MARTSA NG MGA HINDI
MAKAPAG-MARTSA
Today, the President will once again report on the
state of a mythical nation: a nation united, marching in cadence towards the
promised land of progress.
Ngayon, muling mag-uulat ang Pangulo sa kalagayan ng isang kataka-takang
bansa: isang bansang nagkakaisa, sabay-sabay na nagmamartsa patungo sa
pangakong lupaing maunlad.
But, just as in the past several years, thousands
of us will again be marching on the streets to express the real state of the
nation: a nation divided, mired in poverty and hunger, being led away from the
land of freedom.
Subalit, tulad ng mga nakalipas na taon, libu-libo sa atin ang muling
magmamartsa sa kalsada upang ipahayag ang tunay na kalagayan ng bansa: isang
bansang hiwa-hiwalay, sadlak sa karukhaan at kagutuman, na inilalayo mula sa
lupaing malaya.
This year, however, there will be many Filipinos
who—even if they might have wanted to march with us and protest—will not be
able to join us: all those who been killed by cops, soldiers, and vigilantes
emboldened by Duterte’s sanctioning of extra-judicial killings, promotion of
impunity, and imposition of martial law in Mindanao; all those who have been
silenced and disempowered by an army of pro-government propagandists who have
spun a web of deceit around them.
Gayunman, ngayong taon, maraming Pinoy na - bagamat nais nilang sumama
sa martsa at kilos-protesta - ay hindi makasama sa atin: lahat ng mga pinaslang
ng kapulisan, sundalo at mga manunungol (bihilante) na pinatapang ng mga
pagsang-ayon mismo ni Duterte sa pamamaslang, pagtataguyod ng impunidad, at
pagpapatupad ng batas-militar ng Mindanao; lahat na pawang pinatahimik at
pinawalang-saysay ng isang hukbo ng mga maka-gobyernong propagandistang nagpakalat
ng mapambitag na panlilinlang sa kanilang paligid.
And in the coming years, if President Duterte
succeeds in restoring full-blown dictatorship, none of us will be able to march
at all. There won’t be any more protests during the SONA because all of us have
either already been locked up in jail—or simply terrorized into just staying at
home and keeping silent.
At sa susunod pang mga taon, kung magtatagumpay si Pangulong Duterte na
ibalik ang isang ganap na diktadura, wala isa man sa atin ang muling
makapagmamartsa. Wala nang mga protesta sa SONA dahil lahat tayo ay nakapiit na
- o natakot na at nanahimik na lang sa bahay.
This is why, while we still have time, we need to
put ourselves in the shoes of all those who can no longer march—and of all
those who will not be able to march in the future—to do what they cannot or
will not be able to do: to march on and occupy the streets—during the SONA and
in the coming weeks—to #BlockDuterte and resist tyranny.
Kaya habang may panahon pa, dapat nating ilagay ang ating mga sarili sa
sapatos ng iba pang hindi makapagmartsa - sa mga taong hindi na makapagmamartsa
sa hinaharap - ang gawin ang hindi na nila kayang gawin o magagawa pa: ang
magmartsa at sakupin ang lansangan - sa mismong SONA at sa mga darating pang
araw o linggo - upang #HaranginsiDuterte at labanan ang paniniil.
“Never again!” cannot just remain an empty slogan,
it must also be a commitment to put our bodies in the line of fire in order to
defend our dreams of a better society and to join the people in charting a
better future.
Hindi maaaring manatiling walang laman ang panawagang "Hindi na
muli!", ito'y dapat maging isang panata na ilagay ang ating mga sarili sa gitna
ng panganib upang ipagtanggol ang ating pangarap na mas kaaya-ayang lipunan at
samahan ang taumbayan sa pagbalangkas ng mas magandang kinabukasan.
Join us in fighting dictatorship; join us in
building a real democracy.
Halina't sama-sama nating labanan ang diktadura; sama-sama nating
itatag ang isang tunay na demokrasya.
Harangin ang diktadura! Baguhin ang sistema!
#BlockMarcos
23 Hulyo 2017
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento