Miyerkules, Enero 2, 2019

Salin ng pahayag ng PhilCuba hinggik sa ika-60 anibersaryo ng tagumpay ng Rebolusyong Cubano


Mensahe ng Philippines-Cuba Cultural & Friendship Association (PHILCUBA)
Hinggil sa ika-60 Anibersaryo ng Tagumpay ng Rebolusyong Cubano
(Isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.)


Pagpapatuloy ng Pamana, Pagpeperpekto ng Sistema at Pangunguna sa Gawaing Internasyunalista-Humanista


Sa kabila ng digmaang pang-ekonomiya, pag-uusig sa pananalapi, matinding pagharang, pagturing ng National Security Adviser na si John Bolton sa Cuba bilang isa sa Tatsulok ng Paniniil, at iba pang mga aksyon at pahayag na nakaturo sa US sa pagtungo sa pakikipagtuos sa Cuba, ang lahat ng karapatan ay nasa mga Cubano upang ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng kanilang tagumpay laban sa rehimen ng awtoritaryan at mandarambong na si Fulgencio Batista na suportado ng Estados Unidos.

Kaming mga kasapi ng Philippines-Cuba Cultural and Friendship Association (Phil-Cuba) ay mahigpit na nakikiisa sa mga Cubano sa kanilang pagdiriwang. Pinagpupugayan namin ang mga bayani hindi lamang sa mga taon ng armadong pakikibaka laban sa rehimeng Batista kundi pati na rin sa pagtatanggol laban sa pagsalakay at pagsabotahe ng US, ng mga kampanya upang itatag ang ekonomiyang Cubano at bumuo ng sistema ng edukasyon at kalusugan nito, sa pagsisikap na mapagtagumpayan ang espesyal na panahon at epekto ng pagharang sa pang-ekonomiya, pampinansya at pangkomersyo ng bansa.

Ang mga sumunod na taon matapos makatakas ni Batista sa Cuba sa gabi ng Disyembre 31, 1958 ay, sa katunayan, animnapung taon ng "sagupaan, pagtutol, at pagkamalikhain tungo sa  rurok ng tagumpay" na siyang inilarawan ni Pangulong Miguel Díaz-Canel Bermúdez sa kanyang talumpati kamakailan. Hindi hinahayaan kahit isang saglit ng mga kaaway ng Bagong Cuba nang walang bagong pakana upang wasakin ang Cuba, upang pahinain ang rebolusyonaryong pagpapasiya ng mamamayan nang sa gayon ay itakwil nila ang sosyalismo.

Kami’y nagagalak na isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa ika-60 taon ng Rebolusyon ang pagdaraos ng isang reperendum upang maipasa ang bagong Saligang Batas ng Cuba. Umaasa kaming tinatanganan ng Cuba ang pagbabago ng Saligang Batas upang gawin ang Batayang Batas ng Cuba na nakaakma sa nagbabagong kalagayan habang nananatiling tapat sa mga pamanang iniwan ng kanilang mga mapagpalayang bayani at sa Marxismo-Leninismo habang pineperpekto ang sosyalistang proseso. Pinahahalagahan naming binigyang pansin ng proseso sa paglulunsad ng mga talakayan sa mamamayang Cubano bago ito pagtibayin ng Parlamentong Cubano. Pinasisinungalingan nito ang mga paratang na hindi demokratiko ang sistemang Cubano.

Ipagdiwang din namin ang iba pang mga napagtagumpayan ng Cuba. Nabatid na ng mundo ang mga nagawa nila sa kalusugan, bayoteknolohiya at edukasyon. Sa kabila ng mga natural na kalamidad at ang pagharang pang-ekonomya, inirehistro ng Cuba ang paglago ng ekonomya nito. Kapansin-pansin ang pagpapabuti ng Cuba sa agrikultura, sa imprastraktura, pabahay, pagbabayad ng pensiyon at iba pang mga benepisyong materyal. Patuloy na sumisikat ang Cuba sa sports at sa sining.

Hindi maaaring burahin ng isang Bolsonaro ang natatanging rekord ng Cuba sa internasyunalista-humanistang gawain. Nagbigay ang Cuba ng higit pang mga medikal na tauhan sa papapaunlad pang mundo kaysa sa lahat ng pinagsamang bansa ng G8. Sila’y nasa maraming bansa ng Latin America, Aprika, kahit sa Asya at Pasipiko. Sinanay ng Cuba ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang bansa upang maging mga doktor. At hindi ito magagawa ng Cuba kung hindi dahil sa pinagtagumpayan nilang rebolusyon noong 1959.

Siyang tunay, ang tagumpay ng rebolusyong Cubano ay tagumpay ng sangkatauhan!

Mas galit na sa Cuba ang mga imperyalista at ang kanilang mga ahente dahil sa walang pagod na diwa ng sambayanan. Patuloy ang pakikibaka at magtatagumpay muli ang sambayanang Cubano!

Hayaang magdiwang ang mamamayan ng daigdig!

Halina’t patuloy nating suportahan ang Cuba laban sa imperyalistang paniniil!

Mabuhay ang Rebolusyong Cubano!


Ang orihinal na pahayag sa wikang Ingles:
Mula sa https://www.facebook.com/PhilCubaSol/posts/919804164882200?__tn__=K-R

Message of the Philippines-Cuba Cultural & Friendship Association (PHILCUBA)
On the 60th Anniversary of the Triumph of the Cuban Revolution

Continuing the Legacy, Perfecting the System and Leading in Internationalist-Humanist Work

Despite an economic war, financial persecution, a tightened blockade, branding Cuba by National Security Adviser John Bolton as one in a Troika of Tyranny, and other actions and pronouncements all pointing to the US’s moving towards a course of confrontation with Cuba, the Cuban people have all the right to celebrate with pride the 60th anniversary of their triumph over the US-backed regime of authoritarian and plunderer, Fulgencio Batista.

We, the members of the Philippines-Cuba Cultural and Friendship Association (Phil-Cuba) join the Cuban people in their celebration. We salute the heroes not only of the years of armed resistance against the Batista regime but also of the defense against US invasion and sabotage, of the campaigns to build the Cuban economy and develop its educational and health system, of the effort to overcome the special period and effects of the economic, financial and commercial blockade.

The years that followed Batista’s escape from Cuba in the evening of December 31, 1958 were, indeed, sixty years “of combat, resistance and creativity of the final triumph” as President Miguel Díaz-Canel Bermúdez described in his recent speech. The enemies of New Cuba never allow a single moment to pass without hatching a new plot to destroy Cuba, to weaken the people’s revolutionary determination so that they renounce socialism.

We are glad that a referendum to submit the new Cuban Constitution for ratification will be one of the most significant events on the 60th year of the Revolution. We trust that Cuba is holding this charter change to make the Fundamental Law of Cuba more adjusted with the changed situation while remaining faithful to the legacy of their liberation heroes and to Marxism-Leninism while perfecting the socialist process. We appreciate that the process gave much attention to holding discussions among the people before its approval by the Cuban Parliament. It belies allegations that the Cuban system is not democratic.

We celebrate as well Cuba’s other achievements. Those on health, biotechnology and education are well-known. Despite the natural disasters and the blockade, Cuban economy registered growth. Cuba has noteworthy improvements in agriculture, in infrastructure, housing, paying pension and other material benefits. Cuba continues to shine in sports and in the arts.

A Bolsonaro can never erase Cuba’s outstanding record in internationalist-humanist work. Cuba has provided more medical personnel to the developing world than all the G8 countries combined. They are in many countries of Latin America, Africa, even in Asia and the Pacific. Cuba has trained students from different countries to become doctors. And Cuba couldn’t have done this if not for the revolution that triumphed in 1959.

Indeed, the victory of the Cuban revolution is a victory of humanity!

Imperialists and their agents are ever angrier at Cuba for its people’s indefatigable spirit. The struggle continues and the Cuban people will come out victorious!

Let peoples of the entire world celebrate!

Let us continue supporting Cuba against imperialist attacks!

Long Live the Cuban Revolution!

Lunes, Pebrero 26, 2018

Salin ng Pahayag ng Laban ng Masa

PAHAYAG NG LABAN NG MASA HINGGIL SA REBOLUSYONG EDSA AT SA KONSTITUSYONG 1987
Pebrero 21, 2018

Ang diwa ng kasalukuyan ay rebolusyon.

Paisa-isa, nagmamartsa sa kalsada ang mga Pilipino upang wakasan na ang bangungot na dumadapo sa bansa. Sa pamamagitan ng mga bulaklak, rosaryo, at dilaw na laso sa kanilang mga kamay, matayog ang pangarap ng nagmamalaking populasyon sa mga pangako ng demokrasya. Taun-taon, rehimen sa rehimen, at makalipas ang tatlumpu't dalawang taon nang mangyari iyon, ang tanging naiwang alaala ng EDSA ay hindi iyon reebolusyon o simbol ng kapangyarihan ng mamamayan.

Nang mawala ang alikabok sa pagbagsak ng diktador, agarang ipinahayag ng rebolusyonaryong pamahalaang nasa kapangyarihan kung nakanino ang tunay na katapatan ng pakikipag-alyansa nito. Sa pangako ng kapayapaan, tinugon ito ng matinding pagsuporta sa mga elementong paramilitar. Sa pangako ng pagsasakapangyarihan ng mamamayan, tinugon ito sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan subalit sa kapritso ng kapital, na malayo sa kayang abutin ng mamamayan. Sa pangako ng hustisya, itinayo nito ang mga kinathang institusyon na madaling lumpuhin ng impluwensiya ng kayamanan at kapangyarihan. Sa pangako ng pagsasama, tinugon ito ng pagbabalik ng pamumuno ng mga dinastiya.

Ang pundasyon ng sistematikong panlilibak sa rebolusyonaryong diwa ay pinagtibay ng pmanipesto ng pagkakatatag ng Republikang EDSA. Pagkatapos ay ipinagkaloob ni Pangulong Aquino ang Proklamasyon Blg. 3 ang lahat ng kapangyarihan sa Limampung (50) Mapapalad, sila ang mga indibidwal na pinili mismo ng Pangulo sa kabila ng milyon-milyong Pilipinong nagnanais marinig, ay isinilang ang Konstitusyong 1987. Hindi naging matatag ang mababaw na pluralismong ito kapag ang kahilingan ay masyadong radikal para pahintulutan ng "rebolusyonaryong" gobyerno. Nasusuya na sa harap ng kalayaan habang ang bansa ay nakapako sa tanikala ng kapital at imperyo, umuusok sa galit ang mga tulad nina Lino Brocka at Jaime Tadeo laban sa dokumentong gumagarantiya sa lahat ng iba pang karapatan, ang pagprotekta sa karapatan sa pribadong pagmamay-ari.

Sabihin nang naukit na sa Saligang Batas ang kinakailangang Tala ng mga Karapatan at ang pagbubukod ng mga kapangyarihan sa pagitan ng mga sangay ng pamahalaan na wala noong madilim na panahon ng pamamahalang diktaduryal, ang tatlong dekada ng pagpapatupad sa Saligang Batas ay naglantad lamang sa kabalintunaan ng mga prinsipyong nakasaad dito at sa limitasyon ng elitistang demokrasya. Wala halos pagbabago sa tantos ng pamumuhay ng mga naghihirap mula 2000 hanggang 2015. Nang ipinahayag ng Asian Development Bank na malapit sa sangkapat ng populasyon ang nabubuhay ng kalunos-lunos, ang Pilipinas ngayon ang ikatlong pinakamalaking proporsyon ng mga mahihirap sa Timog-silangang Asya, matapos ang Myanmar at Laos. Isang mas wastong panukat ay ang paglalagay ng proporsyon ng mahihirap sa tatlumpung bahagdan ng populasyon, anupa't ang mahihirao na Pinoy ang pinakamasahol sa Timog-silangang Asya.

Maaring mag-iba ng kaunti ang mga istatistika subalit matatag ang mga kongkulusyon. Ano pa't iniukit ang mga prinsipyo ng panlipunang hustisya - tulad ng karapatan sa paggawa, repormang agraryo, mga demokratikong kalayaan, pamnbansang kasarinlan, at batayang karapatang pantao - gayong hindi ito tumutugma sa mga dikersyon ng patakarang neoliberal at dinastikong panghihimasok na hinahanap ng Republikang EDSA? At pagkatapos ng 32 taon, ang mismong mga kabalintunaang ito ang naglatag ng daan sa panunumbalik ng bantang awtoritaryan sa Konstitusyon na tangkang pigilan. Saksi ang bansa sa rebolusyong nauwi sa trahedya.

Naniniwala ang Laban ng Masa na ang imahinasyong pulitikal ng mamamayan ay hindi mapipigilan ng mga paghihigpit na ipinataw ng isang pirasong papel na nagtatampok bilang tagumpay ng isang rebolusyon. Kung tunay ngang rebolusyon ang EDSA, ang mga tagumopay nito'y inagaw ng iilan mula sa nakararami. Habang ang bansa'y muling nabibighani sa pangako ng radikal na pagbabago sa pamamagitan ng isa na namang piraso ng papel na tumitiyak sa mga pakinabang nito sa mas papaunting kamay, paano natin mababawi ang diwa ng rebolusyon ng bayan?

25.02.2018

https://www.facebook.com/LabanNgMasaPH/posts/573377159690096

Laban ng Masa
Pebrero 21 nang 8:00 PM · 
LABAN NG MASA STATEMENT ON EDSA REVOLUTION AND THE 1987 CONSTITUTION
Feb. 21, 2018

The spirit of the time was revolution.

One by one, Filipinos marched out into the streets to put an end to a nation’s nightmare. With flowers, rosaries, and yellow ribbons in hand, the proud populace was high on the promises of democracy. Year by year, regime by regime, and thirty-two years after the fact; the only memory of EDSA left is that it was neither a revolution nor a symbol of people power.

When the dust settled from the dictator’s downfall, the revolutionary government in power swiftly revealed its true allegiances. To the promise of peace, it answered with staunch support of paramilitary elements. To the promise of empowerment, it responded with handing over basic social services to the whims of the market, far from the people’s reach. To the promise of justice, it constructed the fiction of institutions easily crippled by the influence of wealth and power. To the promise of inclusion, it answered with the restoration of dynastic rule.

The cornerstone of this systematic mockery of the revolutionary spirit was solidified in the founding manifesto of the EDSA Republic. After President Aquino’s Proclamation No. 3 bestowed all power to the Lucky 50, individuals hand-picked by the President herself among millions of Filipinos clamoring to be heard, the 1987 Constitution was born. This shallow pluralism became untenable when demands proved to be too radical for a “revolutionary” government to allow. Disgusted by the facade of freedom while the nation was fastened to the shackles of capital and empire, the likes of Lino Brocka and Jaime Tadeo stormed out in rage against a document that guaranteed above all other rights, the protection of the right to private property.

Granted that the Constitution was able to enshrine the much-needed Bill of Rights and separation of powers between branches of government absent in the dark days under dictatorial rule, three decades of implementing the Constitution only laid bare the contradictions between its principles and the limits of elite democracy. There was virtually no change in the proportion of people living in poverty between 2000 and 2015. With the Asian Development Bank declaring that close to a quarter of the population is living in absolute poverty, the Philippines now has the third largest proportion of poor people in Southeast Asia, after Myanmar and Laos. A more accurate measure places the proportion of the poor to thirty-percent of the population, making the Filipino poor the worst-off in Southeast Asia.

Statistics may vary minimally but the conclusions are robust. What use is enshrining principles of social justice – labor rights, agrarian reform, indigenous peoples’ rights, democratic freedoms, national sovereignty, and basic human rights – when they are incompatible with the neoliberal policy direction and dynastic entrenchment pursued by the EDSA Republic? And after 32 years, these very contradictions paved the road for the return of the authoritarian threat the Constitution sought to preempt. The nation stood witness as a revolution degraded into a tragedy.

Laban ng Masa believes that the political imagination of the people cannot be constrained by the restrictions imposed by a piece of paper masquerading as the victory of a revolution. If EDSA were indeed a revolution, its victories were wrested from the many by the few. As the nation is once again enamored with the promise of radical change through another piece of paper that further secures its gains to fewer and fewer hands, how can we reclaim the spirit of a people’s revolution?

25.02.2018

Huwebes, Pebrero 1, 2018

Panalangin ni Papa Francisco upang Labanan ang mga "Huwad na Balita"

Pope Francis' prayer for countering fake news,
translated from English to Filipino language
Panalangin ni Papa Francisco upang Labanan ang mga "Huwad na Balita"
Malayang salin mula sa wikang Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

Panginoon, gawin mo kaming instrumento ng iyong
kapayapaan.

Tulungan mo po kaming makilala ang nakakubling
kasamaan sa isang pag-uusap na hindi nagtatatag
ng pagkakaisa.

Tulungan mo po kaming tanggalin ang lason sa aming mga paghuhusga.

Tulungan mo po kaming magsalita hinggil sa aming
kapwa bilang aming mga kapatid.


Kayo po ay matapat at mapagkakatiwalaan;
nawa ang aming mga salita'y maging binhi ng kabutihan sa daigdig:

Kung saan may sigawan, nawa'y masanay po kaming makinig;

Kung saan may kaligaligan, nawa'y makapagbigay po
kami ng inspirasyon ng pagkakasundo;

Kung saan may kalabuan, nawa'y makapagdala po kami ng kalinawan;

Kung saan may pagbubukod, nawa'y makapag-alay po
kami ng pagkakabuklod;

Kung saan may makapukaw-damdaming usapin, nawa'y magkaroon po ng kahinahunan;

Kung saan may kalabisan, nawa'y maibigay po namin
ang totoong mga tanong;

Kung saan may kapinsalaan, nawa'y makapukaw po kami
ng pagtitiwala;

Kung saan may paglalabanan, nawa'y makapagdala po kami ng paggalang;

Kung saan may kasinungalingan, nawa'y madala po namin ay katotohanan.  Amen.

- Papa Francisco, pahayag sa Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon 2018

Sabado, Disyembre 16, 2017

Ang mga kaaway - salin ng tula ni Pablo Neruda

Ang mga kaaway
ni Pablo Neruda
Isinalin ni Greg Bituin Jr.

Dito, dinala nila ang kanilang mga baril na puno
ng pulbura at iniatas ang matinding paglipol,
Dito, natagpuan nila ang sambayanang umaawit, sambayanang muling pinagkaisa
Ng pangangailangan at pag-ibig,

At ang payat na batang babaeng may tangan ng watawat ay nahulog,
At ang isang minsang-nakangiting batang lalaki’y gumulong at nasugatan sa tagiliran
At minasdan ng natatarantang bayan ang patay na nalugmok 
Sa galit at sakit.

Pagkatapos, doon
Kung saan ang patay ay nahulog, pinaslang, 
Ibinaba nila ang kanilang mga watawat at ibinabad sa dugo
Upang itaas muli at ipamukha sa mga pumaslang sa kanila.

Para sa aming mga patay, hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga nagkalat ng dugo sa aming bansa, hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa pumaslang na nagdala sa amin ng pagpatay,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga taong umunlad mula sa pagkitil sa amin,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa nagbigay ng atas na naging sanhi ng aming pagdurusa,
hinihiling ko’y kaparusahan.
Para sa mga nagtatanggol sa pagkakasalang ito,
hinihiling ko’y kaparusahan.

Ayokong alukin nila kami
Ng kanilang kamay - na nabubo ng
Dugo: nais ko silang parusahan.
Hindi ko sila nais na maging kinatawan,
O kaya'y manirahan sila ng maalwan sa kanilang mga tahanan:

Nais ko silang makitang nililitis
sa liwasang ito, dito sa lugar na ito.

Hinihiling ko’y kaparusahan.



The Enemies
by Pablo Neruda

Here, they brought their guns filled
With powder and ordered callous extermination,
Here, they found a people singing, a people reunited
By necessity and love,

And the skinny girl fell with her flag,
And the once-smiling boy rolled wounded to his side
And the dazed town watched the dead fall
In fury and pain.

Then, there
Where the dead fell, murdered,
They lowered their flags and soaked them in blood
To raise them again in the face of their murderers.

For these our dead, I ask for punishment.
For those who spilled blood in our country,
I ask for punishment.
For the executioner who sent us murder,
I ask for punishment.
For those who prospered from our slaughter,
I ask for punishment.
For he who gave the order that caused our agony,
I ask for punishment.
For those that defended this crime,
I ask for punishment.

I don't want them to offer us
Their hands - soaked in our own
Blood: I want them punished.
I don't want them as ambassadors,
Or living comfortably in their homes:

I want to see them tried
here in this plaza, here in this place.

I demand punishment.

Lunes, Setyembre 4, 2017

Ang sosyalistang tao, ayon kay Lean Alejandro

"Dapat mabatid ng sosyalistang tao kung paano kinakalkula ang distansya ng mga bituin, kung paano pinag-iiba ang isang isda sa isang pating, ang isang hayop sa isang reptilya. Dapat alam niya kung paano dalisayin ang tuba sa lambanog at kung paano makarating sa e = mc ^ 2. Dapat niyang malaman kung paano magluto ng bacon, magkatay ng baboy at mag-ihaw ng tupa. Dapat may kakayahan siyang pamunuan ang mga hukbo sa labanan. Dapat alam niya kung paano sundin ang mga atas, magbigay ng mga atas at dapat ala miya kung kailan susuway sa kanila. Dapat may kakayahan siyang makipagbalitaktakan, sa pag-lobby, sa lantarang pakikibaka. Dapat alam niyang magsuri ng mahihirap na sitwasyong pampulitika, kung paano lumabas sa isa at kung paano kumbinsihin ang iba na dapat nilang gawin ang gayon. Dapat alam niya kung paano maglayag ng barko, maghukay ng isang palikuran, bumuo ng silungan ng baboy, maglaba ng damit, maghugas ng pinggan, magplano ng opensiba, magplano ng pagtakas, paghaluin ang martinis, uminom ng martinis, pag-ibahin ang brandy sa whisky, manatiling tahimik, lumahok, alagaan ang mga sanggol, pamahalaan ang isang burukrasya ng estado, alagaan ang sakit, aliwin ang nalulungkot, panatilihin ang kanyang pagpipigil sa mainit na tubig, kalian manonood, kalian lalahok, pagkumpuni ng mga kagamitan, alagaan ang isang kotse, purgahin ang mga rebisyunista, sumakay sa kabayo, takbuhan ang isang toro, lumangoy, maglaro ng tennis, malunod nang mayumi, lumubog kasama ang barko nang may karangalan kasama ang mga daga, talakayin si Mao, pabulaanan si Zinoviev, libakin si Stalin, pinahahalagahan ang isang bahay-pukyutan, mag-alaga ng manok, magluto ng manok, maglaro ng boogle (ayon sa pagkakasunod), maayos na basahin si Mabini, kalapin ang mga kasapi ng kilusan, ganyakin ang mga miyembro na makibaka, mag-ayos ng isang piging, tumugtog ng hindi bababa sa isang instrumento sa musika, maging kritikal, pumuna sa sarili, tapat ... Ang sosyalistang tao ay ang kabuuang tao. Ang espesyalisasyon ay para lang sa mga langgam. "- Lean Alejandro (Hulyo 10, 1960 - Setyembre 19, 1987)


Mula sa http://politicsforbreakfast.blogspot.com/2012/09/lean-alejandro-1960-87.html

"The socialist man must know how to compute the distance of the stars, how to differentiate a fish from a shark, a mammal from a reptile. He must know how to distill wine into liquor and how to arrive at e=mc^2. He must know how to cook bacon, butcher a pig and roast a lamb. He must be capable of leading armies into battle. He must know how to follow orders, give orders and he must know when to disobey them. He must be able at debate, at lobbying, at open struggle. He must know how to analyze difficult political situations, how to get out of one and how to convince others that they must do the same. He must know how to sail a ship, dig a latrine, construct a pigsty, wash clothes, wash dishes, plan an offensive, plan a retreat, mix martinis, drink martinis, differentiate brandy from whisky, keep quiet, participate, take care of babies, manage a state bureaucracy, soothe pain, comfort the sorrowful, maintain his composure in hot water, when to watch, when to participate, repair appliances, maintain a car, purge revisionists, ride a horse, run from a bull, swim, play tennis, drown gracefully, sink with his ship with honor along with the mice, discuss Mao, debunk Zinoviev, ridicule Stalin, appreciate a beehive, raise chickens, cook chickens, play boogle (respectably), correctly read Mabini, recruit members into the movement, motivate members to struggle, host a party, play at least one musical instrument, be critical, self-critical, honest... The socialist man is the total man. Specialization is for ants." - Lean Alejandro (July 10, 1960 - September 19, 1987)

Liham ni Lean Alejandro sa kanyang propesor

Liham ni Lean Alejandro sa kanyang propesor
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 Marso 1985
Camp Ipil Reception Center
Fort Bonifacio

Dr. Rita Estrada
Professor
Psycology Department

Minamahal kong Ma'am,

Kumusta po kayo? Umaasa akong kayo'y nasa mabuting kalagayan. Si JV ay nagpapaabot din ng mainit na pagbati.

Maraming salamat po sa inyong pag-aalala. Hindi nyo lang alam kung gaano ako kasaya na makarinig ng mula sa inyo. Hindi man kailangang sabihin, nami-miss ko nang tunay ang ating mga talakayan.

Kami ni JV ay maayos naman ang kalagayan sa kabila ng mga pangyayari. Sinusubukan naming gamitin ng wasto ang panahon namin sa piitan. Nagpapahinga kami at nag-eehersisyo upang nasa kondisyon ang aming katawan upang makasama sa pakikibaka pag kami'y nakalaya na. Pinayagan kami ng mga awtoridad sa kampo na magdala ng ilang kagamitan. Ito'y tunay na katanggap-tanggap dahil nang wala pang refrigerator, maraming pagkain ang napapanis. Alam po ninyo, maraming tao ang napakamapagbigay at patuloy kaming binibigyan ng pagkain. Nakakakain lang kami ng sapat at halos yaong mga natira'y napapanis. Minsan, hindi ko maatim na nakatayo lang doon at panooring napapanis ang mga iyon kaya kinakain ko ang mga iyon hanggang sa makakaya. Kadalasan, hindi naman ako natutunawan. Ayokong magtapon ng maayos pang pagkain. 

Ang kalagayan namin dito ay tulad ng pagkabihag ng isang pangkat ng mga kabataang may kasalanan na may mga baril. Sa gayong bagay, ang ating bansa ay pinipigilan ng isang pangkat ng mga nagbibinatang terorista. Di man sabihin, ito'y hindi makatuwiran.

Dito sa loob, araw-araw kaming nakalantad sa pakikipag-ugnayan sa militar. At sasabihin ko sa inyong ang militar bilang isang institusyon ay nagdurusa sa isang matindi at di na maisasaayos na pagkabaliw. Ang institusyong militar ay tiwali, hangal, lihis at mapag-aksaya. Ito ay masama at nabubulok sa pinakaugat nito -- sa pinakahuling kawan, sa pinakahuling detalye. Hindi ito maisasaayos mula sa loob. Hindi ito makukunsensya mula sa labas dahil wala itong budhing dapat nating "ayusin".

Araw-araw, hinahamak ng diktadurang ito ang ating mamamayan. Inilalagay nito ang ating mamamayan sa hindi makataong kalagayan, pagkakait, at kamatayan. Dapat natin itong ibagsak at lahat ng mga institusyong nakapaloob dito. Subalit huwag nating gamitin ang malupit at barbarikong pamamaraan ng dahas. Hindi ko sinasabing huwag tayong lumaban. Sa kabila niyon, palagay ko'y dapat tayong lumaban. At may karapatan tayong lumaban. Ngunit, kung lalaban tayo, lumaban tayo tulad ng mga tao, hindi tulad ng mga aso o daga.

Dapat nating ipaghiganti ang mga namatay at mga naghihingalong biktima ng diktadura nang walang pasubali subalit makakatulong sa atin na tandaan ang mga pananalita ni Gandalf nang kanyang sinabi -- 'Maraming nabuhay na dapat mamatay. At ang ilang namatay ay dapat magkaroon ng buhay. Maibibigay mo ba ito sa kanila? Kung gayon huwag magmadaling magpataw ng kamatayan bilang kahatulan.'

Dapat nating ibagsak ang diktadura dahil dapat lang. Dapat nating wakasan na ang karahasan sa anumang paraan dahil nais natin ng kapayapaan. Dapat nating ibagsak ang diktador upang wala nang diktador pang babangon muli at ang paniniil ay maibagsak nang tuluyan. At pag nakuha na ng amamayan ang kapangyarihan sa kanilang mga kamay, dapat nilang gamitin ito ng makatwiran, may awa at pang-unawa. Sa gayon ang bagong kapangyarihan ay may pagkakataong tumindig sa kalagayang hindi na tiwali ang kanilang pamumuno.

Pagpasensyahan po ang mga halu-halong puntong ito. Ngunit sa palagay ko, kung mayroon mang naituro ang aming pagkapiit, ito'y ang aral na ang buhay ng tao at ang kalayaan ng tao ay hindi dapat tratuhing napakamura at mapanlait tulad ng pagtrato ngayon.

May pagkakataon akong muling madalaw ang Beteriand. Nagaganap na ang War of the Rings. Hindi na nakasama ng Kompanya si Gandalf dahil nawala na ito sa Moria. At mahaba-haba pa ang lalakbayin. Iyon ay isang paglalakbay na nasa malawak na antas. At natutuwa akong ito'y isang pakikipagsapalarang kapwa natin tinatahak, kasama ng lahat ng Malayang Mamamayan ng Middle Earth.

Subalit sa kabila ng kaluwalhatian ng Ikatlong Edad, nakatitiyak akong sinasang-ayunan nyo ako pag sinabi kong ang pinakamalaking paglalakbay natin sa daigdig na ito ay ang ating pakikibaka para sa kalayaan. Ang mga pasakit at sakripisyo'y nakalilito. Makasaysayan ang mga labanan. At tunay na magiging dakila ang tagumpay.

Natutuwa akong kapwa natin tinatahak ang malaking pakikipagsapalarang ito. At nakatitiyak akong malalampasan natin ang Panginoon ng Dilim ng ating panahon, kasama ang lahat ng Pilipinong mapagmahal sa kalayaan sa ating bayan. Pag natapos na ang lahat ng ito, ang pagbabahagi ng mga kwento ay tiyak magkakaroon ng maraming bilang ng pag-ukol at pag-awit. Para sa ating mga anak at kaapu-apuhan.

'Nais kong di na iyo nangyari sa aking panahon', sabi ni Frodo.

'Gayon din ako,' sabi ni Gandalf, 'at ng lahat ng nabuhay na makita ang gayong panahon. Subalit hindi para sa kanila ang pagpapasiya. Ang dapat nating pagpasiyahan ay kung anong dapat nating gawin sa panahong ibinigay sa atin.'

Maraming salamat muli. Umaasa ako na makita kayo sa lalong madaling panahon. At pag lahat ng ito ay natapos na, umaasa akong matamasa na natin ang payapang gabi ng kwento at mga awit, hinggil sa Ikatlong Edad at hinggil sa ating panahon.

Sumasainyo ng buong katapatan,

Lean L. Alejandro
Kapwa Manlalakbay

Sabado, Agosto 26, 2017

Ang U.P. at si Lean Alejandro

ANG U.P. AT SI LEAN ALEJANDRO: 
Pagwawasto sa kawalang-katarungan sa ating pinanahanan
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

(Eulohiya ni P.N. Abinales sa pagkakapaslang kay Lean Alejandro, pangkalahatang kalihim ng BAYAN)

Ang mga kasapi ng pakuldad na magbubuklat sa transcript of records ni Lean Alejandro ay maaaring manlumong matuklasang hindi niya nakumpleto ang kanyang mga rekisitong pang-akademiko. Kaya madaling ipagpalagay ng iba na sinundan niya ang rutang tinungo ng maraming aktibista ng Pamantasang ito: na nagtapos na nagbabanal-banalang bagsak. Hindi natapos ni Lean ang kanyang degri sa Philippine studies at piniling pansamantalang iwan ang akademya upang ipagpatuloy ang iba pang antas ng paglilingkod sa sambayanan at makibaka para sa kanilang paglaya. Bukod sa inaming niyang hindi niya lubos-maisip na gagawin niya ang dalawang taon ng pagsasanay-militar sa ilalim ng programang CMT na karaniwang sinasalamin ang militarisasyon ng lipunan.

Ganunpaman, sa mga nakakakilala kay Lean, alam nilang hindi siya angkop sa karaniwang paniwala hinggil sa kapanabayang aktibistang estudyante. Sa kanyang sariling pananaw, siya ang magandang halimbawa ng iskolar sa tradisyon ng UP. Nakatrabaho ko siya sa Third World Studies Center at nakasama sa kwarto sa Narra Residence Hall ng mahigit tatlong taon, maaari kong patunayan ang kanyang intelektwal na pagsisikap na itinakda niya sa sarili upang mas masuri niya ang lipunang dapat niyang baguhin.

Hindi tulad ng mga estudyante't akademiko na nakaupong kuntento na sa karaniwan, nais ni Lean na sumunod sa batayang tradisyon ng UP hinggil sa kahusayan at kritikal na pag-iisip. Sa kabila ng mga hinihingi ng kanyang pampulitikang gawain, palagi siyang malay sa katotohanang ang parehong pag-aaral ng akaemiko at pulitika ay nangangailangan ng pagsisikap mula sa mga patuloy na kumikilos. Habang ang ilang intelektwal sa Pamantasan ay ayaw nang magbasa ng lampas kina Marx o Lenin, pinasok ni Lean ang isang programa ng pagbabasa na magpapakilala sa kanya  sa patuloy na pagbabago ng Marxistang tradisyon matapos si Marx. Pinagbuhusan niya ng panahong basahin ang anumang bagong aklat sa Marxismo na naroroon sa Thir World Studies, naghahanda ng mahahabang sulatin ng pagsusuri sa bawat isa at ikumpara ang mga ito sa anumang matagumpay na pagsisiyasat o anumang pagbabagong nagawa ng mga bagong akdang ito sa lumalagong tradisyon ng Marxistang intelektwal. Inihanda din niya ang kanyang sariling adyenda sa pananaliksik, una sa lahat ang kanyang layuning pag-aralan ang makasaysayang pagsulong ng kilusang estudyante sa Pilipinas upang matukoy ang ambag nito sa mas malawak na pakikibaka para sa nasyunalismo at demokrasya. At sa pagitan nito, gagawin niya ang mga intelektuwal na tirang pabalang-balang sa mga anti-Marxista na kritiko tulad ng labis na kinikilalang prayle ng Opus Dei na si Joseph De Torre, na ininsulto maging ang mga anti-Marxistang tradisyon sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa isang batayang pamamaraan sa pananaliksik: ang alamin muna kung ano ang nais mong pabulaanan bago isulat ang iyong "kritisismo".

Sa lahat ng ito, patuloy siyang ginagabayan ng dalawa sa pangunahing pahayag ni Marx: ang magsagawa ng isang "walang habas na kritisismo ng lahat ng umiiral" at laging malay na sa pakikibaka, " "kamangmangan ay hindi pa nakatulong sa sinuman". Lubos niyang naunawaan kung ano ang ibig sabihin ng isang mag-aaral ng UP at isang iskolar ng mga tao. Lubos niyang pinahahalagahan ang kanyang mga taon sa UP at pinapangarap na isang araw, kapag natapos na ang pakikibaka, nais niyang bumalik sa kanyang unang pag-ibig at kinakasama, ang pamantasan.

Sa ilang pagkakataong nagkita kami matapos siyang lumisan sa UP, pagninilayan ni Lean ang mga bagay na naaalala niya sa akademya. Nababahala siya na hindi niya magagawang makumpleto ang adyenda ng pananaliksik na nasa isip niya. Lagi niyang itinatanong ang kalagayan ng aklatan ng pamantasan, at kung, sa hinaharap, ay bumalik siya sa mga inaagiw na sulok ng mga arkibo upang ipagpatuloy ang kanyang pananaliksik. Nakaliban din siya sa mga klaseng nais niyang pasukan, lalo na ang kanyang unang kurso, ang Chemistry, panitikan, at ang mga dayuhang wika (nais niyang magpatala sa mga kurso ng wikang Aleman at Ruso upang mabasa niya sina Marx at Lenin, sa orihinal nitong wika). Mas mahalaga, hindi niya nakausap ang mga magagaling na utak ng pakuldad ng UP, nakikipagtalakayan sa mga ito hinggil sa pinakabago sa panitikan, pulitika, at maging ang daigdig ng pantasya ni J.R.R. Tolkien sa pagitan ng pag-inom ng murang kape sa kantina ng FC o sa pagitan ng mga bote ng Scotch kina Dodong Nemenzo.

May pananaw sa UP si Lean matapos ang pambansang kasarinlan. Bagamat ang mga radikal na ortodoks, pag umakyat na sa kapangyarihan, ay katatakutan na babaguhin nila ang mga institusyon ng mataas na pag-aaral upang tumalima sa pangangailangan ng panahon, ikinikintal ni Lean sa akin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng UP bilang kanlungan ng kritikal at karampatang pag-iisip. Lagi niyang sinasabi na matapos ang rebolusyon, dapat gawin ng Estado ang lahat upang manatili ang mga magagaling na utak sa UP - mula sa mga konserbatibo,liberl, hanggang sa mga ortodoks at mga radikal na erehe - at tulungan silang ipagpatuloy ang ibig nilang gawin: magturo, magsaliksik, magtalakayan, at magdebate. Halimbawa, bagamat hindi tayo sang-ayon sa mga paggalugad na teyoretikal ni Prof. Agpalo, nakita niya ang kahalagahan ng pananatili ng mga liberal na tulad ni Agpalo sa Pamantasan. "Paano bang tayong mga radikal sa akademya ay higit pang matatalos ang ating radikalismo kung hindi sa pamamagitan ng isang matinding debate sa mga tulad ni Agpalo, at katulad pa niya?", ang minsang sinabi niya isang gabi. Ipinahayag rin niya ang pagkamatuwain sa mga sikat at hindi kilalang kauratan sa UP, umaasang balang araw ay babalik sila upang ibahagi ang kanilang mga pambihirang ideya sa mga kasamahan sa trabaho at sa mga estudyante na lahat ay sa ngalan ng "mataas na karunungan". Naniniwala si Lean na matapos ang ganap na paglaya ng sambayanan, ang pakuldad at mga estudyante ng UP ay makahulugang tutungo na ngayon sa pagtupad sa mga layunin ng Pamantasan nang hindi na nabibigatan dahil sa mga "pribadong katampalasanan" tulad ng mababang sahod at kapos na pasilidad.

Lagi niyang idinadaing ang ginawa ng diktadurang Marcos sa UP; ang pagbagsak sa akademikong kalayaan nito sa pamamagitan ng pagbawas ng badyet at sa pamamagitan ng tago at lantarang banta ng panunupil, pagsira sa integridad ng mga guro nito na ginagawa ang mga itong akademikong mersenaryo, tagapagsulat ng iba at mga nagpuputa sa kaisipan at pinipigilan ang mga ideya na kritikal sa status quo at may kakayahang palawakin ang imahinasyon ng mga mang-aaral at guro mula sa pagsisimula nito sa akademya. Ipinangako niya na ang hindi mangyayari ang ganito sa alternatibong lipunang kanyang itinataguyod.

Ibinabahagi ko ang mga pribadong kaisipang ito ni Lean hindi lamang upang ipakita sa inyo na marami pa siyang talento kaysa ang pagkilala sa kanya bilang kilala sa pulitika na nababasa natin sa mga pahayagan o napapakinggan sa mga panayam at malalaking pagkilos. Isa rin siyang masugod na panatiko ng mga ideya at prinsipyo ng Pamantasan. Sa kanyang kamatayan, maaaring hindi niya direktang ibinahagi ang mensahe na sa pangyayaring ito, nagiging mahalaga sa atin ito upang sariwain ang tradisyon ng UP ng kahusayan at kritikal na pag-iisip at  masigla itong ipagtanggol laban sa mga pagsisikap sa na wasakin ito sa hinaharap.

Sa ilang panahon, nagbigay ang Pamantasang ito ng honorary doctorates sa mga kasuklam-suklam na nilalang tulad ni Imelda Marcos. Pumayag ito sa mga sumpong at kapritso ng mga makapangyarihan sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga propesor at akademiko na itinaas ng ranggo dahil sa mga pampanguluhang dekreto at atas-ehekutibo, at pinayagan din nito ang pinakamasamang akademiko na maging mga sikat dahil sa ilang mga pasalitang saloobin at mga paksang hindi naman nila seryosong pinag-aralan. Iniisip kong ang mga panahon ng krisis tulad ng kinakaharap natin ngayon ay isang kanais-nais na sandali para sa UP upang itama ang maraming inhustisya sa ating pananahanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat na pagkilala sa mga tumindi para sa tradisyon nito. Marami sa mga magagaling at matatalino ng UP ay nananatiling hindi kinikilala at hindi pinahalagahan ang kanilang mga gawa kung dahil lamang tinanggihan nilang habulin ang papel na tinatawag na diploma o huwag pansinin ang marami sa mga pormal na pre-rekisitong pang-akademiko na hindi kinakailangang sumalamin sa kaalaman o katalinuhan.

Kung gagawin natin ito, sa tingin ko, isang maliit na bahagi ng paghahanap ng pagbibigay-katarungan kay Lean Alejandro ay naganap na.

Lunes, Hulyo 24, 2017

Salin ng Pahayag ng BlockMarcos sa SONA

MARTSA NG MGA HINDI MAKAPAG-MARTSA

Today, the President will once again report on the state of a mythical nation: a nation united, marching in cadence towards the promised land of progress.

Ngayon, muling mag-uulat ang Pangulo sa kalagayan ng isang kataka-takang bansa: isang bansang nagkakaisa, sabay-sabay na nagmamartsa patungo sa pangakong lupaing maunlad.

But, just as in the past several years, thousands of us will again be marching on the streets to express the real state of the nation: a nation divided, mired in poverty and hunger, being led away from the land of freedom.

Subalit, tulad ng mga nakalipas na taon, libu-libo sa atin ang muling magmamartsa sa kalsada upang ipahayag ang tunay na kalagayan ng bansa: isang bansang hiwa-hiwalay, sadlak sa karukhaan at kagutuman, na inilalayo mula sa lupaing malaya.

This year, however, there will be many Filipinos who—even if they might have wanted to march with us and protest—will not be able to join us: all those who been killed by cops, soldiers, and vigilantes emboldened by Duterte’s sanctioning of extra-judicial killings, promotion of impunity, and imposition of martial law in Mindanao; all those who have been silenced and disempowered by an army of pro-government propagandists who have spun a web of deceit around them.

Gayunman, ngayong taon, maraming Pinoy na - bagamat nais nilang sumama sa martsa at kilos-protesta - ay hindi makasama sa atin: lahat ng mga pinaslang ng kapulisan, sundalo at mga manunungol (bihilante) na pinatapang ng mga pagsang-ayon mismo ni Duterte sa pamamaslang, pagtataguyod ng impunidad, at pagpapatupad ng batas-militar ng Mindanao; lahat na pawang pinatahimik at pinawalang-saysay ng isang hukbo ng mga maka-gobyernong propagandistang nagpakalat ng mapambitag na panlilinlang sa kanilang paligid.

And in the coming years, if President Duterte succeeds in restoring full-blown dictatorship, none of us will be able to march at all. There won’t be any more protests during the SONA because all of us have either already been locked up in jail—or simply terrorized into just staying at home and keeping silent.

At sa susunod pang mga taon, kung magtatagumpay si Pangulong Duterte na ibalik ang isang ganap na diktadura, wala isa man sa atin ang muling makapagmamartsa. Wala nang mga protesta sa SONA dahil lahat tayo ay nakapiit na - o natakot na at nanahimik na lang sa bahay.

This is why, while we still have time, we need to put ourselves in the shoes of all those who can no longer march—and of all those who will not be able to march in the future—to do what they cannot or will not be able to do: to march on and occupy the streets—during the SONA and in the coming weeks—to #BlockDuterte and resist tyranny.

Kaya habang may panahon pa, dapat nating ilagay ang ating mga sarili sa sapatos ng iba pang hindi makapagmartsa - sa mga taong hindi na makapagmamartsa sa hinaharap - ang gawin ang hindi na nila kayang gawin o magagawa pa: ang magmartsa at sakupin ang lansangan - sa mismong SONA at sa mga darating pang araw o linggo - upang #HaranginsiDuterte at labanan ang paniniil.

“Never again!” cannot just remain an empty slogan, it must also be a commitment to put our bodies in the line of fire in order to defend our dreams of a better society and to join the people in charting a better future.

Hindi maaaring manatiling walang laman ang panawagang "Hindi na muli!", ito'y dapat maging isang panata na ilagay ang ating mga sarili sa gitna ng panganib upang ipagtanggol ang ating pangarap na mas kaaya-ayang lipunan at samahan ang taumbayan sa pagbalangkas ng mas magandang kinabukasan.

Join us in fighting dictatorship; join us in building a real democracy.

Halina't sama-sama nating labanan ang diktadura; sama-sama nating itatag ang isang tunay na demokrasya.

Harangin ang diktadura! Baguhin ang sistema!


#BlockMarcos

23 Hulyo 2017

Huwebes, Hulyo 13, 2017

Translation from English ng BMP orientation

BMP Orientation

Oryentasyon ng BMP

What is BMP?

Ano ang BMP?

The Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) or Solidarity of Filipino Workers is a political organization of workers who seek to improve the conditions of all workers and other oppressed classes and groups, to achieve freedom for all, and to enable everyone to live a life of dignity and develop their full humanity.

Ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) ay isang pulitikal na organisasyon ng manggagawa na nag-aadhikang mapaunlad ang kalagayan ng lahat ng manggagawa at iba pang napagsasamantalahang uri at pangkat, upang kamtin ang kalayaan ng lahat, at upang tiyaking mabubuhay ang lahat sa buhay na may dignidad at mapaunlad ang kanilang ganap na kaakuhan.

We believe that many workers remain poor or are constantly insecure—deprived of the sufficient means to care for themselves and their loved ones, to develop their talents and abilities, to achieve their aspirations, and to become truly free—despite all their hard work and sacrifices because of the kind of economic and political system we live under: a system called capitalism.

Naniniwala kaming marami pa ring manggagawa ang nananatiling naghihikahos o kaya'y laging walang katiyakan ang buhay - na pinagkakaitan ng anumang kakayahang alagaan ang kanilang mga sarili at kanilang mga mahal sa buhay, upang mapaunlad ang kanilang talino at kakayahan, upang kamtin ang kanilang mga pangarap, at upang maging ganap na malaya - sa kabila ng kanilang pagsisikap at mga sakripisyo dahil sa tipo ng sistemang pang-ekonomya at pampulitikang kinasadlakan nila: isang sistemang tinatawag na kapitalismo.

In this system, the means of production—land, factories, machines, and so on—are privately owned by a small group of individuals, the capitalists. This system of private ownership enables capitalists to exploit and enslave workers—all those who, because they do not own and who have no access to these means of production, have no choice but to work for them if they do not want to die from hunger. In other words, it enables capitalists to effectively enslave workers under this system of wage-slavery. But it also forces capitalists to compete with each other and to maximize profits by driving down wages, extending working hours, and intensifying resource use.

Sa ganitong sistema, ang mga kagamitan sa produksyon - lupain, pabrika, makina, at iba pa - ay pribadong pagmamay-ari ng iilang pangkat ng indibidwal, ang mga kapitalista. Ang sistemang ito ng pribadong pagmamay-ari ang nagbibigay-daan sa mga kapitalista upang pagsamantalahan at alipinin ang mga manggagawa - yaong mga, dahil sa di nila inaari at mga walang kakayahang mag-ari ng mga kagamitan sa produksyong ito, ay walang pagpipilian kundi maging manggagawa kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Sa madaling salita, binibigyang daan nito ang mga kapitalista upang epektibong alipinin ang mga manggagawa sa ilalim ng sistema ng sahurang pang-aalipin. At natutulak rin nito ang mga kapitalista upang magpaligsahan at palaguin ang tubo sa pamamagitan ng pagbabarat sa sahod, pagpapalaki ng oras ng paggawa, at pagpapatindi ng paggamit ng likas-yaman.

At the same time, concerned above all to maximize profits, capitalists either leave in place or reinforce existing relations of domination—such as patriarchy, racism, or sexism—in order to intensify their exploitation of women, foreigners, LGBTQs, or other marginalized or stigmatized groups.

Kasabay nito, pangunahing nakatuon ito sa pagkamal ng laksa-laksang tubo, maaaring panatilihin o mapalakas ang umiiral na mga ugnayan ng paghahari - tulad ng patriyarka, kapootang panlahi, o seksismo - upang patindihin pa ang kanilang pagsasamantala sa kababaihan, mga dayuhan, LGBTQ, o iba pang pangkat sagigilid o may dungis sa karangalan.

We therefore believe that while workers could and should defend their interests by fighting back against capitalists’ attempts to reduce wages and seize a larger share of the wealth they produce, they and other oppressed classes or groups could ultimately only improve their lives and the lives of other oppressed classes and groups, achieve freedom, live a life of dignity and develop their full humanity by replacing capitalism, or this system of wage-slavery, with another system: a system called socialism.

Kaya kami'y naniniwalang habang ipinagtatanggol ng manggagawa ang kanilang interes sa pamamagitan ng pakikibaka laban sa tangka ng kapitalistang pababain ang sahod at sagpangin ang mas malaking bahagi ng yamang kanilang nilikha, mapapabuti lamang nila at ng iba pang aping uri o pangkat ang kanilang mga buhay, makamit ang kalayaan, mabuhay ng may dignidad at mapaunlad ang kanilang ganap na kaakuhan sa pamamagitan ng pagpapalit sa kapitalismo, o itong sistema ng sahurang pang-aalipin, ng isa pang sistema: ang sosyalismo.

Under this system, the means of production should be collectively and democratically owned and controlled by everyone. No one should be allowed to exploit and enslave others because, with everyone having access to the means of production, no one would no longer be forced to work for others in order to survive. Production should be based on cooperation—on planning and deliberative democracy—rather than on anarchic competition. Our goal should no longer be to maximize profits to but take care of each other and of mother nature. Everyone should have the resources they need to meet their needs. Working hours should be kept to a minimum so people have more free time to develop their talents and become well-rounded human being. And resource use should be made more rational so as to ensure conservation.

Sa ilalim ng sistemang ito, dapat na kolektibo at demokratikong inaari at kontrolado ng mga tao ang mga kasangkapan sa produksyon. Walang sinuman ang pinahihintulutang magsamantala at alipinin ang kanyang kapwa sapagkat, kung ang lahat ay may kakayahang pangasiwaan ang mga kasangkapan sa produksyon, walang dahilan upang matulak na magpaalipin ang isang tao sa iba upang mabuhay lamang. Dapat na ang produksyon ay nakabatay sa kooperasyon o pagtutulungan ng bawat isa - sa pagpaplano at pinag-isipang demokrasya - imbes na sa anarkikong kumpetisyon. Ang ating mithiin ay hindi na para magkamal ng limpak-limpak na tubo kundi ang pangalagaan ang bawat isa at ang inang kalikasan. Ang bawat isa'y dapat magkaroon ng mga mapagkukunang kailangan nila upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Dapat manatiling nasa wasto ang oras ng trabaho upang magkaroon ng mas maraming oras ang tao upang paunlarin ang kanilang mga talento at maging taong maraming kakayahan. Dapat na mas maging makatuwiran ang paggamit ng likas-yaman upang matiyak na ito'y napangangalagaan.

At the same time, with profit-making no longer the overriding consideration of any group, there should be less or no more need to exploit women, foreigners, LGBTQs and other marginalized groups. The conditions which foster patriarchy, racism, or sexism should be alleviated if not made to disappear altogether.

Kasabay nito, ang pagkamal ng limpak-limpak na tubo ang hindi na pangunahing layunin ng anumang pangkat, dapat na mas kaunti o hindi na kailangan pang pagsamantalahan ang mga kababaihan, dayuhan, LGBTQ at iba pang pangkat sagigilid. Ang mga kalagayang nagpapatatag ng patriyarka, kapootang panlahi, o seksismo ay dapat na mabawasan kung hindi mawala man mawala nang tuluyan.

Such a system will never be willingly established by all those who benefit from the current system and who dominate and use the state to defend or perpetuate this system. It can only be established through the collective action of all those who have an interest in changing and replacing this system and who have no choice, if they are to free themselves, but to seize political power and end capitalist rule.

Ang ganitong sistema'y hindi kailanman maluwag sa kaloobang binuo ng lahat ng mga nakikinabang mula sa kasalukuyang sistema at yaong naghahari at ginagamit ang estado upang ipagtanggol o ipagpatuloy ang sistemang ito. Ito’y mabubuo lamang sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos ng lahat ng may interes upang mabago at mapalitan ang sistemang ito at wala nang pagpipilian, kung nais nilang palayain ang kanilang sarili, kundi ang agawin ang pampulitikang kapangyarihan at mawakasan ang kapitalistang paghahari.

This is why we have come together to form the BMP: to develop workers’ class consciousness and enhance their self-organization so as to build their capacity to change the system and establish a new society, a new civilization in which they—and everyone else—can be truly free and truly human.

Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakasama-sama upang itatag ang BMP: upang paunlarin ang makauring kamalayan ng manggagawa at pagbutihin ang kanilang samahang nagsasarili upang mapalakas pa nila ang kanilang kakayahang baguhin ang sistema at maitatag ang isang bagong lipunan, isang bagong kabihasnan kung saan sila – at ang iba pa – ay tunay  na malaya at tunay na makatao.

How is the BMP different from unions and federations? Why should we strengthen both unions/federations and BMP?

Ano ang kaibahan ng BMP sa iba pang mga unyon at pederasyon? Paano ba natin patatatagin ang mga unyon / pederasyon at ang BMP?

BMP members believe that workers can and should defend their interests within the current system of wage-slavery by fighting back against capitalists’ attempts to reduce their wages, deprive them of better benefits, or deny them secure employment within their factories, industries, or sectors. And to be more effective in waging these struggles, workers must resist capitalists’ constant attempts to divide them by organizing themselves into unions or labor federations.

Naniniwala ang mga kasapi ng BMP na kaya at dapat ipagtanggol ng mga manggagawa ang kanilang mga interes sa loob ng kasalukuyang sistema ng sahurang pang-aalipin sa pamamagitan ng pakikibaka laban sa mga pagtatangka ng mga kapitalistang lalong baratin ang kanilang mga sahod, pagkaitan ng mas magandang benepisyo, o pagkaitan sila g kasiguruhan sa trabaho sa kanilang pabrika, industriya o sector. At upang mas maging epektibo sa paglulunsad ng ganitong pakikibaka, dapat labanan ng manggagawa ang palagiang pagtatangka ng mga kapitalista na paghiwa-hiwalayin sila sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng kanilang mga sarili sa unyon o pederasyong ng paggawa.

This is why we at BMP are committed to strengthening unions and federations: they are extremely important tools by which workers could defend their gains and enhance their living conditions within capitalist society.

Ito ang dahilan kung bakit nakatuon kami sa pagpapatatag ng mga unyon at pederasyon: napakahalagang kasangkapan nito upang maipagsanggalan ng mga manggagawa ang kanilang mga kalamangan at pagbutihin pa ang kanilang kalagayan sa pamumuhay sa loob ng kapitalistang lipunan.

But workers can—and are forced to—also defend their interests outside their factories, industries, or sectors. They need to resist capitalists’ attempts to pass on the costs of increased wages or hold on to a larger share of the wealth they produce by increasing their selling prices, by fighting to reduce their tax and other obligations (and therefore their contribution to paying for social services), or by pushing for other anti-worker laws or other policies that make it harder for workers to organize and fight for their interests within and outside their own companies, industries or sectors.

Subalit maaari – at napipilitan – ang mga manggagawa na ipagtanggol ang kanilang mga interes sa labas ng kanilang pagawaan, industriya o sector. Dapat nilang labanan ang mga pagtatangka ng mga kapitalista na ipasa ang gastusin sa tumaas na sahod o tanganan ang malaking bahagi ng yamang kanilang nalikha sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang presyo, sa pamamagitan ng pagbabawas ng kanilang buwis at iba pang pananagutan (at kung gayon ay ang kanilang ambag sa pagbabayad para sa panlipunang serbisyo), o sa pamamagitan ng paggigiit ng iba pang batas na laban sa manggagawa at iba pang polisiyang nagpapahirap sa manggagawa upang mag-organisa at ipaglaban ang kanilang interes sa loob at labas ng kanilang kumpanya, industriya o saray.

And workers can and should also defend their interests and struggle to improve their lives not just by fighting for higher wages, better benefits, or more secure employment—or by trying to secure better payment for their wage-slavery—inside and outside their companies or industries. They can and should also defend their interests and struggle to improve their lives by fighting to end the system of wage-slavery itself and by creating a new and different society—one in which they do not have to be slaves—even better-paid—slaves at all.

At ang mga manggagawa’y kaya at dapat ding maipagtanggol ang kanilang interes at makibaka upang mapaganda ang kanilang pamumuhay hindi lamang makibaka para sa mas mataas na sahod, mas magandang benepisyo o may katiyakan sa trabaho - o sa tangkang tiyakin ang mas mabuting kabayaran sa kanilang sahurang pagkaalipin - sa loob at labas ng kanilang kumpanya o industriya. Kaya nila at dapat nilang ipagtanggol ang kanilang interes at pakikibaka upang paunlarin ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pakikibaka upang wakasan ang sistemang ito ng sahurang pang-aalipin at paglikha ng bago at naiibang lipunan - isang lipunang hindi na sila alipin - maging sila ma’y alipin mas mataas na kabayaran.

Unless they do so—or unless they address the systemic causes of their problems by fighting against capitalism and building a new system, may only be able to improve their own particular living conditions—their individual interests or the interests of their particular unions— up to a certain point. At best, they may become better-paid slaves with looser chains. At worst, because the very power of capitalists rests on their continued control or ownership of the means of production and their ability to engage in “capital strikes,” they will be confined to constantly waging defensive battles not to lose the gains they have won. In short, they may become better-paid slaves constantly at risk of having their chains tightened. Only by addressing the root of the problem, or only by undermining bourgeois power by abolishing private property, could they be fully free.

Kung di man nila gawin ito - o kung di nila tutugunan ang mga sistematikong dahilan ng kanilang problema upang labanan ang kapitalismo at magtayo ng bagong sistema, Maaari lamang mapabuti ang kanilang sariling mga partikular na kalagayan sa pamumuhay - ang kanilang mga indibidwal na interes o interes ng kanilang  unyon - nang may limitasyon. Ang mabuti, maaari silang maging mas mahusay na bayad na alipin na may maluwag na tanikala. Ang masama, dahil ang mismong kapangyarihan ng mga kapitalista ay nakasalalay sa patuloy nitong pagkontrol o pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon at ang kanilang kakayahang sagupain ang "mga malawakang welga," sila ay nakatali sa patuloy na paglulunsad ng mga depensibong pakikibaka upang hindi mawala ang kanilang napagtagumpayan. Sa madaling salita, maaari silang maging mas mahusay na bayad na alipin na nanganganib lalong higpitan ang tanikala. Tanging sa pagtugon sa ugat ng problema, o tanging sa pagdurog sa kapangyarihan ng burgesya sa pamamagitan ng pagpawi sa pribadong pagmamay-ari, na sila’y magiging ganap na malaya.

For workers to be more effective in waging these struggles—struggles which go beyond the walls of their own companies or industries, unions and federations will not be enough. Workers also need to form and strengthen their own distinctly political organization. While unions and federations concentrate on organizing workers within companies, industries, or sectors so as to improve their capacity to struggle against their own individual capitalists to fight for higher wages, better benefits, this political organization must concentrate on organizing workers across companies, industries and sectors—or within larger society—to struggle against the entire capitalist class not just for better payment for wage-slaves but also to end replace wage-slavery with a better system in which workers, and other oppressed classes and groups, no longer have to live as slaves.

Upang mas maging epektibo ang mga manggagawa sa paglunsad ng mga pakikibakang ito - mga pakikibakang lagpas sa mga dingding ng kanilang sariling kumpanya o industriya, hindi sapat ang mga unyon at mga pederasyon. Kailangan din ng mga manggagawang buuin at palakasin ang kanilang sariling malinaw na pampulitikang organisasyon. Habang tumututok ang mga unyon at pederasyon sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa loob ng mga kumpanya, industriya, o saray upang mapagbuti ang kanilang kakayahang makibaka laban sa kanilang sariling mga kapitalista para sa mas mataas na sahod, mas mabuting benepisyo, dapat tumuon ang organisasyong pampulitikang ito sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa mga kumpanya, industriya at saray, o sa mas malawak na lipunan, sa pakikibaka laban sa buong uring kapitalista hindi lamang para sa mas mahusay na pagbabayad sa mga sahurang-alipin, kundi upang wakasan na ang sahurang-pang-aalipin ng mas mahusay na sistema kung saan ang mga manggagawa, at iba pang mga aping uri at pangkat, ay hindi na mamumuhay bilang mga alipin.

Workers should therefore join and strengthen both unions/federations and political organizations such as BMP. Both are necessary for them to fight for their interests and improve their lives. Each depends on the other to achieve their goals.

Kung gayon ay dapat sumali at palakasin ng mga manggagawa ang mga unyon / pederasyon at pampulitikang organisasyon tulad ng BMP. Kinakailangan ang mga iyon upang ipaglaban ang kanilang interes at mapaunlad ang kanilang mga buhay. Nakasalalay iyon sa bawat isa upang makamit ang kanilang layunin.

If workers only join and strengthen unions/federations and refuse to join and strengthen political organizations such as the BMP, then it is likely that any gains or any victories they may win within their own companies or industries will just be taken or stolen back from them outside their companies and industries as capitalists use their political power to pass on the costs of increased wages back to workers in the form of higher prices or reduced social services or to pass anti-union laws or measures that could make it harder for unions to organize. And even if they do succeed in winning victories in the form of higher wages or better benefits, they will still remain unfree and unable to develop their potential as human beings since they will continue to have to work and devote a large part of their lives producing wealth for capitalists.

Kung sasali lamang ang mga manggagawa at magpapalakas ng mga unyon / federasyon subalit tumangging sumali at palakasin ang mga organisasyong pampulitika tulad ng BMP, malamang na ang anumang natamo o nakamit na tagumpay sa loob ng kanilang kumpanya o industriya ay babawiin lamang o aagawin sa kanila sa labas ng kanilang kumpanya at industriya sapagkat gagamitin ng mga kapitalista ang kanilang kapangyarihang pampulitika upang ipasa ang mga gastos ng mas mataas na sahod pabalik sa mga manggagawa sa anyo ng mas mataas na presyo o pinababang mga serbisyong panlipunan o upang ipasa ang mga batas laban sa unyon o mga hakbang na maaaring maging mas mahirap para sa mga unyon na organisahin. At kahit kamtin nila ang mga tagumpay sa  anyo ng mas mataas na sahod o mas mabuting benepisyo, mananatili silang walang kalayaan at hindi mapauunlad ang kanilang kakayahan bilang tao dahil patuloy pa silang magtrabaho at itinatalaga ang malaking bahagi ng kanilang buhay sa pagyaman ng mga kapitalista.

At the same time, however, the opposite will also not work: If workers only join and strengthen political organizations such as the BMP and refuse to join and strengthen unions/federations, then they are unlikely to win higher wages and better benefits within their own companies, industries or sectors. This is unlikely to build their capacity to fight for even larger gains or to develop their ability to build and seize political power to abolish wage-slavery and create a new society. Should this happen, they will not only remain in chains, their chains will be tighter and more unbearable—a condition which will not help them struggle for and achieve freedom. In short: they will not only remain as slaves, they will continue to be poorly-paid slaves, constrained not only from loosening but also from breaking their chains altogether.

Gayunpaman, kasabay nito, ang kabaligtaran ay hindi rin gagana: Kung ang mga manggagawa ay sumasali at nagpapalakas ng mga pampulitikang organisasyon tulad ng BMP at tumangging sumali at magpalakas ng mga unyon / federasyon, maaaring hindi nila maipanaloa ng mas mataas na sahod at mas magandang benepisyo sa kanilang sarili kumpanya, industriya o saray. Malamang na hindi nila maisulong ang kanilang kakayahang lumaban lalo na sa mas malaking panalo o mapaunlad ang kanilang kakayahang magtatag at matanganan ang kapangyarihang pampulitika upang pawiin ang sahurang pang-aalipin at lumikha ng isang bagong lipunan. Sakali mang mangyari ito, hindi lamang sila mananatiling nakatanikala, mas lalong hihigpit ang kanilang tanikala at mas hindi kakayanin - isang kalagayang hindi makatutulong sa kanilang pakikibaka upang kamtin ang kalayaan. Sa madaling salita: hindi lamang sila mananatiling alipin, kundi aliping hindi pinasasahuran ng tama, napipigilan hindi lamang sa pagluwag kundi pati na rin sa pagwasak ng kanilang mga tanikala sa kabuuan.

How is the BMP different from other workers’ political organizations?

Paano nagkakaiba ang BMP sa iba pang mga pulitikal na kapisanan ng mga manggagawa?

BMP welcomes, supports, and commits to building unity with other workers’ political organizations, but it also asserts its autonomy from and go beyond them because it has a different goal and a different strategy for achieving that goal.

Tinatanggap, sinusuportahan, at pinaninindigan ng BMP ang pakikipagkaisa sa iba pang pampulitikang organisasyon ng manggagawa, ngunit iginigiit din nito ang kanyang awtonomya mula sa at higit pa sa mga ito dahil may iba itong layunin at ibang estratehiya upang kamtin ang layuning iyon.

Like other workers’ political organizations, such as the Federation of Free Workers (FFW) or the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Kilusang Mayo Uno (KMU), or SENTRO, the BMP fights for higher wages, better benefits, or improved working conditions for workers.

Tulad ng iba pang pampulitikang organisasyon ng manggagawa, tulad ng Federation of Free Workers (FFW), the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Kilusang Mayo Uno (KMU), o SENTRO, ipinaglalaban ng BMP ang mas mataas na sahod, mas magandang benepisyo, o mas mapabuti ang kalagayan sa trabaho ng mga manggagawa.

But, unlike organizations such as the FFW and the TUCP, BMP does not only aim to secure better pay or better working conditions for workers—its larger aim is to free workers and other oppressed classes and groups from the clutches of wage-slavery and capitalist exploitation. BMP believes that workers’ interests are not reducible to salary increases or more generous benefits; their broader interest is in achieving true freedom and full human development. This interest could not be advanced just by reforming capitalism, as welcome as reforms may be; it could only be advanced by abolishing capitalism and, thus, by ending capitalist rule. More like such political organizations such as KMU or SENTRO, BMP aims at replacing capitalism with socialism.

Subalit kaiba sa mga organisasyon tulad ng FFW at TUCP, hindi lamang nilalayon ng BMP ang katiyakan sa mas maayos na pasahod o mas mabuting kalagayan sa paggawa – ang mas malaking layunin nito ay ang palayain ang mga manggagawa at iba pang aping uri at pangkat mula sa kuko ng sahurang pang-aalipin at kapitalistang pagsasamantala. Naniniwala ang BMP na ang interes ng mga manggagawa ay hindi mapaliliit ng paglaki ng sahod o mas masaganang benepisyo; ang mas malawak nilang interes ay ang pagkakamit ng totoong kalayaan at ganap na pag-unlad ng tao. Hindi maisusulong ang interes na ito sa pagpapakinis lamang ng tanikala ng kapitalismo, kundi sa pagputol sa gintong tanikala ng kapitalismo, na siyang magwawakas sa paghahari ng mga kapitalista. Higit na tulad ng mga organisasyong pampulitika tulad ng KMU o SENTRO, nilalayon ng BMP na ang kapitalismo'y mapalitan ng sosyalismo.

Unlike these other organizations which also claim to aspire for socialism, however, we do not believe that the road to socialism must pass through either “social democracy,” as SENTRO members hold, or through “national democracy,” as KMU members claim.

Hindi tulad ng ibang organisasyong ito na nagsasabing nangangarap din ng sosyalismo, hindi kami naniniwalang ang landas patungong sosyalismo ay tutungo sa “panlipunang demokrasya”, tulad ng tinatanganan ng mga kasapi ng SENTRO, o sa pamamagitan ng “pambansang demokrasya”, na sinasabi naman ng mga kasapi ng KMU.

In contrast to SENTRO members, we do not believe that reforms within capitalism will simply accumulate and build up towards socialism and, thus, that workers should simply ally with reform-minded capitalists and elites and penetrate or take over the capitalist state to push for reforms and create a kind of social-democratic welfare state like those in Western Europe.

Kabaligtaran sa mga kasapi ng SENTRO, hindi kami naniniwalang ang pagreporma sa kapitalismo ay dahilan ng pagtitipun-tipon at magbubuo patungong sosyalismo, kaya ang mga manggagawa ay makikipagtulungan lamang sa mga kapitalista’t elitistang nag-iisip ng reporma at makapasok o palitan ang kapitalistang estado upang maitulak ang mga reporma at malikha ang isang tipo ng estadong ang kapakanan ay sosyal-demokratiko tulad ng nasa Kanlurang Europa.

While we welcome and supports reforms within the framework of capitalism, we reject the view that said reforms will necessarily lead towards socialism. Unless such reforms undermine the economic and political power of the bourgeoisie and unless we use them to heighten popular antagonisms against the bourgeoisie, they will only lead to the further consolidation of bourgeois rule and to heightened divisions and competition among workers, thereby further perpetuating rather than ending the exploitation of workers and nature.

Bagamat tinatanggap at sinusuportahan natin ang mga reporma sa loob ng balangkas ng kapitalismo, tinatanggihan natin ang pananaw na ang mga nasabing reporma'y tiyak na hahantong sa sosyalismo. Maliban kung ang mga repormang ito ay nagpapahina sa kapangyarihang pang-ekonomya at pampulitika ng burgesya at maliban kung gagamitin natin ito upang mapalawak ang mga litaw na antagonismo laban sa burgesya, hahantong lamang sila sa higit pang pagsasama ng paghahari ng burgesya at mas patindihin ang pagkakahati at kumpetisyon ng mga manggagawa, sa gayon ay higit na magpatuloy sa halip na mawakasan ang pagsasamantala sa mga manggagawa at kalikasan.

More like KMU members, we believe that socialism can only be achieved not through reformist campaigns within a bourgeois-dominated political system but through revolutionary mobilization against such a system—that is, by seizing political power, dismantling the capitalist state and establishing a very different, because socialist, state altogether.

Tulad ng mga kasapi ng KMU, naniniwala kaming makakamit lamang ang sosyalismo hindi sa pamamagitang ng kampanyang repormista sa loob ng pampulitikang sistemang pinangingibabawan ng burgesya, kundi sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pagpapakilos laban sa gayong sistema – sa pamamagitan ng pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan, paglansag sa kapitalistang estado at pagbubuo ng isang sadyang naiiba, dahil sosyalistang, estado.

In contrast to KMU, however, we do not believe that Philippine society could still be characterized as “semi-feudal” and “semi-colonial” and hence, that the goal of revolutionary mobilization should be to first go through the stage of capitalism—that is, to first ally with the so-called “national bourgeoisie” against the “imperialist countries,” and establish a kind of “national capitalism” first before proceeding to establish socialism. In line with this, we also do not believe that the peasantry constitute the revolutionary forces today.

Gayunman, kabaligtaran sa KMU, hindi kami naniniwala na ang lipunang Pilipino ay semipyudal at semikolonyal pa rin at samakatuwid, na ang layunin ng rebolusyonaryong pagpapakilos ay dapat na unang dumaan sa yugto ng kapitalismo - na makipagtulungan muna sa mga tinatawag na “pambansang burgesya” laban sa “mga bansang imperyalista”, at matatag ang isang tipo ng “pambansang kapitalismo” bago tumungo sa pagtatatag ng sosyalismo. Kasunod nito, hindi rin kami naniniwalang ang mga magsasaka ang bumubuo sa mga rebolusyonaryong pwersa ngayon.

We believe that, though remnants of feudal relations remain, Philippine society has actually become a backward but still predominantly capitalist society, closely plugged into the circuits of global capitalism. The goal of revolutionary mobilization should therefore no longer be to establish the conditions for capitalism but to move towards socialism at both the national and global levels. And while the peasantry should of course be mobilized by championing their demands, it is the workers—the only ones who could bring capitalists to their knees and to the negotiating table by withholding their collective labor—who could be counted upon as the revolutionary forces.

Naniniwala tayo, kahit nananatili ang mga labi ng pyudal na ugnayan, ang lipunang Pilipino sa katunayan ay paurong subalit nananatiling lipunang kapitalista, na pasok na pasok sa salikop ng pandaigdigang kapitalismo. Layunin ng rebolusyonaryong pagpapakilos ay hindi na ang pagtatag ng mga kondisyon para sa kapitalismo kundi upang tumungo na sa sosyalismo sa antas pambansa at pandaigdigan. At habang pinapakilos din natin ang mga magsasaka sa pagtataguyod ng kanilang mga kahilingan, ang ating maaasahan bilang pwersang rebolusyonaryo ay ang mga manggagawa - ang tanging uring magpapaluhod sa mga kapitalista at magdadala sa hapag ng negosasyon sa pamamagitan ng pagtangan sa kanilang kolektibong lakas-paggawa.

While we too oppose imperialism and support moves to curtail the ability of foreign capital to exploit Filipino workers, we believe that all capitalists—“national” or “foreign”—need to be opposed. Our enemies include the bourgeoisie of all countries, chief among them those from the dominant advanced capitalist states who use their power to dominate and exploit other countries—not the proletariat and the other oppressed classes of other countries—as well as the bourgeoisie in the Philippines. Allying with “our” so-called “national bourgeoisie” in the name of “national democracy” will only pit us against our fellow workers abroad. It will lead to the further exploitation of workers and the environment, to the empowerment and consolidation of bourgeous rule, and to the splintering of the working-class movement here and abroad, thus moving us away from rather than bringing us closer toward socialism.

Habang nilalabanan din natin ang imperyalismo at sinusuportahan ang mga pagkilos upang putulin ang kakayahan ng puhunan na pagsamantalahan ang manggagawang Pilipino, naniniwala kaming ang lahat ng kapitaista – makabayan man o dayuhan – ay dapat labanan. Kasama sa ating mga kaaway ang mga burgesya ng lahat ng lupain, pangunahin sa kanila yaong mula sa mga dominanteng estado ng mga abanteng kapitalista na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang mangibabaw at pagsamantalahan ang ibang bansa – hindi ang proletaryado at iba pang aping uri ng ibang bansa – kundi pati na burgesya sa Pilipinas. Ang pagkampi sa “ating’ tinatawag na “pambansang burgesya” sa ngalan ng “pambansang demokrasya” ay inilalaban lamang tayo laban sa ating kapwa manggagawa sa ibayong dagat. Hahantong ito sa higit pang pagsasamantala sa manggagawa at sa kapaligiran, tungo sa pagpapalakas at pagpapatatag ng paghahari ng burgesya, at sa paghihiwa-hiwalay ng kilusan ng uring manggagawa rito at sa ibayong dagat, kaya inilalayo tayo sa halip na paglapit-lapitin patungong sosyalismo.

For BMP members, workers in the Philippines must work with workers in all countries to seize political power in all countries, take over states, and immediately establish not “national capitalisms” but socialism at both the national and global levels.

Para sa mga kasapi ng BMP, ang mga manggagawa sa Pilipinas ay dapat makipagkaisa sa mga manggagawa ng lahat ng bansa upang makubkob ang pulitikal na kapangyarihan, masakop ang mga estado, at agarang maitatag hindi ang "pambansang kapitalismo" kundi sosyalismo sa pambansa at pandaigdigang antas.

What has the BMP achieved?

Ano ang mga nakamit ng BMP?

Since its establishment in 1993, BMP has spearheaded campaigns and mobilizations that have at least prevented workers’ lives from further deteriorating.

Simula nang maitatag ito noong 1993, pinangunahan ng BMP ang mga kampanya at mobilisasyon na kahit papaano'y nakapagpapigil upang di tuluyang malugmok ang buhay ng mga manggagawa.

In 1993, for example, BMP took the lead in forming the Labor Alliance for Wage Increase (LAWIN 35), a broad alliance of labor organizations which vigorously campaigned for a P35.00 across-the-board increase in the minimum wage. The government yielded and gave the workers a P25.00 wage increase. The following year, BMP initiated the formation of the multisectoral Kilusang Roll Back or KRB (Rollback Movement) which successfully campaigned for the roll back of oil prices. Then President Ramos was forced to rollback the price of oil products by an average of P1.00 per liter.

Noong 1993, halimbawa, pinangunahan ng BMP ang pagbubuo ng Labor Alliance for Wage Increase (LAWIN 35), isang malawak na alyansa ng mga kapisanan ng paggawa na masiglang nangampanya para sa P35.00 pantay-pantay na pagtaas ng pinakamababang pasahod. Bumigay ang pamahalaan at nagbigay sa manggagawa ng P25.00 taas sa pasahod. Nang sumunod na taon, pinangunahan ng BMP ang pagbubuo ng multisarayal na Kilusang Roll Back o KRB na matagumpay na nangampanya upang mapababa ang presyo ng langis. Kaya napilitan si Pangulong Ramos na ibaba ang presyo ng mga produktong langis sa katampatang P1.00 kada litro.

In 1995, BMP was involved in mobilizing as many as 80,000 people in a protest march against the proposal to implement the expanded value-added tax system. In 2001, it organized workers to be part of the movement calling for the then President Estrada’s ouster under the “Resign all!” banner. Then in subsequent years, it initiated the formation of political parties that fielded and successfully campaigned for candidates from the working classes in the national elections.

Noong 1995, nadawit ang BMP sa pagmobilisa ng higit sa 80,000 katao sa martsa-protesta laban sa panukalang ipatupad ng sistemang pinalawak na value-added tax (E-VAT). Noong 2001, inorganisa nito ang mga manggagawa upang maging bahagi ng kilusang nananawagan ng pagpapatalsik sa noo'y Pangulong Estrada sa ilalim ng panawagang "Resign All!" Nang sumunod na mga taon, pinasimulan nito ang pagbubuo ng mga partido pulitikal na nagpatakbo at matagumpay na nangampanya para sa mga kandidato mula sa uring manggagawa sa mga pambansang halalan.

Since then, BMP has engaged in numerous campaigns against oil deregulation, anti-strike directives, contractualization, mining and other environmentally-destructive policies, and other anti-worker and anti-people measures. It has also supported various local struggles by unions fighting for workers’ rights—including through daring direct actions such as taking over and occupying the offices of the Labor Secretary.

Magmula noon, nagsasagawa ang BMP ng di-mabilang na kampanya laban sa deregulasyon ng langis, mga diketiba laban sa welga, kontraktwalisasyon, pagmimina at iba pang patakarang nakasisira sa kalikasan, at iba pang patakarang laban sa manggagawa at mamamayan. Sinusuportahan din nila ang samutsaring pakikibakang lokal ng mga unyon na nakikibaka para sa mga karapatan ng manggagawa – kabilang na ang mga mapangahas na direktang pagkilos tulad ng pagsakop at pag-okupa ng mga opisina ng Kalihim ng Paggawa.

Not all of these campaigns and efforts managed to stop anti-worker policies from being implemented. But they still contributed to strengthening the workers’ movement by bringing workers together to engage in political—as opposed to only economic—struggles outside their factories, by highlighting the deeper systemic roots of the problems workers face, and by demonstrating the need for systemic alternatives.

Ngunit di lahat ng mga kampanya at pagsisikap na ito ay nakapigil sa pagpapatupad ng mga polisiyang laban sa mga manggagawa. Subalit ang mga ito’y nakapag-ambag pa rin sa pagpapalakas ng kilusang manggagawa sa pagkakapitbisig ng mga manggagawa upang makibakang pulitikal – na di lamang pang-ekonomya – sa labas ng kanilang mga pagawaan, sa pamamagitan ng pagpapatampok sa mas malalim na sistemikong ugat ng mga suliraning kinakaharap ng manggagawa, at sa pagpapakita ng pangangailangan ng sistemikong alternatiba.

What are the challenges faced by BMP today?

Ano ang mga kinakaharap na hamon ng BMP sa kasalukuyan?

Despite BMP’s success in helping build a radical working-class movement and providing an alternative anti-systemic and internationalist banner, BMP and the broader workers’ movement faces formidable obstacles to achieving our goals today.

Sa kabila ng mga tagumpay ng BMP sa pagtatatag ng radikal na kilusan ng uring manggagawa at paglalaan ng alternatiba, laban-sa-sistema at internasyunalistang diwa, nahaharap sa mabibigat na balakid ang BMP at ang mas malawak na kilusang manggagawa sa pagkakamit ng ating mga layunin sa kasalukuyan.

Thanks to the intensifying global competition among capitalists as a result of the global economy’s downward spiral since the 1970s, and the Philippine and other government’s aggressive efforts to promote “free trade” and other neoliberal, anti-worker policies in response to this stagnation, so many factories have closed down and transferred to countries with ‘cheaper’ labor supplies and more pro-business policies, thereby leaving so many workers in the Philippines unemployed or forced to look for other non-unionized jobs here or abroad.

Salamat sa tumitinding kumpetisyong global sa pagitan ng mga kapitalista bilang resulta ng paikid na pagbulusok ng pandaigdigang ekonomya mula pa noong 1970, at ang mabalasik na pagsisikap ng Pilipinas at ng iba pang pamahalaan upang itaguyod ang "malayang kalakalan" at iba pang polisiyang neoliberal at laban-sa-manggagawa bilang tugon sa ganitong kawalang-pagsulong, maraming pabrikang isinara at inilipat sa mga bansang may "mas murang" lakas-paggawa at mas maka-negosyong polisiya, kaya maraming mga manggagawa sa Pilipinas ay naiwang walang trabaho o napilitang maghanap ng iba pang trabahong hindi-unyonisado dito sa bansa o sa ibayong dagat.

And due to the government’s relentless efforts to attract investments by promoting “contractualization” and by attacking the limited workers’ protections workers have won out of struggle, many of the tens of thousands of workers who have entered the workforce in recent years have ended up not being able to join or form unions because they are “contractual” or because their employers have found new, legal means by which to crush unions and prevent workers’ from being organized.

At dahil sa walang humpay na pagsisikap ng pamahalaan upang makaakit ng mga mamumuhunan sa pagtataguyod ng "kontraktwalisasyon" at sa pag-atake sa kakaunti na nga lang na proteksyon sa manggagawa na kanilang ipinagtagumpay sa tunggalian, marami sa libu-libong manggagawang pumasok sa trabaho ng mga nakaraang taon ay hindi nakasapi o nakapagtayo ng unyon dahil sila ay mga "kontaktwal" o dahil ang kanilang employer ay nakatagpo ng bagong pamamaraang ligal na makapagdudurog sa unyon at pipigil sa mga manggagawa upang maging organisado.

The result has been a precipitous decline in the already small number of organized workers in the country: If in 1996, for example, only 3.646 million out of 12.649 million wage workers were unionized and 542,223 were covered by collective bargaining agreements (CBAs), by 2014, only 1.874 million out 22.555 million wage-workers were unionized and only 257,406 were covered by CBAs. In short: the number of wage-workers doubled but the number of unionized workers was halved!

Ang resulta ay ang matalurok na pagbaba ng mababa nang bilang ng mga manggagawang organisado sa bansa. Kung noong 1996, halimbawa, 3,646,000 lamang ng 12,649,000 na sahurang manggagawa ang unyonisado at 542,223 lang ang sakop ng collective bargaining agreement (CBA), noong 2014, 1,874,000 lamang ng 22,555,000 sahurang manggagawa ay unyonisado at 257,406 lamang ang may CBA. Sa madaling salita, dumoble ang bilang ng sahurang manggagawa ngunit ang bilang naman ng manggagawang unyonisado ay nangalahati!

This could spell disaster for the working-class movement. Without belonging to unions, workers will become even more vulnerable to capitalists’ attempts to reduce real wages, unable to roll back or fight against even more anti-workers’ legislation that the government continues to press. Without belonging to unions, workers will become even harder to reach and organize in larger political fights such as against the looming formal or de facto authoritarianism being put in place by the current administration.
Ito’y maaaring maging kapahamakan para sa kilusan ng uring manggagawa. Kung hindi kabilang sa mga unyon, mas magiging lantad sa pagsasamantala ang mga manggagawa sa mga tangka ng kapitalista upang mapababa ang tunay na sahod, na di na maibalik sa dati, o makibaka laban sa mga batas na mas marahas sa manggagawa na patuloy na inuudyok ng pamahalaan. Kung hindi kabilang sa mga unyon, mas mahirap mapuntahan at maorganisa ang mga manggagawa sa mas malalaking pakikibakang pulitikal tulad ng bantang diktadura na inilalatag ng kasalukuyang administrasyon.

Moreover, this could become a vicious cycle which could further weaken the working-class movement: If fewer and fewer workers join unions, there could also be less and less resources that could be devoted for organizing workers or for deploying organizers to factories to help embattled workers form unions, thus making it even harder to form unions.

Dagdag pa, ito’y maaaring maging mapanirang siklo na maaaring lalong magpahina sa kilusan ng uring manggagawa: Kung paunti nang paunting manggagawa ang sumasapi sa unyon, maaaring paunti na rin ang mga rekursong kinakailangan sa pag-oorganisa ng manggagawa o sa pagtatalaga ng mga organisador sa mga pabrika upang tulungan ang mga palabang manggagawa upang magbuo ng mga unyon, sa gayon ay mas humirap pa ang pagbubuo ng mga unyon.

The result could be the continued decimation of the organized working-class movement—unable to mobilize in large numbers to fight for better pay for wage-slaves, let alone to end the system of wage-slavery that dehumanizes workers.

Ang resulta ay maaaring ang patuloy na pagkawasak ng mga organisadong kilusan ng uring manggagawa - na di magawang mamobilisa ang malaking bilang ng manggagawang lumalaban para sa mas mabutng pasahod para sa mga sahurang-alipin, hayaan nang magwakas ang sistema ng sahurang pang-aalipin na nagpapababa sa pagkatao ng manggagawa.

But this could also open up opportunities: With workers continuing to face threats to their living conditions as capitalists snatch back the victories they had earlier gained, with the government unable to fulfill its promises to improve workers’ lives, and with the liberal or “yellow” as well as the other more militant parties or workers’ organizations unable to provide real solutions to the crisis, the conditions are also ripe for more and more workers to join the “defensive” struggle to protect their interests within the framework of capitalism—as well as the more “offensive” struggle to advance their interests outside the framework of capitalism.

Subalit maaari din itong magbukas ng mga oportunidad: Ang mga manggagawang patuloy na nahaharap sa banta sa kanilang kalagayang mabuhay habang inaagaw ng mga kapitalista ang kanilang mga nakamit na tagumpay, kasama ang pamahalaang hindi kayang tumupad sa mga iinangako nito upang umunlad ang buhay ng mga manggagawa, kasama na ang mga liberal o "dilawan" pati na ang iba pang mas militanteng partido o kapisanan ng manggagawa na hindi makapagbigay ng tunay na kalutasan sa krisis, hinog na rin ang kalagayan upang parami ng parami ang mga manggagawang sumasama sa pakikibakang "depensibo" upang protektahan ang kanilang interes sa loob ng balangkas ng kapitalismo - pati na ang mas "opensibang" pakikibaka upang isulong ang kanilang interes sa labas ng balangkas ng kapitalismo.

Over twenty million wage-workers are non-unionized and unorganized: that is far too many workers that we could organize and enjoin towards our movement. The other alternative political forces are discredited or are losing legitimacy: the “yellows” have little credibility because of the Aquino government squandering the goodwill and hope the people gave them by continuing to pursue neoliberal policies, while the other “reds” are now losing credibility because of their alliance with the also neoliberal (and increasingly authoritarian) Duterte government. This presents a rare opportunity to present a real alternative.

Mahigit sa dalawampung milyong sahurang manggagawa ang hindi unyonisado at hindi organisado: napakaraming manggagawa niyan na ating maoorganisa at mapapasapi sa ating kilusan. Hindi pinaniniwalaan o nawawalan na ng pagkalehitimo ang iba pang alternatibong pwersang pulitikal: ang mga "dilaw" ay may kaunti na lang kredibilidad sapagkat nang itinuloy ng pamahalaang Aquino ang mga polisiyang neoliberal ay sinayang na nito ang tiwala at pag-asang ibinigay ng mga tao sa kanila, habang ang ibang "pulahan" ay nawawalan na ngayon ng kredibilidad dahil sa kanilang pakikipag-alyansa sa neoliberal din (at nagiging awtokratikong) pamahalaang Duterte. Naglalatag ito ng pambihirang oportunidad na maglatag ng tunay na alternatiba.

What should we do?

Anong dapat nating gawin?

We should face the danger by seizing the opportunity. Now is the time to step up our efforts to organize workers, develop their class-consciousness and rebuild their self-organization so as to enhance their capacity to change the system and establish a new society.

Dapat nating harapin ang panganib sa pamamagitan ng pagsunggab sa pagkakataon. Ngayon na ang panahon upang pagsikapan nating organisahin ang mga manggagawa, paunlarin ang kanilang makauring kamalayan at muling itatag ang nagsasarili nilang kapisanan upang mas mapahusay pa ang kanilang kakayanan upang baguhin ang sistema at magtatag ng bagong lipunan.

To do this, we need to intensify our efforts to establish and strengthen unions and federations to fight for workers’ rights at the level of the factory or the industry. But at the same time, we also need to intensify our efforts to establish and strengthen our political organization, BMP. Both should go together because the stronger our unions and federations, the stronger and more effective BMP is; the stronger and more effective BMP is, the stronger our unions and federations.

Upang magawa ito, kailangang patindihin natin ang ating mga pagsisikap upang maitatag at mapalakas ang mga unyon at pederasyon upang ipaglaban ang karapatan ng manggagawa sa antas ng pabrika o sa industriya. At kasabay nito, dapat din nating patindihin ang ating mga pagsisikap na matitatag at mapalakas ang ating kapisanang pulitikal, ang BMP. Dapat na sabay sila sapagkat kung gaano kalakas ang ating mga unyon at pederasyon ay gayon din kalakas at kaepektibo ang BMP; kung gaano kalakas at mas epektibo ang BMP, gayon din kalakas ang ating mga unyon at pederasyon.

In practice, this means devoting more of our limited energies and resources towards the basic task of organizing unions and federations by deploying more BMP organizers to form unions where there are none or to sustain and enhance their effectiveness where they exist; by organizing a massive educational campaign to counter the propaganda and mis-education campaign of capitalists and coopted workers’ groups; and by mobilizing against existing or proposed government measures that make it harder to form and sustain unions and federations.

Sa praktika, nangangahulugan itong pag-uukol n gating limitadong lakas at rekurso tungo sa batayang tungkuling organisahin ang mga unyon at pederasyon sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mas maraming organisador ng BMP upang magtayo ng mga unyon sa mga walang unyon o upang suportahan at mapahusay ang kanilang pagiging epektibo kung saan sila kumikilos; sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng malawakang kampanyang edukasyon upang makontra ang mga propaganda at kampanyang edukasyong taliwas ng mga kapitalista at mahawakan sa leeg ang mga pangkat ng manggagawa; at sa pagmomobilisa laban sa mga umiiral at panukalang patakaran ng pamahalaan na lalong nagpapahirap sa pagtatag at pagpapanatili ng mga unyon at pederasyon.

At the same time, however, this means escalating our attempts to develop socialist individuals and socialist groups or “buklods” in as many factories—especially in the strategic sectors. These individuals and their buklods—the basic unit of BMP—should then step up their attempts to create or strengthen the unions or federations in their factories or sectors. They should create an independent force within each company, pushing, supporting—and when necessary, putting pressure on—the union leadership to struggle for workers’ rights at the local, national, and global levels. Without these buklods, few unions will be established and the ones that do get established may well end up being trapped in “economism,” concerned only to advance their own particular interests rather than the interests of the working class and the other oppressed classes and groups. They are likely to coopted by management or drawn towards the yellow, compromised forces; worse, they are likely to end up being corrupted, acting as “labor aristocrats” who will defend the very system exploiting their fellow workers.

Gayunman, kasabay nito, nangangahulugan itong pagpapatindi n gating pagtatangkang magpaunlad ng mga indibidwal na sosyalista at mga sosyalistang pangkat o “buklod” sa maraming pagawaan – lalo na sa mga istratehikong sector. Ang mga indibidwal na ito at ang kanilang buklod – ang batayang yunit ng BMP – ay dapat magpanimulang hakbang sa kanilang tangkang makalikha o makapagpatibay ng mga unyon o pederasyon sa kanilang mga pabrika o sector. Dapat nilang malikha ang isang independyenteng pwersa sa loob ng bawat kampanya, pagtutulak, pagsuporta – at kung kinakailangan, brasuhin ang liderato ng unyon upang makibaka para sa karapatan ng mga manggagawa sa antas-lokal, pambansa at pandaigdig. Kung wala ang mga buklod na ito, iilang unyon lang ang maitatatag at yaong mga naitatag na’y baka mabuslo sa “ekonomismo”, na nakatutok lang sa pagsusulong ng kanilang sariling partikular na interes imbes na interes ng buong uring manggagawa at ng ibang aping uri at pangkat. Sila’y maaaring masakal ng tagapamahala o tumungo sa mga pwersang sipsip at dilawan; ang malala, sila’y maging tiwali, na umaakto bilang “aristokrata sa paggawa” na pinakikintab lang ang sistemang mapagsamantala sa kapwa manggagawa imbes na putulin ito.

Only by engaging in both “economic” and “political” struggles inside and outside factories can we avert the current and present danger we face: a more authoritarian, if not altogether fascist, and therefore anti-worker and anti-socialist regime that will perpetuate—and even intensify—the exploitation of workers and other oppressed groups. Only by simultaneously engaging in both “defensive” and “offensive” campaigns at the local, national and global levels can we create the ground for a new, more liberating society.


Tanging sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pakikibakang "pang-ekonomiya" at "pampulitika" sa loob at labas ng pabrika ay mapipigilan natin ang kasalukuyang panganib na ating kinakaharap: isang pamumunong awtoritaryan, kung hindi man pasista, at samakatuwid ay rehimeng laban sa manggagawa at laban sa sosyalista, na magpapanatili - at magpapatindi - sa pagsasamantala sa mga manggagawa at iba pang aping pangkat. Tanging sa sabay-sabay na pagharap sa "depensiba" at "opensibang" kampanya sa lokal, pambansa at pandaigdigagang antas maaari nating mailatag ang landas para sa isang bago, at mas mapagpalayang lipunan.

Ang Magsasaka at ang Tagak, ni Aesop

Ang Magsasaka at ang Tagak ni Aesop Isang Tagak na napakasimple at mapagkakatiwalaan ang hiniling ng isang masayang grupo ng mga Itik na bis...