PAHAYAG NG LABAN NG MASA HINGGIL SA REBOLUSYONG EDSA AT SA KONSTITUSYONG 1987
Pebrero 21, 2018
Ang diwa ng kasalukuyan ay rebolusyon.
Paisa-isa, nagmamartsa sa kalsada ang mga Pilipino upang wakasan na ang bangungot na dumadapo sa bansa. Sa pamamagitan ng mga bulaklak, rosaryo, at dilaw na laso sa kanilang mga kamay, matayog ang pangarap ng nagmamalaking populasyon sa mga pangako ng demokrasya. Taun-taon, rehimen sa rehimen, at makalipas ang tatlumpu't dalawang taon nang mangyari iyon, ang tanging naiwang alaala ng EDSA ay hindi iyon reebolusyon o simbol ng kapangyarihan ng mamamayan.
Nang mawala ang alikabok sa pagbagsak ng diktador, agarang ipinahayag ng rebolusyonaryong pamahalaang nasa kapangyarihan kung nakanino ang tunay na katapatan ng pakikipag-alyansa nito. Sa pangako ng kapayapaan, tinugon ito ng matinding pagsuporta sa mga elementong paramilitar. Sa pangako ng pagsasakapangyarihan ng mamamayan, tinugon ito sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan subalit sa kapritso ng kapital, na malayo sa kayang abutin ng mamamayan. Sa pangako ng hustisya, itinayo nito ang mga kinathang institusyon na madaling lumpuhin ng impluwensiya ng kayamanan at kapangyarihan. Sa pangako ng pagsasama, tinugon ito ng pagbabalik ng pamumuno ng mga dinastiya.
Ang pundasyon ng sistematikong panlilibak sa rebolusyonaryong diwa ay pinagtibay ng pmanipesto ng pagkakatatag ng Republikang EDSA. Pagkatapos ay ipinagkaloob ni Pangulong Aquino ang Proklamasyon Blg. 3 ang lahat ng kapangyarihan sa Limampung (50) Mapapalad, sila ang mga indibidwal na pinili mismo ng Pangulo sa kabila ng milyon-milyong Pilipinong nagnanais marinig, ay isinilang ang Konstitusyong 1987. Hindi naging matatag ang mababaw na pluralismong ito kapag ang kahilingan ay masyadong radikal para pahintulutan ng "rebolusyonaryong" gobyerno. Nasusuya na sa harap ng kalayaan habang ang bansa ay nakapako sa tanikala ng kapital at imperyo, umuusok sa galit ang mga tulad nina Lino Brocka at Jaime Tadeo laban sa dokumentong gumagarantiya sa lahat ng iba pang karapatan, ang pagprotekta sa karapatan sa pribadong pagmamay-ari.
Sabihin nang naukit na sa Saligang Batas ang kinakailangang Tala ng mga Karapatan at ang pagbubukod ng mga kapangyarihan sa pagitan ng mga sangay ng pamahalaan na wala noong madilim na panahon ng pamamahalang diktaduryal, ang tatlong dekada ng pagpapatupad sa Saligang Batas ay naglantad lamang sa kabalintunaan ng mga prinsipyong nakasaad dito at sa limitasyon ng elitistang demokrasya. Wala halos pagbabago sa tantos ng pamumuhay ng mga naghihirap mula 2000 hanggang 2015. Nang ipinahayag ng Asian Development Bank na malapit sa sangkapat ng populasyon ang nabubuhay ng kalunos-lunos, ang Pilipinas ngayon ang ikatlong pinakamalaking proporsyon ng mga mahihirap sa Timog-silangang Asya, matapos ang Myanmar at Laos. Isang mas wastong panukat ay ang paglalagay ng proporsyon ng mahihirap sa tatlumpung bahagdan ng populasyon, anupa't ang mahihirao na Pinoy ang pinakamasahol sa Timog-silangang Asya.
Maaring mag-iba ng kaunti ang mga istatistika subalit matatag ang mga kongkulusyon. Ano pa't iniukit ang mga prinsipyo ng panlipunang hustisya - tulad ng karapatan sa paggawa, repormang agraryo, mga demokratikong kalayaan, pamnbansang kasarinlan, at batayang karapatang pantao - gayong hindi ito tumutugma sa mga dikersyon ng patakarang neoliberal at dinastikong panghihimasok na hinahanap ng Republikang EDSA? At pagkatapos ng 32 taon, ang mismong mga kabalintunaang ito ang naglatag ng daan sa panunumbalik ng bantang awtoritaryan sa Konstitusyon na tangkang pigilan. Saksi ang bansa sa rebolusyong nauwi sa trahedya.
Naniniwala ang Laban ng Masa na ang imahinasyong pulitikal ng mamamayan ay hindi mapipigilan ng mga paghihigpit na ipinataw ng isang pirasong papel na nagtatampok bilang tagumpay ng isang rebolusyon. Kung tunay ngang rebolusyon ang EDSA, ang mga tagumopay nito'y inagaw ng iilan mula sa nakararami. Habang ang bansa'y muling nabibighani sa pangako ng radikal na pagbabago sa pamamagitan ng isa na namang piraso ng papel na tumitiyak sa mga pakinabang nito sa mas papaunting kamay, paano natin mababawi ang diwa ng rebolusyon ng bayan?
25.02.2018
https://www.facebook.com/LabanNgMasaPH/posts/573377159690096
Laban ng Masa
Pebrero 21 nang 8:00 PM ·
LABAN NG MASA STATEMENT ON EDSA REVOLUTION AND THE 1987 CONSTITUTION
Feb. 21, 2018
The spirit of the time was revolution.
One by one, Filipinos marched out into the streets to put an end to a nation’s nightmare. With flowers, rosaries, and yellow ribbons in hand, the proud populace was high on the promises of democracy. Year by year, regime by regime, and thirty-two years after the fact; the only memory of EDSA left is that it was neither a revolution nor a symbol of people power.
When the dust settled from the dictator’s downfall, the revolutionary government in power swiftly revealed its true allegiances. To the promise of peace, it answered with staunch support of paramilitary elements. To the promise of empowerment, it responded with handing over basic social services to the whims of the market, far from the people’s reach. To the promise of justice, it constructed the fiction of institutions easily crippled by the influence of wealth and power. To the promise of inclusion, it answered with the restoration of dynastic rule.
The cornerstone of this systematic mockery of the revolutionary spirit was solidified in the founding manifesto of the EDSA Republic. After President Aquino’s Proclamation No. 3 bestowed all power to the Lucky 50, individuals hand-picked by the President herself among millions of Filipinos clamoring to be heard, the 1987 Constitution was born. This shallow pluralism became untenable when demands proved to be too radical for a “revolutionary” government to allow. Disgusted by the facade of freedom while the nation was fastened to the shackles of capital and empire, the likes of Lino Brocka and Jaime Tadeo stormed out in rage against a document that guaranteed above all other rights, the protection of the right to private property.
Granted that the Constitution was able to enshrine the much-needed Bill of Rights and separation of powers between branches of government absent in the dark days under dictatorial rule, three decades of implementing the Constitution only laid bare the contradictions between its principles and the limits of elite democracy. There was virtually no change in the proportion of people living in poverty between 2000 and 2015. With the Asian Development Bank declaring that close to a quarter of the population is living in absolute poverty, the Philippines now has the third largest proportion of poor people in Southeast Asia, after Myanmar and Laos. A more accurate measure places the proportion of the poor to thirty-percent of the population, making the Filipino poor the worst-off in Southeast Asia.
Statistics may vary minimally but the conclusions are robust. What use is enshrining principles of social justice – labor rights, agrarian reform, indigenous peoples’ rights, democratic freedoms, national sovereignty, and basic human rights – when they are incompatible with the neoliberal policy direction and dynastic entrenchment pursued by the EDSA Republic? And after 32 years, these very contradictions paved the road for the return of the authoritarian threat the Constitution sought to preempt. The nation stood witness as a revolution degraded into a tragedy.
Laban ng Masa believes that the political imagination of the people cannot be constrained by the restrictions imposed by a piece of paper masquerading as the victory of a revolution. If EDSA were indeed a revolution, its victories were wrested from the many by the few. As the nation is once again enamored with the promise of radical change through another piece of paper that further secures its gains to fewer and fewer hands, how can we reclaim the spirit of a people’s revolution?
25.02.2018