Sabado, Marso 16, 2019

Pahayag ng PLM hinggil sa krisis sa tubig

PLM statement on the water crisis affecting many residents of Metro Manila

Pahayag ng PLM hinggil sa krisis sa tubig na nakakaapekto sa mga residente ng Metro Manila
(Malayang salin ni Greg Bituin Jr.)

Water is life! Return essential services to public ownership!

Ang tubig ay buhay! Ibalik sa pampublikong pagmamay-ari ang mahahalagang serbisyo!


Partido Lakas ng Masa (PLM) Partylist is calling for the renationalization of water supply, privatized since 1997, in the face of the shortages that are already having a devastating impact on urban poor communities in Mandaluyong and Pasig. 

Nananawagan ang Partido Lakas ng Masa (PLM) Partylist para sa muling pagsasabansa ng suplay ng tubig, na isinapribado noon pang 1997, sa harap ng mga kakulangan sa tubig na mayroon nang nakapipinsalang epekto sa mga komunidad ng mga maralitang lunsod sa Mandaluyong at Pasig.


The response of the two water companies, Maynilad Water Services and the Ayala-owned Manila Water has been pitiful. On March 14, Manila Water announced its response would be to share the shortages throughout its zone. “All of Manila Water customers, whether you live in the eastern part of Metro Manila or Rizal Province, will experience water interruption anywhere between 6 to 18 hours [a day] ... Everybody is going to share,” a company spokesperson told CNN. The cities of Makati, Mandaluyong, Taguig, San Juan, Quezon City, Pasig, Parañaque, Marikina, Manila City, the municipality of Pateros, and Rizal Province are affected. The company has suggested this will continue until May or “until it rains”.

Kahabag-habag ang tugon ng dalawang kumpanya ng tubig, ang Maynilad Water Services at ang Manila Water na pag-aari ng mga Ayala. Noong Marso 14, itinugon ng Manila Water na maibahagi ang kakulangan ng tubig sa buong sona nito. "Ang lahat ng mga konsumador ng Manila Water, nakatira ka man sa silangang bahagi ng Metro Manila o sa lalawigan ng Rizal, ay makakaranas ng pagkawala ng tubig sa pagitan ng 6 hanggang 18 oras [isang araw] ... Lahat ay mahahatian," ayon saisang tagapagsalita ng kumpanya sa CNN. Apektado ang mga lungsod ng Makati, Mandaluyong, Taguig, San Juan, Quezon City, Pasig, Parañaque, Marikina, Maynila, ang munisipyo ng Pateros, at Rizal. Ang kumpanya ay nagsabing magpapatuloy ito hanggang Mayo o "hanggang umulan".


Residents of affected communities in Mandaluyong and Pasig are already being forced to use mineral water for bathing and washing dishes – if they can afford to. The poorest are affected the most. In addition to creating immense hardship, this raises the spectre of a public health catastrophe. On March 14, the National Kidney Transplant Institute (NKTI) announced that it had to cut the number of its dialysis patients because its 1,500-cubic meter water tank had fallen to only around 25% full. Clean, potable water is literally a necessity for life and its lack is a main cause of deadly epidemics and lowered life expectancy throughout the world. 

Ang mga residente ng mga apektadong komunidad sa Mandaluyong at Pasig ay napipilitang gumamit ng mineral na tubig sa paliligo at sa paghuhugas ng mga pinggan - kung may kakakayan silang magbayad nito. Ang pinakamahihirap ang pinakaapektado. Dagdag sa nangyayaring napakalawak na kahirapan, nakapangangamba ang panganib na idudulot nito sa kalusugan ng publiko. Noong Marso 14, inihayag ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) na dapat nitong bawasan ang bilang ng mga pasyenteng nagdi-dialysis dahil ang tangke nito ng 1,500-metro kubiko ay bumagsak sa halos 25% lamang. Ang malinis, maiinom na tubig ay literal na isang pangangailangan para sa buhay at ang kakulangan nito ang pangunahing sanhi ng nakamamatay na mga epidemya at pinaiikli ang haba ng buhay sa buong mundo.


The Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) has confirmed that Angat Dam still has enough water but that the problems are caused by dilapidated infrastructure and lack of competition between the two corporations that have monopolies in different zones of the capital. In other words, privatization is the problem. 

Kinumpirma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ang Angat Dam ay mayroon pa ring sapat na tubig ngunit ang problema'y idinulot ng wasak-wasak na imprastraktura at kawalan ng kumpetisyon sa pagitan ng dalawang korporasyon na may monopolyo sa iba't ibang mga sona ng kabisera. Sa madaling salita, ang problema'y ang pribatisasyon.


“This exposes the cruel lie of neoliberal ideology, which insists that the private sector is more efficient than public ownership. Efficiency in creating profits is not the same in efficiency in providing services, in this case a service necessary for human survival,” PLM Partylist nominee Atty. Aaron Pedrosa said. 

"Inilalantad nito ang malupit na kasinungalingan ng ideolohiyang neoliberal, na nagpipilit na ang pribadong sektor ang mas mahusay kaysa sa pagmamay-aring publiko. Ang kahusayan sa paglikha ng tubo ay hindi kasing-epektibo sa pagbibigay ng mga serbisyo, sa kasong ito ang serbisyong kinakailangan para sa kaligtasan ng mamamayan," ayon kay Atty. Aaron Pedrosa na nominado ng PLM Partylist.


“What does this tell us? That crucial necessities such as water and its provisions should not have been privatized so problems can easily be fixed by public bodies, especially if there’s public/community control. Second, that the cause of bickering between the water companies can only be the greed for profits of these corporations. Water demand has spiked in the Manila Water zone also because of the booming Ayala real estate construction. Manila Water is owned by the Ayalas, so there’s no water shortage there. Poorer communities are the ones suffering,” PLM Chairman Sonny Melencio said.

"Ano ang sinasabi nito sa atin? Ang mga kritikal na pangangailangan tulad ng tubig at mga probisyon nito ay hindi dapat na isapribado upang ang mga problema ay madaling maayos sa pamamagitan ng mga pampublikong lupon, lalo na kung kontrolado ng publiko / komunidad. Ikalawa, na ang sanhi ng pag-aaway sa pagitan ng mga kumpanya ng tubig ay dahil sa kasakiman para sa tutubuin ng mga korporasyong ito. Ang pangangailangan ng tubig ay dinagdag sa sona ng Manila Water dahil sa konstruksyon ng real estate ng Ayala. Pag-aari ng mga Ayala ang Manila Water, kaya walang kakulangan ng tubig doon. Ang mga mas nagdaralitang komunidad ang siyang naghihirap," sabi ni Ka Sonny Melencio, ang tagapangulo ng PLM.


While Manila Water has dismissed as “conspiracy theories” speculation that the crisis is being manipulated to justify the controversial Kaliwa Dam project, the evidence is suggestive. The corporations are set to be its main beneficiaries while its costs will be born through Chinese loans that will become public debt.

Habang binabalewala ng Manila Water ang "mga teoryang konspiratoryal" na minamanipula ang krisis upang bigyang-katwiran ang kontrobersiyal na proyektong Kaliwa Dam, na ipinahihiwatig ng katibayan. Nakatakdang maging pangunahing mga benepisyaryo nito ang mga korporasyon habang ang mga gastos nito ay magmumula sa mga pautang ng Tsina na magiging pampublikong utang.


Melencio described the timing of the crisis as “suspicious — right when the government is justifying the P12.2 billion China-funded Kaliwa Dam, coupled with all its irregularities, to purportedly ease the water crisis.”

Inilarawan ni Melencio ang tiyempo ng krisis bilang "kahina-hinala - habang ginagarantiyahan ng gubyerno ang P12.2 bilyong pinondohan ng Tsina na Kaliwa Dam, kasama ang lahat ng mga iregularidad nito, upang maibsan ang krisis sa tubig."


PLM is campaigning for all public services to be publicly owned and democratically controlled. It is literally a matter of life and death. And with the increasing unpredictability of the weather due to climate change, allowing water supply to remain hostage to corporate profits will have catastrophic consequences.#

Ikinakampanya ng PLM para sa lahat ng mga pampublikong serbisyo na maging pag-aari ng publiko at demokratikong makontrol. Literal itong isang bagay ng buhay at kamatayan. At sa pagtaas ng di-mahulaang panahon dahil sa pagbabago ng klima, na pinahinintulutang ang suplay ng tubig aymanatiling sakal sa leeg ng  mga tubo ng korporasyon, na magdudulot ng malubhang kapahamakan.#

Lunes, Marso 11, 2019

Pahayag ng PMCJ hinggil sa Rice Tariffication Act

PAHAYAG NG PMCJ HINGGIL SA RICE TARIFFICATION ACT
Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

The Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) calls on the government to institute more safeguards and protection for rice farmers and the rice industry now that the rice tariffication act has been signed into law.

Nananawagan ang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa pamahalaan na ipatupad ang higit pang mga pananggalang at proteksyon para sa mga magsasaka ng bigas at sa industriya ng palay ngayong nilagdaan na bilang batas ang Rice Tariffication Act (Batas sa Pagbubuwis o Taripa sa Bigas).


On February 14, President Rodrigo Duterte signed into law Republic Act No. 11203, also known as the Rice Tariffication Act, which will lift the quantitative restrictions on rice imports and allow the private sector to import ‘unlimited’ rice with much ease as long as it pays the tariff set by the law. Duterte and his economic managers asserted that it would address the urgent need to improve the availability and affordability of rice in the country.

Noong Pebrero 14, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Batas Republika Blg. 11203, na kilala rin bilang Rice Tariffication Act, na magtataas ng mga pagbabawal sa kwantitatibong pag-angkat ng bigas at pahintulutan ang pribadong sektor na mag-angkat ng 'walang limitasyong' bigas hangga't binabayaran nito ang taripang itinakda ng batas. Sinabi ni Duterte at ng kanyang mga tagapayo sa ekonomya na tutugon ito sa kagyat na pangangailangan upang mapagbuti ang pagkakaroon ng bigas at abotkayang halaga nito sa bansa.


Rice liberalization is a clear abandonment of the local rice farmers and industry

Ang liberalisasyon ng palay ay malinaw na pag-abandona sa mga lokal na magsasaka at industriya ng bigas


Ever since the Philippines liberalized agriculture, many of its agricultural products failed to compete with the cheaper counterparts of the Southeast Asian countries. The price of the agricultural product has always been the determinant in its viability in the market as shown by the cheaper onions and garlic imports vs. the expensive locally produced ones. Eventually, the number of Filipino farmers producing onions and garlic dwindle and lands devoted to producing these products have been converted for other use. This has been the hard lesson the Philippines got from agricultural liberalization, and fears that this is happening again to rice, the most basic staple of Filipinos.

Mula nang mag-liberalisa ang agrikultura ng Pilipinas, marami sa mga produktong agrikultural ang nabigong makipagpaligsahan sa mas murang presyo ng bigas sa mga katapat ng mga bansa sa Timog-silangang Asya. Ang presyo ng produktong pang-agrikultura ay palaging nagtatakda sa posibilidad na mabuhay sa merkado tulad ng ipinakita ng mas murang mga sibuyas at mga inangkat na bawang kumpara sa mahal na presyo ng lokal na produkto. Sa kalaunan, lumiit ang bilang ng mga magsasakang Pilipinong nagsasaka ng mga sibuyas at bawang at binago ang gamit ng lupang sakahang nakatuon sa paglikha ng mga produktong ito. Ito ang matinding aral na nakuha ng Pilipinas mula sa liberalisasyon ng agrikultura, at nangangambang mangyari ito muli sa bigas, na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.


With the flooding of cheaper imported rice in the local market, how can the local rice farmers compete with their foreign counterparts? Farmers will be forced to sell off their harvest to a much lower price amidst the increasing local cost of production. Although the law provides that collected tariffs will be allocated to farm mechanization, seed development, credit assistance, and training services to help farmers adjust, it will still take time for every farmer to actually benefit from it. And this is even under the assumption that the law will successfully be implemented. Farmers would still have to endure the sudden loss of income they will incur upon full implementation of the rice tariffication act, trapping them further in the cycle of poverty.

Sa pagbaha ng mas murang inangkat na bigas sa lokal na pamilihan, paano makikipagpaligsahan ang mga lokal na magsasaka sa mga banyaga? Napipilitang ibenta ng mas mura ng mga magsasaka ang kanilang ani sa gitna ng pagmahal ng lokal na gastos ng produksyon. Bagaman nagsasaad ang batas na ang mga makokolektangtaripa ay ilalaan sa mekanisasyon ng sakahan, pag-unlad ng binhi, tulong sa kredito, at mga serbisyo sa pagsasanay upang matulungang makasabay ang mga magsasaka, matatagalan pa bago makinabang ang bawat magsasaka mula dito. At ito ay kahit na nasa pagtinging ang batas ay matagumpay na ipatupad. Kailangan pa rin ng mga magsasaka na magtiis sa biglaang pagkawala ng kita na makukuha nila sa ganap na pagpapatupad ng Rice Tariffication Act, na bibitagin silang lalo sa siklo ng kahirapan.


Given their poor economic conditions, compounded with the lack of implementation for policies protecting small-scale farmers, incomplete implementation of agrarian reform, degradation of watersheds and forests for irrigation, and now opening up the rice industry to other players, the number of farmers involved in rice farming will most likely shrink as well as the agricultural lands devoted to it. Shift to other profitable commodities is expected, or worse the conversion of rice lands to non-agricultural uses.

Dahil sa kanilang pang-ekonomyang kahirapan, kasama na ang kakulangan ng pagpapatupad ng mga patakarang nagpoprotekta sa mga maliliit na magsasaka, hindi kumpletong pagpapatupad ng repormang agraryo, pagkasira ng mga daluyangtubig at kagubatan para sa irigasyon, at ngayon ay binubuksan ang industriya ng bigas sa iba pang mga negosyante, malamang na lumiit ang bilang ng mga magsasakang nagsasaka ng bigas,  pati na rin ang lupang agrikultural na nakatuon dito. Inaasahan na ang paglipat sa iba pang mga pagtutubuang kalakal, o sa mas masahol ay ang pagpapalit ng mga lupang sakahan sa hindi naman agrikultural na gamit.


On the other hand, there is no guarantee that rice prices will lower and stabilize despite the influx of cheaper imported rice. With the new law, the private sector now holds the power to control and dictate market prices. The National Food Authority, which had the previous mandate of stabilizing prices, is now merely tasked of maintaining sufficient rice buffer stock intended for calamities and emergencies. This is a double whammy for the poor farmers being both producers and consumers of rice.

Sa kabilang banda, walang garantiya na bababa at magpapatatag sa presyo ng bigas at magpapatatag sa kabila ng pag-agos ng mas murang angkat na bigas. Sa bagong batas, ang pribadong sektor ngayon ay may kapangyarihang kontrolin at idikta ang presyo ng merkado. Ang National Food Authority, na may datingmandatong ipirmi ang presyo, ay nakatalaga ngayon lamang sa pagpapanatili ng sapat na bigas pantulong na inilaan para sa mga kalamidad at pangkagipitan. Ito ay dobleng gulo para sa mga mahihirap na magsasaka na parehong mga tagalikha at mga mamimili ng bigas.


Rice liberalization is not the key to food security, but self-sufficiency

Hindi susi ang liberalisasyon ng bigas sa seguridad sa pagkain, ngunit sapat sa sariling konsumo


Rice liberalization is a myopic move from the government as it fails to recognize the current global climate crisis. The world, as it is, already goes through the dramatic consequences of climate change on food production. And this is expected to get worse in 12 years time, according to IPCC’s Special Report on Global Warming of 1.5 degree Celsius, if no unprecedented transitions in all aspects of society are done. By 2030, there will be a drastic decline in agricultural yields including rice, corn, and wheat. Rice yields reduction will reach up to 10% for every 1 degree Celsius increase in temperature, or even higher for climate vulnerable countries such as those in Asia.

Isang banlag na kilos mula sa pamahalaan ang liberalisasyon ng bigas dahil nabigo itong makita ang kasalukuyang pandaigdigang krisis sa klima. Nagtutungo ang daigdig sa dramatikong kahihinatnan bunga ng pagbabago ng klima sa produksyon ng pagkain. At inaasahan itong lalong lalala sa loob ng 12 taon, ayon sa Espesyal na Ulat ng IPCC sa Global Warming ng 1.5 degree Celsius, kung walang kakaibang transisyong magagawa sa lahat ng aspeto ng lipunan. Sa taon 2030, magkakaroon ng matinding pagdausdos sa agrikultural na ani kabilang ang bigas, mais, at trigo. Ang pagbawas ng ani sa bigas ay aabot ng hanggang 10% para sa bawat pagtaas ng 1 degree Celsius sa temperatura, o mas mataas pa sa mga klima ng bulnerableng bansa  tulad ng sa Asya.


Vietnam and Thailand, the world’s largest rice exporters and the main sources of imported rice in the Philippines, will soon not be able to export the same volume of rice as they do now because of the worsening climate change impacts to their agriculture sector. Given this situation, the Philippines will face another rice crisis in a few years if its rice industry will remain import-dependent.

Ang Vietnam at Thailand, ang pinakamalaking tagaluwas ng bigas sa buong mundo at pangunahing pinagkukunan ng naangkat na bigas sa Pilipinas, ay hindi mailuwas ang parehong dami ng bigas gaya ng ginagawa nila ngayon dahil sa lumalalang epekto sa pagbabago ng klima sa kanilang sektor ng agrikultura. Dahil sa sitwasyong ito, nahaharap ang Pilipinas sa isa pang krisis sa bigas sa loob ng ilang taon kung ang industriya ng bigas ay mananatiling nakadepende sa pag-angkat.


Safeguarding food security does not mean sustaining the country’s food supply through whatever means, in this case, importation. It means protecting the local production and transforming it to an adaptive, resilient, and self-sufficient industry that can cater to the local demands for food.  At the same time, it means putting premium on the rights and well-being of local food producers and building their capacity to sustain the local food demands. A country with more than enough domestic food supply is in a better position to face the impending food crisis due to climate change than a country with an import-dependent food system.

Ang pangangalaga sa seguridad ng pagkain ay hindi nangangahulugan ng pagtustos ng suplay ng pagkain ng bansa sa anumang paraan, sa kasong ito, pag-angkat. Nangangahulugan ito na maprotektahan ang lokal na produksyon at baguhin ito sa isang angkop, nakakaakma at sapat na industriya na maaaring magsilbi sa lokal na pangangailangan sa pagkain. Kasabay nito, nangangahulugan itong paglalagay ng premium sa mga karapatan at kagalingan ng mga lokal na tagalika ng pagkain at pagtitiyak ng kanilang kakayahang suportahan ang lokal na pangangailangan sa pagkain. Ang isang bansang may sapat na suplay ng pagkain sa bansa ay nasa mas mahusay na posisyon upang harapin ang nagbabantang krisis ng pagkain dahil sa pagbabago ng klima kaysa sa isang bansang may sistemang nakaasa sa pag-angkat.


In the event of signing the Rice Tariffication Act into law, PMCJ calls on the government to expand and develop local rice production by ensuring that agricultural services, regulation of the cost of production and access to low-interest credit and grants are available to small rice farmers. Protection and expansion of rice farms and small farmers is the key to climate impacts on rice and food production. Conservation of watersheds and forests for irrigation and water supply is critical to sustaining agricultural productivity, as well as complying with our mitigation targets. Further, it calls on the government to stop the tide of liberalization of agriculture and institute reforms and policy to enhance and develop local agricultural production devoted to food consumption of the 100 million Filipinos.

Sa paglagda sa Rice Tariffication Act bilang batas, nananawagan ang PMCJ sa pamahalaan na palawakin at paunlarin ang lokal na produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga serbisyo sa agrikultura, regulasyon ng gastos ng produksyon at pag-akses sa  mababang interes na pautang at bigay ay naririyan para magamit ng maliliit na magsasaka. Ang proteksyon at pagpapalawak ng mga sakahan ng bigas at maliliit na magsasaka ang susi sa epekto ng klima sa bigas at produksyon ng pagkain. Mahalaga ang pangangalaga sa mga daluyang tubig at kagubatan para sa patubig at suplay ng tubig para sa panatiling produktibo ang agrikultura, pati na rin ang pagtalima sa puntirya nating mitigasyon. Bukod dito, hinihilin nito sapamahalaan na pigilin ang pagtaas ng liberalisasyon sa agrikultura at gawin ang mga reporma at patakaran upang mapahusay at mapabuti ang produksyon ng lokal na agrikulturang nakatuon sa pagkonsumo ng pagkain ng 100 milyong Pilipino.

###

Martes, Marso 5, 2019

Salin ng tulang Spirits of the Dead ni Edgar Allan Poe


SPIRITS OF THE DEAD
by Edgar Allan Poe

MGA ESPIRITU NG PATAY
ni Edgar Allan Poe
Malayang Salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

I

Thy soul shall find itself alone
’Mid dark thoughts of the gray tombstone—
Not one, of all the crowd, to pry
Into thine hour of secrecy.

I

Nagisnang mong nangulila ang iyong kaluluwa
Saloobin ay kaydilim sa abuhing lapida
Walang isa man, sa tanang madla, ang nagigisa
Sa iyong napapanahong lihim na nag-iisa.

II

Be silent in that solitude,
Which is not loneliness—for then
The spirits of the dead who stood
In life before thee are again
In death around thee—and their will
Shall overshadow thee: be still.

II

Maging matahimik ka sa pag-iisa mong iyon
Na hindi naman kalungkutan - at kung magkagayon
Yaong naroroong mga espiritu ng patay
Sa harap mo ay muling nakatayong nabubuhay
Sa kamatayang lumigid - at loob na pinukaw
Nila ang sa iyo'y lalamon: huwag kang gagalaw.

III

The night, tho’ clear, shall frown—
And the stars shall look not down
From their high thrones in the heaven,
With light like Hope to mortals given—
But their red orbs, without beam,
To thy weariness shall seem
As a burning and a fever
Which would cling to thee for ever.

III

Ang gabi, bagamat maliwanag, ay sumimangot-
At ang mga bituin ay hindi dapat yumukod
Mula sa luklukang kaytayog sa langit na banal
Ng may liwanag tulad ng Pag-asang alay sa mortal
Ngunit ang mga pulang globo nilang walang sinag
Ay tila nakikita, sa iyong pagkabagabag,
Bilang siyang nasusunog at yaong karamdaman
Ang mangungunyapit sa iyo magpakailanman

IV

Now are thoughts thou shalt not banish,
Now are visions ne’er to vanish;
From thy spirit shall they pass
No more—like dew-drop from the grass.

IV

Ngayon mga saloobin mo'y hindi mawawala,
Ngayon mga pangitain ay hindi mapupuksa;
Makakatawid sila mula sa espiritu mo
Walang higit pa - tulad ng hamog - mula sa damo.

V

The breeze—the breath of God—is still—
And the mist upon the hill,
Shadowy—shadowy—yet unbroken,
Is a symbol and a token—
How it hangs upon the trees,
A mystery of mysteries!

V

Ang simoy - ang hininga ni Bathala - ay patuloy
At yaong alapaap na naroroon sa burol,
Malabo - malabo - subalit hindi nasisira
Itong isang sagisag at isa rin itong tanda
Paano naisabit sa punong tinitingala
Tunay na kahiwagaan sa lahat ng hiwaga!

Source: The Complete Poems and Stories of Edgar Allan Poe (1946)
Pinagbatayan: aklat na The Complete Poems and Stories of Edgar Allan Poe (1946)

Lunes, Marso 4, 2019

Pahayag ng PhilVenSol sa March 8 International Womens' Day


Pahayag ng Philippines Venezuela Solidarity
Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Naninindigan kami tungo sa pakikiisa sa mga kababaihan ng Rebolusyong Bolivariano!

Ang mga banta at pag-atake ng misoginistang pangulo ng US na si Donald Trump ay nagpapakita ng nakamamatay na banta sa mga kababaihan ng Venezuela.

Tila bigo ang pinakahuling pagtatangka ng US na ibagsak ang demokrasya at ang sosyalistang Rebolusyong Bolivariano sa Venezuela. Kabaligtaran sa paglalarawan ng midya sa mundo at mga sinasabi ng administrasyong Trump, ang maamong oposisyon sa US, at ng kanilang mga kaalyado sa ilang punong lungsod ng  Europa at Latin America, hindi nagkaisang sumuporta sa mamamayang Venezuelano ang pinili ng US na maging pangulong si Juan Guaidó, maliban sa ilang saray ng mga ekonomikong elitista. Nananatiling mas marami ang sama-samang pagkilos ng mamamayan upang suportahan ang demokratikong halal na si Pangulong Nicolás Maduro kaysa mga sumusuporta  sa kudeta, na sumasalamin sa mas malawak na seksyon ng populasyon. Nakikita ito sa mga madlang maka-Maduro na sumasalamin sa etnikong pagkakaiba-iba ng Venezuela na salungat sa nakararaming madlang tisoy na sumusuporta kay Guaidó. Ang panawagan ng US na bumaligtad na ang sandatahang lakas - o mga seksyon nito - ay tinututulan.

Gayunpaman, dahil nabigo sa kanilang tangkang ipagtagumpay ang isang kudeta, patuloy ang bantang interbensyong militar ng administrasyong Trump. Pinupuntirya ng bantang ito ang mamamayang Venezuelano na, mula nang inihalal ang namayapang Hugo Chavez noong 1998 at sa pagsisimula ng Rebolusyong Bolivariano, ay kumilos mula sa kanilang nakatalagang lugar upang pumagitna sa pulitikang Venezuelano. Lalo na’t ang mga babae ang nasa sentro.

Habang tinatalakay ng Kanluraning midya ang krisis pang-ekonomiya ng Venezuela sa nakalipas na 9 na taon, ang ipinagwawalang-bahala nito ay noong bago mag-1998, 80% ng Venezuelano ang nabubuhay sa kalunos-lunos na kahirapan. Pinakaapektado ang mga babae. Iniangat ng Rebolusyong Bolivariano ang pamantayan ng pamumuhay at ang panlipunang pasahod. Tiniyak ng paglikha ng mga institusyon tulad ng Banmujer (ang Bangko ng Kababaihan) na mga kababaihan ang nakasentro sa pagsulong ng pamantayan ng pamumuhay at muling pamamahagi ng yaman ng lipunan.

Ngunit higit pa doon, ginawa ito sa pamamagitan ng popular na pakikilahok. Nasa nangungunang papel ang mga kababaihan sa Panlipunang Misyon na nangangahulugang mas maraming tao ang may akses sa pangangalaga sa kalusugan at sa edukasyon sa unang pagkakataon. Malawakan namang itinayo ang mga bagong pabahay. Ang mga kababaihan, na siyang nasa pinaka-disbentahe, ang mas nakinabang.

Ang maraming naipanalo ng kababaihan ay sumasalamin sa mga artikulong lehislatibo at konstitusyunal. Halimbawa, kauna-unahan sa daigdig, kinikilala ng konstitusyon ng Venezuela ang domestikong paggawa "bilang isang pang-ekonomiyang aktibidad na lumilikha ng karagdagang halaga at lumilikha ng panlipunang kagalingan at yaman," at idinagdag pa: "Ang mga maybahay ay may karapatan sa Panlipunang Seguridad alinsunod sa batas." Subalit mas mahalaga kaysa mga ligal na pagbabagong ito ang pangingibabaw ng kababaihan sa mga organisasyong masa: sa mga pangmasang kilusang pampulitika, sa mga Panlipunang Misyon at sa pumapaimbulog na sistema ng mamamayan na nakikilahok sa demokrasya: ang mga Komiteng Komyunal at ang mga Komyun.

Kababaihan ang pinakamatinding tinamaan ng krisis pang-ekonomya na nagpalubog sa bansa mula pa noong 2014. Sa pasuray-suray na pagpapakita ng pagkukunwari ng US at mga kaalyadong imperyalista, at ang kanilang mga loro sa midya, ginamit nila ang pang-ekonomiyang krisis bilang katibayan ng kabiguan ng Sosyalismong Bolivariano at ang pangangailangang baguhin ang rehimen. Gayunpaman, habang may mga kontradiksyon din ang Rebolusyong Bolivariano at ang pamahalaan nito’y nakakagawa ng pagkakamali, ang krisis ay malaking resulta ng mga dahilang labas sa Venezuela. Ang pagbagsak ng presyo ng langis, na nagsimula sa krisis, ay pinangunahan ng Saudi Arabia, na kaalyado ng US, kaya nagbaha ng langis sa merkado bilang isang anyo ng agresyong pang-ekonomiya laban sa Venezuela (at Iran). Malaki rin ang nagawa ng pananabotahe ng burgesyang Venezuelano (na panlipunang base ng oposisyong maka-US). Bukod dito, ang lalim ng krisis ay resulta rin ng mas direktang anyo ng pang-ekonomiyang digmaan: mga ekonomikong pagharang. Simula sa panahon ng administrasyong Obama, ang mga ekonomikong pagharang na ipinataw ng US at mga kaalyado nito, ay nangangahulugan ng malawakang pagnanakaw ng mga ari-arian ng Venezuela. Ang mga tubô mula sa pagbebenta ng langis ay nanigas sa mga bank account sa US. Ang mga reserbang ginto ng Venezuela ay tinanganan ng Bank of England. Mas humigpit pa ang pagkakasakal sa mga bagong pang-ekonomyang pagharang na itinaguyod ni Trump bilang bahagi ng kanyang bagong pagtatangkang kudeta. Dagdag pa, ang mga imperyalista ngayon ay nagbabantang ibibigay ang mga ninakaw na ari-arian sa kanilang manikang si Juan Guaidó.

Sa isang matinding panayam ng BBC, tinukoy ni Maduro ang pagkukunwari ng US sa paggamit ng $20 milyong halaga ng tulong bilang Trojan horse upang labagin ang kasarinlan ng Venezuela habang ilegal na tinatanganan ang mahigit sa $10 bilyon ng Venezuela.

Kababaihan ang pinakamatinding tinamaan ng pang-ekonomyang pagharang, na tumutungo sa isang bangkulong (blockade). Halimbawa, habang nananatiling mahusay na pinaglilingkuran ng mga doktor ang mga mahihirap na Venezuelano at mga manggagawang pangkalusugan sa paraang hindi pa mailalarawan bago pa ang 1998, ang pagbangkulong ay lumikha ng malubhang kakulangan sa ilang uri ng mga gamot na magagamit lamang mula sa mga bansang Kanluranin. May negatibong epekto ito, bukod sa iba pang mga bagay, ang reproduktibong kalusugan ng kababaihan. Ngunit ang mga kababaihan, sa pamamagitan ng kanilang pamumuno sa mga pangmasang organisasyon, ay nangunguna upang igpawan ang mga pang-ekonomiyang kahirapan, halimbawa sa pamamagitan ng Pueblo, o isang programa ng Pueblo, na kinabibilangan ng pang-ekonomiyang pakikipagtulungan at direktang kalakalan sa pagitan ng mga pangmasang organisasyon sa mga mahihirap na nayon sa kalunsuran at nakikibakang pamayanang agrikultural, na nilalalaktawan ang mga kapitalistang hunyango na nagpapalaki ng kakapusan. Ipinaliliwanag nito ang kabalintunaan na, ayon sa naratibong Kanluranin, ang uring manggagawa at mga mahihirap na kababaihan sa kanayunan, na pinakamatinding tinatamaan ng pang-ekonomyang krisis na dahilan ng kawalang-tatag na pampulitika, ang nasa unahan ng mga pulitikal na mobilisasyon sa pagtatanggol sa Rebolusyong Bolivariano.

Habang nabigo ang kudeta ni Guaidó at tumahimik ang pahiwatig ng bantang agresyong militar ni Trump, nananatili ang bantang pananakop at ang agresyong pang-ekonomiya’y tumitindi. Kung magtagumpay ang US sa pagpapatalsik sa rebolusyon, ang proyektong pagwasak ng malawak na baseng pampulitika nito ay kakila-kilabot, at matinding matatamaan ang mga kababaihan. Ibinalangkas ito ni Trump sa pagtatalaga kay Elliot, na isang beteranong operatiba ng maruming digmaan, upang masubaybayan ang kanyang planong pagbabago ng rehimen. Mula sa Latin America hanggang Gitnang Silangan, si Elliot ay may malawak na deka-dekadang rekord ng kriminalidad, pang-aalipusta, paglabag sa soberanya at pang-aabuso sa karapatang pantao. Ngunit marahil ay pinakasikat sa pagdidirekta ng karahasang kontra-rebolusyonaryo sa Gitnang Amerika noong dekada 1980 kung saan normal na lang ang sekswal na karahasan at kahit na sanggol ay hindi pinatawad mula sa mga patayan.

Pinangungunahan ng mga kababaihan ng Venezuela ang paglaban para sa karapatan ng kababaihan at sa magkakaugnay na pakikibaka para sa isang panlipunan at makakalikasang daigdig na makatarungan at sustenable. Nagagalit dito ang imperyalismo, na kinakatawan ng sagad-sa-butong-misoginistang si Donald Trump. Kaya dapat makipagkaisa ang mga kababaihan sa buong mundo sa kanilang mga kapatid na kababaihang Venezuelano.

Tayong nasa kilusan ng kababaihan sa Pilipinas ay nakikipagkaisa sa ating mga kapatid na kababaihan ng rebolusyong Bolivariano at isinisigaw:

Ayaw namin sa kudetang pinangungunahan ng US!
Huwag pakialaman ang Venezuela!
Marso 8, 2019



Philippines Venezuela Solidarity Statement – March 8, International Women’s Day

We stand in solidarity with the women of the Bolivarian Revolution!

The threats and attacks by the misogynist US president Donald Trump pose a deadly threat to women in Venezuela.

The latest US attempt at overthrowing democracy and the socialist Bolivarian Revolution in Venezuela appears to have failed. Contradicting the picture painted by the world's media and the claims of the US Trump administration, the tame US opposition, and their allies in some European and Latin American capitals, the Venezuelan people have not rallied to the US-appointed president-in-waiting Juan Guaidó, with the exception of some layers from the economic elite. Mobilisations in support of democratically elected President Nicolás Maduro have consistently outnumbered pro-coup mobilisations and reflected a much broader section of the population. This has been visible in the pro-Maduro crowds reflecting the ethnic diversity of Venezuela in contrast to the predominantly white crowds supporting Guaidó. Calls by the US for the armed forces – or sections of it – to defect were rejected.

However, having failed in their attempts to engineer a coup d'etat, the Trump administration continues to threaten military intervention. This threat is targeted at the Venezuelan masses who since the election of the late Hugo Chavez in 1998 and the start of the Bolivarian Revolution have moved from their assigned place at the periphery of Venezuelan politics to take centre stage. Women are particularly in the frame.

While the Western media has dwelt on Venezuela's economic crisis of the past 9 years, what it ignores is that before 1998, 80% of Venezuelans lived in abject poverty. Women were the most affected. The Bolivarian Revolution raised living standards and the social wage. The creation of institutions such as Banmujer (the Women's Bank) ensured that women were centred in the raising of living standards and wealth redistribution.

But more than that, it did so through popular participation. Women played the leading role in the Social Missions that meant that many people had access to healthcare and education for the first time ever. Massive amounts of new housing were built. Women, as the most disadvantaged, benefited the most.

Many gains for women are reflected in legislative and constitutional articles. For example, in a world's first, Venezuela's constitution recognises domestic labour “as an economic activity that creates added value and produces social welfare and wealth,” adding: “Housewives are entitled to Social Security in accordance with the law.” But more important than these legal changes is the predominance of women in mass organisation: in grassroots political movements, in the Social Missions and in the evolving system of grassroots participatory democracy: the Communal Councils and Communes.

Women have been hardest hit by the economic crisis that has engulfed the country since 2014. In a staggering display of hypocrisy, the US and allied imperialists, and their media echo chamber, have used the economic crisis as evidence of the failure of Bolivarian Socialism and the need for regime change. However, while the Bolivarian Revolution has its contradictions and its governments have made errors, the crisis is overwhelmingly the result of external factors. The drop in oil prices, which precipitated the crisis, was in part manufactured by US ally Saudi Arabia flooding the market as a form of economic aggression against Venezuela (and Iran). Sabotage by the Venezuelan bourgeoisie (who are the social base of the pro-US opposition) has also played a large part. Moreover, the depth of the crisis is largely the result of a far more direct form of economic warfare: sanctions. Starting during the Obama administration, sanctions imposed by the US and its allies, have amounted to wholesale theft of Venezuela's assets. Profits from the sale of oil are frozen in US bank accounts. Venezuela's gold reserves are held hostage by the Bank of England. The noose has been further tightened in new sanctions introduced by Trump as part of his latest coup attempt. Furthermore, the imperialists are now threatening to give the stolen assets to their puppet, Juan Guaidó.

In a hostile interview by the BBC, Maduro pointed out the hypocrisy of the US in using a convoy of $20 million worth of aid as a Trojan horse to violate Venezuela's sovereignty while illegally holding more than $10 billion of Venezuela.

Women are hardest hit by the sanctions, which amounts to a blockade. For example, while poor Venezuelans remain well served by doctors and health workers in a way unimaginable before 1998, the blockade is creating a severe shortage of some types of pharmaceuticals that are only available from Western countries. This has negatively impacted, among other things, women's reproductive health. But women, through their leadership of grassroots organisation, are taking the lead in overcoming the economic difficulties, for example through the Pueblo a Pueblo programme, which involves economic collaboration and direct trade between grassroots organisations in impoverished urban barrios and struggling agricultural communities, bypassing the capitalist hoarders who have accentuated shortages. This explains the paradox that working class and rural poor women, who are hardest hit by the economic crisis that according to the Western narrative is the cause of the political instability, are in the front line of the political mobilisations in defence of the Bolivarian Revolution.

While Guaidó's coup has failed and Trump's hints of imminent military aggression have quietened, the threat of invasion remains and the economic aggression is continuing to intensify. Should the US be successful in overthrowing the revolution, the project of annihilating its vast political base will be gruesome, and it is women who are most under threat. This is underlined by Trump appointing veteran dirty war operative Elliot to oversee his plans for regime change. Elliot has an extensive decades-long record, from Latin America to the Middle East, of criminality, warmongering, violations of sovereignty and human rights abuse but is perhaps most notorious for directing counter-revolutionary violence in Central America in the 1980s in which sexual violence was normalised and not even infants were spared from massacre.

Women in Venezuela are leading the fight for women's rights and the interrelated struggle for a socially and ecological just and sustainable world. This has angered imperialism, personified by the arch-misogynist Donald Trump, so women the world over need to give solidarity to their Venezuelan sisters.

We in the Philippines women’s movement stand in solidarity with our sisters of the Bolivarian revolution and demand:

No to US-led Coup!
Hands of Venezuela!
March 8, 2019

Salin ng tula ni Charlie Chaplin

SALIN NG TULA NI CHARLIE CHAPLIN Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilason ng kasakiman ang diwa ng tao, na binarikadahan ng poot ang...