatak sa sinumang tao o pangkat ng mga tao bilang mga kaaway ng estado o ng mamamayan. Nagtuturo ako at nagpapayo sa mga aktibistang may iba’t ibang ideyolohikal na paniniwala; nagtuturo rin ako at nagpapayo sa mga opisyal ng militar at pulisya (ang ilan ay may mataas na ranggo), sa isang henerasyon ng mga negosyanteng panlipunan, mga opisyal mula sa lahat ng sangay ng pamahalaan, at maraming bilang ng mga pari at relihiyoso.

Kinokondena ko ang lahat ng anyo ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao - gawa man ng estado o ng iba pang mga grupo sa lipunan. Para sa akin, walang makakapagbigay-katwiran sa pagpapahirap o pagpatay sa isang adik sa droga, pinuno ng magsasaka, organisador ng unyon, tagapagtanggol ng karapatang pantao, abugado, hukom, mamamahayag, opisyal ng gobyerno, pulis, o kawal.

Ang tiyak, minsan ay di ako sang-ayon sa mga taktika at posisyon ng mga aktibistang nakakasalamuha ko, kasama na ang mga personal na malapit sa akin. Ngunit ang mas mahinahong paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga hindi pagkakasundong ito, kung mayroon man, ay gabayan sila, at bigyan sila ng payo sa kung ano ang pinaniniwalaan natin sa ating mga puso, ang tamang landas na kanilang gagawin.

Kung ang mga bata ay nasa panahong tinedyer pa lang, o mga menor de edad, natural na ang mga magulang ang mag-utos at manduhan sila kung ano ang dapat gawin at dapat nilang sundin kung itatanim lamang ang disiplina at itanim sa kanilang isip ang mga mabubuting kaugalian. Ngunit habang lumalaki ang ating mga anak, nagsisimula na nilang mabuo at linangin ang kanilang sariling pang-unawa sa mga bagay-bagay, naiimpluwensyahan na rin, ng kanilang pamilya, pakikipag-ugnayan, pisikal at panlipunang kapaligiran. Ang pinakapangit na bagay na gagawin natin ay kapag hindi natin pinahihintulutan ang mga ito, inaakusahan silang nakulapo ang utak, o inagaw ng mga militanteng organisasyon na sa katunayan ay nagbigay sa kanila ng mga kagamitan at pamamaraan upang makagawa ng pagkakaiba.

Maraming mga bata, dahil sa iba't ibang mga panloob at panlabas na impluwensya, ay maaaring mas naggigiit ng kanilang karapatan, mas sensitibo sa kawalang-katarungan at pang-unawa sa di pagkakapantay-pantay sa lipunan na nasa paligid nila kaysa sa iba, at hindi nasisiyahan na umupo ng nakatunganga at maghintay ng darating na pagbabago kundi laging handang kumilos upang itama ang kanilang pinaniniwalaang mali; samakatuwid, sila ang ating mga anak na piniling maging aktibista para sa pagbabago.

Sila ang mga kabataan, ang ating mga anak na lalaki at babae, na lumalahok sa mga rali, kilos protesta at demonstrasyon sa mga paaralan, lansangan, sa harap ng mga tanggapan ng pamahalaan, dayuhang embahada o kung ano pa man. Sila ang ating mga anak na nagpapahayag ng kanilang pagsalungat laban sa pagtaas sa singil sa matrikula, pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin, laban sa isang kalabang dayuhang gobyerno, opisyal na pang-aabuso at katiwalian at iba pang nauugnay na mga panlipunan at pampulitikang isyu.

Sinusuportahan ko ang mga kabataang ito pag nagsasalita sila ng katotohanan sa kapangyarihan. Ang katotohanan, kung iisipin kung nasaan ako ngayon at ang mga ugnayang mayroon ako, di ako magiging matapat tulad nila.

Tingnan ang mga kabataan ng Hong Kong! Magiging mas mahusay na Pilipinas tayo kung ang antas ng ating mga aktibista ay lumobo rin tulad ng paraang iyon.

Upang maibulalas ang mga hinaing at upang maipahayag ang opinyon at pananaw ng isang tao sa ilang mga bagay, kahit na ang mga ito ay hindi nasasang-ayon sa nasa-kapangyarihan at sa pakialamerong elitista, ay isang garantisadong karapatan at protektado ng ating mga batas, di man banggitin ang konstitusyon, ang pangunahing batas ng bansa. Mahalagang sangkap ito ng bawat gumaganang demokrasya na pahintulutan ang ating kabataan na maipahayag ang kanilang mga palagay at saloobin. Ang pigilan ang mga pangunahing kalayaang ito ay kontra-demokratiko at direktang salungat sa mga prinsipyo kung saan itinatag ang bawat sibilisadong lipunan.

Si Kailash Satyarthi, na nagkamit ng Gawad Nobel hinggil sa kapayapaan, na kumakatig sa kapangyarihan ng kabataan, ay minsang nagsabi: "Ang lakas ng kabataan ang karaniwang kayamanan para sa buong daigdig. Ang mukha ng mga kabataan ang mukha ng ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Walang bahagi ng lipunan ang maaaring tumugma sa lakas, ideyalismo, sigasig at katapangan ng mga kabataan. ”

Sa parehong kalagayan, ang kabataan ang palaging katalista o sanhi ng pagbabago sa bawat panahon ng kasaysayan ng ating bansa. Tulad ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na noon pa napagtanto at sinipi ang kanyang sinabing kahit na sa panahon na ang nasyonalismong Pilipino ay nasa yutong nagsisimula pa lang: "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".

Sa minamahal naming mga magulang at guro ng ating mga estudyante't kabataang aktibista, huwag tayong matakot! Magkasama nating hangaan ang mga kabataan natin ngayon - ang kanilang katapangan at ideyalismo, ang kanulang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, ang kanilang pagtaya para sa isang mas mabuting Pilipinas at daigdig. Bilang mga magulang at guro, huwag natin silang hilahin o pigilan, ngunit samahan sila, suportahan sila, sa katunayan ay magmartsa at tanganan ang linya kasama nila kung kinakailangan.


'Open letter to parents of activists'
EAGLE EYES – Tony La Viña
7 September 2019, The Standard

I write this for all parents who have children that are activists. I also write this to my fellow teachers who have students who are activists.

I was a student and youth activist in my high school and college days. I am now an international environmental lawyer, a writer and scholar, a social entrepreneur, and a law, philosophy and governance professor in eleven Philippine universities and several other learning institutions like the Philippine Judicial Academy and some Catholic seminaries. In the last forty years, I have held top leadership positions in government, international organizations, academic, professional, and citizen organizations.

I owe my professional success to my being a student and later as a social activist, in particular as an environmental and human rights advocate. Because of my engagement in the biggest issues of our country and world, I acquired knowledge, skills, experience, networks, and wisdom that has brought me to where I am today.

That includes being a parent of young persons who are committed to build a better country, a more just and happy society – in a word, activists.

Recently, we have seen attempts by certain personalities in government including pro-administration senators, members of the lower house and ranking military and police personnel to criminalize membership in militant organizations and to revive the Anti-Subversion law which had been repealed during the time of President Ramos. As we are all too aware, these legal measures had long been repudiated as vestiges of the Marcos repressive rule.

We all know that much like during the darkest days of the Martial Law era, these measures have no other purpose than to stamp down legitimate voices of protest and opposition to perceived abuse and misuse of power. As parents, we are doubly concerned that in these times when a climate of fear have so permeated our society given the thousands who are now dead as a result of the brutal anti-drug campaign, and thousands more of unresolved extra-judicial killings, we are fearful that our children might be counted as part of this horrible statistic, either because they end up in prison, become victims of maltreatment or worse.

Many young people were martyred during the dark days of the dictatorship, all of whom we now hail as heroes. But none of us parents want that for our children.

While our concerns as parents may be legitimate and our fears cannot simply be shrugged off, we must also be aware that our children are of majority age and are perfectly capable of critical and independent thinking and better judgment. Some of us may not be in agreement at times with their politics, or perceptions of certain things that are happening around them. But we must trust their judgment. That includes trusting also in their ability to make mistakes. And when they make mistakes, we should be there to help them – not scold them, not get angry with them, but love them even more.

For the record, I believe strongly that the way forward for any society to resolve its conflicts is through dialogue and consensus. I have long ago abandoned rigid ideological frameworks or labeling any person or group of persons as enemies of the state or people. I teach and mentor activists of all ideological persuasions; I also teach and mentor military and police officials (some already with high rank), a generation of social entrepreneurs, many officials from all branches of government, and quite a number of priests and religious people.

I condemn all forms of violence and violations of human rights – whether by the state or by other groups in society. For me, nothing can justify the torture or killing of a drug addict, a peasant leader, a union organizer, a human rights defender, a lawyer, a judge, a journalist, a government official, a policeman, or a soldier.

For sure, I sometimes disagree with the tactics and positions of the activists I engage with, including those personally close to me. But the more prudent way of approaching these disagreements, if any, is to guide them, and give them advice on what we believe in our hearts is the right path for them to take.

When children are still in their teens, or minors, it is natural for parents to command and order them what to do and they have to obey if only to instill discipline and inculcate in them good values. But as our children grow into adulthood, they begin to form and cultivate their own perception of things, influenced, as it is by their familial, relational, physical and social environments. The worst thing we do is when we disempower them, accused them of being brainwashed, or being kidnapped by militant organizations that have in fact provided them with the tools and avenues to make a difference.

Many children, because of these varying internal and external influences, may be more assertive of their rights, more sensitive of injustice and perceptive of the social inequality that surround them than others, and are not contented to sit idly and wait for change to come but are always willing to take action in order to make right what they believe is wrong; hence, these are our children who opt to become activists for change.

These are the young people, our sons and daughters, who participate in rallies, mass protests and demonstrations in schools, streets, in front of government offices, foreign embassies or what not. These are our children who voice out their opposition against tuition fee hikes, rising prices of oil and commodities, against a hostile foreign government, official abuse and corruption and other relevant social and political issues of the day.

I support these young people when they speak truth to power. The truth is, given where I am now and the relationships I have, I cannot be as honest as them.

Look at the young people of Hong Kong! We would be a better Philippines if our ranks of activists would swell in the same way.

To ventilate grievances and to express one’s opinions and views on certain things, even if these may be unsavory to the power-that-be and the entrenched elite, is a guaranteed right and protected by our laws, not to mention the constitution, the fundamental law of the land. It is a vital component of every working democracy that our youth be allowed to air their opinions and grievances. To curtail these basic freedoms is anti-democratic and antithetical to the principles for which every civilized society is founded.

Noble peace prize recipient Kailash Satyarthi endorsing the power of the youth once said: “The power of youth is the common wealth for the entire world. The faces of young people are the faces of our past, our present and our future. No segment in the society can match with the power, idealism, enthusiasm and courage of the young people.”

In the same vein, the youth has always been a catalyst of change in every epoch of our country’s history. As our national hero Dr. Jose Rizal long ago realized and was quoted saying even during a time when Filipino nationalism was still at a nascent stage: “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. (“The youth is the hope of our nation.”)

Dear parents and teachers of our student and youth activists let us not be afraid! Together let us be in awe of our young people today – their courage and idealism, their ability to think for themselves, their commitment to a better Philippines and world. As parents and teachers, let us not pull them back or restrain them, but be with them, always support them, in fact march and hold the line with them if necessary.

Ang Magsasaka at ang Tagak, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Tagak ni Aesop Isang Tagak na napakasimple at mapagkakatiwalaan ang hiniling ng isang masayang grupo ng mga Itik na bis...