Lunes, Hulyo 24, 2017

Salin ng Pahayag ng BlockMarcos sa SONA

MARTSA NG MGA HINDI MAKAPAG-MARTSA

Today, the President will once again report on the state of a mythical nation: a nation united, marching in cadence towards the promised land of progress.

Ngayon, muling mag-uulat ang Pangulo sa kalagayan ng isang kataka-takang bansa: isang bansang nagkakaisa, sabay-sabay na nagmamartsa patungo sa pangakong lupaing maunlad.

But, just as in the past several years, thousands of us will again be marching on the streets to express the real state of the nation: a nation divided, mired in poverty and hunger, being led away from the land of freedom.

Subalit, tulad ng mga nakalipas na taon, libu-libo sa atin ang muling magmamartsa sa kalsada upang ipahayag ang tunay na kalagayan ng bansa: isang bansang hiwa-hiwalay, sadlak sa karukhaan at kagutuman, na inilalayo mula sa lupaing malaya.

This year, however, there will be many Filipinos who—even if they might have wanted to march with us and protest—will not be able to join us: all those who been killed by cops, soldiers, and vigilantes emboldened by Duterte’s sanctioning of extra-judicial killings, promotion of impunity, and imposition of martial law in Mindanao; all those who have been silenced and disempowered by an army of pro-government propagandists who have spun a web of deceit around them.

Gayunman, ngayong taon, maraming Pinoy na - bagamat nais nilang sumama sa martsa at kilos-protesta - ay hindi makasama sa atin: lahat ng mga pinaslang ng kapulisan, sundalo at mga manunungol (bihilante) na pinatapang ng mga pagsang-ayon mismo ni Duterte sa pamamaslang, pagtataguyod ng impunidad, at pagpapatupad ng batas-militar ng Mindanao; lahat na pawang pinatahimik at pinawalang-saysay ng isang hukbo ng mga maka-gobyernong propagandistang nagpakalat ng mapambitag na panlilinlang sa kanilang paligid.

And in the coming years, if President Duterte succeeds in restoring full-blown dictatorship, none of us will be able to march at all. There won’t be any more protests during the SONA because all of us have either already been locked up in jail—or simply terrorized into just staying at home and keeping silent.

At sa susunod pang mga taon, kung magtatagumpay si Pangulong Duterte na ibalik ang isang ganap na diktadura, wala isa man sa atin ang muling makapagmamartsa. Wala nang mga protesta sa SONA dahil lahat tayo ay nakapiit na - o natakot na at nanahimik na lang sa bahay.

This is why, while we still have time, we need to put ourselves in the shoes of all those who can no longer march—and of all those who will not be able to march in the future—to do what they cannot or will not be able to do: to march on and occupy the streets—during the SONA and in the coming weeks—to #BlockDuterte and resist tyranny.

Kaya habang may panahon pa, dapat nating ilagay ang ating mga sarili sa sapatos ng iba pang hindi makapagmartsa - sa mga taong hindi na makapagmamartsa sa hinaharap - ang gawin ang hindi na nila kayang gawin o magagawa pa: ang magmartsa at sakupin ang lansangan - sa mismong SONA at sa mga darating pang araw o linggo - upang #HaranginsiDuterte at labanan ang paniniil.

“Never again!” cannot just remain an empty slogan, it must also be a commitment to put our bodies in the line of fire in order to defend our dreams of a better society and to join the people in charting a better future.

Hindi maaaring manatiling walang laman ang panawagang "Hindi na muli!", ito'y dapat maging isang panata na ilagay ang ating mga sarili sa gitna ng panganib upang ipagtanggol ang ating pangarap na mas kaaya-ayang lipunan at samahan ang taumbayan sa pagbalangkas ng mas magandang kinabukasan.

Join us in fighting dictatorship; join us in building a real democracy.

Halina't sama-sama nating labanan ang diktadura; sama-sama nating itatag ang isang tunay na demokrasya.

Harangin ang diktadura! Baguhin ang sistema!


#BlockMarcos

23 Hulyo 2017

Huwebes, Hulyo 13, 2017

Translation from English ng BMP orientation

BMP Orientation

Oryentasyon ng BMP

What is BMP?

Ano ang BMP?

The Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) or Solidarity of Filipino Workers is a political organization of workers who seek to improve the conditions of all workers and other oppressed classes and groups, to achieve freedom for all, and to enable everyone to live a life of dignity and develop their full humanity.

Ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) ay isang pulitikal na organisasyon ng manggagawa na nag-aadhikang mapaunlad ang kalagayan ng lahat ng manggagawa at iba pang napagsasamantalahang uri at pangkat, upang kamtin ang kalayaan ng lahat, at upang tiyaking mabubuhay ang lahat sa buhay na may dignidad at mapaunlad ang kanilang ganap na kaakuhan.

We believe that many workers remain poor or are constantly insecure—deprived of the sufficient means to care for themselves and their loved ones, to develop their talents and abilities, to achieve their aspirations, and to become truly free—despite all their hard work and sacrifices because of the kind of economic and political system we live under: a system called capitalism.

Naniniwala kaming marami pa ring manggagawa ang nananatiling naghihikahos o kaya'y laging walang katiyakan ang buhay - na pinagkakaitan ng anumang kakayahang alagaan ang kanilang mga sarili at kanilang mga mahal sa buhay, upang mapaunlad ang kanilang talino at kakayahan, upang kamtin ang kanilang mga pangarap, at upang maging ganap na malaya - sa kabila ng kanilang pagsisikap at mga sakripisyo dahil sa tipo ng sistemang pang-ekonomya at pampulitikang kinasadlakan nila: isang sistemang tinatawag na kapitalismo.

In this system, the means of production—land, factories, machines, and so on—are privately owned by a small group of individuals, the capitalists. This system of private ownership enables capitalists to exploit and enslave workers—all those who, because they do not own and who have no access to these means of production, have no choice but to work for them if they do not want to die from hunger. In other words, it enables capitalists to effectively enslave workers under this system of wage-slavery. But it also forces capitalists to compete with each other and to maximize profits by driving down wages, extending working hours, and intensifying resource use.

Sa ganitong sistema, ang mga kagamitan sa produksyon - lupain, pabrika, makina, at iba pa - ay pribadong pagmamay-ari ng iilang pangkat ng indibidwal, ang mga kapitalista. Ang sistemang ito ng pribadong pagmamay-ari ang nagbibigay-daan sa mga kapitalista upang pagsamantalahan at alipinin ang mga manggagawa - yaong mga, dahil sa di nila inaari at mga walang kakayahang mag-ari ng mga kagamitan sa produksyong ito, ay walang pagpipilian kundi maging manggagawa kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Sa madaling salita, binibigyang daan nito ang mga kapitalista upang epektibong alipinin ang mga manggagawa sa ilalim ng sistema ng sahurang pang-aalipin. At natutulak rin nito ang mga kapitalista upang magpaligsahan at palaguin ang tubo sa pamamagitan ng pagbabarat sa sahod, pagpapalaki ng oras ng paggawa, at pagpapatindi ng paggamit ng likas-yaman.

At the same time, concerned above all to maximize profits, capitalists either leave in place or reinforce existing relations of domination—such as patriarchy, racism, or sexism—in order to intensify their exploitation of women, foreigners, LGBTQs, or other marginalized or stigmatized groups.

Kasabay nito, pangunahing nakatuon ito sa pagkamal ng laksa-laksang tubo, maaaring panatilihin o mapalakas ang umiiral na mga ugnayan ng paghahari - tulad ng patriyarka, kapootang panlahi, o seksismo - upang patindihin pa ang kanilang pagsasamantala sa kababaihan, mga dayuhan, LGBTQ, o iba pang pangkat sagigilid o may dungis sa karangalan.

We therefore believe that while workers could and should defend their interests by fighting back against capitalists’ attempts to reduce wages and seize a larger share of the wealth they produce, they and other oppressed classes or groups could ultimately only improve their lives and the lives of other oppressed classes and groups, achieve freedom, live a life of dignity and develop their full humanity by replacing capitalism, or this system of wage-slavery, with another system: a system called socialism.

Kaya kami'y naniniwalang habang ipinagtatanggol ng manggagawa ang kanilang interes sa pamamagitan ng pakikibaka laban sa tangka ng kapitalistang pababain ang sahod at sagpangin ang mas malaking bahagi ng yamang kanilang nilikha, mapapabuti lamang nila at ng iba pang aping uri o pangkat ang kanilang mga buhay, makamit ang kalayaan, mabuhay ng may dignidad at mapaunlad ang kanilang ganap na kaakuhan sa pamamagitan ng pagpapalit sa kapitalismo, o itong sistema ng sahurang pang-aalipin, ng isa pang sistema: ang sosyalismo.

Under this system, the means of production should be collectively and democratically owned and controlled by everyone. No one should be allowed to exploit and enslave others because, with everyone having access to the means of production, no one would no longer be forced to work for others in order to survive. Production should be based on cooperation—on planning and deliberative democracy—rather than on anarchic competition. Our goal should no longer be to maximize profits to but take care of each other and of mother nature. Everyone should have the resources they need to meet their needs. Working hours should be kept to a minimum so people have more free time to develop their talents and become well-rounded human being. And resource use should be made more rational so as to ensure conservation.

Sa ilalim ng sistemang ito, dapat na kolektibo at demokratikong inaari at kontrolado ng mga tao ang mga kasangkapan sa produksyon. Walang sinuman ang pinahihintulutang magsamantala at alipinin ang kanyang kapwa sapagkat, kung ang lahat ay may kakayahang pangasiwaan ang mga kasangkapan sa produksyon, walang dahilan upang matulak na magpaalipin ang isang tao sa iba upang mabuhay lamang. Dapat na ang produksyon ay nakabatay sa kooperasyon o pagtutulungan ng bawat isa - sa pagpaplano at pinag-isipang demokrasya - imbes na sa anarkikong kumpetisyon. Ang ating mithiin ay hindi na para magkamal ng limpak-limpak na tubo kundi ang pangalagaan ang bawat isa at ang inang kalikasan. Ang bawat isa'y dapat magkaroon ng mga mapagkukunang kailangan nila upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Dapat manatiling nasa wasto ang oras ng trabaho upang magkaroon ng mas maraming oras ang tao upang paunlarin ang kanilang mga talento at maging taong maraming kakayahan. Dapat na mas maging makatuwiran ang paggamit ng likas-yaman upang matiyak na ito'y napangangalagaan.

At the same time, with profit-making no longer the overriding consideration of any group, there should be less or no more need to exploit women, foreigners, LGBTQs and other marginalized groups. The conditions which foster patriarchy, racism, or sexism should be alleviated if not made to disappear altogether.

Kasabay nito, ang pagkamal ng limpak-limpak na tubo ang hindi na pangunahing layunin ng anumang pangkat, dapat na mas kaunti o hindi na kailangan pang pagsamantalahan ang mga kababaihan, dayuhan, LGBTQ at iba pang pangkat sagigilid. Ang mga kalagayang nagpapatatag ng patriyarka, kapootang panlahi, o seksismo ay dapat na mabawasan kung hindi mawala man mawala nang tuluyan.

Such a system will never be willingly established by all those who benefit from the current system and who dominate and use the state to defend or perpetuate this system. It can only be established through the collective action of all those who have an interest in changing and replacing this system and who have no choice, if they are to free themselves, but to seize political power and end capitalist rule.

Ang ganitong sistema'y hindi kailanman maluwag sa kaloobang binuo ng lahat ng mga nakikinabang mula sa kasalukuyang sistema at yaong naghahari at ginagamit ang estado upang ipagtanggol o ipagpatuloy ang sistemang ito. Ito’y mabubuo lamang sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos ng lahat ng may interes upang mabago at mapalitan ang sistemang ito at wala nang pagpipilian, kung nais nilang palayain ang kanilang sarili, kundi ang agawin ang pampulitikang kapangyarihan at mawakasan ang kapitalistang paghahari.

This is why we have come together to form the BMP: to develop workers’ class consciousness and enhance their self-organization so as to build their capacity to change the system and establish a new society, a new civilization in which they—and everyone else—can be truly free and truly human.

Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakasama-sama upang itatag ang BMP: upang paunlarin ang makauring kamalayan ng manggagawa at pagbutihin ang kanilang samahang nagsasarili upang mapalakas pa nila ang kanilang kakayahang baguhin ang sistema at maitatag ang isang bagong lipunan, isang bagong kabihasnan kung saan sila – at ang iba pa – ay tunay  na malaya at tunay na makatao.

How is the BMP different from unions and federations? Why should we strengthen both unions/federations and BMP?

Ano ang kaibahan ng BMP sa iba pang mga unyon at pederasyon? Paano ba natin patatatagin ang mga unyon / pederasyon at ang BMP?

BMP members believe that workers can and should defend their interests within the current system of wage-slavery by fighting back against capitalists’ attempts to reduce their wages, deprive them of better benefits, or deny them secure employment within their factories, industries, or sectors. And to be more effective in waging these struggles, workers must resist capitalists’ constant attempts to divide them by organizing themselves into unions or labor federations.

Naniniwala ang mga kasapi ng BMP na kaya at dapat ipagtanggol ng mga manggagawa ang kanilang mga interes sa loob ng kasalukuyang sistema ng sahurang pang-aalipin sa pamamagitan ng pakikibaka laban sa mga pagtatangka ng mga kapitalistang lalong baratin ang kanilang mga sahod, pagkaitan ng mas magandang benepisyo, o pagkaitan sila g kasiguruhan sa trabaho sa kanilang pabrika, industriya o sector. At upang mas maging epektibo sa paglulunsad ng ganitong pakikibaka, dapat labanan ng manggagawa ang palagiang pagtatangka ng mga kapitalista na paghiwa-hiwalayin sila sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng kanilang mga sarili sa unyon o pederasyong ng paggawa.

This is why we at BMP are committed to strengthening unions and federations: they are extremely important tools by which workers could defend their gains and enhance their living conditions within capitalist society.

Ito ang dahilan kung bakit nakatuon kami sa pagpapatatag ng mga unyon at pederasyon: napakahalagang kasangkapan nito upang maipagsanggalan ng mga manggagawa ang kanilang mga kalamangan at pagbutihin pa ang kanilang kalagayan sa pamumuhay sa loob ng kapitalistang lipunan.

But workers can—and are forced to—also defend their interests outside their factories, industries, or sectors. They need to resist capitalists’ attempts to pass on the costs of increased wages or hold on to a larger share of the wealth they produce by increasing their selling prices, by fighting to reduce their tax and other obligations (and therefore their contribution to paying for social services), or by pushing for other anti-worker laws or other policies that make it harder for workers to organize and fight for their interests within and outside their own companies, industries or sectors.

Subalit maaari – at napipilitan – ang mga manggagawa na ipagtanggol ang kanilang mga interes sa labas ng kanilang pagawaan, industriya o sector. Dapat nilang labanan ang mga pagtatangka ng mga kapitalista na ipasa ang gastusin sa tumaas na sahod o tanganan ang malaking bahagi ng yamang kanilang nalikha sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang presyo, sa pamamagitan ng pagbabawas ng kanilang buwis at iba pang pananagutan (at kung gayon ay ang kanilang ambag sa pagbabayad para sa panlipunang serbisyo), o sa pamamagitan ng paggigiit ng iba pang batas na laban sa manggagawa at iba pang polisiyang nagpapahirap sa manggagawa upang mag-organisa at ipaglaban ang kanilang interes sa loob at labas ng kanilang kumpanya, industriya o saray.

And workers can and should also defend their interests and struggle to improve their lives not just by fighting for higher wages, better benefits, or more secure employment—or by trying to secure better payment for their wage-slavery—inside and outside their companies or industries. They can and should also defend their interests and struggle to improve their lives by fighting to end the system of wage-slavery itself and by creating a new and different society—one in which they do not have to be slaves—even better-paid—slaves at all.

At ang mga manggagawa’y kaya at dapat ding maipagtanggol ang kanilang interes at makibaka upang mapaganda ang kanilang pamumuhay hindi lamang makibaka para sa mas mataas na sahod, mas magandang benepisyo o may katiyakan sa trabaho - o sa tangkang tiyakin ang mas mabuting kabayaran sa kanilang sahurang pagkaalipin - sa loob at labas ng kanilang kumpanya o industriya. Kaya nila at dapat nilang ipagtanggol ang kanilang interes at pakikibaka upang paunlarin ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pakikibaka upang wakasan ang sistemang ito ng sahurang pang-aalipin at paglikha ng bago at naiibang lipunan - isang lipunang hindi na sila alipin - maging sila ma’y alipin mas mataas na kabayaran.

Unless they do so—or unless they address the systemic causes of their problems by fighting against capitalism and building a new system, may only be able to improve their own particular living conditions—their individual interests or the interests of their particular unions— up to a certain point. At best, they may become better-paid slaves with looser chains. At worst, because the very power of capitalists rests on their continued control or ownership of the means of production and their ability to engage in “capital strikes,” they will be confined to constantly waging defensive battles not to lose the gains they have won. In short, they may become better-paid slaves constantly at risk of having their chains tightened. Only by addressing the root of the problem, or only by undermining bourgeois power by abolishing private property, could they be fully free.

Kung di man nila gawin ito - o kung di nila tutugunan ang mga sistematikong dahilan ng kanilang problema upang labanan ang kapitalismo at magtayo ng bagong sistema, Maaari lamang mapabuti ang kanilang sariling mga partikular na kalagayan sa pamumuhay - ang kanilang mga indibidwal na interes o interes ng kanilang  unyon - nang may limitasyon. Ang mabuti, maaari silang maging mas mahusay na bayad na alipin na may maluwag na tanikala. Ang masama, dahil ang mismong kapangyarihan ng mga kapitalista ay nakasalalay sa patuloy nitong pagkontrol o pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon at ang kanilang kakayahang sagupain ang "mga malawakang welga," sila ay nakatali sa patuloy na paglulunsad ng mga depensibong pakikibaka upang hindi mawala ang kanilang napagtagumpayan. Sa madaling salita, maaari silang maging mas mahusay na bayad na alipin na nanganganib lalong higpitan ang tanikala. Tanging sa pagtugon sa ugat ng problema, o tanging sa pagdurog sa kapangyarihan ng burgesya sa pamamagitan ng pagpawi sa pribadong pagmamay-ari, na sila’y magiging ganap na malaya.

For workers to be more effective in waging these struggles—struggles which go beyond the walls of their own companies or industries, unions and federations will not be enough. Workers also need to form and strengthen their own distinctly political organization. While unions and federations concentrate on organizing workers within companies, industries, or sectors so as to improve their capacity to struggle against their own individual capitalists to fight for higher wages, better benefits, this political organization must concentrate on organizing workers across companies, industries and sectors—or within larger society—to struggle against the entire capitalist class not just for better payment for wage-slaves but also to end replace wage-slavery with a better system in which workers, and other oppressed classes and groups, no longer have to live as slaves.

Upang mas maging epektibo ang mga manggagawa sa paglunsad ng mga pakikibakang ito - mga pakikibakang lagpas sa mga dingding ng kanilang sariling kumpanya o industriya, hindi sapat ang mga unyon at mga pederasyon. Kailangan din ng mga manggagawang buuin at palakasin ang kanilang sariling malinaw na pampulitikang organisasyon. Habang tumututok ang mga unyon at pederasyon sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa loob ng mga kumpanya, industriya, o saray upang mapagbuti ang kanilang kakayahang makibaka laban sa kanilang sariling mga kapitalista para sa mas mataas na sahod, mas mabuting benepisyo, dapat tumuon ang organisasyong pampulitikang ito sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa mga kumpanya, industriya at saray, o sa mas malawak na lipunan, sa pakikibaka laban sa buong uring kapitalista hindi lamang para sa mas mahusay na pagbabayad sa mga sahurang-alipin, kundi upang wakasan na ang sahurang-pang-aalipin ng mas mahusay na sistema kung saan ang mga manggagawa, at iba pang mga aping uri at pangkat, ay hindi na mamumuhay bilang mga alipin.

Workers should therefore join and strengthen both unions/federations and political organizations such as BMP. Both are necessary for them to fight for their interests and improve their lives. Each depends on the other to achieve their goals.

Kung gayon ay dapat sumali at palakasin ng mga manggagawa ang mga unyon / pederasyon at pampulitikang organisasyon tulad ng BMP. Kinakailangan ang mga iyon upang ipaglaban ang kanilang interes at mapaunlad ang kanilang mga buhay. Nakasalalay iyon sa bawat isa upang makamit ang kanilang layunin.

If workers only join and strengthen unions/federations and refuse to join and strengthen political organizations such as the BMP, then it is likely that any gains or any victories they may win within their own companies or industries will just be taken or stolen back from them outside their companies and industries as capitalists use their political power to pass on the costs of increased wages back to workers in the form of higher prices or reduced social services or to pass anti-union laws or measures that could make it harder for unions to organize. And even if they do succeed in winning victories in the form of higher wages or better benefits, they will still remain unfree and unable to develop their potential as human beings since they will continue to have to work and devote a large part of their lives producing wealth for capitalists.

Kung sasali lamang ang mga manggagawa at magpapalakas ng mga unyon / federasyon subalit tumangging sumali at palakasin ang mga organisasyong pampulitika tulad ng BMP, malamang na ang anumang natamo o nakamit na tagumpay sa loob ng kanilang kumpanya o industriya ay babawiin lamang o aagawin sa kanila sa labas ng kanilang kumpanya at industriya sapagkat gagamitin ng mga kapitalista ang kanilang kapangyarihang pampulitika upang ipasa ang mga gastos ng mas mataas na sahod pabalik sa mga manggagawa sa anyo ng mas mataas na presyo o pinababang mga serbisyong panlipunan o upang ipasa ang mga batas laban sa unyon o mga hakbang na maaaring maging mas mahirap para sa mga unyon na organisahin. At kahit kamtin nila ang mga tagumpay sa  anyo ng mas mataas na sahod o mas mabuting benepisyo, mananatili silang walang kalayaan at hindi mapauunlad ang kanilang kakayahan bilang tao dahil patuloy pa silang magtrabaho at itinatalaga ang malaking bahagi ng kanilang buhay sa pagyaman ng mga kapitalista.

At the same time, however, the opposite will also not work: If workers only join and strengthen political organizations such as the BMP and refuse to join and strengthen unions/federations, then they are unlikely to win higher wages and better benefits within their own companies, industries or sectors. This is unlikely to build their capacity to fight for even larger gains or to develop their ability to build and seize political power to abolish wage-slavery and create a new society. Should this happen, they will not only remain in chains, their chains will be tighter and more unbearable—a condition which will not help them struggle for and achieve freedom. In short: they will not only remain as slaves, they will continue to be poorly-paid slaves, constrained not only from loosening but also from breaking their chains altogether.

Gayunpaman, kasabay nito, ang kabaligtaran ay hindi rin gagana: Kung ang mga manggagawa ay sumasali at nagpapalakas ng mga pampulitikang organisasyon tulad ng BMP at tumangging sumali at magpalakas ng mga unyon / federasyon, maaaring hindi nila maipanaloa ng mas mataas na sahod at mas magandang benepisyo sa kanilang sarili kumpanya, industriya o saray. Malamang na hindi nila maisulong ang kanilang kakayahang lumaban lalo na sa mas malaking panalo o mapaunlad ang kanilang kakayahang magtatag at matanganan ang kapangyarihang pampulitika upang pawiin ang sahurang pang-aalipin at lumikha ng isang bagong lipunan. Sakali mang mangyari ito, hindi lamang sila mananatiling nakatanikala, mas lalong hihigpit ang kanilang tanikala at mas hindi kakayanin - isang kalagayang hindi makatutulong sa kanilang pakikibaka upang kamtin ang kalayaan. Sa madaling salita: hindi lamang sila mananatiling alipin, kundi aliping hindi pinasasahuran ng tama, napipigilan hindi lamang sa pagluwag kundi pati na rin sa pagwasak ng kanilang mga tanikala sa kabuuan.

How is the BMP different from other workers’ political organizations?

Paano nagkakaiba ang BMP sa iba pang mga pulitikal na kapisanan ng mga manggagawa?

BMP welcomes, supports, and commits to building unity with other workers’ political organizations, but it also asserts its autonomy from and go beyond them because it has a different goal and a different strategy for achieving that goal.

Tinatanggap, sinusuportahan, at pinaninindigan ng BMP ang pakikipagkaisa sa iba pang pampulitikang organisasyon ng manggagawa, ngunit iginigiit din nito ang kanyang awtonomya mula sa at higit pa sa mga ito dahil may iba itong layunin at ibang estratehiya upang kamtin ang layuning iyon.

Like other workers’ political organizations, such as the Federation of Free Workers (FFW) or the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Kilusang Mayo Uno (KMU), or SENTRO, the BMP fights for higher wages, better benefits, or improved working conditions for workers.

Tulad ng iba pang pampulitikang organisasyon ng manggagawa, tulad ng Federation of Free Workers (FFW), the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Kilusang Mayo Uno (KMU), o SENTRO, ipinaglalaban ng BMP ang mas mataas na sahod, mas magandang benepisyo, o mas mapabuti ang kalagayan sa trabaho ng mga manggagawa.

But, unlike organizations such as the FFW and the TUCP, BMP does not only aim to secure better pay or better working conditions for workers—its larger aim is to free workers and other oppressed classes and groups from the clutches of wage-slavery and capitalist exploitation. BMP believes that workers’ interests are not reducible to salary increases or more generous benefits; their broader interest is in achieving true freedom and full human development. This interest could not be advanced just by reforming capitalism, as welcome as reforms may be; it could only be advanced by abolishing capitalism and, thus, by ending capitalist rule. More like such political organizations such as KMU or SENTRO, BMP aims at replacing capitalism with socialism.

Subalit kaiba sa mga organisasyon tulad ng FFW at TUCP, hindi lamang nilalayon ng BMP ang katiyakan sa mas maayos na pasahod o mas mabuting kalagayan sa paggawa – ang mas malaking layunin nito ay ang palayain ang mga manggagawa at iba pang aping uri at pangkat mula sa kuko ng sahurang pang-aalipin at kapitalistang pagsasamantala. Naniniwala ang BMP na ang interes ng mga manggagawa ay hindi mapaliliit ng paglaki ng sahod o mas masaganang benepisyo; ang mas malawak nilang interes ay ang pagkakamit ng totoong kalayaan at ganap na pag-unlad ng tao. Hindi maisusulong ang interes na ito sa pagpapakinis lamang ng tanikala ng kapitalismo, kundi sa pagputol sa gintong tanikala ng kapitalismo, na siyang magwawakas sa paghahari ng mga kapitalista. Higit na tulad ng mga organisasyong pampulitika tulad ng KMU o SENTRO, nilalayon ng BMP na ang kapitalismo'y mapalitan ng sosyalismo.

Unlike these other organizations which also claim to aspire for socialism, however, we do not believe that the road to socialism must pass through either “social democracy,” as SENTRO members hold, or through “national democracy,” as KMU members claim.

Hindi tulad ng ibang organisasyong ito na nagsasabing nangangarap din ng sosyalismo, hindi kami naniniwalang ang landas patungong sosyalismo ay tutungo sa “panlipunang demokrasya”, tulad ng tinatanganan ng mga kasapi ng SENTRO, o sa pamamagitan ng “pambansang demokrasya”, na sinasabi naman ng mga kasapi ng KMU.

In contrast to SENTRO members, we do not believe that reforms within capitalism will simply accumulate and build up towards socialism and, thus, that workers should simply ally with reform-minded capitalists and elites and penetrate or take over the capitalist state to push for reforms and create a kind of social-democratic welfare state like those in Western Europe.

Kabaligtaran sa mga kasapi ng SENTRO, hindi kami naniniwalang ang pagreporma sa kapitalismo ay dahilan ng pagtitipun-tipon at magbubuo patungong sosyalismo, kaya ang mga manggagawa ay makikipagtulungan lamang sa mga kapitalista’t elitistang nag-iisip ng reporma at makapasok o palitan ang kapitalistang estado upang maitulak ang mga reporma at malikha ang isang tipo ng estadong ang kapakanan ay sosyal-demokratiko tulad ng nasa Kanlurang Europa.

While we welcome and supports reforms within the framework of capitalism, we reject the view that said reforms will necessarily lead towards socialism. Unless such reforms undermine the economic and political power of the bourgeoisie and unless we use them to heighten popular antagonisms against the bourgeoisie, they will only lead to the further consolidation of bourgeois rule and to heightened divisions and competition among workers, thereby further perpetuating rather than ending the exploitation of workers and nature.

Bagamat tinatanggap at sinusuportahan natin ang mga reporma sa loob ng balangkas ng kapitalismo, tinatanggihan natin ang pananaw na ang mga nasabing reporma'y tiyak na hahantong sa sosyalismo. Maliban kung ang mga repormang ito ay nagpapahina sa kapangyarihang pang-ekonomya at pampulitika ng burgesya at maliban kung gagamitin natin ito upang mapalawak ang mga litaw na antagonismo laban sa burgesya, hahantong lamang sila sa higit pang pagsasama ng paghahari ng burgesya at mas patindihin ang pagkakahati at kumpetisyon ng mga manggagawa, sa gayon ay higit na magpatuloy sa halip na mawakasan ang pagsasamantala sa mga manggagawa at kalikasan.

More like KMU members, we believe that socialism can only be achieved not through reformist campaigns within a bourgeois-dominated political system but through revolutionary mobilization against such a system—that is, by seizing political power, dismantling the capitalist state and establishing a very different, because socialist, state altogether.

Tulad ng mga kasapi ng KMU, naniniwala kaming makakamit lamang ang sosyalismo hindi sa pamamagitang ng kampanyang repormista sa loob ng pampulitikang sistemang pinangingibabawan ng burgesya, kundi sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pagpapakilos laban sa gayong sistema – sa pamamagitan ng pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan, paglansag sa kapitalistang estado at pagbubuo ng isang sadyang naiiba, dahil sosyalistang, estado.

In contrast to KMU, however, we do not believe that Philippine society could still be characterized as “semi-feudal” and “semi-colonial” and hence, that the goal of revolutionary mobilization should be to first go through the stage of capitalism—that is, to first ally with the so-called “national bourgeoisie” against the “imperialist countries,” and establish a kind of “national capitalism” first before proceeding to establish socialism. In line with this, we also do not believe that the peasantry constitute the revolutionary forces today.

Gayunman, kabaligtaran sa KMU, hindi kami naniniwala na ang lipunang Pilipino ay semipyudal at semikolonyal pa rin at samakatuwid, na ang layunin ng rebolusyonaryong pagpapakilos ay dapat na unang dumaan sa yugto ng kapitalismo - na makipagtulungan muna sa mga tinatawag na “pambansang burgesya” laban sa “mga bansang imperyalista”, at matatag ang isang tipo ng “pambansang kapitalismo” bago tumungo sa pagtatatag ng sosyalismo. Kasunod nito, hindi rin kami naniniwalang ang mga magsasaka ang bumubuo sa mga rebolusyonaryong pwersa ngayon.

We believe that, though remnants of feudal relations remain, Philippine society has actually become a backward but still predominantly capitalist society, closely plugged into the circuits of global capitalism. The goal of revolutionary mobilization should therefore no longer be to establish the conditions for capitalism but to move towards socialism at both the national and global levels. And while the peasantry should of course be mobilized by championing their demands, it is the workers—the only ones who could bring capitalists to their knees and to the negotiating table by withholding their collective labor—who could be counted upon as the revolutionary forces.

Naniniwala tayo, kahit nananatili ang mga labi ng pyudal na ugnayan, ang lipunang Pilipino sa katunayan ay paurong subalit nananatiling lipunang kapitalista, na pasok na pasok sa salikop ng pandaigdigang kapitalismo. Layunin ng rebolusyonaryong pagpapakilos ay hindi na ang pagtatag ng mga kondisyon para sa kapitalismo kundi upang tumungo na sa sosyalismo sa antas pambansa at pandaigdigan. At habang pinapakilos din natin ang mga magsasaka sa pagtataguyod ng kanilang mga kahilingan, ang ating maaasahan bilang pwersang rebolusyonaryo ay ang mga manggagawa - ang tanging uring magpapaluhod sa mga kapitalista at magdadala sa hapag ng negosasyon sa pamamagitan ng pagtangan sa kanilang kolektibong lakas-paggawa.

While we too oppose imperialism and support moves to curtail the ability of foreign capital to exploit Filipino workers, we believe that all capitalists—“national” or “foreign”—need to be opposed. Our enemies include the bourgeoisie of all countries, chief among them those from the dominant advanced capitalist states who use their power to dominate and exploit other countries—not the proletariat and the other oppressed classes of other countries—as well as the bourgeoisie in the Philippines. Allying with “our” so-called “national bourgeoisie” in the name of “national democracy” will only pit us against our fellow workers abroad. It will lead to the further exploitation of workers and the environment, to the empowerment and consolidation of bourgeous rule, and to the splintering of the working-class movement here and abroad, thus moving us away from rather than bringing us closer toward socialism.

Habang nilalabanan din natin ang imperyalismo at sinusuportahan ang mga pagkilos upang putulin ang kakayahan ng puhunan na pagsamantalahan ang manggagawang Pilipino, naniniwala kaming ang lahat ng kapitaista – makabayan man o dayuhan – ay dapat labanan. Kasama sa ating mga kaaway ang mga burgesya ng lahat ng lupain, pangunahin sa kanila yaong mula sa mga dominanteng estado ng mga abanteng kapitalista na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang mangibabaw at pagsamantalahan ang ibang bansa – hindi ang proletaryado at iba pang aping uri ng ibang bansa – kundi pati na burgesya sa Pilipinas. Ang pagkampi sa “ating’ tinatawag na “pambansang burgesya” sa ngalan ng “pambansang demokrasya” ay inilalaban lamang tayo laban sa ating kapwa manggagawa sa ibayong dagat. Hahantong ito sa higit pang pagsasamantala sa manggagawa at sa kapaligiran, tungo sa pagpapalakas at pagpapatatag ng paghahari ng burgesya, at sa paghihiwa-hiwalay ng kilusan ng uring manggagawa rito at sa ibayong dagat, kaya inilalayo tayo sa halip na paglapit-lapitin patungong sosyalismo.

For BMP members, workers in the Philippines must work with workers in all countries to seize political power in all countries, take over states, and immediately establish not “national capitalisms” but socialism at both the national and global levels.

Para sa mga kasapi ng BMP, ang mga manggagawa sa Pilipinas ay dapat makipagkaisa sa mga manggagawa ng lahat ng bansa upang makubkob ang pulitikal na kapangyarihan, masakop ang mga estado, at agarang maitatag hindi ang "pambansang kapitalismo" kundi sosyalismo sa pambansa at pandaigdigang antas.

What has the BMP achieved?

Ano ang mga nakamit ng BMP?

Since its establishment in 1993, BMP has spearheaded campaigns and mobilizations that have at least prevented workers’ lives from further deteriorating.

Simula nang maitatag ito noong 1993, pinangunahan ng BMP ang mga kampanya at mobilisasyon na kahit papaano'y nakapagpapigil upang di tuluyang malugmok ang buhay ng mga manggagawa.

In 1993, for example, BMP took the lead in forming the Labor Alliance for Wage Increase (LAWIN 35), a broad alliance of labor organizations which vigorously campaigned for a P35.00 across-the-board increase in the minimum wage. The government yielded and gave the workers a P25.00 wage increase. The following year, BMP initiated the formation of the multisectoral Kilusang Roll Back or KRB (Rollback Movement) which successfully campaigned for the roll back of oil prices. Then President Ramos was forced to rollback the price of oil products by an average of P1.00 per liter.

Noong 1993, halimbawa, pinangunahan ng BMP ang pagbubuo ng Labor Alliance for Wage Increase (LAWIN 35), isang malawak na alyansa ng mga kapisanan ng paggawa na masiglang nangampanya para sa P35.00 pantay-pantay na pagtaas ng pinakamababang pasahod. Bumigay ang pamahalaan at nagbigay sa manggagawa ng P25.00 taas sa pasahod. Nang sumunod na taon, pinangunahan ng BMP ang pagbubuo ng multisarayal na Kilusang Roll Back o KRB na matagumpay na nangampanya upang mapababa ang presyo ng langis. Kaya napilitan si Pangulong Ramos na ibaba ang presyo ng mga produktong langis sa katampatang P1.00 kada litro.

In 1995, BMP was involved in mobilizing as many as 80,000 people in a protest march against the proposal to implement the expanded value-added tax system. In 2001, it organized workers to be part of the movement calling for the then President Estrada’s ouster under the “Resign all!” banner. Then in subsequent years, it initiated the formation of political parties that fielded and successfully campaigned for candidates from the working classes in the national elections.

Noong 1995, nadawit ang BMP sa pagmobilisa ng higit sa 80,000 katao sa martsa-protesta laban sa panukalang ipatupad ng sistemang pinalawak na value-added tax (E-VAT). Noong 2001, inorganisa nito ang mga manggagawa upang maging bahagi ng kilusang nananawagan ng pagpapatalsik sa noo'y Pangulong Estrada sa ilalim ng panawagang "Resign All!" Nang sumunod na mga taon, pinasimulan nito ang pagbubuo ng mga partido pulitikal na nagpatakbo at matagumpay na nangampanya para sa mga kandidato mula sa uring manggagawa sa mga pambansang halalan.

Since then, BMP has engaged in numerous campaigns against oil deregulation, anti-strike directives, contractualization, mining and other environmentally-destructive policies, and other anti-worker and anti-people measures. It has also supported various local struggles by unions fighting for workers’ rights—including through daring direct actions such as taking over and occupying the offices of the Labor Secretary.

Magmula noon, nagsasagawa ang BMP ng di-mabilang na kampanya laban sa deregulasyon ng langis, mga diketiba laban sa welga, kontraktwalisasyon, pagmimina at iba pang patakarang nakasisira sa kalikasan, at iba pang patakarang laban sa manggagawa at mamamayan. Sinusuportahan din nila ang samutsaring pakikibakang lokal ng mga unyon na nakikibaka para sa mga karapatan ng manggagawa – kabilang na ang mga mapangahas na direktang pagkilos tulad ng pagsakop at pag-okupa ng mga opisina ng Kalihim ng Paggawa.

Not all of these campaigns and efforts managed to stop anti-worker policies from being implemented. But they still contributed to strengthening the workers’ movement by bringing workers together to engage in political—as opposed to only economic—struggles outside their factories, by highlighting the deeper systemic roots of the problems workers face, and by demonstrating the need for systemic alternatives.

Ngunit di lahat ng mga kampanya at pagsisikap na ito ay nakapigil sa pagpapatupad ng mga polisiyang laban sa mga manggagawa. Subalit ang mga ito’y nakapag-ambag pa rin sa pagpapalakas ng kilusang manggagawa sa pagkakapitbisig ng mga manggagawa upang makibakang pulitikal – na di lamang pang-ekonomya – sa labas ng kanilang mga pagawaan, sa pamamagitan ng pagpapatampok sa mas malalim na sistemikong ugat ng mga suliraning kinakaharap ng manggagawa, at sa pagpapakita ng pangangailangan ng sistemikong alternatiba.

What are the challenges faced by BMP today?

Ano ang mga kinakaharap na hamon ng BMP sa kasalukuyan?

Despite BMP’s success in helping build a radical working-class movement and providing an alternative anti-systemic and internationalist banner, BMP and the broader workers’ movement faces formidable obstacles to achieving our goals today.

Sa kabila ng mga tagumpay ng BMP sa pagtatatag ng radikal na kilusan ng uring manggagawa at paglalaan ng alternatiba, laban-sa-sistema at internasyunalistang diwa, nahaharap sa mabibigat na balakid ang BMP at ang mas malawak na kilusang manggagawa sa pagkakamit ng ating mga layunin sa kasalukuyan.

Thanks to the intensifying global competition among capitalists as a result of the global economy’s downward spiral since the 1970s, and the Philippine and other government’s aggressive efforts to promote “free trade” and other neoliberal, anti-worker policies in response to this stagnation, so many factories have closed down and transferred to countries with ‘cheaper’ labor supplies and more pro-business policies, thereby leaving so many workers in the Philippines unemployed or forced to look for other non-unionized jobs here or abroad.

Salamat sa tumitinding kumpetisyong global sa pagitan ng mga kapitalista bilang resulta ng paikid na pagbulusok ng pandaigdigang ekonomya mula pa noong 1970, at ang mabalasik na pagsisikap ng Pilipinas at ng iba pang pamahalaan upang itaguyod ang "malayang kalakalan" at iba pang polisiyang neoliberal at laban-sa-manggagawa bilang tugon sa ganitong kawalang-pagsulong, maraming pabrikang isinara at inilipat sa mga bansang may "mas murang" lakas-paggawa at mas maka-negosyong polisiya, kaya maraming mga manggagawa sa Pilipinas ay naiwang walang trabaho o napilitang maghanap ng iba pang trabahong hindi-unyonisado dito sa bansa o sa ibayong dagat.

And due to the government’s relentless efforts to attract investments by promoting “contractualization” and by attacking the limited workers’ protections workers have won out of struggle, many of the tens of thousands of workers who have entered the workforce in recent years have ended up not being able to join or form unions because they are “contractual” or because their employers have found new, legal means by which to crush unions and prevent workers’ from being organized.

At dahil sa walang humpay na pagsisikap ng pamahalaan upang makaakit ng mga mamumuhunan sa pagtataguyod ng "kontraktwalisasyon" at sa pag-atake sa kakaunti na nga lang na proteksyon sa manggagawa na kanilang ipinagtagumpay sa tunggalian, marami sa libu-libong manggagawang pumasok sa trabaho ng mga nakaraang taon ay hindi nakasapi o nakapagtayo ng unyon dahil sila ay mga "kontaktwal" o dahil ang kanilang employer ay nakatagpo ng bagong pamamaraang ligal na makapagdudurog sa unyon at pipigil sa mga manggagawa upang maging organisado.

The result has been a precipitous decline in the already small number of organized workers in the country: If in 1996, for example, only 3.646 million out of 12.649 million wage workers were unionized and 542,223 were covered by collective bargaining agreements (CBAs), by 2014, only 1.874 million out 22.555 million wage-workers were unionized and only 257,406 were covered by CBAs. In short: the number of wage-workers doubled but the number of unionized workers was halved!

Ang resulta ay ang matalurok na pagbaba ng mababa nang bilang ng mga manggagawang organisado sa bansa. Kung noong 1996, halimbawa, 3,646,000 lamang ng 12,649,000 na sahurang manggagawa ang unyonisado at 542,223 lang ang sakop ng collective bargaining agreement (CBA), noong 2014, 1,874,000 lamang ng 22,555,000 sahurang manggagawa ay unyonisado at 257,406 lamang ang may CBA. Sa madaling salita, dumoble ang bilang ng sahurang manggagawa ngunit ang bilang naman ng manggagawang unyonisado ay nangalahati!

This could spell disaster for the working-class movement. Without belonging to unions, workers will become even more vulnerable to capitalists’ attempts to reduce real wages, unable to roll back or fight against even more anti-workers’ legislation that the government continues to press. Without belonging to unions, workers will become even harder to reach and organize in larger political fights such as against the looming formal or de facto authoritarianism being put in place by the current administration.
Ito’y maaaring maging kapahamakan para sa kilusan ng uring manggagawa. Kung hindi kabilang sa mga unyon, mas magiging lantad sa pagsasamantala ang mga manggagawa sa mga tangka ng kapitalista upang mapababa ang tunay na sahod, na di na maibalik sa dati, o makibaka laban sa mga batas na mas marahas sa manggagawa na patuloy na inuudyok ng pamahalaan. Kung hindi kabilang sa mga unyon, mas mahirap mapuntahan at maorganisa ang mga manggagawa sa mas malalaking pakikibakang pulitikal tulad ng bantang diktadura na inilalatag ng kasalukuyang administrasyon.

Moreover, this could become a vicious cycle which could further weaken the working-class movement: If fewer and fewer workers join unions, there could also be less and less resources that could be devoted for organizing workers or for deploying organizers to factories to help embattled workers form unions, thus making it even harder to form unions.

Dagdag pa, ito’y maaaring maging mapanirang siklo na maaaring lalong magpahina sa kilusan ng uring manggagawa: Kung paunti nang paunting manggagawa ang sumasapi sa unyon, maaaring paunti na rin ang mga rekursong kinakailangan sa pag-oorganisa ng manggagawa o sa pagtatalaga ng mga organisador sa mga pabrika upang tulungan ang mga palabang manggagawa upang magbuo ng mga unyon, sa gayon ay mas humirap pa ang pagbubuo ng mga unyon.

The result could be the continued decimation of the organized working-class movement—unable to mobilize in large numbers to fight for better pay for wage-slaves, let alone to end the system of wage-slavery that dehumanizes workers.

Ang resulta ay maaaring ang patuloy na pagkawasak ng mga organisadong kilusan ng uring manggagawa - na di magawang mamobilisa ang malaking bilang ng manggagawang lumalaban para sa mas mabutng pasahod para sa mga sahurang-alipin, hayaan nang magwakas ang sistema ng sahurang pang-aalipin na nagpapababa sa pagkatao ng manggagawa.

But this could also open up opportunities: With workers continuing to face threats to their living conditions as capitalists snatch back the victories they had earlier gained, with the government unable to fulfill its promises to improve workers’ lives, and with the liberal or “yellow” as well as the other more militant parties or workers’ organizations unable to provide real solutions to the crisis, the conditions are also ripe for more and more workers to join the “defensive” struggle to protect their interests within the framework of capitalism—as well as the more “offensive” struggle to advance their interests outside the framework of capitalism.

Subalit maaari din itong magbukas ng mga oportunidad: Ang mga manggagawang patuloy na nahaharap sa banta sa kanilang kalagayang mabuhay habang inaagaw ng mga kapitalista ang kanilang mga nakamit na tagumpay, kasama ang pamahalaang hindi kayang tumupad sa mga iinangako nito upang umunlad ang buhay ng mga manggagawa, kasama na ang mga liberal o "dilawan" pati na ang iba pang mas militanteng partido o kapisanan ng manggagawa na hindi makapagbigay ng tunay na kalutasan sa krisis, hinog na rin ang kalagayan upang parami ng parami ang mga manggagawang sumasama sa pakikibakang "depensibo" upang protektahan ang kanilang interes sa loob ng balangkas ng kapitalismo - pati na ang mas "opensibang" pakikibaka upang isulong ang kanilang interes sa labas ng balangkas ng kapitalismo.

Over twenty million wage-workers are non-unionized and unorganized: that is far too many workers that we could organize and enjoin towards our movement. The other alternative political forces are discredited or are losing legitimacy: the “yellows” have little credibility because of the Aquino government squandering the goodwill and hope the people gave them by continuing to pursue neoliberal policies, while the other “reds” are now losing credibility because of their alliance with the also neoliberal (and increasingly authoritarian) Duterte government. This presents a rare opportunity to present a real alternative.

Mahigit sa dalawampung milyong sahurang manggagawa ang hindi unyonisado at hindi organisado: napakaraming manggagawa niyan na ating maoorganisa at mapapasapi sa ating kilusan. Hindi pinaniniwalaan o nawawalan na ng pagkalehitimo ang iba pang alternatibong pwersang pulitikal: ang mga "dilaw" ay may kaunti na lang kredibilidad sapagkat nang itinuloy ng pamahalaang Aquino ang mga polisiyang neoliberal ay sinayang na nito ang tiwala at pag-asang ibinigay ng mga tao sa kanila, habang ang ibang "pulahan" ay nawawalan na ngayon ng kredibilidad dahil sa kanilang pakikipag-alyansa sa neoliberal din (at nagiging awtokratikong) pamahalaang Duterte. Naglalatag ito ng pambihirang oportunidad na maglatag ng tunay na alternatiba.

What should we do?

Anong dapat nating gawin?

We should face the danger by seizing the opportunity. Now is the time to step up our efforts to organize workers, develop their class-consciousness and rebuild their self-organization so as to enhance their capacity to change the system and establish a new society.

Dapat nating harapin ang panganib sa pamamagitan ng pagsunggab sa pagkakataon. Ngayon na ang panahon upang pagsikapan nating organisahin ang mga manggagawa, paunlarin ang kanilang makauring kamalayan at muling itatag ang nagsasarili nilang kapisanan upang mas mapahusay pa ang kanilang kakayanan upang baguhin ang sistema at magtatag ng bagong lipunan.

To do this, we need to intensify our efforts to establish and strengthen unions and federations to fight for workers’ rights at the level of the factory or the industry. But at the same time, we also need to intensify our efforts to establish and strengthen our political organization, BMP. Both should go together because the stronger our unions and federations, the stronger and more effective BMP is; the stronger and more effective BMP is, the stronger our unions and federations.

Upang magawa ito, kailangang patindihin natin ang ating mga pagsisikap upang maitatag at mapalakas ang mga unyon at pederasyon upang ipaglaban ang karapatan ng manggagawa sa antas ng pabrika o sa industriya. At kasabay nito, dapat din nating patindihin ang ating mga pagsisikap na matitatag at mapalakas ang ating kapisanang pulitikal, ang BMP. Dapat na sabay sila sapagkat kung gaano kalakas ang ating mga unyon at pederasyon ay gayon din kalakas at kaepektibo ang BMP; kung gaano kalakas at mas epektibo ang BMP, gayon din kalakas ang ating mga unyon at pederasyon.

In practice, this means devoting more of our limited energies and resources towards the basic task of organizing unions and federations by deploying more BMP organizers to form unions where there are none or to sustain and enhance their effectiveness where they exist; by organizing a massive educational campaign to counter the propaganda and mis-education campaign of capitalists and coopted workers’ groups; and by mobilizing against existing or proposed government measures that make it harder to form and sustain unions and federations.

Sa praktika, nangangahulugan itong pag-uukol n gating limitadong lakas at rekurso tungo sa batayang tungkuling organisahin ang mga unyon at pederasyon sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mas maraming organisador ng BMP upang magtayo ng mga unyon sa mga walang unyon o upang suportahan at mapahusay ang kanilang pagiging epektibo kung saan sila kumikilos; sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng malawakang kampanyang edukasyon upang makontra ang mga propaganda at kampanyang edukasyong taliwas ng mga kapitalista at mahawakan sa leeg ang mga pangkat ng manggagawa; at sa pagmomobilisa laban sa mga umiiral at panukalang patakaran ng pamahalaan na lalong nagpapahirap sa pagtatag at pagpapanatili ng mga unyon at pederasyon.

At the same time, however, this means escalating our attempts to develop socialist individuals and socialist groups or “buklods” in as many factories—especially in the strategic sectors. These individuals and their buklods—the basic unit of BMP—should then step up their attempts to create or strengthen the unions or federations in their factories or sectors. They should create an independent force within each company, pushing, supporting—and when necessary, putting pressure on—the union leadership to struggle for workers’ rights at the local, national, and global levels. Without these buklods, few unions will be established and the ones that do get established may well end up being trapped in “economism,” concerned only to advance their own particular interests rather than the interests of the working class and the other oppressed classes and groups. They are likely to coopted by management or drawn towards the yellow, compromised forces; worse, they are likely to end up being corrupted, acting as “labor aristocrats” who will defend the very system exploiting their fellow workers.

Gayunman, kasabay nito, nangangahulugan itong pagpapatindi n gating pagtatangkang magpaunlad ng mga indibidwal na sosyalista at mga sosyalistang pangkat o “buklod” sa maraming pagawaan – lalo na sa mga istratehikong sector. Ang mga indibidwal na ito at ang kanilang buklod – ang batayang yunit ng BMP – ay dapat magpanimulang hakbang sa kanilang tangkang makalikha o makapagpatibay ng mga unyon o pederasyon sa kanilang mga pabrika o sector. Dapat nilang malikha ang isang independyenteng pwersa sa loob ng bawat kampanya, pagtutulak, pagsuporta – at kung kinakailangan, brasuhin ang liderato ng unyon upang makibaka para sa karapatan ng mga manggagawa sa antas-lokal, pambansa at pandaigdig. Kung wala ang mga buklod na ito, iilang unyon lang ang maitatatag at yaong mga naitatag na’y baka mabuslo sa “ekonomismo”, na nakatutok lang sa pagsusulong ng kanilang sariling partikular na interes imbes na interes ng buong uring manggagawa at ng ibang aping uri at pangkat. Sila’y maaaring masakal ng tagapamahala o tumungo sa mga pwersang sipsip at dilawan; ang malala, sila’y maging tiwali, na umaakto bilang “aristokrata sa paggawa” na pinakikintab lang ang sistemang mapagsamantala sa kapwa manggagawa imbes na putulin ito.

Only by engaging in both “economic” and “political” struggles inside and outside factories can we avert the current and present danger we face: a more authoritarian, if not altogether fascist, and therefore anti-worker and anti-socialist regime that will perpetuate—and even intensify—the exploitation of workers and other oppressed groups. Only by simultaneously engaging in both “defensive” and “offensive” campaigns at the local, national and global levels can we create the ground for a new, more liberating society.


Tanging sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pakikibakang "pang-ekonomiya" at "pampulitika" sa loob at labas ng pabrika ay mapipigilan natin ang kasalukuyang panganib na ating kinakaharap: isang pamumunong awtoritaryan, kung hindi man pasista, at samakatuwid ay rehimeng laban sa manggagawa at laban sa sosyalista, na magpapanatili - at magpapatindi - sa pagsasamantala sa mga manggagawa at iba pang aping pangkat. Tanging sa sabay-sabay na pagharap sa "depensiba" at "opensibang" kampanya sa lokal, pambansa at pandaigdigagang antas maaari nating mailatag ang landas para sa isang bago, at mas mapagpalayang lipunan.

Miyerkules, Hulyo 12, 2017

Salin ng Call for National Conference Against Dictatorship

CALL FOR A NATIONAL CONFERENCE AGAINST DICTATORSHIP
20-21 July 2017

PANAWAGAN PARA SA ISANG PAMBANSANG KUMPERENSYA LABAN SA DIKTADURA
20-21 Hulyo 2017

Since he assumed office, President Rodrigo Duterte has still failed to fulfill his promise to “provide for those who have little”: Workers still continue to receive low wages and experience job insecurity because he has failed to fulfill his vow to end contractualization. Small farmers and peasants still suffer from landlessness and rural distress because he has refused to carry out land reform and prevent land grabs. Even middle-class professionals suffer from the high cost of living, inadequate and poor public services, and worsening pollution because he has refused to strengthen the regulation of the market and to pursue progressive taxation. Women and LGBTs, in particular, continue to suffer more as a result of his failure to significantly reduce poverty and improve people’s well-being.

Mula nang siyang maupo sa pwesto, nananatiling bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang kanyang pangakong "maglaan para sa mga kapos": Patuloy na nakatatanggap ng mababang sahod ang mga manggagawa at nakararanas ng kawalan ng katiyakan sa trabaho dahil nabigo siyang tupdin ang kanyang panatang wakasan ang kontraktwalisasyon. Patuloy na nagdurusa sa kapighatian at kawalan ng lupa ang mga maliliit na magsasaka't pesante dahil ayaw niyang isagawa ang reporma sa lupa at masawata ang pang-aagaw ng lupa. Kahit na ang mga panggitnang uring propesyunal ay nagdurusa sa mataas na halaga ng pamumuhay, di sapat at di mabuting serbisyo sa bayan, at lumalalang polusyon dahil ayaw niyang palakasin ang patakaran ng pamilihan at isagawa ang progresibong pagbubuwis. Sa partikular, patuloy na nagdurusa ang mga kababaihan at LGBT  dahil sa kabiguan niyang mabawasan ang kahirapan at mapabuti ang kapakanan ng mga tao.

Unable or unwilling to carry out the social reforms needed to keep the support of those who placed their hopes in him, Duterte has instead been laying the ground for a more repressive regime--for the restoration of dictatorship in the country.

Di kaya o ayaw isagawa ang mga repormang panlipunang kinakailangan upang manatili ang suporta ng mga umaasa sa kanya, sa halip ay inilalatag ni Duterte ang mas mapanupil na rehimen - para sa pagbabalik ng diktadura sa bansa.

After burying Ferdinand Marcos’ remains at the national heroes’ cemetery and helping Bongbong Marcos in his bid to become vice president, Duterte has now placed the entire Mindanao--and threatened to place the entire country--under martial law. Today, we may now be just one “security crisis” away from outright military rule.

Matapos ilibing ang labi ni Ferdinand Marcos sa libingang para sa mga bayani at matulungan si Bongbong Marcos sa kagustuhan nitong maging pangalawang pangulo, inilagay ni Duterte ang buong Mindanao - at nagbantang ilalagay din ang buong bansa - sa ilalim ng batas-militar. Sa ngayon, isang hakbang pa patungo sa "krisis sa saguridad" upang mailagay ang buong bansa sa pamamahalang militar.

If that happens, ordinary people like us--those who have never fully enjoyed “democracy” despite the end of the Marcos dictatorship--will be the first to suffer. Not only will our already limited freedoms be further restricted, our ability to defend our rights and to fight for more substantive social transformations will also be further curtailed. We may find it harder to march on the streets, to carry out strikes--or even just to hold meetings or talk to each other. We may be further vilified as “enemies” of the people. And worse, we might even be arrested, imprisoned, tortured, or “disappeared.”

Pag nangyari ito, ang mga karaniwang taong tulad natin - na hindi pa talagang natatamasa ang "demokrasya" bagamat nagwakas na ang diktadurang Marcos - ang siyang unang magdurusa. Hindi lamang lalo pang malilimitahan ang dati nang limitadong kalayaan, masasagkaan pa ang kakayahan nating maipagtanggol ang ating mga karapatan at makibaka para sa mas makabuluhang pagbabagong panlipunan. Maaaring mahirapan na tayong magmartsa sa lansangan, ang magsagawa ng welga - o kaya'y maglunsad ng mga pulong o mag-usap-usap. Maaaring ituring pa tayong "kaaway" ng sambayanan. At ang matindi, maaari pa tayong dakpin, ipiit, matortyur o "maiwala".

And yet, opposition to dictatorship remains weak. Both of the dominant opposition forces in the country, the liberals and the national democrats, have so far refused or failed to provide the leadership needed to rally our people against the threat of our dictatorship.

Subalit nananatiling mahina ang mga sumasalungat sa diktadura. Ang mga nangungunang pwersang oposisyon sa bansa, ang mga liberal at ang mga pambansang demokrata, ay ayaw o bigong pamunuan ang sambayanan laban sa banta ng diktadura.

Faced with the threat of dictatorship and with the inability or refusal of the more powerful opposition forces to lead the opposition, we ordinary people--those of us who have suffered from neoliberalism and the elite democracy that paved the way for Duterte--need to come together. We urgently need to create an open, safe, mutually supportive, space to discuss how we can work together to prevent--or if need be, to resist--dictatorship. We need to build the broadest unity against despotism, and we need to establish more effective ways of organizing ourselves.

Nahaharap tayo sa banta ng diktadura at kawalang kakayahan o pagtanggi ng mga pwersang sumasalungat na pamunuan ang oposisyon, tayong mga karaniwang mamamayan, tayong nagdurusa dahil sa neoliberalismo at demokrasyang elitista na nagbigay-daan sa isang Duterte, ay kinakailangang magkaisa. Dapat na agaran tayong makalikha ng espasyong bukas, ligtas, at nagsusuportahan upang makapagtalakayan kung papaano tayo magtutulungan upang ang diktadura ay mapigilan - o kung kinailangan ay labanan. Dapat nating mabuo ang pinakamalawak na pagkakaisa laban sa despotismo, at maitatag ang mas mabisang pamamaraan ng pag-oorganisa ng ating sarili.

This is why we are calling for a National Conference against Dictatorship this July 20-21, at a venue to be announced later, to gather all those groups and individuals who oppose both dictatorship and the elite democracy that gave birth to it.

Ito ang dahilan kung bakit nananawagan tayo para sa isang Pambansang Kumperensya Laban sa Diktadura sa darating na Hulyo 20-21, sa isang lugar na ipahahayag namin sa kalaunan, upang magsama-sama ang lahat ng grupo at indibidwal na tumututol sa diktadura at sa demokrasyang elitista na nagsilang dito.

We are committed to helping build a broad but principled united front not just to block authoritarian rule, but also to fight for meaningful social transformation. We cannot “defend” an inauthentic--and therefore failed--democracy; we need to construct a real democracy on its ruins.


Kami'y naninindigan sa pagbubuo ng isang malawak ngunit prinsipyadong nagkakaisang prente, hindi lamang upang hadlangan ang patakarang awtoritaryan, kundi upang makibaka para sa makabuluhang pagbabagong panlipunan. Hindi namin "maipagtatanggol" ang isang demokrasyang huwad - at kaya nabigo; dapat nating mabuo ang isang tunay na demokrasya mula sa pagkawasak nito.

Salin ng tula ni Charlie Chaplin

SALIN NG TULA NI CHARLIE CHAPLIN Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilason ng kasakiman ang diwa ng tao, na binarikadahan ng poot ang...