Huwebes, Marso 14, 2024

Salin ng akda ni Ka Walden Bello - Is the American Empire Unraveling?

mula sa https://coverstory.ph/is-the-american-empire-unraveling/
IS THE AMERICAN EMPIRE UNRAVELING?
MARCH 10, 2024  BY WALDEN BELLO 

NAGKAKAWATAK-WATAK NA BA ANG IMPERYO NG AMERIKA?
ni Walden Bello
Marso 10, 2024

Malayang salin ni Greg Bituin Jr.

We are not witnessing the last days of the American empire. Its crisis is real, but its trajectory of decline is likely to be protracted and uneven.

Hindi natin nasasaksihan ang mga huling araw ng imperyo ng Amerika. Ang krisis nito ay totoo, ngunit ang trahektorya o nilalandas ng pagbaba nito ay malamang na pangmatagalan at hindi pantay.

After the fall of the Soviet bloc in the early 1990s, the United States stood at the apex of the unipolar world, unrivalled both politically and economically. Some 35 years later, it has become a struggling superpower and has no one to blame but itself for its current deep crisis. 

Matapos magbagsakan ang blokeng Sobyet noong unang bahagi ng 1990, tumindig ang Estados Unidos sa tuktok ng unipolar na mundo, nang walang kapantay kapwa sa pulitika't ekonomiya. Makalipas ang 35 taon, naging nagpupumiglas na superpower ito at walang dapat sisihin kundi sarili nito sa kinakaharap nitong matinding krisis sa kasalukuyan.

The American empire unleashed two major drives in the last three decades, and the consequences of these initiatives have come back to gnaw at its entrails.

Nagpakawala ang imperyo ng Amerika ng dalawang pangunahing puwersa sa nakalipas na tatlong dekada, at ang mga kahihinatnan ng mga hakbanging ito ay bumalik sa pagngatngat sa kaibuturan nito.

The first was neoliberalism, an effort to restructure the US economy and the global economy on free market principles and place few constraints on making profit.  The second was termed “nation-building,” a new collar for an old dog called “imperialism.”  

Ang una'y ang neoliberalismo, ito'y pagsisikap na muling isaayos ang ekonomya ng US at ang pandaigdigang ekonomiya sa pamamagitan ng prinsipyo ng malayang pamilihan at maglagay ng kaunting mga hadlang sa paglikha ng tubo. Ang pangalawa ay tinawag na "pagbuo ng bansa," isang bagong kwelyo para sa matandang aso na tinatawag na "imperyalismo."

There were three major prongs to neoliberalism.  One was structural adjustment—placing as few political and social constraints on the movement of market forces. The second was financialization—making the financial sector the cutting edge of the economy.  The third was globalization—doing away with political, cultural, and social barriers to the free flow of trade and capital.  I will focus my remarks on the third.

Mayroong tatlong pangunahing sungay ang neoliberalismo. Ang isa ay ang pagsasaayos sa istruktura — paglalagay ng kaunting pampulitika at panlipunang hadlang sa paggalaw ng mga pwersa ng pamilihan. Ang ikalawa'y ang pananalapi —  ang sektor ng pananalapi ay ginawang progresibo sa ekonomiya. Ang ikatlo'y ang globalisasyon—pag-aalis ng mga hadlang sa pulitika, kultura, at panlipunan sa pamamagitan ng malayang daloy ng kalakalan at kapital. Itutuon ko ang aking mga pahayag sa ikatlo.

TNC-China economic partnership

Ang sosyohang pang-ekonomya ng TNC-Tsina

The main thrust of globalization was to incorporate China into the global capitalist system, an objective on which the US corporate elite was united. The US-China partnership lasted until 2017, when Donald Trump came to power.

Ang pangunahing tulak ng globalisasyon ay isama ang Tsina sa pandaigdigang sistemang kapitalista, layunin itong pinagkaisahan ng mga elitelistang korporasyon ng US. Ang sosyohan ng US-Tsina ay tumagal hanggang 2017, nang maupo si Donald Trump sa kapangyarihan.

China was important to US transnational corporations (TNCs) because in the early 2000s, the hourly manufacturing wage there was less than 5% of that in the US.  Investments in China, along with neoliberal restructuring and financialization at home, halted the decline of TNC profitability. Profit rates for US firms rose from 6% in the early 1980s to 9% in the early to mid-2000s. The so-called “China Price” saw US stock investments in China balloon from $30 to $40 billion a year in the mid-1990s to $107.6 billion by 2019.

Mahalaga ang Tsina sa mga transnational corporation (TNCs) ng US dahil noong unang bahagi ng 2000s, ang oras-paggawa ng sahod sa pagmamanupaktura doon ay mas mababa ng 5% kumpara sa US. Ang mga pamumuhunan sa Tsina, kasama ang neoliberal na pagrestruktura at pananalapi sa bansa, ang nagpahinto sa pagbaba ng kakayahang tumubo ng TNC. Tumaas mula 6% noong unang bahagi ng 1980s hanggang 9% sa unang bahagi ng kalagitnaan ng 2000s ang rata ng tubo ng mga kumpanya sa US. Sa tinatawag na "Presyong Tsina" ay nakitang lumobo ang mga nakahandang pamumuhunan ng US sa Tsina mula $30 hanggang $40 bilyon kada taon noong kalagitnaan ng 1990s hanggang $107.6 bilyon sa 2019.

US big business soon became China’s closest foreign ally. Under President Bill Clinton, big business lobbying overcame objections from pro-Taiwan right-wing elements, human rights advocates among Democrats, and a Pentagon that was convinced that China would be the US’ principal strategic competitor. 

Sa kalaunan, naging pinakamalapit na dayuhang kaalyado ng Tsina ang malalaking negosyo sa US. Sa ilalim ni Pangulong Bill Clinton, napagtagumpayan ng malalaking negosyo ang pangkampanya laban sa mga makakanang elementong maka-Taiwan, mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa hanay ng Democrats, at ang Pentagon na kumbinsidong ang Tsina ang magiging pangunahing estratehikong katunggali ng US.

The TNC-China nexus was a “devil’s bargain” that would remain strong through succeeding administrations until the Trump presidency. The TNCs were out to exploit Chinese labor for super profits. China agreed to this, but with the goal to gain the investment and technology needed to develop its economy. 

Ang ugnayang TNC-Tsina ay isang "baratilyo ng diyablo" na mananatiling malakas sa pamamagitan ng mga susunod na administrasyon hanggang sa pagkapangulo ni Trump. Nais pagsamantalahan ng mga TNC ang lakas-paggawa ng Tsino para sa labis na tubo. Sumang-ayon dito ang Tsina, ngunit sa layuning makakuha ng pamumuhunan at teknolohiyang kailangan upang mapaunlad ang ekonomiya nito.

The Chinese state was not like previous client regimes that had been integrated into global capitalism. It was the product of a successful popular national revolution. It confronted US forces in Korea in the 1950s, and played a role in the Vietnamese victory over US forces in the 1970s. It was also stronger than the South Korean and Japanese states, whose capacity to resist US demands was limited by their subordination to US strategic interests. Beijing was thus able to manage foreign capital.

Ang bansang Tsina ay hindi na tulad ng mga naunang kliyenteng rehimen na isinama sa pandaigdigang kapitalismo. Produkto ito ng isang matagumpay na makamasang pambansang rebolusyon. Hinarap nito ang mga pwersang US sa Korea noong 1950s, at gumampan ng papel sa tagumpay ng Vietnam laban sa pwersang US noong 1970s. Mas malakas din ito kaysa sa mga bansang Japan at Timog Korea, na limitado ang kapasidad upang labanan ang mga kahilingan ng US kaya nagpasakop sila sa mga estratehikong interes nito. Kaya naman napangasiwaan ng Beijing ang dayuhang kapital.

The cost of China’s willingness to have its workers exploited was considerable. For the period 1960–2018, China suffered a loss in terms of value transfer—or unequal exchange—of approximately $19 trillion. But from Beijing’s perspective, this cost in return for economic development was a devil’s bargain that was worth making. 

Matindi ang kahalagahan ng pagpayag ng Tsina na mapagsamantalahan ang kanyang mga manggagawa. Noong panahon ng 1960–2018, nalugi ang Tsina sa mga tuntunin ng paglipat ng halaga — o hindi pantay na palitan — na humigit-kumulang $19 trilyon. Datapwat sa pananaw ng Beijing, ang gastos na ito bilang kapalit para sa pag-unlad ng ekonomiya ay isang kasunduan ng diyablo na nararapat gawin.

The TNCs accepted the devil’s bargain in order to improve their bottom lines. Former US Treasury secretary Hank Paulson remarked that many US firms “accepted the Faustian bargain of maximizing today’s earnings per share while operating under restrictions that jeopardize their future competitiveness.” 

Tinanggap ng mga TNC ang kasunduang diyablong ito upang mapabuti ang kanilang netong kita. Sinabi ni Hank Paulson, dating kalihim ng US Treasury, na maraming kumpanya sa US ang "tumanggap sa baratilyong Faustian ng pagmaksimisa ng mga kita sa bawat bahagi ngayon habang nagpapatakbo sa ilalim ng mga paghihigpit na nagsasapanganib sa kanilang pagiging mapagkumpitensya sa hinaharap."

The US clearly got the short end of the Faustian deal. Its industrial heartland has been largely deindustrialized, with factories moving to China.  By the end of the second decade of the 21st century, the relative power of China’s foreign corporate allies had been reduced by a decade-long stagnation in the US economy, a Covid-19 recession, and China’s rapid technological advances. 

Malinaw na nakuha ng US ang maikling pagtatapos ng kasunduang Faustian. Ang sentrong pang-industriya nito ay malawak na pagdeindustriyalisa, na may mga pabrikang lumipat sa Tsina. Sa pagtatapos ng ikalawang dekada ng ika-21 siglo, ang relatibong kapangyarihan ng mga dayuhang kaalyado ng korporasyon ng Tsina ay nabawasan ng isang dekadang kawalang kilos o istagnasyon sa ekonomiya ng US, isang resesyon sa Covid-19, at mabilis na pag-abante ng teknolohiya ng Tsina.

The US economy had also been shaken by a social and political upheaval characterized by job losses, rising inequality, and growing indebtedness. To be sure, China also has crises, including rising corporate debt, overinvestment in real estate, and the demographic crisis. China’s crises, however, stems from its unbalanced growth, unlike the US crises of decline. 

Nayanig din ng isang panlipunan at pampulitikang kaguluhan ang ekonomya ng US na nailalarawan ng pagkawala ng trabaho, papatindi ng di pagkakapantay, at lumalaking pagkakautang. Tiyak na may mga krisis din ang Tsina, kabilang ang papalaking utang ng korporasyon, sobrang pamumuhunan sa real estate, at krisis sa demograpiko. Gayunpaman, nagmumula ang krisis ng Tsina sa hindi balanseng paglago nito, hindi katulad ng krisis ng di paglago ng US.

China has now become the world’s biggest economy in terms of purchasing power parity, the center of global capital accumulation. As The Economist acknowledged: “Over the past 20 years China has been the biggest and most reliable source of growth in the world economy.” 

Ang Tsina na ngayon ang naging pinakamalaking ekonomiya sa mundo batay sa mga tuntunin ng paridad ng kapangyarihan sa pagbili, ang sentro ng pandaigdigang akumulasyon ng kapital. Gaya ng pag-amin ng The Economist: “Sa nakalipas na 20 taon, ang Tsina ang pinakamalaki at pinakamaaasahang pinagmumulan ng paglago ng pandaigdigang ekonomiya.”

The Middle East quicksand

Ang gusot sa Gitnang Silangan

The second development that undermined the US empire was its misadventures in the Middle East. A chain of events started with Osama bin Laden’s assault on the World Trade Center on Sept. 11, 2001. Bin Laden saw this attack as exposing the vulnerability of the “Great Satan,” and inspiring Muslims to join his jihad against it. 

Ang ikalawang pag-unlad na nagpahina sa imperyong US ay ang mga maling pakikipagsapalaran nito sa Gitnang Silangan. Nagsimula ang hanay ng mga kaganapan sa pag-atake ni Osama bin Laden sa World Trade Center noong Setyembre 11, 2001. Nakita ni Bin Laden ang pag-atakeng ito bilang paglalantad ng kahinaan ng "Dambuhalang Satanas," at nagbigay-inspirasyon sa mga Muslim na sumali sa kanyang jihad laban dito.

Bin Laden’s plan, however, horrified most Muslims, who distanced themselves from his terrible deed.  Still he was in luck, thanks to George W. Bush and the neoconservatives that came to power in 2001. For them, his assault was a God-given opportunity to teach both America’s enemies and friends that the empire was omnipotent. 

Gayunpaman, nagpasindak sa karamihan ng mga Muslim ang plano ni Bin Laden, at umiwas sila sa kanyang kakila-kilabot na gawa. Mapalad pa rin siya, salamat kay George W. Bush at sa mga neokonserbatibong nalagay sa kapangyarihan noong 2001. Para sa kanila, ang kanyang pag-atake ay isang pagkakataong ibinigay ng Diyo supang tueuan ang mga kaaway at kaibigan ng America na ang imperyo ay omnipotente o napakamakapangyarihan.

Bush drove the US into two unwinnable wars against highly motivated insurgents in the Middle East. Prolonged occupation demanded boots on the ground; thus, most of the US Army’s brigades were overseas, and those left in the country were too few to maintain the contingency reserve or the necessary training base. Military morale plummeted, as tours of duty were extended and casualties mounted. 

Dinala ni Bush ang US sa dalawang di miapapanalong digmaan laban sa matinding motibasyon ng mga rebelde sa Gitnang Silangan. Ang matagalang pananakop ay nangangailangan ng mga sumdalo sa lansangan; kaya, karamihan sa mga brigada ng US Army ay nasa ibang bansa, at ang mga naiwan sa bansa ay napakakaunti upang mapanatili ang kinakailangang reserba o ang kinakailangang base ng pagsasanay. Bumagsak ang moral ng militar, habang pinalawig ang kanilang mga tungkulin at kayrami nang mga nasawi.

This led to the overextension of US political and military power from which Washington is still reeling.  Eventually, the already limited public support for the Middle East expeditions went up in smoke. This impossible situation forced Joe Biden to withdraw all troops from Afghanistan in August 2021, in a disorderly, chaotic departure that brought US prestige to a new low, even among America’s allies.

Nagdulot ito ng labis na pagpapalawig ng kapangyarihang pampulitika at militar ng US kung saan patuloy pa rin ang pagdududa ng Washington. Sa kalaunan, nabalewala ang limitadong pampublikong suporta para sa mga ekspedisyon sa Gitnang Silangan. Ang imposibleng sitwasyong ito ang nagpilit kay Joe Biden na bawiin ang lahat ng mga tropa mula sa Afghanistan noong Agosto 2021, sa isang di maayos, magulong pag-alis na nagpababa sa prestihiyo ng US sa isang bagong antas, kahit na sa mga kaalyado ng Amerika.

During those 20 years (2001-2021) when Washington was tied up in the Middle East, China concentrated on its drive to develop its economy and unfold an economic diplomacy that gained it much friendship, support, and sympathy in Africa, Asia, Latin America, and even Europe.

Sa loob ng 20 taon na iyon (2001-2021) nang nakatali pa ang Washington sa Gitnang Silangan, nagkonsentra ang Tsina sa kanyang hangaringa paunlarin ang ekonomiya nito at nagbukas ng pang-ekonomyang diplomasya na nakakuha ng malaking suporta, mga bagong kaibigan, at simpatiya sa Africa, Asia, Latin America, at maging sa Europa.

In the last three years, Washington shifted to diplomacy to shore up its deteriorating position in the Middle East. Washington tried to regain control of events by brokering a diplomatic rapprochement among Israel, Saudi Arabia, and the smaller Arabian Gulf states like Qatar. 

Sa huling tatlong taon, lumipat ang Washington sa diplomasya upang itaguyod ang lumalalang posisyon nito sa Gitnang Silangan. Sinubukang bawiin ng Washington ang kontrol sa mga kaganapan nang ito'y mamagitan gamit ang diplomatikong pakikipaglapit sa Israel, Saudi Arabia, at sa mas maliliit na estado ng Arabian Gulf tulad ng Qatar.

The Hamas offensive into Israel on Oct. 7, 2023, however, blew up Biden’s plan for regional stabilization, with the Saudi government and other Arab states scorning a deal with Israel while the latter was slaughtering another Arab people, the Palestinians. Today, with a defiant Israeli tail wagging the American dog, the US stands even more isolated than ever, condemned by most of the world, except Western Europe. 

Gayunpaman, ang opensiba ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023, ang gumiba sa plano ni Biden para sa istablisasyon ng rehiyon, kung saan ang gobyerno ng Saudi at iba pang bansang Arabo ay hinamak ang isang kasunduan sa Israel habang pinapatay naman ng Israel ang iba pang Arabo, ang mga Palestino. Ngayon, sa isang mapanlinlang na buntot ng Israel na kumakawag sa asong Amerikano, ang US ay nananatiling higit na nakahiwalay kaysa dati, na kinondena ng karamihan sa mundo, maliban sa Kanlurang Europa.

Meanwhile, China allied itself with the global South and promoted a peacemaking diplomacy that contrasted with Washington’s unqualified moral and military support for Israel’s genocidal offensive.

Samantala, nakipag-alyansa ang Tsina sa global South o pandaigdigang Timog at itinaguyod ang diplomasyang pangkapayapaan na kabaligtaran sa hindi kwalipikadong suportang moral at militar ng Washington para sa opensiba ng Israel.

The US is equally losing control in Europe, with the Ukraine situation deteriorating.  Washington’s aid lifeline to Kyiv is now threatened by congressional Republicans’ opposition. With the threat of an isolationist Donald Trump regime coming back to power in November, the US’ European allies are increasingly worried that Washington can’t be trusted with providing their “security.”

Nawawalan na rin ng pantay na kontrol ang US sa Europa, kasama ang lumalalang sitwasyon ng Ukraine. Nanganganib na ngayon maging ang daanan ng ayuda ng Washington sa Kyiv dahil sa pagsalungat ng mga Republican sa kongreso. Sa banta ng isang mapanghiwalat na rehimeng Donald Trump na babalik sa kapangyarihan sa Nobyembre, lalong nag-aalala ang mga kaalyado ng US sa Europa na ang Washington ay hindi mapagkakatiwalaan sa pagbibigay ng kanilang "seguridad."

Containing China

Pagkontrol sa Tsina

Washington’s rhetoric comes across as simply preventing Beijing from becoming No. 1. But Beijing disclaims seeking to be No. 1 and has shown unwillingness to replace the US as global hegemon. Taking their cue from Biden’s increasingly provocative pronouncements, US military leaders have become more confrontational in their language, as shown by statements from Gen. Mike Minihan, head of the US Air Mobility Command, and Adm. Michael M. Gilday, chief of US naval operations.

Nakikita ang retorika ng Washington bilang simpleng pagpigil sa Beijing na maging Numero Uno. Subalit itinanggi ng Beijing ang paghahangad na manguna at nagpakitang ayaw na palitan ang US bilang pandaigdigang kapangyarihan. Sa pagkuha ng kanilang pahiwatig mula sa lalong nakakapukaw na mga pahayag ni Biden, ang mga pinunong militar ng US ay naging mas palaban sa kanilang wika, tulad ng ipinakita ng mga pahayag ni Hen. Mike Minihan, pinuno ng US Air Mobility Command, at Adm. Michael M. Gilday, pinuno ng operasyong nabal ng US.

The US military edge over China, however, is overwhelming. The US military posture is offensive while China adopts a strategic defensive stance which even the Pentagon acknowledges. Though it has raised military spending and might be re-orienting its force posture, Beijing is not engaged in an arms race with the US, which has spent thrice more than China in recent years. 

Gayunpaman, naungusan ng matindi ng militar ng US ang Tsina. Opensiba ang posturang militar ng US habang tinanganan naman ng Tsina ang estratehikong depensibong tindig na kinikilala mismo ng Pentagon. Bagama't itinaas nito ang gastusing militar at maaaring muling pag-isipan ang postura ng puwersa nito, hindi nakikibahagi ang Beijing sa pakikipagpaligsahan sa armas ng US, na gumastos ng tatlong beses nang higit sa Tsina sa mga nakaraang taon.

China’s nuclear arsenal remains puny in comparison to that of the US. China has only one overseas base, in Djibouti, compared to the scores of US military bases and installations in Japan, South Korea, the Philippines, and Guam, in addition to the Seventh Fleet patrolling the East and South China Sea. China’s offensive capabilities are limited, its naval force provided by three Soviet-era aircraft carriers that are lightyears away from the capabilities of the US supercarriers. 

Nananatiling mahina ang arsenal ng nukleyar ng Tsina kumpara sa US. Ang Tsina ay may isang base lang sa ibang bansa, sa Djibouti, kumpara sa mga maraming base at instalasyong militar ng US sa Japan, South Korea, Pilipinas, at Guam, bilang karagdagan sa Seventh Fleet na nagpapatrolya sa Silangan at Timog Karagatan ng Tsina. Limitado ang mga kakayahang opensiba ng Tsina, ang puwersang pandagat nito ay ibinibigay ng panahong Sobyet pang tatlong sasakyang panghimpapawid na ilanpung taong liwanag o lightyears ang layo mula sa mga kakayahan ng mga supercarrier ng US.

The main site of confrontation between an aggressive US and a defensive China is the Asia-Pacific region, particularly the South China Sea.  Three points need to be made here.

Ang pangunahing larangan ng paghaharap sa pagitan ng agresibong US at depensibong Tsina ay ang rehiyon ng Asya-Pasipiko, partikular ang South China Sea. Tatlong punto ang dapat tukuyin dito.

On Taiwan, Washington has been rattling about responding to a Chinese “invasion.” Beijing’s long-time policy has been to integrate Taiwan through economic ties which have strengthened in the last 25 years.  While Beijing reserves the option of military action against Taiwan, it would be crazy to do so since the US could wipe out most of the Chinese Navy within 24 hours of hostilities. 

Nanginginig ang Washigton tungkol sa agarang tugon sakaling "sakupin" ng Tsina ang Taiwan. Matagal nang patakaran ng Beijing na isama ang Taiwan sa pamamagitan ng pang-ekonomiyang ugnayan na lumakas sa nakalipas na 25 taon. Bagama't inilalaan ng Beijing ang opsyon ng aksyong militar laban sa Taiwan, kabaliwang gawin ito dahil maaaring lipulin ng US ang karamihan sa Chinese Navy sa loob ng 24 na oras ng labanan.

Second, Washington’s declared intent in obtaining more military bases in the Philippines is to support Taiwan in the event of an invasion by China. The reality is that defending Taiwan against a nonexistent Chinese military threat is a smokescreen for the real goal of using the Philippines as a springboard from which to contain China.

Ikalawa, ang deklaradong intensyon ng Washington sa paglalagay ng mas maraming base militar sa Pilipinas ay upang suportahan ang Taiwan sakaling salakayon ito ng Tsina. Ang katotohanang ang pagtatanggol sa Taiwan laban sa isang hindi umiiral na bantang militar ng Tsina ay panabing lamang para sa tunay na layuning paggamit ng Pilipinas bilang isang pambuwelo upang makontrol ang Tsina.

Third, China’s motivations for its South China Sea encroachments are primarily defensive: to expand its defense perimeter against attack from US bases in the Western Pacific and the Seventh Fleet. Beijing’s main intent in the maritime formations it has seized is installing missiles to shoot down missiles aimed at China’s industrial infrastructure in Southeastern China.

Ikatlo, depensiba ang pangunahing motibasyon ng Tsina  sa pagsalakay nito sa South China Sea: upang palawakin ang perimetro ng depensa nito laban sa pag-atake ng mga base ng US sa Kanlurang Pasipiko at ng Seventh Fleet. Ang pangunahing intensyon ng Beijing sa mga pormasyong maritime na nasamsam nito ay ang paglalagay ng mga missiles para mabaril ang mga missiles na nakatutok sa mga imprastrakturang industriyal ng Tsina na nasa Timogsilangang Tsina.

Beijing, however, has blundered in its defensive goal by unilaterally claiming 90% of the South China Sea and appearing as a big bully. But it can rectify its frayed relations by negotiating with Asean and proposing a demilitarization and neutralization of the South China Sea in return for the withdrawal of US bases from the Western Pacific and the abrogation of military agreements with the US. 

Gayunpaman, nagkamali ang Beijing sa kanyang depensibang layunin sa pamamagitan ng unilateral na pag-angkin sa 90% ng South China Sea at paglitaw nito bilang malaking mapang-api o bully. Ngunit maaari nitong ituwid ang mga gusot nitong relasyon sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon sa Asean at pagmumungkahi ng demilitarisasyon at neutralisasyon sa South China Sea bilang kapalit ng pag-alis ng mga base ng US sa Kanlurang Pasipiko at pagpapawalang-bisa sa mga kasunduang militar sa US.

Hegemonic transition or vacuum?  

Hegemonikong transisyon o bakyum?

With an economically strong but militarily disadvantaged China facing off against an economically and politically weakened United States seeking to shore up its position by bannering its military superiority, can one really speak about a hegemonic transition? 

Sa isang malakas na ekonomiya ngunit disbentaheng militar ng Tsina na humaharap laban sa isang mahinang ekonomiya at pulitika na Estados Unidos na naghahangad na palakasin ang posisyon nito sa pamamagitan ng pagbandera ng kahusayan sa militar nito, maaari ba talagang magsalita ang isang tao tungkol sa isang hegemonikong transisyon?

Perhaps what is emerging is a hegemonic vacuum rather than a transition akin to the post-World War I era when a weakened Western Europe could no longer restore its prewar global hegemony. At the same time, the US did not follow through on Woodrow Wilson’s push to assert hegemonic political and ideological leadership. 

Marahil ang umuusbong ay isang hegemonikong bakyum sa halip na isang transisyon na katulad ng panahon matapos ang Unang Daigdigang Digmaan kung kailan hindi na maibalik ng isang mahinang Kanlurang Europa ang pandaigdigang hegemonya nito bago ang digmaan. Kasabay nito, hindi sinunod ng US ang pagtulak ni Woodrow Wilson na igiit ang hegemonikong pulitikal at ideolohikal na pamumuno.

Within such a vacuum, the US-China rivalry continues to be critical, but with neither power able to decisively manage trends, such as extreme weather events, growing protectionism, rising global wealth disparities, the decay of the US-imposed multilateral system, the volatilities in the Middle East and Eastern Europe, the resurgence of progressive movements in Latin America, and the rise of authoritarian states and their likely alliance to displace a faltering liberal international order. 

Sa loob ng ganoong bakyum, patuloy na kritikal ang tunggalian ng US-Tsina, subalit wala silang kapangyarihang magpasyang pamahalaan ang mga nauuso, tulad ng mga matinding kaganapan sa klima, lumalagong proteksyonismo, tumataas na pagkakaiba-iba ng yaman sa daigdig, ang pagkabulok ng multilateral na sistemang ipinataw ng US, ang pabagu-bago ng isip sa Gitnang Silangan at Silangang Europa, ang muling pagbangon ng mga progresibong kilusan sa Latin America, at ang pag-usbong ng mga estadong awtoritaryan at ang kanilang malamang na alyansa upang mapalitan ang isang pagiray-giray na liberal na pandaigdigang kaayusan.

Traditional policymakers argue that the situation still requires a hegemon, with Western analysts having the US in mind, not China. 

Nagtatalo ang mga tradisyunal na gumagawa ng patakaran na ang sitwasyon ay nangangailangan pa rin ng isang hegemon o nangungunang kapangyarihan, na ang nasa isip ng mga nag-aanalisa sa Kanulran ay ang US,  at hindi ang Tsina.

On the other hand, the crisis of US hegemony can be viewed as offering, not anarchy, but opportunity. Despite the risks involved, a hegemonic stalemate could lead to a world where power is decentralized, where there could be greater freedom of political and economic maneuver for smaller, traditionally less privileged countries which could play the superpowers against each other, and where a truly multilateral order could be constructed through cooperation rather than imposed through either unilateral or liberal hegemony.

Sa kabilang banda, maaaring tingnan ang krisis ng hegemonya ng US bilang nag-aalok, hindi anarkiya, ngunit oportunidad. Sa kabila ng mga nariyang panganib, ang isang hegemonikong stalemate o pagkapatas ay maaaring humantong sa isang daigdig na ang kapangyarihan ay desentralisado, kung saan maaaring magkaroon ng higit na kalayaang pampulitika at pang-ekonomiyang maniobra para sa mas maliit, tradisyonal na hindi gaanong pribilehiyong mga bansa na maaaring gumanap bilang mga superpower laban sa isa't isa, at kung saan ang isang tunay na multilateral na kaayusan ay maitatayo sa pamamagitan ng pagtutulungan sa halip na ipataw ang unilateral o liberal na hegemonya.

* Walden Bello is co-chair of the Board of Focus on the Global South and adjunct professor of sociology, State University of New York at Binghamton. This piece is abridged from his speech at a forum at the University of the Philippines Diliman on “The US Empire: The Beginning of the End?” on Feb. 23, 2024, organized by the UP CIDS Programs on Alternative Development and Strategic Studies and the University Student Council. The forum can be viewed at the UP CIDS YouTube channel: https://www.youtube.com/watch?v=8ONsBzifPSE

* Si Walden Bello ay co-chair ng Board ng Focus on the Global South at adjunct professor of sociology sa State University of New York sa Binghamton. Ang bahaging ito ay pinaikli mula sa kanyang talumpati sa isang talakayan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa paksang “The US Empire: The Beginning of the End?” noong Pebrero 23, 2024, na inorganisa ng UP CIDS Programs on Alternative Development and Strategic Studies at ng University Student Council.  Mapapanood ang talakayan sa UP CIDS YouTube channel: https://www.youtube.com/watch?v=8ONsBzifPSE 

Martes, Marso 12, 2024

Ang seasonal workers ay matuturing na regular na manggagawa, ayon sa SC

ANG SEASONAL WORKERS AY MATUTURING NA REGULAR NA MANGGAGAWA, AYON SA SC
Malayang salin ng ulat at tula ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nais nating bigyang pansin ang balitang pinamagatang "SC: Seasonal workers can be deemed regular employees" na inulat at sinulat ng mamamahayag na si Jane Bautista ng Philippine Daily Inquirer, at nalathala nitong Pebrero 21, 2024 sa nasabing pahayagan.

Subalit nais kong isalin sa wikang Filipino ang kanyang ulat upang mas manamnam pa natin kung bakit nga ba ang seasonal workers ay maaaring ituring na regular na empleyado. Narito ang malayang salin ng ulat:

Maaari bang ituring na regular na empleyadoang isang pana-panahong manggagawa?

Sinabi ng Korte Suprema, na nagdesisyon sa isang labor case noong 2009 na kinasasangkutan ng isang tinanggal na manggagawa sa plantasyon ng asukal sa isang asyenda sa Negros Occidental, na ang isang empleyado ay maaaring ituring na regular na manggagawa kung siya ay gumaganap ng trabaho o mga serbisyong "pana-panahon o seasonal” at nagtatrabaho nang higit sa isang panahon o season.

"Ang katotohanang ang isang empleyado ay malayang gawin ang kanilang mga serbisyo para sa iba ay hindi nagpapawalang-bisa sa regular na katayuan sa pagtatrabaho hangga't sila ay paulit-ulit na tinatanggap para sa parehong mga aktibidad at hindi lamang on at off para sa anumang solong yugto ng gawaing pang-agrikultura," ayon sa Korte Suprema sa isang desisyong ipinahayag noong Nobyembre 13, 2023, ngunit nai-post lamang sa website nito noong Pebrero 16, 2024.

Sisyemang ‘Pakyawan’ 

Sinabi ng korte na ang mabayaran sa ilalim ng isang sistemang “pakyawan” o task basis arrangement (kaayusang batay sa gawain) ay hindi magpapawalang-bisa sa regular na trabaho “hangga’t ang employer ay may karapatang gamitin ang kapangyarihan ng kontrol o pangangasiwa sa paggampan ng mga tungkulin ng isang empleyado, ito man ay talagang nagagampanan o hindi."

Ibinasura ng desisyon ng Korte Suprema ang petition for review on certiorari na inihain ng Hacienda San Isidro/Silos Farms at ng isang Rey Silos Llamado na hinahamon ang desisyon ng Court of Appeals (CA) noong 2013 na nagdeklara kay Helen Villarue bilang regular na empleyado ng plantasyon ng asukal at nag-utos ng pagbabayad ng kanyang back wages at separation pay.

Ang asawa ni Villarue na si Lucito ay pinangalanang respondent sa petisyon.

Noong 2009, nagsampa ng magkahiwalay na reklamo ang mga Villarue sa National Labor Relations Commission (NLRC) para sa illegal dismissal, underpayment ng sahod, at pagbabayad ng service incentive leave pay at attorney’s fees.

Noong 2011, nagpasya ang labor arbiter na ang pagpapaalis kay Lucito ay para sa isang "makatarungang dahilan ngunit walang angkop na proseso (just cause but without due process)" at inutusan ang Silos Farm at si Silos na magbayad ng P5,000 para sa nominal damages. Si Helen naman ay napag-alamang regular na empleyado at idineklara itong legal na tinanggal.

Nagsampa naman ang mga petitioner ng isang memorandum of partial appeal sa NLRC, na pumanig sa kanila at binago ang desisyon ng labor arbiter—na si Lucito ay nabigyan ng due process noong siya ay tinanggal at si Helen ay hindi isang empleyado ng asyenda.

Iniutos din ng NLRC na kanselahin ang P5,000 award para sa nominal damages.

'Kapangyarihan ng kontrol'

Naghain ang mga Villarue ng motion for reconsideration, na pinagbigyan ng NLRC noong 2012 at nagresulta sa pagbabalik ng inisyal na desisyon ng labor arbiter. Nagdesisyon ang NLRC na ang mag-asawa ay iligal na tinanggal at inutusan ang mga petitioner na bayaran sila ng kabuuang P481,035.23 para sa separation pay, back wages, wage differential, 13th month pay at attorney’s fees.

Ito ang nag-udyok sa mga petitioner na iangat ang kaso sa CA, na sa una ay nagpasya na "Nabigo si Helen na patunayan ang pagkakaroon ng lahat ng mga elemento upang matiyak ang relasyon ng employer-empleyado sa pagitan niya at ng mga petitioner, partikular na ang mahalagang elemento ng kapangyarihan ng kontrol."

Gayunpaman, sa paghahain ng mosyon para sa muling pagsasaalang-alang noong 2013, binawi ng CA ang dati nitong desisyon at pinagtibay ang mga desisyon ng labor arbiter at ng NLRC na si Helen ay isang regular na empleyado ng mga petitioner batay sa Article 280 (ngayon 295) ng Labor Code.

Palagiang kinukuhang magtrabaho

Sinabi ng CA na itinuring nito na kaswal na empleyado si Helen "ngunit maaaring ituring na isang regular na empleyado dahil sa pagbibigay ng serbisyong hindi bababa sa isang taon, na patuloy na tinatanggap sa trabaho hanggang sa pagkatanggal sa kanya."

Binanggit ng CA ang ikalawang talata ng Artikulo 295 ng Labor Code na nagsasaad na “ang sinumang empleyado na nakapagbigay ng serbisyong hindi bababa sa isang taon, kung ang naturang serbisyo ay tuluy-tuloy o putol-potol, ay dapat ituring na isang regular na empleyado na may kinalaman sa aktibidad kung saan siya ay nagtatrabaho at ang kanyang trabaho ay magpapatuloy habang umiiral ang ganoong aktibidad.”

Sa petisyon nito sa mataas na tribunal, nangatuwiran ang mga amo na si Helen ay “bahagyang nagtrabaho sa asyenda sa batayang pakyawan,” at wala silang anumang kontrol sa paraan ng kanyang pagtatrabaho.

Idinagdag nila na si Helen ay malayang magtrabaho saanman, na binanggit na siya ay paulit-ulit na kinukuha, na nagbibilang ng "patdan" (maliit na pinagputulan ng tubo) at namamahala't nagpapatakbo rin ang sarili niyang tindahang sari-sari.

Ngunit dahil napag-alaman ng labor arbiter, ng NLRC at ng CA na si Helen ay isang regular na empleyado ng mga petitioner, sinabi ng Korte Suprema na itinuring nito ang desisyon nang may paggalang at pinal.

Gayunpaman, itinuwid ng mataas na hukuman ang katwiran ng CA sa pagtungo sa konklusyon na si Helen ay isang regular na empleyado, na nagsasabi na ito ay "mali" para sa CA na ikategorya siya bilang kaswal na empleyado sa pamamagitan ng paglalapat ng ikalawang talata ng Artikulo 295 ng Labor Code.

Ayon sa Korte Suprema, dapat ang batayan ay ang eksepsiyon na nakasulat sa unang talata ng batas na iyon, na nagsasaad na ang mga hindi sakop ng regular na trabaho ay ang mga pana-panahong manggagawa lamang na ang trabaho ay "para sa durasyon ng panahon o season."

"Kaya, ang mga pana-panahong empleyado na nagtatrabaho nang higit sa isang panahon sa trabaho o serbisyo na pana-panahong ginagawa nila ay hindi na nasa ilalim ng eksepsiyon sa unang talata, subalit nasa ilalim ng pangkalahatang tuntunin ng regular na pagtatrabaho," sabi nito.

Binanggit ng mataas na hukuman na habang ang mga manggagawang bukid sa pangkalahatan ay nasa ilalim ng kahulugan ng mga pana-panahong empleyado, palagi nitong pinanghahawakan na ang mga pana-panahong empleyado ay maaaring ituring na mga regular na empleyado.

“Paulit-ulit na kinukuhang magtrabaho [si Helen] para sa parehong mga aktibidad, ibig sabihin, pagtatanim ng tubo, pagbibilang ng patdan, atbp. Kaya naman, kung malaya siyang ibigay ang kanyang mga serbisyo sa ibang mga may-ari ng sakahan ay walang kaugnayan dito. Ang katotohanan na siya ay nagpapanatili ng isang sari-sari store ay hindi rin mahalaga at hindi tugma sa kanyang regular na katayuan sa pagtatrabaho sa mga petitioner," sabi nito. INQ

MANGGAGAWANG REGULAR SI HELEN

paulit-ulit kinukuhang magtrabaho
si Helen, isang pana-panahong obrero
ibig sabihin, pag tag-ani na ng tubo
pinakikinabangan ang kanyang serbisyo

kada tag-ani, manggagawa'y nakahanda
at nagtatrabaho nang walang patumangga
lalo't higit isang taon nang ginagawa
dapat turing na'y regular na manggagawa

ang balita pag inaral mo'y lumilitaw
ang sinabi ng Korte na sadyang kaylinaw
regular ang nagtatrabahong araw-araw
nang higit isang taon, ito ma'y may laktaw

regular ang manggagawang pana-panahon
tuloy-tuloy o putol-putol pa man iyon
pag-aralang tunay ang nasabing desisyon
ng Korte Suprema't baka magamit ngayon

03.12.2024

Martes, Enero 30, 2024

Ikaw

IKAW (tula ng isang Palestino)

na umagaw ng aking tubig
na nanunog ng aking punong oliba
na gumiba ng aking tahanan
na tumangay ng aking trabaho
na nagnakaw ng aking lupain
na nagpiit sa aking ama
na pumaslang sa aking ina
na binomba ang aking bansa
na gumutom sa aming lahat
na pinahiya kaming lahat
subalit
ako pa ang sinisisi
sa aking paghihimagsik

* malayang salin ni gregoriovbituinjr.
01.30.2024

* ang orihinal na tula at litrato ay makikita sa kawing na: 

https://www.linkedin.com/posts/kshabir_freepalastine-activity-7131249720181579776-sfOa

Linggo, Enero 14, 2024

Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay

ISULAT N'YO PO ANG PANGALAN KO SA AKING BINTI, INAY
Tula ni Zayna Azam
Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay...
Gamitin n'yo po ang permanenteng marker na itim,
na ang tinta'y di kumakalat kung ito'y mabasa, 
yaong di nalulusaw kung ito'y nalantad sa init...

Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay...
Kapalan n'yo po at linawan ang pagkasulat...
Idagdag n'yo pa ang inyong pinakamimithi, 
upang maaliw akong makita ang sulat-kamay ng 
aking inay sa aking pagtulog...

Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay...
At sa binti ng mga kapatid ko..
Sa paraang ito'y magkakasama tayo...
Sa paraang ito'y malalaman nilang kami'y inyong anak...

Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay...
At pakisulat din po ang pangalan n'yo ni Itay
sa inyong binti upang maalala tayo bilang pamilya...

Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay...
Upang pag sumabog ang bomba sa ating bahay, 
Upang pag nadurog ng pader ang ating bungo't buto..
Ang ating mga binti ang magkukwento ng nangyari, 
Lalo't wala na tayong natakbuhan.
.
.
.
WRITE MY NAME ON MY LEG, MAMA
Poem by Zayna Azam
with Filipino translation by Gregorio V. Bituin Jr.

Write my name on my leg, mama...
Use the black permanent marker,
with the ink that doesn't bleed if it gets wet, 
the one that doesn't melt if it's exposed to heat... 

Write my name on my leg, mama...
Make the lines thick and clear..
Add your special flourishes, so I can take comfort 
in seeing my mama's handwriting when I go to sleep...

Write my name on my leg, mama..
And on the legs of my sisters and brothers..
This way we will belong together...
This way we will be known as your children...

Write my name on my leg, mama...
And please write your name and Baba's name on your
legs too so we shall be remembered as a family...

Write my name on my leg, mama...
When the bomb hits our house, 
when the walls crush our skulls and bones..
Our legs will tell our story, 
how there was nowhere for us to run.

Biyernes, Agosto 18, 2023

Salin ng demystify

SALIN NG DEMYSTIFY
Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.

Wala akong makitang eksaktong salin ng demystify sa wikang Filipino. Wala nito sa UP Diksiyunaryong Filipino, o maging sa English-Tagalog Dictionary ni Leo James English.

Hinanap ko rin sa internet ang eksaktong salin ng demystify, wala rin. Kaya hinanap ko ang etymology o pinagmulan ng salitang demystify. Ayon sa wiktionary.org, ang pinagmulan o etymology ng demystify ay "From French démystifier, or de- +‎ mystify" na ang kahulugan ay "To remove the mystery from something; to explain or clarify."

Gayundin naman, napadako ako sa antonym ng demystify. Nakita ko ang mystify.

Ayon sa English-Tagalog Dictionary ni Leo James English, p. 645, ang mystify ay verb: to bewilder purposely; puzzle; perplex: Magpataka, papagtakhin. The magician's tricks mystified the audience: Nakapagtataka sa mga tao ang mga dayâ (panlilinlang) ng salamangkero.

to bewilder purposely, ibig sabihin, may layunin na pagtakahin o magtaka tayo

Sa English-Pilipino Dictionary nina Consuelo Torres Panganiban at Jose Villa Panganiban, pahina 155, ang kahulugan ng mystify ay verb: mistipikahin (papagtakhin).

Kung mystify ay may layuning magtaka tayo, ang demystify ay may layuning huwag tayong magtaka. Ibig sabihin, may layuning magpaliwanag. May paliwanag.

Wala namang mystify sa UP Diksiyonaryong Filipino, sa pahina 805, na dapat nasa gitna ng mga salitang mysticism at mystique.

Kaya sa artikulong "Demystifying Contractualization: Why Manpower Agencies are Useless?" ni Atty. Luke Espiritu, na inilathala niya sa socmed noong Mayo 24, 2018, ito ay isasalin ko nang "Pagpapaliwanag sa Kontraktwalisasyon: Bakit Walang Saysay ang mga Ahensyang Kumukuha ng Trabahador?"

Isa pa iyan, ang manpower agencies ay isinalin ko sa "mga ahensyang kumukuha ng trabahador".

Lahat ng ito ay malayang salin, na ang pangunahing layunin ay mas maunawaan ng karaniwang masa ang buong artikulo.

Isa sa pinagkaaabalahan kong proyektuhin ang malayang salin ng buong artikulong "Demystifying Contractualization: Why Manpower Agencies are Useless?" ni Atty. Luke Espiritu, upang mas maunawaan pa ng masa ang isyung ito ng kontraktwalisasyon. At mailathala ang salin nito sa limang papel na talikuran at i-staple ko sa gitna, upang ipamahagi sa higit na nakararaming manggagawa.

Bahagi rin ito ng pagsisikap nating maitaguyod ang wikang Filipino, lalo na ngayong Agosto, ang Buwan ng Wika, upang mas higit pa tayong magkaunawaan.

08.18.2023

Huwebes, Hulyo 27, 2023

Salin ng Code of Ethics ng RoN

Saksi ang panahon sa pag-abuso ng mga tao sa kasaganahan ng sangnilikha. Tayo'y mga ganid at walang kabusugan. Madalas na hindi natin batid kung hanggang kailan ba upang masabing sapat. Dinala tayo ng hindi mapawi nating pagkauhaw tungo sa isang namamatay na planeta - isang planetang umaapaw sa basura, polusyon at pagkawala ng buhay.

Laging may panahon. Sakali mang huli na, maaari pa rin nating baligtarin ang kalagayan. Ang kapisanang Rights of Nature ay isang lantad, hindi marahas, nagtutulungan at sama-samang pamayanang may matibay na pagtaya sa iisang mithiin - ang kilalanin at itaguyod ang Rights of Nature o Mga Karapatan ng Kalikasan.

Upang matiyak na ating naipagtatanggol at napapalago ang mga natitira pang tagapangalaga ng kalikasan, sinumang nagnanais sumali sa Kapisanang Rights of Nature ay dapat mangakong tatalima sa Alituntunin ng Kagandahang Asal nito. Ang panunumpa ng buong katapatan sa nasabing kagandahang asal ay magtitiyak na  malinaw na naitataguyod ang mga prinsipyo at kahalagahan ng kapisanan.

Alituntunin ng Kagandahang Asal para sa mga tagapagtaguyod ng Mga Karapatan ng Kalikasan

1. Paggalang sa Kalikasan: Kikilalanin ko at igagalang ang katutubong kahalagahan at karapatan ng kalikasan, nang malaya sa kapakinabangan nito sa mga tao.

2. Di-Marahas: Itataguyod ko ang di-marahas at mapayapang pamamaraan ng pagprotekta at pagtatanggol sa mga karapatan ng kalikasan, at tututulan ang anumang anyo ng karahasan, pananalakay, o pangwawasak.

3. Sustenabilidad: Pagsisikapan kong itaguyod ang mga sustenableng kinagawian na sumusuporta sa kapakanan ng kalikasan, pati na sa pamayanan ng mga taong umaasa rito, sa pangmatagalan.

4. Pakikipagtulungan: Aktibo kong hahanapin at makikipag-ugnayan sa mga indibidwal, komunidad, at samahang may kaparehong pagtaya sa Mga Karapatan ng Kalikasan at makikipagtulungan tungo sa pagkamit ng ating mga ibinahagi at parehong mithiin.

5. Kalinawan: Isasagawa ko ang aking gawaing adbokasiya sa isang lantad, tapat, at malinaw na paraan, maliwanag at totoo ang pakikipag-usap hinggil sa mga isyung aking pinagtutuunan at sa mga kalutasang aking isinasagawa kapwa sa konsepto at pananalapi.

6. Pananagutan: Pananagutan ko ang aking sarili para sa aking mga ginagawa, kapasiyahan, at pagtaya, at mananagot para sa anumang pinsalang dulot ng aking mga ginawa o hindi ginawa. Magiging bukas ako sa puna at patuloy na titiyakin na ang aking pakikitungo ay batay sa prinsipyo ng kapisanan.

7. Patuloy na Pag-aaral: Patuloy kong pag-aaralan ang mga prinsipyo at kahalagahan ng Mga Karapatan ng Kalikasan, gayundin ang mga isyung pangkapaligiran, panlipunan, at pang-ekonomiya na nakakaapekto sa kalikasan at pamayanan ng mga tao. Magiging bukas ako at ibabahagi ang aking mga natutunan sa kapisanan at magiging bukas na matuto pa sa aking mga kasama sa kapisanan.

8. Personal na Integridad: Kikilos ako nang may integridad at paninindigan ang mga pamantayang etikal sa lahat ng aspeto ng aking personal at propesyonal na trabaho lalo na sa aking gawaing adbokasiya, kabilang ang pag-iwas sa mga salungatan ng interes, pagpapanatili ng pagiging kumpidensyal, at pagtrato sa lahat ng indibidwal nang may paggalang at dignidad. Isasabuhay ko ang "Pamumuhay ng Sapat" bilang sukatan ng aking integridad at pagtaya, na masinsinang sinusukat ang lahat ng aspeto ng aking pang-araw-araw na pagkonsumo upang maging sapat lamang at di na hihigit pa.

Sa araw na ito ng ______, tumataya ako sa Alituntuning ito na itaguyod ang mga prinsipyo at halaga ng Mga Karapatan ng Kalikasan, at mag-ambag tungo sa mas makatarungan, sustenable, at pantay na kinabukasan para sa lahat ng nilalang sa planetang ito.

* Ilang pahayag sa pagsasalin:
(1) Hindi natin verbatim na ginamit ang Kodigo bilang salin ng Code, dahil sa sikat na konotasyong pangongopya sa pagsusulit ang kodigo. Mas ginamit natin ang Alituntunin, na mas malapit na salin ng Code, upang mapag-iba sa kodigo.
(2) Ang Ethics, imbes na Etika o alituntunin ng moralidad, ay Kagandahang Asal, upang mas maipatimo ang nais na layunin.
(3) Ang Movement o Kilusan ay isinalin ko sa Kapisanan upang mapag-iba sa popular na katawagang Kilusan, na madalas tumutukoy sa ibang grupong may ibang layunin.

Biyernes, Hulyo 14, 2023

Kwento - Isalin ng KWF sa sariling wika ang mga batas upang madaling maunawaan ng masa


ISALIN NG KWF SA SARILING WIKA ANG MGA BATAS UPANG MADALING MAUNAWAAN NG MASA
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nasa korte ang ilang lider-maralita at doon ay ipinagtatanggol nila ang kanilang paninirahan sa lupang ilang dekada na nilang tahanan.

Nagkaroon kasi ng maling interpretasyon sa pagkakasalin ng blighted land, na ayon sa Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act of 1992, sa Section 3, Definition of Terms, na ang nakasulat: “(c) “Blighted lands” refers to the areas where the structures are dilapidated, obsolete and unsanitary, tending to depreciate the value of the land and prevent normal development and use of the area.” 

Naisalin naman ang iyon sa ganito: “c) Tinutukoy na “blighted lands” yaong mga lugar na kung saan ang mga nagpapababa sa halaga ng lupa at humahadlang sa normal na paggamit at pagpapaunlad ng nasabing lugar.” Makikita ang nasabing pagkakasalin sa kawing na https://pagbangon.blogspot.com/2009/11/udha-tagalog-version.html. 

“Nang maisabatas ang UDHA, o iyang Lina Law, ay agad naming ipinasalin kay Pareng Inggo, na isang makata, ang batas na iyan,” sabi ni Igme, “upang mas madaling maunawaan ng mga kasapi ng Samahan ng Magkakapitbahay sa Dulong Tulay, na naisalin naman niya. Pinaunlad namin ang lugar na iyan nang itinapon kami sa relokasyong iyan, na wala pang kabahayan. Kami ang naghawan ng damo, nagpatong ng mga bato at matayuan ng bahay, hanggang maging maunlad na ngayon.”

Subalit tugon ng hukom, “Hindi naman opisyal na tagasalin ng batas iyang si Inggo, kundi pagtingin lang niya iyan. Kaya ang ginagamit sa inyo ay itong batas na nakasulat sa Ingles. Diyan ang aming batayan paano talaga ma-interpret ang batas. Dahil tila mali ang pagkasalin niya sa nasabing seksyon ng batas. Sa Merriam Webster, ang bighted ay ": in a badly damaged or deteriorated condition." Ibig sabihin, lupaing malubhang nasira o lumalalang kondisyon. Ang inokupa ninyo ay hindi blighted land."

Umuwing luhaan ang mga maralita. Pakiramdam nila’y tuluyan na silang mapapaalis sa lugar na kaytagal na panahon nilang pinaunlad.

Hanggang sinabi ni Mang Igme, na siyang namumuno sa samahan, “Dapat pala, may opisyal na tagasalin ang mga batas ng bansa. Tayo kasi ang bansang ang mga dokumento ay pawang nakasulat sa Ingles habang nagsasalita tayo sa sariling wika sa araw-araw, kaya hindi nakasanayang magsalita ng Ingles. Naisahan tayo sa kamaliang di natin kasalanan. Nais lang naman nating maunawaan ang batas na tatamaan tayo.”

Nagmungkahi si Isay, “Dapat mag-lobby tayo ng batas na may ahensya ng pamahalaan na italagang tagasalin ng lahat ng batas ng ating bansa, at mungkahi ko ay kumausap tayo ng mga kongresista o senador na lilikha ng batas na itatalaga, halimbawa, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na ahensya sa wika ng ating bansa, na siyang italagang opisyal na tagasalin ng lahat ng batas sa bansa, sa Tagalog man, Bisaya, o iba pang wika sa Pilipinas. Kung tatamaan ay katutubo, tulad ng Indigenous People’s Rights Act o IPRA, aba’y dapat isalin iyan sa wikang katutubo, upang hindi naman madehado tayong mamamayan. Di tulad sa nangyari sa atin. Dahil sa maling salin, ayon sa korte, eto, mukhang mawawalan tayo ng tahanan.”

Sumagot si Ingrid, “Paano po natin sisimulan iyan, aling Isay. May karanasan na po ba kayo sa, ano ‘yun, magpasa ng batas para sa mga senador o kongresista.”

“Pagla-lobby. Magla-lobby tayo ng batas sa mga kongresman at senador, na gawing opisyal na tagasalin ng mga batas ng bansa ang KWF o Komisyon sa Wikang Filipino. Ang una nating gawin ay lumiham sa kanila at ipaliwanag ang naging karanasan natin sa korte, at imungkahi nating upang di maulit sa iba ang ating karanasan, ay isabatas nila na gawing opisyal na tagasalin ng lahat ng batas ang Komisyon sa Wikang Filipino dahil sila naman ang ahensyang pangwika ng pamahalaan.”

“Maganda po ang suhestyon n’yo. Sana’y maumpisahan na agad. Tutulong po kami sa pagdadala ng mga liham sa Kongreso at Senado, habang magbabantay ang iba nating kapitbahayan upang ipagtanggol ang ating mga tahanan kung sakaling may banta na ng demolisyon.”

Si Mang Igme, “Salamat sa malasakit, mga kasama. Simulan na nating gumawa ng liham upang maging batas iyan. Kung di tayo kikilos, kailan pa? Simulan natin upang may maitulong tayo sa kapwa maralita.”

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Hulyo 1-15, 2023, pahina 18-19.

Linggo, Hulyo 9, 2023

KWF, gawing opisyal na tagasalin ng batas

KWF, GAWING OPISYAL NA TAGASALIN NG BATAS

gawing opisyal na tagasalin ng batas
ang ahensyang pangwika, at dapat iatas
doon sa Komisyon sa Wikang Filipino
mga batas sa Ingles, isa-Filipino

upang di maagrabyado ang mga dukha,
pesante, vendor, katutubo, manggagawa,
mangingisda, kababaihan, kabataan
bawat batas na apektado'y mamamayan

halimbawa na lamang ang UDHA at IPRA
na nasa Ingles, di maunawa ng masa
kung isinalin iyan sa wikang sarili
madaling maunawa, sa masa'y may silbi

dapat maisulat ang panukalang ito
at mapag-usapan sa Kongreso't Senado
lagdaan ng Pangulo upang maging batas
daan ito upang lipuna’y maging patas

- gregoriovbituinjr.
07.09.2023

* UDHA - Urban Development and Housing Act of 1992, Republic Act No. 7279
*IPRA - Indigenous Peoples' Rights Act of 1997, Republic Act No. 8371

Miyerkules, Mayo 17, 2023

Muslak - salin ng tulang NAIVE ni Winter Raine

MUSLAK
ni Winter Raine
malayang salin ni 
Gregorio V. Bituin Jr.

napakabata ko
napakatanda mo
ilang ulit na bang
sinabihan tayo?

hindi ito tama
hindi ito patas
minahal na kita
may pakelam sila?

sila'y nag-alala
nakita ba nila
sa iyo'y ako lang 
pagkat mahal mo nga.

subalit huli na
dapat kang umalis
pagbayarin sila
magpalitan kaya?

aalis din ako
makikita nila
tanggapin ka nila
nang nais din ako.

ngunit di gumana
aalis ka pa rin
lagi ka sa isip
ay, napakamuslak

* Isinalin, 05.17.2023
muslak - musmos, walang muwang, naive
- mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.803

NAIVE
by Winter Raine

I was too young
You were too old
How many times
Should we be told?

It wasn't right
It wasn't fair
I love you now
Don't they care?

They are worried
Don't they see
I am your only one
You really do love me.

It's too late
you have to go
I'll make them pay
quid pro quo, no?

I will leave too
Then they will see
They have to take you
If they want to have me.

Too bad it didn't work
You still have to leave
I will always think of you
Oh to still be so naive.

Huwebes, Abril 20, 2023

#WagGas: Salin ng Batangas Declaration

Ang sumusunod na pahayag ay malayang isinalin mula sa wikang Ingles ng manunulat na si Gregorio V. Bituin Jr. bilang bahagi ng kampanya upang mas maunawaan pa ng sambayanan ang isyu,


Sa paglulunsad ng #WagGas noong Abril 20, 2023, binasa ni Bishop Alminaza, isa sa anim na tagapagsalita, ang sumusunod na pahayag:

#WagGas

DEKLARASYON SA BATANGAS: NAGKAKAISANG TINDIG LABAN SA PAGPAPALAWAK NG FOSSIL GAS SA PILIPINAS
Para sa Sustenableng Kinabukasan at 100% Renewable Energy para sa Lahat

KAMI, mga delegado ng Pambansang Pagtitipon ng mga Pamayanang Apektado  Fossil Gas at mga grupong sumusuporta, na kumakatawan sa mga pamayanan sa Luzon, Visayas at Mindanao; mga samahang masa at mga organisasyong di-pampamahalaan, mangingisda, kilusang sibiko at pangkapaligiran, mga organisasyon at institusyong nakabatay sa pananampalataya, mga grupo ng manggagawa, mga mamimili, kababaihan, at kabataan ay nagpapahayag:

SAPAGKAT ang Pilipinas ay isang bansang pinagkalooban ng masaganang yaman na higit pa sa kakayahang palakasin ang isang sustenableng kinabukasan habang nagbibigay ng kabuhayang kailangan ng ating mamamayan.

SAPAGKAT sa kanyang unang State of the Nation Address, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos na bigyang-priyoridad ang pag-unlad na salungat sa agos at gitna sa agos (upstream at midstream development) ng natural gas bilang pansamantala sa pagbuo ng mga renewable - batay sa maling akala na ito ay isang malinis na mapagkukunan ng enerhiya. Ang natural na gas ay isang fossil fuel na hindi gaanong salarin sa krisis sa klima kaysa sa karbon o langis. Pangunahin itong binubuo at naglalabas ng methane sa bawat yugto ng value chain nito, at naglalabas ng iba pang mga greenhouse gases sa kapinsalaan ng ating mga pandaigdigang sistema sa klima.

SAPAGKAT kung titingnan sa higit sa 10- hanggang 20-taon na sukat ng panahon, ang methane at iba pang panandaliang greenhouse gas ay nakakaimpluwensya sa pag-init ng mundo kahit sindami ng carbon dioxide. Upang mapanatili ang higit pang sakuna sa pagbabago ng klima, walang mga bagong bukid ng gas, kung saan inaasahang mas maraming natural na gas ang makukuha mula sa sahig ng dagat, ay dapat maaprubahan para sa pagpapaunlad lampas ng 2021. Walang puwang para sa mga kompromiso sa pagkilos ng klima, sa katunayan, at batay sa sulating  Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Pope Francis: "Ang problema ay pinalala ng isang modelo ng pag-unlad batay sa masinsinang paggamit ng fossil fuels, na nasa puso ng pandaigdigang sistema ng enerhiya." "Alam namin na ang teknolohiyang nakabatay sa paggamit ng lubhang nakakaruming fossil fuel... ay kailangang unti-unting palitan nang walang pagkaantala."

SAPAGKAT ang renewable energy ay naging mas mabubuhay at mapagkumpetensya-sa-gastusin sa mga nakalipas na taon, na nagiging abot-kaya ngunit sustenableng enerhiya na mas abot-kaya ng bawat Pilipinong sambahayan; Ngayon, samakatuwid:

NAGKAKAISA KAMI sa likod ng pag-unawa na ang fossil gas ay nagsasapanganib sa kapakanan ng mga pamayanan, ating kapaligiran, at ating lipunan, at ngayon ay nagpapakita ng ating pagkakaisa sa paglaban sa pagpapalawak nito.

TINUTULIGSA NAMIN ang matinding pagpapalawak ng natural gas sa bansa, na labag sa kapakanan ng Pilipinas bilang megadiverse (o malawakang samutsari) ngunit isang bansang bulnerable sa klima. Mula sa kasalukuyang 3.4 GW na kapasidad ng gas sa pipeline ay bumulusok sa 37.95 GW mula sa 34 na bagong proyekto, na may 11 bagong liquified natural gas (LNG) na mga terminal ng pag-import ay ginagawa na.

DINIRINIG NAMIN ang pandaigdigang panawagang magkaisa upang labanan ang umiiral na banta ng pagbabago ng klima at para sa pag-alis ng mga materyales at proseso na nag-uudyok sa pagtaas ng temperatura sa daigdig, na pangunahin sa mga ito ay ang paggamit ng mga fossil fuel - ito man ay coal o gas - sa pag-generate ng kuryente.

HINIHILING NAMIN na ang Pamahalaan ng Pilipinas, kasama ang Pangulo, Kongreso, at Kagawaran ng Enerhiya na siyang may pananagutan, na ihinto ang pagsisikap nitong palawakin ang ating pagiging palaasa sa gas at sa halip ay trabahuhin ang malawakang paglalagay ng mga enerhiyang renewable.

NANAWAGAN KAMI para sa proteksyon ng aming mga baybayin at ekosistemang pandagat kung saan nakasalalay ang buhay at kabuhayan ng mga pamayanan. Ang mga plantang pinagagana ng gas at mga terminal ng LNG ay inilagay sa tabi ng ating mga karagatan, laot at malalaking anyong tubig upang gamitin para sa kanilang sistema ng pagpapalamig, o upang makatanggap ng mga inangkat na LNG mula sa mga tanker. Ang sedimentasyon at siltasyon na nagreresulta mula sa paghahawan ng lupa, ang hindi maibabalik na pinsala sa mga tahanang dagat na dulot ng paghawan at reklamasyon ng bakawan, ang pagpakawala ng mas maiinit na tubig na ginagamit para sa paglamig ng mga pinatatakbong gas-fired power plant ay ilan lamang sa mga banta, na dulot ng industriya ng fossil gas sa ating pinahahalagahang ekolohiyang pandagat. Pitong mungkahing proyektong fossil gas at walong LNG terminal ang ilalagay sa Batangas, na bahagi ng Verde Island Passage (VIP). Ang VIP ang sentro ng mga sentro ng saribuhay sa karagatan at baybaying isda sa mundo at tinuturing bilang Amazon of the Oceans. Nababahala kami na ang mga gas site sa buong bansa ay sumasalamin sa pinsalang naganap sa VIP. Ang panliligalig, panlilinlang, at panggigipit na kinakaharap ng mga pamayanan, na kadalasang nakukulayan ng mga maling pagtitiyak ng pag-unlad at pagsulong, ay mga katotohanan ding hindi maaaring balewalain. Nagdurusa na sa mga hamon sa klima at pang-ekonomiya, ang industriya ng gas ay nakadagdag pa sa mga pasanin ng mga pamayanang nakaharap sa laban.

HINIHILING NAMIN ang pagpapahinto sa mga proyektong fossil gas na iminungkahi sa Batangas at sa iba pang lugar sa bansa, na nagdudulot ng polusyon at ng pagkasira sa mga lugar na kinalalagyan ng mga ito. Sa isang kamakailang pag-aaral, halimbawa, ang naglalantad sa katotohanang ilang mga pollutant ay umabot na sa hindi ligtas na mga antas sa tubig ng isang nahawahan na ng fossil gas na bahagi ng Verde Island Passage, ngunit walang malinaw na patakarang umiiral upang protektahan ang VIP mula sa karagdagang kontaminasyon. Ang mga awtoridad na responsable sa pangangalaga sa kapaligiran at mga taong umaasa rito para sa kanilang pamumuhay at pinagkukunan ng kabuhayan, pangunahin sa mga ito ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga local government units (LGUs), ay dapat magpatupad ng pinakamahigpit na pamantayan sa pangangalaga sa integridad ng Sangnilikha, na may malinaw na pagtutuos at pag-uulat hinggil sa kalusugan ng masaganang kalikasan.

HINIHIMOK NAMIN ang Department of Energy (DoE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na protektahan ang mga konsyumer mula sa mga hindi makatarungang presyo ng kuryente na resulta ng mga paghihigpit sa Malampaya Gas Field at mamahaling naangkat na mga alternatibong fuel, at itigil na ang paglalako na ang LNG ang solusyon sa problema sa kuryente. Ang digmaang Russia-Ukraine ay nagdulot din ng bagong pagtaas ng presyo ng gas. Ang mga pinatatakbong plantang nagsusunog ng lokal na gas ay patuloy na naniningil sa mga konsyumer ng pabagu-bago at mahal na presyo, salamat sa mga probisyon ng pass-on. Sa gitna ng mga kabiguang ito, ang fossil gas at lahat ng fossil fuel ay kulang din sa pangako ng pagkakaloob ng maaasahan at madaling kamting enerhiya, dahil ang iba't ibang pamayanan sa buong Pilipinas ay patuloy na dumaranas pa rin ng pagkawala ng kuryente o kawalan ng kuryente. Samantala, ang ating masaganang kakayahang renewable ay nagpapatunay na may kakayahang matugunan ang mga pangangailangan habang iniingatan ang ating mga baybayin at karagatan mula sa pagkasira. Ang kamakailang Green Energy Auction Program ay nagbunga ng mas mababa sa 4 Php/kWh na presyo para sa solar. Ang mga renewable ay mas madaling maitayo, na ang mga proyekto ay papasok nang mas mabilis kaysa panahong kinakailangan upang makagawa ng isang planta ng kuryente.

HINIHIMOK NAMIN ang lahat ng Pilipino na magkaisa para sa isang sustenable't pinatatag na kinabukasan at labanan ang fossil gas, na nagbabanta sa paglihis sa mga pangako sa klima ng bansa. Ang mga taon ng walang humpay at nagkakaisang pagkilos laban sa coal ay dapat magpaalala at magbigay ng inspirasyon sa atin na kahit ang isang napakalaking industriya ay maaaring bumagsak laban sa kolektibong kapangyarihan ng sambayanan.

NANAWAGAN KAMI sa lahat ng mamamayan sa Timog-silangang Asya na nahaharap sa matinding pagpapalawak ng mga proyekto ng fossil gas na magkaisang tumindig upang wakasan na ang paggamit ng fossil fuel. Tulad ng laban sa anti-coal, ang oposisyon laban sa gas ay isang tunggaliang isinasagawa ng lampas pa sa Pilipinas.

HININILING NAMIN sa Pambansang Pamahalaan na tuparin ang pinakaambisyosong layuning makamit ang 100% renewable energy mix sa lalong madaling panahon, na kinikilala na ang mga renewable lamang ang siyang tunay na nag-aalok ng malinis, abot-kaya, at madaling makuhang enerhiya para sa mamamayan.

HUWAG PAYAGAN ANG FOSSIL GAS SA ATING MGA BAYBAYIN!

Nilagdaan nitong ika-25 araw ng Agosto 2022 sa Capuchin Retreat Center, Lungsod ng Lipa, Pilipinas

Ang Magsasaka at ang Tagak, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Tagak ni Aesop Isang Tagak na napakasimple at mapagkakatiwalaan ang hiniling ng isang masayang grupo ng mga Itik na bis...