Bukas na Liham sa Mamamayang Amerikano
mula kay Pangulong Nicolás Maduro ng Venezuela
(Malayang salin ni Greg Bituin Jr.)
If I know anything, it is about peoples, such as you, I am a man of the people. I was born and raised in a poor neighborhood of Caracas. I forged myself in the heat of popular and union struggles in a Venezuela submerged in exclusion and inequality. I am not a tycoon, I am a worker of reason and heart, today I have the great privilege of presiding over the new Venezuela, rooted in a model of inclusive development and social equality, which was forged by Commander Hugo Chávez since 1998 inspired by the Bolivarian legacy.
Kung alam ko ang anumang bagay, ito ay tungkol sa mga tao, tulad mo, ako'y tao ng sambayanan. Ako'y isinilang at tumubo sa isang mahirap na kapitbahayan sa Caracas. Inugit ko ang aking sarili sa gitna ng init ng mga kilalang pakikibaka ng mga unyon sa isang Venezuelang lubog sa pagkakahiwa-hiwalay at hindi pagkakapantay-pantay. Hindi ako napakayamang mangangalakal, ako ay isang manggagawa ng katwiran at puso, ngayon ako'y may dakilang pribilehiyong mamuno sa bagong Venezuela, na nakaugat sa isang modelo ng pag-unlad na kasama ang lahat at panlipunang pagkakapantay-pantay, na inugit ni Kumandante Hugo Chavez noon pang 1998 na inspirado ng pamanang Bolivariano.
We live today a historical trance. There are days that will define the future of our countries between war and peace. Your national representatives of Washington want to bring to their borders the same hatred that they planted in Vietnam. They want to invade and intervene in Venezuela – they say, as they said then – in the name of democracy and freedom. But it’s not like that. The history of the usurpation of power in Venezuela is as false as the weapons of mass destruction in Iraq. It is a false case, but it can have dramatic consequences for our entire region.
Nabubuhay tayo ngayon sa isang makasaysayagng pagkalugmok. May mga araw na itatakda ang kinabukasan ng ating mga bansa sa pagitan ng digmaan at kapayapaan. Nais ng inyong mga pambansang kinatawan ng Washington na dalhin sa kanilang mga hangganan ang parehong pagkapoot na kanilang itinanim sa Vietnam. Gusto nilang sakupin at makialam sa Venezuela - sinasabi nila, tulad ng sinabi na nila noon - sa ngalan ng demokrasya at kalayaan. Ngunit hindi iyon ganoon. Ang kasaysayan ng pang-aagaw ng kapangyarihan sa Venezuela ay kasingmali ng weapons of mass destruction (sandata ng pangkalahatang pagwasak) sa Iraq. Isa iyong maling kaso, ngunit maaari itong magkaroon ng mga dramatikong kahihinatnan para sa aming buong rehiyon.
Venezuela is a country that, by virtue of its 1999 Constitution, has broadly expanded the participatory and protagonist democracy of the people, and that is unprecedented today, as one of the countries with the largest number of electoral processes in its last 20 years. You might not like our ideology, or our appearance, but we exist and we are millions.
Ang Venezuela ay isang bansang, sa pamamagitan ng Konstitusyong 1999 nito, mas pinalawak ang demokrasya ng pakikilahok at paglaban ng sambayanan, at wala pang nakagagawa niyan ngayon, bilang isa sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng proseso ng halalan sa nakaraang 20 taon. Maaaring hindi mo gusto ang aming ideolohiya, o ang aming hitsura, ngunit umiiral kami at kami ay milyun-milyon.
I address these words to the people of the United States of America to warn of the gravity and danger that intend some sectors in the White House to invade Venezuela with unpredictable consequences for my country and for the entire American region. President Donald Trump also intends to disturb noble dialogue initiatives promoted by Uruguay and Mexico with the support of CARICOM for a peaceful solution and dialogue in favour of Venezuela. We know that for the good of Venezuela we have to sit down and talk, because to refuse to dialogue is to choose strength as a way. Keep in mind the words of John F. Kennedy: “Let us never negotiate out of fear. But let us never fear to negotiate”. Are those who do not want to dialogue afraid of the truth?
Ipinahahayag ko ang mga pananalitang ito sa mamamayan ng Estados Unidos ng Amerika upang magbabala ng tindi at panganib na hinahangad ng ilang sektor sa White House na lusubin ang Venezuela na may hindi inaasahang kahihinatnan para sa aking bansa at para sa buong rehiyon ng Amerika. Hinahayaan din ni Pangulong Donald Trump na abalahin ang mga inisyatibo ng marangal na pag-uusap na itinataguyod ng Uruguay at Mexico sa tulong ng CARICOM para sa mapayapang solusyon at pag-uusap na pabor sa Venezuela. Alam namin na para sa kabutihan ng Venezuela kailangan naming umupo at makipag-usap, dahil ang pagtanggi sa pag-uusap ay pinipili ang pwersa bilang pamamaraan. Tandaan ang sinabi noon ni John F. Kennedy: "Huwag tayong makipag-ayos dahil sa takot. Ngunit huwag tayong matakot na makipag-ayos". Yaon bang ayaw makipag-usap ay natatakot sa katotohanan?
The political intolerance towards the Venezuelan Bolivarian model and the desires for our immense oil resources, minerals and other great riches, has prompted an international coalition headed by the US government to commit the serious insanity of militarily attacking Venezuela under the false excuse of a non-existent humanitarian crisis.
Ang kawalang-pagpaparayang pulitikal sa modelong Bolivariano ng Venezuela at ang pagnanais ng aming napakalawak na mapagkukunan ng langis, mineral at iba pang malalaking kayamana, ang nagtulak sa isang daigdigang koalisyon na pinamumunuan ng gobyernong US upang gumawa ng malubhang kabaliwanng na militarisadong lusubin ang Venezuela dahil sa gawa-gawang dahilan ng isang krisis na humanitaryan na hindi naman umiiral.
The people of Venezuela have suffered painfully social wounds caused by a criminal commercial and financial blockade, which has been aggravated by the dispossession and robbery of our financial resources and assets in countries aligned with this demented onslaught.
Nagdusa na ang mamamayan ng Venezuela ng masasakit na panlipunang sugat dulot ng isang kriminal na blokadang pangkomersyo at pinansiyal, na pinalala ng pag-aalis at pandarambong ng aming mga pinansyal na likas-yaman at mga ari-arian sa mga bansang kahanay sa nakamamatay na pagsalakay na ito.
And yet, thanks to a new system of social protection, of direct attention to the most vulnerable sectors, we proudly continue to be a country with high human development index and lower inequality in the Americas.
Gayunpaman, salamat sa isang bagong sistema ng panlipunang proteksyon, ng direktang atensyon sa mga pinakamahihirap na sektor, ipinagmamalaki naming kami'y isang bansang may mataas na antas ng pag-unlad ng tao at mas mababa ang hindi pagkakapantay-pantay sa Amerika.
The American people must know that this complex multiform aggression is carried out with total impunity and in clear violation of the Charter of the United Nations, which expressly outlaws the threat or use of force, among other principles and purposes for the sake of peace and the friendly relations between the Nations.
Dapat mabatid ng mamamayang Amerikano na ang kumplikadong samutsaring anyo ng pagsalakay na ito'y isinasagawa na may lubusang imunidad at may malinaw na paglabag sa Charter ng United Nations, na malinaw na ipinagbabawal ang pagbabanta o paggamit ng lakas, bukod sa iba pang mga prinsipyo at layunin para sa kapayapaan at mapagkaibigang ugnayan sa pagitan ng mga Bansa.
We want to continue being business partners of the people of the United States, as we have been throughout our history. Their politicians in Washington, on the other hand, are willing to send their sons and daughters to die in an absurd war, instead of respecting the sacred right of the Venezuelan people to self-determination and safeguarding their sovereignty.
Nais naming ipagpatuloy ang pakikipagkalakalan sa mamamayan ng Estados Unidos, tulad ng aming ginawa sa buong kasaysayan namin. Ang kanilang mga pulitiko sa Washington, sa kabilang banda, ay handang ipadala ang kanilang mga anak upang mamatay sa isang walang katuturang digmaan, sa halip na igalang ang banal na karapatan ng mamamayan ng Venezuela sa sariling pagpapasiya at pangalagaan ang kanilang soberanya.
Like you, people of the United States, we Venezuelans are patriots. And we shall defend our homeland with all the pieces of our soul. Today Venezuela is united in a single clamor: we demand the cessation of the aggression that seeks to suffocate our economy and socially suffocate our people, as well as the cessation of the serious and dangerous threats of military intervention against Venezuela. We appeal to the good soul of the American society, victim of its own leaders, to join our call for peace, let us be all one people against warmongering and war.
Tulad ninyo, mamamayan ng Estados Unidos, kaming mga Venezuelano ay makabayan. At ipagtatanggol namin ang aming sariling bayan kasama ng bawat piraso ng aming kaluluwa. Ngayon ang Venezuela ay nagkakaisa sa isang panawagan: nais naming matigil na ang agresyong ang layunin ay suminghap-singhap ang aming ekonomya at panlipunang pagsinghapin ang aming mamamayan, pati na rin ang pagtigil ng seryoso at mapanganib na banta ng interbensyong militar laban sa Venezuela. Ipinanawagan namin sa mabubuting tao sa Amerika, na bitikam ng kanilang sariling pamunuan, upang sumali sa aming panawagan para sa kapayapaan, tayo'y magkaisa bilang sambayanan laban sa panunulsol at digmaan.
Long live the peoples of America!
Mabuhay ang mamamayan ng Amerika!
Nicolás Maduro
President of the Bolivarian Republic of Venezuela
Nicolás Maduro