Huwebes, Marso 14, 2024

Salin ng akda ni Ka Walden Bello - Is the American Empire Unraveling?

mula sa https://coverstory.ph/is-the-american-empire-unraveling/
IS THE AMERICAN EMPIRE UNRAVELING?
MARCH 10, 2024  BY WALDEN BELLO 

NAGKAKAWATAK-WATAK NA BA ANG IMPERYO NG AMERIKA?
ni Walden Bello
Marso 10, 2024

Malayang salin ni Greg Bituin Jr.

We are not witnessing the last days of the American empire. Its crisis is real, but its trajectory of decline is likely to be protracted and uneven.

Hindi natin nasasaksihan ang mga huling araw ng imperyo ng Amerika. Ang krisis nito ay totoo, ngunit ang trahektorya o nilalandas ng pagbaba nito ay malamang na pangmatagalan at hindi pantay.

After the fall of the Soviet bloc in the early 1990s, the United States stood at the apex of the unipolar world, unrivalled both politically and economically. Some 35 years later, it has become a struggling superpower and has no one to blame but itself for its current deep crisis. 

Matapos magbagsakan ang blokeng Sobyet noong unang bahagi ng 1990, tumindig ang Estados Unidos sa tuktok ng unipolar na mundo, nang walang kapantay kapwa sa pulitika't ekonomiya. Makalipas ang 35 taon, naging nagpupumiglas na superpower ito at walang dapat sisihin kundi sarili nito sa kinakaharap nitong matinding krisis sa kasalukuyan.

The American empire unleashed two major drives in the last three decades, and the consequences of these initiatives have come back to gnaw at its entrails.

Nagpakawala ang imperyo ng Amerika ng dalawang pangunahing puwersa sa nakalipas na tatlong dekada, at ang mga kahihinatnan ng mga hakbanging ito ay bumalik sa pagngatngat sa kaibuturan nito.

The first was neoliberalism, an effort to restructure the US economy and the global economy on free market principles and place few constraints on making profit.  The second was termed “nation-building,” a new collar for an old dog called “imperialism.”  

Ang una'y ang neoliberalismo, ito'y pagsisikap na muling isaayos ang ekonomya ng US at ang pandaigdigang ekonomiya sa pamamagitan ng prinsipyo ng malayang pamilihan at maglagay ng kaunting mga hadlang sa paglikha ng tubo. Ang pangalawa ay tinawag na "pagbuo ng bansa," isang bagong kwelyo para sa matandang aso na tinatawag na "imperyalismo."

There were three major prongs to neoliberalism.  One was structural adjustment—placing as few political and social constraints on the movement of market forces. The second was financialization—making the financial sector the cutting edge of the economy.  The third was globalization—doing away with political, cultural, and social barriers to the free flow of trade and capital.  I will focus my remarks on the third.

Mayroong tatlong pangunahing sungay ang neoliberalismo. Ang isa ay ang pagsasaayos sa istruktura — paglalagay ng kaunting pampulitika at panlipunang hadlang sa paggalaw ng mga pwersa ng pamilihan. Ang ikalawa'y ang pananalapi —  ang sektor ng pananalapi ay ginawang progresibo sa ekonomiya. Ang ikatlo'y ang globalisasyon—pag-aalis ng mga hadlang sa pulitika, kultura, at panlipunan sa pamamagitan ng malayang daloy ng kalakalan at kapital. Itutuon ko ang aking mga pahayag sa ikatlo.

TNC-China economic partnership

Ang sosyohang pang-ekonomya ng TNC-Tsina

The main thrust of globalization was to incorporate China into the global capitalist system, an objective on which the US corporate elite was united. The US-China partnership lasted until 2017, when Donald Trump came to power.

Ang pangunahing tulak ng globalisasyon ay isama ang Tsina sa pandaigdigang sistemang kapitalista, layunin itong pinagkaisahan ng mga elitelistang korporasyon ng US. Ang sosyohan ng US-Tsina ay tumagal hanggang 2017, nang maupo si Donald Trump sa kapangyarihan.

China was important to US transnational corporations (TNCs) because in the early 2000s, the hourly manufacturing wage there was less than 5% of that in the US.  Investments in China, along with neoliberal restructuring and financialization at home, halted the decline of TNC profitability. Profit rates for US firms rose from 6% in the early 1980s to 9% in the early to mid-2000s. The so-called “China Price” saw US stock investments in China balloon from $30 to $40 billion a year in the mid-1990s to $107.6 billion by 2019.

Mahalaga ang Tsina sa mga transnational corporation (TNCs) ng US dahil noong unang bahagi ng 2000s, ang oras-paggawa ng sahod sa pagmamanupaktura doon ay mas mababa ng 5% kumpara sa US. Ang mga pamumuhunan sa Tsina, kasama ang neoliberal na pagrestruktura at pananalapi sa bansa, ang nagpahinto sa pagbaba ng kakayahang tumubo ng TNC. Tumaas mula 6% noong unang bahagi ng 1980s hanggang 9% sa unang bahagi ng kalagitnaan ng 2000s ang rata ng tubo ng mga kumpanya sa US. Sa tinatawag na "Presyong Tsina" ay nakitang lumobo ang mga nakahandang pamumuhunan ng US sa Tsina mula $30 hanggang $40 bilyon kada taon noong kalagitnaan ng 1990s hanggang $107.6 bilyon sa 2019.

US big business soon became China’s closest foreign ally. Under President Bill Clinton, big business lobbying overcame objections from pro-Taiwan right-wing elements, human rights advocates among Democrats, and a Pentagon that was convinced that China would be the US’ principal strategic competitor. 

Sa kalaunan, naging pinakamalapit na dayuhang kaalyado ng Tsina ang malalaking negosyo sa US. Sa ilalim ni Pangulong Bill Clinton, napagtagumpayan ng malalaking negosyo ang pangkampanya laban sa mga makakanang elementong maka-Taiwan, mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa hanay ng Democrats, at ang Pentagon na kumbinsidong ang Tsina ang magiging pangunahing estratehikong katunggali ng US.

The TNC-China nexus was a “devil’s bargain” that would remain strong through succeeding administrations until the Trump presidency. The TNCs were out to exploit Chinese labor for super profits. China agreed to this, but with the goal to gain the investment and technology needed to develop its economy. 

Ang ugnayang TNC-Tsina ay isang "baratilyo ng diyablo" na mananatiling malakas sa pamamagitan ng mga susunod na administrasyon hanggang sa pagkapangulo ni Trump. Nais pagsamantalahan ng mga TNC ang lakas-paggawa ng Tsino para sa labis na tubo. Sumang-ayon dito ang Tsina, ngunit sa layuning makakuha ng pamumuhunan at teknolohiyang kailangan upang mapaunlad ang ekonomiya nito.

The Chinese state was not like previous client regimes that had been integrated into global capitalism. It was the product of a successful popular national revolution. It confronted US forces in Korea in the 1950s, and played a role in the Vietnamese victory over US forces in the 1970s. It was also stronger than the South Korean and Japanese states, whose capacity to resist US demands was limited by their subordination to US strategic interests. Beijing was thus able to manage foreign capital.

Ang bansang Tsina ay hindi na tulad ng mga naunang kliyenteng rehimen na isinama sa pandaigdigang kapitalismo. Produkto ito ng isang matagumpay na makamasang pambansang rebolusyon. Hinarap nito ang mga pwersang US sa Korea noong 1950s, at gumampan ng papel sa tagumpay ng Vietnam laban sa pwersang US noong 1970s. Mas malakas din ito kaysa sa mga bansang Japan at Timog Korea, na limitado ang kapasidad upang labanan ang mga kahilingan ng US kaya nagpasakop sila sa mga estratehikong interes nito. Kaya naman napangasiwaan ng Beijing ang dayuhang kapital.

The cost of China’s willingness to have its workers exploited was considerable. For the period 1960–2018, China suffered a loss in terms of value transfer—or unequal exchange—of approximately $19 trillion. But from Beijing’s perspective, this cost in return for economic development was a devil’s bargain that was worth making. 

Matindi ang kahalagahan ng pagpayag ng Tsina na mapagsamantalahan ang kanyang mga manggagawa. Noong panahon ng 1960–2018, nalugi ang Tsina sa mga tuntunin ng paglipat ng halaga — o hindi pantay na palitan — na humigit-kumulang $19 trilyon. Datapwat sa pananaw ng Beijing, ang gastos na ito bilang kapalit para sa pag-unlad ng ekonomiya ay isang kasunduan ng diyablo na nararapat gawin.

The TNCs accepted the devil’s bargain in order to improve their bottom lines. Former US Treasury secretary Hank Paulson remarked that many US firms “accepted the Faustian bargain of maximizing today’s earnings per share while operating under restrictions that jeopardize their future competitiveness.” 

Tinanggap ng mga TNC ang kasunduang diyablong ito upang mapabuti ang kanilang netong kita. Sinabi ni Hank Paulson, dating kalihim ng US Treasury, na maraming kumpanya sa US ang "tumanggap sa baratilyong Faustian ng pagmaksimisa ng mga kita sa bawat bahagi ngayon habang nagpapatakbo sa ilalim ng mga paghihigpit na nagsasapanganib sa kanilang pagiging mapagkumpitensya sa hinaharap."

The US clearly got the short end of the Faustian deal. Its industrial heartland has been largely deindustrialized, with factories moving to China.  By the end of the second decade of the 21st century, the relative power of China’s foreign corporate allies had been reduced by a decade-long stagnation in the US economy, a Covid-19 recession, and China’s rapid technological advances. 

Malinaw na nakuha ng US ang maikling pagtatapos ng kasunduang Faustian. Ang sentrong pang-industriya nito ay malawak na pagdeindustriyalisa, na may mga pabrikang lumipat sa Tsina. Sa pagtatapos ng ikalawang dekada ng ika-21 siglo, ang relatibong kapangyarihan ng mga dayuhang kaalyado ng korporasyon ng Tsina ay nabawasan ng isang dekadang kawalang kilos o istagnasyon sa ekonomiya ng US, isang resesyon sa Covid-19, at mabilis na pag-abante ng teknolohiya ng Tsina.

The US economy had also been shaken by a social and political upheaval characterized by job losses, rising inequality, and growing indebtedness. To be sure, China also has crises, including rising corporate debt, overinvestment in real estate, and the demographic crisis. China’s crises, however, stems from its unbalanced growth, unlike the US crises of decline. 

Nayanig din ng isang panlipunan at pampulitikang kaguluhan ang ekonomya ng US na nailalarawan ng pagkawala ng trabaho, papatindi ng di pagkakapantay, at lumalaking pagkakautang. Tiyak na may mga krisis din ang Tsina, kabilang ang papalaking utang ng korporasyon, sobrang pamumuhunan sa real estate, at krisis sa demograpiko. Gayunpaman, nagmumula ang krisis ng Tsina sa hindi balanseng paglago nito, hindi katulad ng krisis ng di paglago ng US.

China has now become the world’s biggest economy in terms of purchasing power parity, the center of global capital accumulation. As The Economist acknowledged: “Over the past 20 years China has been the biggest and most reliable source of growth in the world economy.” 

Ang Tsina na ngayon ang naging pinakamalaking ekonomiya sa mundo batay sa mga tuntunin ng paridad ng kapangyarihan sa pagbili, ang sentro ng pandaigdigang akumulasyon ng kapital. Gaya ng pag-amin ng The Economist: “Sa nakalipas na 20 taon, ang Tsina ang pinakamalaki at pinakamaaasahang pinagmumulan ng paglago ng pandaigdigang ekonomiya.”

The Middle East quicksand

Ang gusot sa Gitnang Silangan

The second development that undermined the US empire was its misadventures in the Middle East. A chain of events started with Osama bin Laden’s assault on the World Trade Center on Sept. 11, 2001. Bin Laden saw this attack as exposing the vulnerability of the “Great Satan,” and inspiring Muslims to join his jihad against it. 

Ang ikalawang pag-unlad na nagpahina sa imperyong US ay ang mga maling pakikipagsapalaran nito sa Gitnang Silangan. Nagsimula ang hanay ng mga kaganapan sa pag-atake ni Osama bin Laden sa World Trade Center noong Setyembre 11, 2001. Nakita ni Bin Laden ang pag-atakeng ito bilang paglalantad ng kahinaan ng "Dambuhalang Satanas," at nagbigay-inspirasyon sa mga Muslim na sumali sa kanyang jihad laban dito.

Bin Laden’s plan, however, horrified most Muslims, who distanced themselves from his terrible deed.  Still he was in luck, thanks to George W. Bush and the neoconservatives that came to power in 2001. For them, his assault was a God-given opportunity to teach both America’s enemies and friends that the empire was omnipotent. 

Gayunpaman, nagpasindak sa karamihan ng mga Muslim ang plano ni Bin Laden, at umiwas sila sa kanyang kakila-kilabot na gawa. Mapalad pa rin siya, salamat kay George W. Bush at sa mga neokonserbatibong nalagay sa kapangyarihan noong 2001. Para sa kanila, ang kanyang pag-atake ay isang pagkakataong ibinigay ng Diyo supang tueuan ang mga kaaway at kaibigan ng America na ang imperyo ay omnipotente o napakamakapangyarihan.

Bush drove the US into two unwinnable wars against highly motivated insurgents in the Middle East. Prolonged occupation demanded boots on the ground; thus, most of the US Army’s brigades were overseas, and those left in the country were too few to maintain the contingency reserve or the necessary training base. Military morale plummeted, as tours of duty were extended and casualties mounted. 

Dinala ni Bush ang US sa dalawang di miapapanalong digmaan laban sa matinding motibasyon ng mga rebelde sa Gitnang Silangan. Ang matagalang pananakop ay nangangailangan ng mga sumdalo sa lansangan; kaya, karamihan sa mga brigada ng US Army ay nasa ibang bansa, at ang mga naiwan sa bansa ay napakakaunti upang mapanatili ang kinakailangang reserba o ang kinakailangang base ng pagsasanay. Bumagsak ang moral ng militar, habang pinalawig ang kanilang mga tungkulin at kayrami nang mga nasawi.

This led to the overextension of US political and military power from which Washington is still reeling.  Eventually, the already limited public support for the Middle East expeditions went up in smoke. This impossible situation forced Joe Biden to withdraw all troops from Afghanistan in August 2021, in a disorderly, chaotic departure that brought US prestige to a new low, even among America’s allies.

Nagdulot ito ng labis na pagpapalawig ng kapangyarihang pampulitika at militar ng US kung saan patuloy pa rin ang pagdududa ng Washington. Sa kalaunan, nabalewala ang limitadong pampublikong suporta para sa mga ekspedisyon sa Gitnang Silangan. Ang imposibleng sitwasyong ito ang nagpilit kay Joe Biden na bawiin ang lahat ng mga tropa mula sa Afghanistan noong Agosto 2021, sa isang di maayos, magulong pag-alis na nagpababa sa prestihiyo ng US sa isang bagong antas, kahit na sa mga kaalyado ng Amerika.

During those 20 years (2001-2021) when Washington was tied up in the Middle East, China concentrated on its drive to develop its economy and unfold an economic diplomacy that gained it much friendship, support, and sympathy in Africa, Asia, Latin America, and even Europe.

Sa loob ng 20 taon na iyon (2001-2021) nang nakatali pa ang Washington sa Gitnang Silangan, nagkonsentra ang Tsina sa kanyang hangaringa paunlarin ang ekonomiya nito at nagbukas ng pang-ekonomyang diplomasya na nakakuha ng malaking suporta, mga bagong kaibigan, at simpatiya sa Africa, Asia, Latin America, at maging sa Europa.

In the last three years, Washington shifted to diplomacy to shore up its deteriorating position in the Middle East. Washington tried to regain control of events by brokering a diplomatic rapprochement among Israel, Saudi Arabia, and the smaller Arabian Gulf states like Qatar. 

Sa huling tatlong taon, lumipat ang Washington sa diplomasya upang itaguyod ang lumalalang posisyon nito sa Gitnang Silangan. Sinubukang bawiin ng Washington ang kontrol sa mga kaganapan nang ito'y mamagitan gamit ang diplomatikong pakikipaglapit sa Israel, Saudi Arabia, at sa mas maliliit na estado ng Arabian Gulf tulad ng Qatar.

The Hamas offensive into Israel on Oct. 7, 2023, however, blew up Biden’s plan for regional stabilization, with the Saudi government and other Arab states scorning a deal with Israel while the latter was slaughtering another Arab people, the Palestinians. Today, with a defiant Israeli tail wagging the American dog, the US stands even more isolated than ever, condemned by most of the world, except Western Europe. 

Gayunpaman, ang opensiba ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023, ang gumiba sa plano ni Biden para sa istablisasyon ng rehiyon, kung saan ang gobyerno ng Saudi at iba pang bansang Arabo ay hinamak ang isang kasunduan sa Israel habang pinapatay naman ng Israel ang iba pang Arabo, ang mga Palestino. Ngayon, sa isang mapanlinlang na buntot ng Israel na kumakawag sa asong Amerikano, ang US ay nananatiling higit na nakahiwalay kaysa dati, na kinondena ng karamihan sa mundo, maliban sa Kanlurang Europa.

Meanwhile, China allied itself with the global South and promoted a peacemaking diplomacy that contrasted with Washington’s unqualified moral and military support for Israel’s genocidal offensive.

Samantala, nakipag-alyansa ang Tsina sa global South o pandaigdigang Timog at itinaguyod ang diplomasyang pangkapayapaan na kabaligtaran sa hindi kwalipikadong suportang moral at militar ng Washington para sa opensiba ng Israel.

The US is equally losing control in Europe, with the Ukraine situation deteriorating.  Washington’s aid lifeline to Kyiv is now threatened by congressional Republicans’ opposition. With the threat of an isolationist Donald Trump regime coming back to power in November, the US’ European allies are increasingly worried that Washington can’t be trusted with providing their “security.”

Nawawalan na rin ng pantay na kontrol ang US sa Europa, kasama ang lumalalang sitwasyon ng Ukraine. Nanganganib na ngayon maging ang daanan ng ayuda ng Washington sa Kyiv dahil sa pagsalungat ng mga Republican sa kongreso. Sa banta ng isang mapanghiwalat na rehimeng Donald Trump na babalik sa kapangyarihan sa Nobyembre, lalong nag-aalala ang mga kaalyado ng US sa Europa na ang Washington ay hindi mapagkakatiwalaan sa pagbibigay ng kanilang "seguridad."

Containing China

Pagkontrol sa Tsina

Washington’s rhetoric comes across as simply preventing Beijing from becoming No. 1. But Beijing disclaims seeking to be No. 1 and has shown unwillingness to replace the US as global hegemon. Taking their cue from Biden’s increasingly provocative pronouncements, US military leaders have become more confrontational in their language, as shown by statements from Gen. Mike Minihan, head of the US Air Mobility Command, and Adm. Michael M. Gilday, chief of US naval operations.

Nakikita ang retorika ng Washington bilang simpleng pagpigil sa Beijing na maging Numero Uno. Subalit itinanggi ng Beijing ang paghahangad na manguna at nagpakitang ayaw na palitan ang US bilang pandaigdigang kapangyarihan. Sa pagkuha ng kanilang pahiwatig mula sa lalong nakakapukaw na mga pahayag ni Biden, ang mga pinunong militar ng US ay naging mas palaban sa kanilang wika, tulad ng ipinakita ng mga pahayag ni Hen. Mike Minihan, pinuno ng US Air Mobility Command, at Adm. Michael M. Gilday, pinuno ng operasyong nabal ng US.

The US military edge over China, however, is overwhelming. The US military posture is offensive while China adopts a strategic defensive stance which even the Pentagon acknowledges. Though it has raised military spending and might be re-orienting its force posture, Beijing is not engaged in an arms race with the US, which has spent thrice more than China in recent years. 

Gayunpaman, naungusan ng matindi ng militar ng US ang Tsina. Opensiba ang posturang militar ng US habang tinanganan naman ng Tsina ang estratehikong depensibong tindig na kinikilala mismo ng Pentagon. Bagama't itinaas nito ang gastusing militar at maaaring muling pag-isipan ang postura ng puwersa nito, hindi nakikibahagi ang Beijing sa pakikipagpaligsahan sa armas ng US, na gumastos ng tatlong beses nang higit sa Tsina sa mga nakaraang taon.

China’s nuclear arsenal remains puny in comparison to that of the US. China has only one overseas base, in Djibouti, compared to the scores of US military bases and installations in Japan, South Korea, the Philippines, and Guam, in addition to the Seventh Fleet patrolling the East and South China Sea. China’s offensive capabilities are limited, its naval force provided by three Soviet-era aircraft carriers that are lightyears away from the capabilities of the US supercarriers. 

Nananatiling mahina ang arsenal ng nukleyar ng Tsina kumpara sa US. Ang Tsina ay may isang base lang sa ibang bansa, sa Djibouti, kumpara sa mga maraming base at instalasyong militar ng US sa Japan, South Korea, Pilipinas, at Guam, bilang karagdagan sa Seventh Fleet na nagpapatrolya sa Silangan at Timog Karagatan ng Tsina. Limitado ang mga kakayahang opensiba ng Tsina, ang puwersang pandagat nito ay ibinibigay ng panahong Sobyet pang tatlong sasakyang panghimpapawid na ilanpung taong liwanag o lightyears ang layo mula sa mga kakayahan ng mga supercarrier ng US.

The main site of confrontation between an aggressive US and a defensive China is the Asia-Pacific region, particularly the South China Sea.  Three points need to be made here.

Ang pangunahing larangan ng paghaharap sa pagitan ng agresibong US at depensibong Tsina ay ang rehiyon ng Asya-Pasipiko, partikular ang South China Sea. Tatlong punto ang dapat tukuyin dito.

On Taiwan, Washington has been rattling about responding to a Chinese “invasion.” Beijing’s long-time policy has been to integrate Taiwan through economic ties which have strengthened in the last 25 years.  While Beijing reserves the option of military action against Taiwan, it would be crazy to do so since the US could wipe out most of the Chinese Navy within 24 hours of hostilities. 

Nanginginig ang Washigton tungkol sa agarang tugon sakaling "sakupin" ng Tsina ang Taiwan. Matagal nang patakaran ng Beijing na isama ang Taiwan sa pamamagitan ng pang-ekonomiyang ugnayan na lumakas sa nakalipas na 25 taon. Bagama't inilalaan ng Beijing ang opsyon ng aksyong militar laban sa Taiwan, kabaliwang gawin ito dahil maaaring lipulin ng US ang karamihan sa Chinese Navy sa loob ng 24 na oras ng labanan.

Second, Washington’s declared intent in obtaining more military bases in the Philippines is to support Taiwan in the event of an invasion by China. The reality is that defending Taiwan against a nonexistent Chinese military threat is a smokescreen for the real goal of using the Philippines as a springboard from which to contain China.

Ikalawa, ang deklaradong intensyon ng Washington sa paglalagay ng mas maraming base militar sa Pilipinas ay upang suportahan ang Taiwan sakaling salakayon ito ng Tsina. Ang katotohanang ang pagtatanggol sa Taiwan laban sa isang hindi umiiral na bantang militar ng Tsina ay panabing lamang para sa tunay na layuning paggamit ng Pilipinas bilang isang pambuwelo upang makontrol ang Tsina.

Third, China’s motivations for its South China Sea encroachments are primarily defensive: to expand its defense perimeter against attack from US bases in the Western Pacific and the Seventh Fleet. Beijing’s main intent in the maritime formations it has seized is installing missiles to shoot down missiles aimed at China’s industrial infrastructure in Southeastern China.

Ikatlo, depensiba ang pangunahing motibasyon ng Tsina  sa pagsalakay nito sa South China Sea: upang palawakin ang perimetro ng depensa nito laban sa pag-atake ng mga base ng US sa Kanlurang Pasipiko at ng Seventh Fleet. Ang pangunahing intensyon ng Beijing sa mga pormasyong maritime na nasamsam nito ay ang paglalagay ng mga missiles para mabaril ang mga missiles na nakatutok sa mga imprastrakturang industriyal ng Tsina na nasa Timogsilangang Tsina.

Beijing, however, has blundered in its defensive goal by unilaterally claiming 90% of the South China Sea and appearing as a big bully. But it can rectify its frayed relations by negotiating with Asean and proposing a demilitarization and neutralization of the South China Sea in return for the withdrawal of US bases from the Western Pacific and the abrogation of military agreements with the US. 

Gayunpaman, nagkamali ang Beijing sa kanyang depensibang layunin sa pamamagitan ng unilateral na pag-angkin sa 90% ng South China Sea at paglitaw nito bilang malaking mapang-api o bully. Ngunit maaari nitong ituwid ang mga gusot nitong relasyon sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon sa Asean at pagmumungkahi ng demilitarisasyon at neutralisasyon sa South China Sea bilang kapalit ng pag-alis ng mga base ng US sa Kanlurang Pasipiko at pagpapawalang-bisa sa mga kasunduang militar sa US.

Hegemonic transition or vacuum?  

Hegemonikong transisyon o bakyum?

With an economically strong but militarily disadvantaged China facing off against an economically and politically weakened United States seeking to shore up its position by bannering its military superiority, can one really speak about a hegemonic transition? 

Sa isang malakas na ekonomiya ngunit disbentaheng militar ng Tsina na humaharap laban sa isang mahinang ekonomiya at pulitika na Estados Unidos na naghahangad na palakasin ang posisyon nito sa pamamagitan ng pagbandera ng kahusayan sa militar nito, maaari ba talagang magsalita ang isang tao tungkol sa isang hegemonikong transisyon?

Perhaps what is emerging is a hegemonic vacuum rather than a transition akin to the post-World War I era when a weakened Western Europe could no longer restore its prewar global hegemony. At the same time, the US did not follow through on Woodrow Wilson’s push to assert hegemonic political and ideological leadership. 

Marahil ang umuusbong ay isang hegemonikong bakyum sa halip na isang transisyon na katulad ng panahon matapos ang Unang Daigdigang Digmaan kung kailan hindi na maibalik ng isang mahinang Kanlurang Europa ang pandaigdigang hegemonya nito bago ang digmaan. Kasabay nito, hindi sinunod ng US ang pagtulak ni Woodrow Wilson na igiit ang hegemonikong pulitikal at ideolohikal na pamumuno.

Within such a vacuum, the US-China rivalry continues to be critical, but with neither power able to decisively manage trends, such as extreme weather events, growing protectionism, rising global wealth disparities, the decay of the US-imposed multilateral system, the volatilities in the Middle East and Eastern Europe, the resurgence of progressive movements in Latin America, and the rise of authoritarian states and their likely alliance to displace a faltering liberal international order. 

Sa loob ng ganoong bakyum, patuloy na kritikal ang tunggalian ng US-Tsina, subalit wala silang kapangyarihang magpasyang pamahalaan ang mga nauuso, tulad ng mga matinding kaganapan sa klima, lumalagong proteksyonismo, tumataas na pagkakaiba-iba ng yaman sa daigdig, ang pagkabulok ng multilateral na sistemang ipinataw ng US, ang pabagu-bago ng isip sa Gitnang Silangan at Silangang Europa, ang muling pagbangon ng mga progresibong kilusan sa Latin America, at ang pag-usbong ng mga estadong awtoritaryan at ang kanilang malamang na alyansa upang mapalitan ang isang pagiray-giray na liberal na pandaigdigang kaayusan.

Traditional policymakers argue that the situation still requires a hegemon, with Western analysts having the US in mind, not China. 

Nagtatalo ang mga tradisyunal na gumagawa ng patakaran na ang sitwasyon ay nangangailangan pa rin ng isang hegemon o nangungunang kapangyarihan, na ang nasa isip ng mga nag-aanalisa sa Kanulran ay ang US,  at hindi ang Tsina.

On the other hand, the crisis of US hegemony can be viewed as offering, not anarchy, but opportunity. Despite the risks involved, a hegemonic stalemate could lead to a world where power is decentralized, where there could be greater freedom of political and economic maneuver for smaller, traditionally less privileged countries which could play the superpowers against each other, and where a truly multilateral order could be constructed through cooperation rather than imposed through either unilateral or liberal hegemony.

Sa kabilang banda, maaaring tingnan ang krisis ng hegemonya ng US bilang nag-aalok, hindi anarkiya, ngunit oportunidad. Sa kabila ng mga nariyang panganib, ang isang hegemonikong stalemate o pagkapatas ay maaaring humantong sa isang daigdig na ang kapangyarihan ay desentralisado, kung saan maaaring magkaroon ng higit na kalayaang pampulitika at pang-ekonomiyang maniobra para sa mas maliit, tradisyonal na hindi gaanong pribilehiyong mga bansa na maaaring gumanap bilang mga superpower laban sa isa't isa, at kung saan ang isang tunay na multilateral na kaayusan ay maitatayo sa pamamagitan ng pagtutulungan sa halip na ipataw ang unilateral o liberal na hegemonya.

* Walden Bello is co-chair of the Board of Focus on the Global South and adjunct professor of sociology, State University of New York at Binghamton. This piece is abridged from his speech at a forum at the University of the Philippines Diliman on “The US Empire: The Beginning of the End?” on Feb. 23, 2024, organized by the UP CIDS Programs on Alternative Development and Strategic Studies and the University Student Council. The forum can be viewed at the UP CIDS YouTube channel: https://www.youtube.com/watch?v=8ONsBzifPSE

* Si Walden Bello ay co-chair ng Board ng Focus on the Global South at adjunct professor of sociology sa State University of New York sa Binghamton. Ang bahaging ito ay pinaikli mula sa kanyang talumpati sa isang talakayan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa paksang “The US Empire: The Beginning of the End?” noong Pebrero 23, 2024, na inorganisa ng UP CIDS Programs on Alternative Development and Strategic Studies at ng University Student Council.  Mapapanood ang talakayan sa UP CIDS YouTube channel: https://www.youtube.com/watch?v=8ONsBzifPSE 

Martes, Marso 12, 2024

Ang seasonal workers ay matuturing na regular na manggagawa, ayon sa SC

ANG SEASONAL WORKERS AY MATUTURING NA REGULAR NA MANGGAGAWA, AYON SA SC
Malayang salin ng ulat at tula ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nais nating bigyang pansin ang balitang pinamagatang "SC: Seasonal workers can be deemed regular employees" na inulat at sinulat ng mamamahayag na si Jane Bautista ng Philippine Daily Inquirer, at nalathala nitong Pebrero 21, 2024 sa nasabing pahayagan.

Subalit nais kong isalin sa wikang Filipino ang kanyang ulat upang mas manamnam pa natin kung bakit nga ba ang seasonal workers ay maaaring ituring na regular na empleyado. Narito ang malayang salin ng ulat:

Maaari bang ituring na regular na empleyadoang isang pana-panahong manggagawa?

Sinabi ng Korte Suprema, na nagdesisyon sa isang labor case noong 2009 na kinasasangkutan ng isang tinanggal na manggagawa sa plantasyon ng asukal sa isang asyenda sa Negros Occidental, na ang isang empleyado ay maaaring ituring na regular na manggagawa kung siya ay gumaganap ng trabaho o mga serbisyong "pana-panahon o seasonal” at nagtatrabaho nang higit sa isang panahon o season.

"Ang katotohanang ang isang empleyado ay malayang gawin ang kanilang mga serbisyo para sa iba ay hindi nagpapawalang-bisa sa regular na katayuan sa pagtatrabaho hangga't sila ay paulit-ulit na tinatanggap para sa parehong mga aktibidad at hindi lamang on at off para sa anumang solong yugto ng gawaing pang-agrikultura," ayon sa Korte Suprema sa isang desisyong ipinahayag noong Nobyembre 13, 2023, ngunit nai-post lamang sa website nito noong Pebrero 16, 2024.

Sisyemang ‘Pakyawan’ 

Sinabi ng korte na ang mabayaran sa ilalim ng isang sistemang “pakyawan” o task basis arrangement (kaayusang batay sa gawain) ay hindi magpapawalang-bisa sa regular na trabaho “hangga’t ang employer ay may karapatang gamitin ang kapangyarihan ng kontrol o pangangasiwa sa paggampan ng mga tungkulin ng isang empleyado, ito man ay talagang nagagampanan o hindi."

Ibinasura ng desisyon ng Korte Suprema ang petition for review on certiorari na inihain ng Hacienda San Isidro/Silos Farms at ng isang Rey Silos Llamado na hinahamon ang desisyon ng Court of Appeals (CA) noong 2013 na nagdeklara kay Helen Villarue bilang regular na empleyado ng plantasyon ng asukal at nag-utos ng pagbabayad ng kanyang back wages at separation pay.

Ang asawa ni Villarue na si Lucito ay pinangalanang respondent sa petisyon.

Noong 2009, nagsampa ng magkahiwalay na reklamo ang mga Villarue sa National Labor Relations Commission (NLRC) para sa illegal dismissal, underpayment ng sahod, at pagbabayad ng service incentive leave pay at attorney’s fees.

Noong 2011, nagpasya ang labor arbiter na ang pagpapaalis kay Lucito ay para sa isang "makatarungang dahilan ngunit walang angkop na proseso (just cause but without due process)" at inutusan ang Silos Farm at si Silos na magbayad ng P5,000 para sa nominal damages. Si Helen naman ay napag-alamang regular na empleyado at idineklara itong legal na tinanggal.

Nagsampa naman ang mga petitioner ng isang memorandum of partial appeal sa NLRC, na pumanig sa kanila at binago ang desisyon ng labor arbiter—na si Lucito ay nabigyan ng due process noong siya ay tinanggal at si Helen ay hindi isang empleyado ng asyenda.

Iniutos din ng NLRC na kanselahin ang P5,000 award para sa nominal damages.

'Kapangyarihan ng kontrol'

Naghain ang mga Villarue ng motion for reconsideration, na pinagbigyan ng NLRC noong 2012 at nagresulta sa pagbabalik ng inisyal na desisyon ng labor arbiter. Nagdesisyon ang NLRC na ang mag-asawa ay iligal na tinanggal at inutusan ang mga petitioner na bayaran sila ng kabuuang P481,035.23 para sa separation pay, back wages, wage differential, 13th month pay at attorney’s fees.

Ito ang nag-udyok sa mga petitioner na iangat ang kaso sa CA, na sa una ay nagpasya na "Nabigo si Helen na patunayan ang pagkakaroon ng lahat ng mga elemento upang matiyak ang relasyon ng employer-empleyado sa pagitan niya at ng mga petitioner, partikular na ang mahalagang elemento ng kapangyarihan ng kontrol."

Gayunpaman, sa paghahain ng mosyon para sa muling pagsasaalang-alang noong 2013, binawi ng CA ang dati nitong desisyon at pinagtibay ang mga desisyon ng labor arbiter at ng NLRC na si Helen ay isang regular na empleyado ng mga petitioner batay sa Article 280 (ngayon 295) ng Labor Code.

Palagiang kinukuhang magtrabaho

Sinabi ng CA na itinuring nito na kaswal na empleyado si Helen "ngunit maaaring ituring na isang regular na empleyado dahil sa pagbibigay ng serbisyong hindi bababa sa isang taon, na patuloy na tinatanggap sa trabaho hanggang sa pagkatanggal sa kanya."

Binanggit ng CA ang ikalawang talata ng Artikulo 295 ng Labor Code na nagsasaad na “ang sinumang empleyado na nakapagbigay ng serbisyong hindi bababa sa isang taon, kung ang naturang serbisyo ay tuluy-tuloy o putol-potol, ay dapat ituring na isang regular na empleyado na may kinalaman sa aktibidad kung saan siya ay nagtatrabaho at ang kanyang trabaho ay magpapatuloy habang umiiral ang ganoong aktibidad.”

Sa petisyon nito sa mataas na tribunal, nangatuwiran ang mga amo na si Helen ay “bahagyang nagtrabaho sa asyenda sa batayang pakyawan,” at wala silang anumang kontrol sa paraan ng kanyang pagtatrabaho.

Idinagdag nila na si Helen ay malayang magtrabaho saanman, na binanggit na siya ay paulit-ulit na kinukuha, na nagbibilang ng "patdan" (maliit na pinagputulan ng tubo) at namamahala't nagpapatakbo rin ang sarili niyang tindahang sari-sari.

Ngunit dahil napag-alaman ng labor arbiter, ng NLRC at ng CA na si Helen ay isang regular na empleyado ng mga petitioner, sinabi ng Korte Suprema na itinuring nito ang desisyon nang may paggalang at pinal.

Gayunpaman, itinuwid ng mataas na hukuman ang katwiran ng CA sa pagtungo sa konklusyon na si Helen ay isang regular na empleyado, na nagsasabi na ito ay "mali" para sa CA na ikategorya siya bilang kaswal na empleyado sa pamamagitan ng paglalapat ng ikalawang talata ng Artikulo 295 ng Labor Code.

Ayon sa Korte Suprema, dapat ang batayan ay ang eksepsiyon na nakasulat sa unang talata ng batas na iyon, na nagsasaad na ang mga hindi sakop ng regular na trabaho ay ang mga pana-panahong manggagawa lamang na ang trabaho ay "para sa durasyon ng panahon o season."

"Kaya, ang mga pana-panahong empleyado na nagtatrabaho nang higit sa isang panahon sa trabaho o serbisyo na pana-panahong ginagawa nila ay hindi na nasa ilalim ng eksepsiyon sa unang talata, subalit nasa ilalim ng pangkalahatang tuntunin ng regular na pagtatrabaho," sabi nito.

Binanggit ng mataas na hukuman na habang ang mga manggagawang bukid sa pangkalahatan ay nasa ilalim ng kahulugan ng mga pana-panahong empleyado, palagi nitong pinanghahawakan na ang mga pana-panahong empleyado ay maaaring ituring na mga regular na empleyado.

“Paulit-ulit na kinukuhang magtrabaho [si Helen] para sa parehong mga aktibidad, ibig sabihin, pagtatanim ng tubo, pagbibilang ng patdan, atbp. Kaya naman, kung malaya siyang ibigay ang kanyang mga serbisyo sa ibang mga may-ari ng sakahan ay walang kaugnayan dito. Ang katotohanan na siya ay nagpapanatili ng isang sari-sari store ay hindi rin mahalaga at hindi tugma sa kanyang regular na katayuan sa pagtatrabaho sa mga petitioner," sabi nito. INQ

MANGGAGAWANG REGULAR SI HELEN

paulit-ulit kinukuhang magtrabaho
si Helen, isang pana-panahong obrero
ibig sabihin, pag tag-ani na ng tubo
pinakikinabangan ang kanyang serbisyo

kada tag-ani, manggagawa'y nakahanda
at nagtatrabaho nang walang patumangga
lalo't higit isang taon nang ginagawa
dapat turing na'y regular na manggagawa

ang balita pag inaral mo'y lumilitaw
ang sinabi ng Korte na sadyang kaylinaw
regular ang nagtatrabahong araw-araw
nang higit isang taon, ito ma'y may laktaw

regular ang manggagawang pana-panahon
tuloy-tuloy o putol-putol pa man iyon
pag-aralang tunay ang nasabing desisyon
ng Korte Suprema't baka magamit ngayon

03.12.2024

Salin ng tula ni Charlie Chaplin

SALIN NG TULA NI CHARLIE CHAPLIN Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilason ng kasakiman ang diwa ng tao, na binarikadahan ng poot ang...