Biyernes, Pebrero 28, 2020

Soneto XIII. Mula kay Petrarch

Soneto XIII. Mula kay Petrarch
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig bawat taludtod

O, ilagay mo ako sa naglalagablab na buwan
Na pinagbawal humihip ang nalalantang bulaklak;
O ilagay mo ako sa napakalamig na lunan
Sa mga kabundukan ng nyebeng walang katapusan:
Hayaan mong hanapin ko'y hakbang tungong katanyagan,
O ang mas mahirap tahaking landas ng Kahirapan;
Paagusin ang pagkabatang kay-init sa'king ugat,
O animnapung taglamig sa dugo ko'y kumaligkig:
Kahit ang diwang ginigiliw sa Langit ay lumipad,
O kahit mawalan na ng saysay dito sa daigdig,
Bilangguan o kalayaan - di kilala o sikat,
Ang iwi kong puso, O, Laura! ay nasa iyo pa rin.
Kung saanman ang patutunguhan niring kapalaran
Patuloy pang mag-aalab ang pusong tapat sa iyo!

Ang makatang Italyanong si Petrarch (Hulyo 20, 1304 - Hulyo 19, 1374)
Sonnet XIII. From Petrarch

OH! place me where the burning moon
Forbids the wither'd flower to blow;
Or place me in the frigid zone,
On mountains of eternal snow:
Let me pursue the steps of Fame,
Or Poverty's more tranquil road;
Let youth's warm tide my veins inflame,
Or sixty winters chill my blood:
Though my fond soul to Heaven were flown,
Or though on earth 'tis doom'd to pine,
Prisoner or free--obscure or known,
My heart, oh Laura! still is thine.
Whate'er my destiny may be,
That faithful heart still burns for thee!

* Ang tula ay mula sa: https://allpoetry.com/Sonnet-XIII.-From-Petrarch

Miyerkules, Pebrero 19, 2020

Pahayag ng Laban ng Masa (LnM) hinggil sa COVID-19

WALANG SINUMAN ANG MAKAKAPAG-ISA
Sama-samang Bayanihan ng Mamamayan upang Tugunan ang Banta ng COVID-19
Pahayag ng Laban ng Masa, Marso 17, 2020
Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang ating bansa ay nahaharap ngayon ng isang malaking hamon - ang epidemya ng COVID-19 na uaapekto sa higit sa 150 bansa. Ang ating mga public health personnel ay nagtatrabaho ng 24)7 upang masawata ang COVID-19 mula pa noong huli bahagi ng Enero. Nagmadali sila sa mga pasilidad sa ospital, angsisiyasat upang malaman ang mga nahawaan ng sakit, nagsasagawa ng mga testing, at nagpakalat ng mga front line fighters upang turuan ang mga tao sa mga hakbang upang protektahan ang kanilang sarili. Sa kabila ng kanilang mgaa pagsisikap, tumaas sa 187 ang mga kaso ng impeksyon ng COVID-19, na ang mga namatay ay umabot na sa 14.

Kabaligtaran sa ating mga public health personnel, tila bigo ang ating mga pulitikal na awtoridad sa kanilang mga tungkuling dapat ginagawa upang suportahan ang mga pagsisikap ng mga nasa frontline. Naglabas sila ng mga kautusan na may kaunting patnubay sa implementasyon, na lumilikha ng pagkalito sa mga LGU at kaguluhan sa ating mga komunidad. Sa pinakabagong hakbang upang malabanan ang pag-abante ng virus, itinulak ng gobyerno ang isang "pinahusay na quarantine ng komunidad" sa buong isla ng Luzon.

Bagaman kinakailangan ang containment upang labanan ang pagkalat ng sakit, hinarap ito ng ating mga pulitikal na pinuno bilang isang operasyong militar, pinipilit ang pagsunod ng mga tao nang may banta ng pag-aresto. Ang bagong atas na nagpapataw ng mas mahigpit na mga hakbang ay bulag sa malubhang kahihinatnan para sa mga bulnerable’t mardyinalisadong sektor. Napakagastos para sa mga taong walang sistema ng pagsuporta sa kanila ang nangungunang hakbang na ito sa panahong ito.

Habang ang COVID-19 ay hindi nagdidiskrimina at maaaring makahawa sa sinuman, ang mga panganib para sa sakit ay hindi pantay na nababahagi sa ating lipunan. Sinuman ang makakaligtas sa epidemya ay lubos na matutukoy kung sino ang mas mayroon sa buhay – ang kayang maalagaan, magmaneho sa pinakamalapit na ospital, makaiwas sa gutom, ang salungatin ang malupit na mga hakbang na tinatanggihan ang mga pagpipiliang kaligtasan ng mga mahihirap na mamamayan. Iniilalantad pa at pinalalalim ng epidemya ang hindi pagkakapantay sa lipunang Pilipino.

Dapat isaalang-alang sa anu-mang desisyon hinggil sa emerhensiyang pangkalusugan ng publiko ang mga pagkakaiba ng epekto ng mga hakbang sa iba't ibang sektor ng lipunan.

Habang naiisip ito, dama namin sa Laban ng Masa na ang mga sumusunod na prinsipyo’y dapat gabayan ng pambansang estratehiya sa pagharap sa COVID-19.

1) Dapat idirekta ng mga public health personnel ang lahat ng pagsisikap sa lahat ng antas, kasama ang mga pulitiko, pulisya, at militar upang makatulong.

2) Bagaman mahalaga ang isang matibay na sentral na direksyon ng istratehiya, hindi ito dapat isagawa bilang mula taas-pababang operasyon ng pulis o militar, ngunit isagawa ang panghihikayat at edukasyon bilang pangunahing pamamaraan sa pagkuha ng suporta sa komunidad dahil sa napakalaki ngunit kinakailangang pagkagambala ng kanilang buhay.

3) Dapat makilahok ang mga civil society organizations (CSOs), mga unyon sa paggawa, mga samahang pangrelihiyon, at iba pang mga organisasyon ng mama-mayan bilang mga mahahalagang aktor sa lipunan.

4) Dapat nating magagap ang mga pinakamahusay na kasanayan ng mga bansang may pinaka-epektibong paraan ng paglaban sa virus, tulad ng Vietnam, Macao, Timog Korea at Singapore.

5) Ang transparensidad at paggalang sa kalayaan sa pagpa-pahayag, at sa katotohanan, ay mahalaga kung kailangan nating iwasan ang mga kakila-kilabot na kalamidad na nagaganap sa ilan pang mga bansa, tulad ng Estados Unidos.

6) Ang pamahalaan at ang pribadong sektor ay dapat magbigay ng pinansyal at iba pang mga mekanismo ng suporta sa mga manggagawa na ang mga hanapbuhay at kabuhayan ay nasisira sa mga panukalang containment o paghaharang. Kaugnay nito, sinusuportahan ng Laban ng Masa ang mga sumusunod na kagyatang hakbang:

a) Dapat agad na magpasa ang Kongreso ng mga karagdagang panukalang batas o amyenda hinggil sa pag-triple ng badyet para sa kalusugan, kasama ang mga perang nakuha mula sa pondong nakalaan para sa pambansang depensa, iba pang pondong may kaugnayan sa seguridad, pondo ng kalamidad, at pondong pagpapasyahan ng pangulo.

b) Dapat agad na magpasa ang Kongreso ng mga karagdagang panukalang batas o amyenda hinggil sa pag-triple ng badyet para sa DOLE at DSWD, kasama din ang mga perang nakuha mula sa pondong nakalaan sa seguridad, kalamidad, at pondo ng pangulo, na may mga probisyong tumutukoy sa paggamit ng mga pondong ito upang punuan ang kinikita ng mga pamilyang mas mababa ang sinasahod sa panahon ng emerhensiya.

c) Ang lahat ng mga opisyal mula sa antas ng assistant secretary pataas sa mga kagawaran ng gobyerno at kanilang mga katapat sa dalubhasang lupon ng gobyerno, sa Kongreso, at sa hudikatura ay dapat magbigay ng isang buwang halaga ng kanilang suweldo upang pantustos sa mga nawalang kita ng mga may mababang sahod na pamilya.

d) Ang mga pribadong kumpanya ay dapat hikayating magtalaga ng pondo upang suportahan ang mga manggagawa at pamilya nito sa panahon ng emerhensiya, na ang nasabing pondo’y mula sa tubo ng kumpanya pati na rin ang boluntaryang pagbawas sa suweldo ng nasa mataas na antas ng manedsment. Bukod dito, hindi dapat gamitin ng mga kumpanya ang krisis bilang dahilan upang magtanggalan ng manggagawa o bawiin ang mga karapatan sa paggawa.

Idinulot ng COVID -19 ang liwanag sa karimlan ng kalagayang pangkalusugan ng mayorya ng ating mamamayang iginupo ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at kakulangan ng pag-aalala sa mayayamang minorya. Kung may isang bagay na itinuturo sa atin ng pandemya, ito’y ang buhay ng tao’y nakasalalay sa kalagayan ng pagiging mas mayroon ng iba, at ang mas masahol pa rito, mas malaki ang balik sa mga nagtatamasa ng mas magandang buhay kapag ang isang banta tulad ng COVID-19 ay dumating. Walang sinuman ang solong isla. Ang kapitalismo, na pangunahin ang kumpetisyon sa halip na kooperasyon, ang ugat ng matinding pagkabigo ng ating bansa upang harapin ang kasalukuyang krisis.

Ang isang malusog na lipunang naging posible sa pamamagitan ng higit na pagkakapantay-pantay at pakikiramay sa isa't isa ay isa sa ating pinakamahusay na proteksyon laban sa bantang dulot ng pandemya. Inaasahan naming, ang pangangailangang maitaguyod ang ating lipunan sa mga haligi ng pagkakapantay-pantay at ibinabahaging kasaganaan, sa halip na napakatinding pagkakaiba ng kalagayan sa lipunan, ay isa sa mga magiging aral na ating maisasapuso’t diwa mula sa krisis na ito.


NO ONE IS AN ISLAND 
Harnessing our People’s Energies to Meet the Threat of COVID-19
Statement of Laban ng Masa, March 17, 2020

Our country faces today a great challenge – the COVID-19 pandemic that afflicts more than 150 countries. Our public health personnel have been grappling 24)7 with containing COVID-19 since late January. They have rushed hospital facilities, undertaken contact tracing, conducted testing, and dispersed frontline fighters to educate people on measures to protect themselves. Despite their best efforts, cases of COVID-19 infection have risen to 187, with the death toll at 12.

In contrast to our public health personnel, our political authorities seem to fail in the tasks they are supposed to be doing in support of frontline efforts. They have issued decrees with few guidelines for implementation, creating confusion among LGUs and chaos in our communities. In the latest step to stem the advance of the virus, the government has pushed for an “enhanced community quarantine” of the whole of Luzon Island.

While containment is necessary to combat the spread of disease, our political leaders have approached it as a military operation, forcing people’s compliance with threats of arrest. The new order which imposes more stringent measures is blind to the grave consequences for the vulnerable and marginalized. Those who do not have the support system to tide them over this period will carry most of the social cost of these top-down measures.

While COVID-19 does not discriminate and can infect anybody, the risks for disease are not evenly distributed in our society. Who survives the epidemic is greatly determined by who has more in life – to afford care, to drive to the nearest hospital, to stave off hunger, to counter the cruel measures that deny survival options of marginalized people. The epidemic thus exposes and deepens the inequalities in Philippine society.

Any public health emergency decision must take into account the differential impacts of measures on various sectors of society.

With this in mind, we in Laban ng Masa feel the following principles should guide the national strategy to deal with COVID-19.

1) Public health personnel should direct the effort at all levels, with politicians, police, and the military in a subordinate role.

2) While a strong central direction of the strategy is important, it must not be conducted as a top-down police or military operation, but instill persuasion and education as the key approaches to getting community support for massive but necessary disruptions of their lives.

3) Civil society organizations (CSO’s), labor unions, religious organizations, and other citizens’ organizations must participate as vital social actors.

4) We must draw from the best practices of societies that have dealt most effectively so far with the virus, like Vietnam, Macao, South Korea and Singapore.

5) Transparency and respect for freedom of expression, and the truth, are essential if we are to avoid the terrible disasters unfolding in some countries, like the United States.

6) Government and the private sector must provide financial and other support mechanisms to working people whose jobs and livelihoods are disrupted by the containment measures. In this regard, Laban ng Masa supports the following urgent measures:

a) Congress should immediately pass supplemental measures or amendments tripling the health budget, with money taken from already allocated funds for national defense, other security-related funds, disaster funds, and presidential discretionary funds.

b) Congress should immediately pass supplemental measures or amendments tripling the budget for DOLE and DSWD, also with money taken from already allocated security, disaster, and presidential funds, with provisions specifying the use of these funds for making up for lost income of lower income families during the emergency.

c) All officials from the level of assistant secretary and above in government departments and their counterparts in specialized government bodies, in Congress, and in the judiciary must donate one months’ worth of their salaries to make up for the loss of income of low income families.

d) Private companies must be encouraged to set up funds to support workers and their families during the emergency, with such funds taken from company profits as well as voluntary cuts in the salaries of upper management. Moreover, companies must not use the crisis as an excuse to cut their work forces or roll back labor rights.

COVID -19 has brought to light the fragile health conditions of the majority of our people, owing to poverty, inequality, and sheer lack of concern of the wealthy minority. If there is one thing the pandemic teaches us, it is that one’s life is bound up with the conditions of existence of others, and the worse off these are, the greater the boomerang on those enjoying a better life when a threat like COVID-19 comes along. No one is an island. Capitalism, which places competition above cooperation, is the root of our country’s spectacular failure to deal with the current crisis.

A healthy society made possible by greater equality and compassion for one another is one of our best protections against the threat posed by pandemics. Hopefully, the need to establish our society on the pillars of equality and shared prosperity, instead of massive inequality, will be one of the lessons we will internalize from this crisis.

Salin ng tula ni Charlie Chaplin

SALIN NG TULA NI CHARLIE CHAPLIN Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilason ng kasakiman ang diwa ng tao, na binarikadahan ng poot ang...