Mga Salin mula sa ibang wika tungo sa wikang Filipino, pinagsikapang gawin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Miyerkules, Hunyo 22, 2022
Digmaan
Lunes, Hunyo 20, 2022
Hindi namatay ang Komyun
Apat na lalaki, apat na bote
Huwebes, Hunyo 16, 2022
Pagsasalin
Ang mukha ng ating kababaihan
Dalawang aklat ng salin
Miyerkules, Hunyo 15, 2022
Soneto 116
Lunes, Hunyo 13, 2022
Pakiusap
Biyernes, Hunyo 10, 2022
Mapangwasak na pwersa ang tula

MAPANGWASAK NA PWERSA ANG TULA
ni Wallace Stevens, makatang Amerikano
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig bawat taludtod
Ganyan nga ang pagdaralita,
Walang anupaman sa puso,
Ito'y magkaroon o wala.
Bagay iyong dapat mayroon,
Leyon, bakang kapon sa dibdib,
Nang damhing humihinga iyon.
Si Corazon, asong matabâ
Isang bulô, sakang na oso,
Nilasaha'y dugo, di dura.
Para s'yang tao, sa katawan,
Ng halimaw na anong lupit
Kalamnan n'ya'y kanyang-kanya lang...
Leyon ay natulog sa Araw.
Nasa ilong ang kanyang paa.
Na makapapaslang ng tao.
Talasalitaan:
bulô - batang baka
* Isinalin ng 06.10.2022
POETRY IS A DESTRUCTIVE FORCE
That's what misery is,
Nothing to have at heart,
It is to have or nothing.
It is a thing to have,
A lion, an ox in his breast,
To feel it breathing there.
Corazon, stout dog,
Young ox, bowlegged bear,
He tastes its blood, not spit.
He is like a man
In the body of a violent beast.
Its muscles are his own...
The lion sleeps in the sun.
Its nose is on its paws.
It can kill a man.
* From the book The Mentor Book of Major American Poets, pages 292-293
Huwebes, Hunyo 9, 2022
Soneto 146

ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)
Aba kong kaluluwa, ang sentro / ng daigdig kong makasalanan,
[Makasalanan kong mundo] yaong / lakas na maghimagsik ay tanghal,
Bakit ka nagdurusa sa loob / at naghihirap sa kasalatan,
Pinintahan ba'y labas ng iyong / dingding na napuno ng halakhak?
Bakit kaylaki ng ginugugol / gayong maiksi lang yaong upa,
Mga iyan ba'y ginagawa mo / sa iyong nilulumot na mansyon?
Ang mga uod bang naririyan / sa labis-labis mo'y magmamana't
Siyang uubos sa ginugol mo? / Wakas na ba ng katawang yaon?
Kaya, kaluluwa, mabuhay ka / sa iyong namimighating lingkod,
At hayaan mong sa pagdurusa'y / tumindi anumang tinatago;
Bilhin yaong itinakdang banal, / ibenta sa panahong pilantod;
Ang loob ay tiyaking mabusog, / sa labas, yaman mo'y maglalaho.
Kaya pakanin si Kamatayan, / na tao ang madalas sagpangin,
At, pag patay na si Kamatayan, / pagkamatay, mawawala na rin.
* Isinalin: ika-9 ng Hunyo, 2022
Tugmaang batay sa aralin sa katutubong pagtula:
abab - katinig na mahina a; katinig na malakas a;
cdcd - patinig na walang impit a; katinig na mahina o;
efef - katinig na malakas o; patinig na walang impit o;
gg - katinig na mahina i
SONNET 146
from the book The Sonnets, by William Shakespeare, Collins Classic
Poor soul, the center of my sinful earth,
[My sinful earth] these rebel pow'ers that these array,
Why dost thou pine within and suffer dearth,
Painting thy outward walls so costly gay?
Why so large cost, having so short a lease,
Dost thou upon thy fading mansion spend?
Shall worms, inheritors of this excess,
Eat up thy charge? Is this thy body's end?
Then, soul, live thou upon thy servant's loss,
And let that pine to aggravate thy store;
Buy terms divine in selling hours of dross;
Within be fed, without be rich no more.
So shalt thou feed on Death, that feeds on men,
And, Death once dead, there's no more dying then.
Miyerkules, Hunyo 8, 2022
Tagulaylay sa buhay
Ang aming martsa
Lunes, Hunyo 6, 2022
Pagkamulat
Linggo, Hunyo 5, 2022
Ang leyon sa hawlang bakal
Salin ng tula ni Charlie Chaplin
SALIN NG TULA NI CHARLIE CHAPLIN Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilason ng kasakiman ang diwa ng tao, na binarikadahan ng poot ang...

-
Ang Martir Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang pagsin...
-
"Dapat mabatid ng sosyalistang tao kung paano kinakalkula ang distansya ng mga bituin, kung paano pinag-iiba ang isang isda sa isang p...
-
TULA NI HO CHI MINH BILANG HUDYAT NG OPENSIBANG TET Ayon sa ulat ni Dale Anderson, "The Tet Offensive: Turning Point of the Vietnam War...