AWIT: KAY CELIA
Ni Ben Jonson
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Tagayan mo ako ng iyong mga mata lamang
At ako'y mamamanata nitong abang sarili;
O mag-iwan kaya ng halik subalit sa tasa,
At ako'y hindi na maghahagilap pa ng basi.
Ang uhaw na mula sa aking kaluluwa'y buhat
Sa inaasam-asam na basing may pagkasanto:
Subalit ako man sa lagdò ni Jove'y hihigop
Ako'y hindi magbabago alang-alang sa iyo.
Pinadalhan kita nito lang ng rosas na putong,
Ito'y hindi upang ikaw ay bigyang-karangalan,
Na animo'y nagbibigay ng pag-asa, na roon
Ay hindi na nga malalanta-lanta pang tuluyan.
Ngunit ikaw kapagdaka'y humihinga na lamang,
At iyong ibinalik iyon sa aba mong lingkod;
Subalit nang lumago iyon at humalimuyak,
Ako'y sumusumpa, hindi roon, kundi sa iyo.
SONG: TO CELIA (1616)
Ben Jonson (1572-1637)
Drink to me only with thine eyes,
And I will pledge with mine;
Or leave a kiss but in the cup,
And I'll not look for wine.
The thirst that from the soul doth rise,
Doth ask a drink divine:
But might I of Jove's nectar sup,
I would not change for thine.
I sent thee late a rosy wreath,
Not so much honoring thee,
As giving it a hope, that there
It could not withered be.
But thou thereon didst only breath,
And senst it back to me;
Since when it grows and smells, i swear,
Not of thyself, but thee.
Mga Salin mula sa ibang wika tungo sa wikang Filipino, pinagsikapang gawin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Martes, Marso 17, 2015
Martes, Marso 3, 2015
Pakikipagtalastasan kay Kasamang Lenin (1929)
Pakikipagtalastasan kay
Kasamang Lenin (1929)
Tula ni Vladimir Mayakovsky
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Pinaghalawan: Panitikang Ruso ng
ika-20 Siglo
Sa pag-inog ng mga pangyayari,
Na tambak ang
sangkaterbang gawain,
unti-unting lumulubog ang araw
habang
palubog na rin ang anino ng gabi.
May dalawang tao sa silid:
ako
at si
Lenin -
isang larawan
sa kaputian ng
dingding.
Sumirit pataas ang pinaggapasan
sa ibabaw
ng kanyang labi
habang namutawi ang talumpati
sa kanyang bibig.
Ang igting
ng lukot ng kanilang noo
ay may diwang
mahigpit
nilang tangan,
ang noo nilang napakalapad
ay tinutumbasan ng
napakalawak niyang diwa.
Isang gubat ng mga bandila,
mga taas-kamay na
singkapal ng damo...
Libu-libo ang nagmamartsa
sa ilalim
niya...
Nakalulan,
nag-aalab sa ligaya,
bumangon ako mula
sa aking kinalalagyan,
upang makita lamang siya,
papurihan siya,
mag-ulat
sa kanya!
“Kasamang Lenin,
ako'y nag-uulat sa
iyo -
(hindi dikta ng opisina,
ang puso’y
nadidiktahang mag-isa)
Ang napakabuktot na gawaing ito
na dapat nating
gampanan
ay dapat magawa
at ginagawa na.
Pinakakain naming at dinadamitan
at nagbibigay-liwanag sa
nangangailangan,
ang mga kota
para sa uling
at para sa bakal
ay
nagampanan,
ngunit mayroong itong
anumang halaga
ng pagdurugo
marumi
at kalokohan
pa rin sa paligid
natin.
Kung wala ka,
napakarami
ang hindi
na napanghawakan,
lahat ng pag-aaway
at pagbabangayan
ang naganap.
Maraming mga
taong hamak
na nasa ating
mga lupain,
nasa labas ng hangganan
at narito rin
sa
loob.
Subukan mong
bilangin sila
at
itala sila -
wala yaong paroroonan,
naroon ang lahat ng tipo,
at sila’y
singkapal ng kulitis:
ang mga panggitnang magsasaka,
mga may disiplinang bakal,
at,
sa baba ng
hanay,
mga lasenggo,
mga sektaryan,
mga sipsip.
Gumigiri-giri sila sa paligid
nagmamalaking
tulad ng
pabo,
ang mga tsapa at plumang
nagkalat
sa kanilang dibdib.
Gagapiin natin ang karamihan sa kanila -
ngunit
ang
sila’y gapiin
ay di madaling gawin
sa pinakainaman
nito.
Sa mga lupaing nagyeyelo
at sa mga pinaggapasang
palayan,
sa mga plantang mauusok
at sa mga pabrika,
narito ka sa aming puso,
Kasamang Lenin,
nagtatatag kami,
nag-iisip kami,
humihinga kami,
nabubuhay kami,
at
lumalaban kami!”
Sa pag-inog ng mga pangyayari,
Na tambak ang
sangkaterbang gawain,
unti-unting lumulubog ang araw
habang
palubog na rin ang anino ng gabi.
May dalawang tao sa silid:
ako
at si
Lenin -
isang larawan
sa kaputian ng
dingding.
Conversation with Comrade Lenin
(1929)
Poem by Vladimir Mayakovsky
Source: 20th Century Russian Literature.
Awhirl with events,
packed with
jobs one too many,
the day slowly sinks
as the night
shadows fall.
There are two in the room:
I
and Lenin-
a photograph
on the whiteness of
wall.
The stubble slides upward
above his
lip
as his mouth
jerks open in speech.
The tense
creases of brow
hold thought
in
their grip,
immense brow
matched by thought
immense.
A forest of flags,
raised-up hands
thick as grass...
Thousands are marching
beneath
him...
Transported,
alight with joy,
I rise from my
place,
eager to see him,
hail him,
report to
him!
“Comrade Lenin,
I report to you -
(not a dictate of office,
the heart’s prompting alone)
This hellish work
that we’re out to
do
will be done
and is already being done.
We feed and we clothe
and give
light to the needy,
the quotas
for coal
and for iron
fulfill,
but there is
any amount
of bleeding
muck
and rubbish
around us still.
Without you,
there’s many
have got out of hand,
all the sparring
and squabbling
does one in.
There’s scum
in plenty
hounding our
land,
outside the borders
and also
within.
Try to
count ’em
and
tab ’em -
it’s no
go,
there’s all kinds,
and they’re
thick
as nettles:
kulaks,
red tapists,
and,
down the row,
drunkards,
sectarians,
lickspittles.
They strut around
proudly
as
peacocks,
badges and fountain pens
studding
their chests.
We’ll lick the lot of ’em-
but
to
lick ’em
is no easy job
at the very best.
On snow-covered lands
and on
stubbly fields,
in smoky plants
and on factory
sites,
with you in our hearts,
Comrade Lenin,
we build,
we think,
we breathe,
we live,
and we
fight!”
Awhirl with events,
packed with
jobs one too many,
the day slowly sinks
as the night
shadows fall.
There are two in the room:
I
and
Lenin -
a photograph
on the whiteness of wall.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Salin ng tula ni Charlie Chaplin
SALIN NG TULA NI CHARLIE CHAPLIN Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilason ng kasakiman ang diwa ng tao, na binarikadahan ng poot ang...

-
Ang Martir Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang pagsin...
-
"Dapat mabatid ng sosyalistang tao kung paano kinakalkula ang distansya ng mga bituin, kung paano pinag-iiba ang isang isda sa isang p...
-
TULA NI HO CHI MINH BILANG HUDYAT NG OPENSIBANG TET Ayon sa ulat ni Dale Anderson, "The Tet Offensive: Turning Point of the Vietnam War...