TULA NI HO CHI MINH BILANG HUDYAT NG OPENSIBANG TET
Ayon sa ulat ni Dale Anderson, "The Tet Offensive: Turning Point of the Vietnam War":
"Just before midnight on January 30, Hanoi's official government radio station broadcast a special message. It was a poem written by Ho Chi Minh:
'This spring far outshines the previous springs,
Of victories throughout the land come happy tidings.
Let South and North emulate each other in fighting the U.S. aggressors!
Forward!
Total Victory shall be ours.'
"The poem was a coded signal that the attacks should begin."
Ito naman ang salin sa wikang Filipino ng tulang ito:
"Nilampasan na ng tagsibol ngayon
yaong mga nakaraang tagsibol,
ng mga tagumpay sa buong bayan
na dulot ay magagandang balita.
Hayaang tularan ng Katimugan
at Kahilagaan ang bawat isa
sa pagbaka sa mga mananakop
at maniniil na Amerikano!
Sulong! Magiging atin ang tagumpay!"
(11 pantig bawat taludtod, at malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.)
Sanggunian:
http://andyshistoryproject.weebly.com/-the-tet-offensive.html
Mga Salin mula sa ibang wika tungo sa wikang Filipino, pinagsikapang gawin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Martes, Hunyo 21, 2016
Biyernes, Hunyo 17, 2016
Salin ng tulang Job Seekers ni Jan Oskar Hansen
ANG MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
(15 pantig bawat taludtod)
Matapos ang matagal na kawalan ng trabaho
napasok akong tagaluto sa isang kapihan
kung saan tao'y nagdatingan para sa serbesa
ngunit atas ng lokal na batas, kumain muna
ang sinuman bago tumagay. Monay o may kesong
tinapay ang karaniwan, na pag di na nakain
ay nililipat ng pinggan upang muling ihain,
ngunit dapat kong buksan, ilalim ng keso'y tingnan
nang tiyaking walang nilagay doong anupaman
tulad ng upos ng yosi't iba pa. Aking batid
ang galawan pagkat dating mananagay hanggang sa
mawalan ng trabaho nang lagyan ng saklob yaong
lata ng sardinas at alumahan. Ayos lamang
maging uring manggagawa pag panaho'y maganda,
ngunit sa malao't madali'y may kapanganiban
at pag walang aral, tiyak sa karukhaan sadlak.
JOB SEEKERS
A poem by Jan Oskar Hansen
After being unemployed for a long time I got
a job as a cook in a cafe where people came
for the beer, but the local law demanded
drinkers had to order something to eat before
drinking. Usually, it was a burger or a cheese
sandwich. If a sandwich came back uneaten
it was moved to another plate and served again,
but I had to open look under the cheese to be
sure no one had put something there, like
the butt of cigarette and so on. I knew the game
having been a drinker there until I lost my job
of putting a lid on tins of sardines and mackerel.
To be working class when time is good is Ok, but
but sooner or later there will be a downturn
and without proper education poverty beckons.
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
(15 pantig bawat taludtod)
Matapos ang matagal na kawalan ng trabaho
napasok akong tagaluto sa isang kapihan
kung saan tao'y nagdatingan para sa serbesa
ngunit atas ng lokal na batas, kumain muna
ang sinuman bago tumagay. Monay o may kesong
tinapay ang karaniwan, na pag di na nakain
ay nililipat ng pinggan upang muling ihain,
ngunit dapat kong buksan, ilalim ng keso'y tingnan
nang tiyaking walang nilagay doong anupaman
tulad ng upos ng yosi't iba pa. Aking batid
ang galawan pagkat dating mananagay hanggang sa
mawalan ng trabaho nang lagyan ng saklob yaong
lata ng sardinas at alumahan. Ayos lamang
maging uring manggagawa pag panaho'y maganda,
ngunit sa malao't madali'y may kapanganiban
at pag walang aral, tiyak sa karukhaan sadlak.
JOB SEEKERS
A poem by Jan Oskar Hansen
After being unemployed for a long time I got
a job as a cook in a cafe where people came
for the beer, but the local law demanded
drinkers had to order something to eat before
drinking. Usually, it was a burger or a cheese
sandwich. If a sandwich came back uneaten
it was moved to another plate and served again,
but I had to open look under the cheese to be
sure no one had put something there, like
the butt of cigarette and so on. I knew the game
having been a drinker there until I lost my job
of putting a lid on tins of sardines and mackerel.
To be working class when time is good is Ok, but
but sooner or later there will be a downturn
and without proper education poverty beckons.
Sabado, Oktubre 3, 2015
Salin ng polyeto ng Reclaim Power
Pagbawi ang Kapangyarihan,
Pagbubuo ng Momentum,
Pagbabago ng Sistema sa
Enerhiya
Sa Oktubre 9 at 10, ang mga kilusan sa iba't ibang
panig ng daigdig ay mananawagan muli upang Bawiin ang Kapangyarihan!
Ipinagkakait ng kasalukuyang sistema sa enerhiya sa
halos dalawang bilyong katao ang pagkakamit ng sapat na enerhiya para sa
kanilang batayang pangangailangan, at nagdudulot ito ng pinsala sa taumbayan at
sa planeta. Ang pagsusunog ng mga gatong na fossil para sa sektor ng enerhiya
ang pinakamalaki, pinakamabilis na lumalagong tagapag-ambag sa nagbabagong
klima. Pinipinsala ng nagbabagong klima ang ating sistema ng pagkain, ang
pinagkukunan natin ng tubig, ang ating karagatan at nagdudulot ng mas madalas
at matinding kaganapan ng panahon na nakasisira ng ating mga tahanan, mga
kabuhayan at mga pamayanan.
Halina't
sumama sa matagalang pakikibaka upang pigilan ang marurumi at nakapipinsalang
enerhiya! Ang mga industriya ng karbon, langis at gas ay itinataboy ang mga
pamayanan, dinudumihan ang lupa, tubig at hangin, nagdudulot ng pagkakasakit,
at nagwawasak ng kabuhayan. Nagpakita na rin ng matinding nakawawasak na epekto
ang mga hydraulic fracturing o "fracking" na nagmamaksimisa sa
pagkuha ng mga gatong na fossil.
Pigilan ang
mga maling solusyon sa enerhiya sa nagbabagong klima! Hindi lamang mga
enerhiya mula sa gatong na fossil ang mga maruruming enerhiya. Kasama na rito
ang mga maling solusyon sa krisis sa klima tulad ng agresibong produksyon ng
malalaking antas ng agro-fuel habang isinasakripisyo ang pagkain at kabuhayan,
mga malalaking saplad (mega-dams) at mga proyektong hydro na gabnap na sumisira
sa ekosistema at pamayanan, mapanganib na kuryenteng nukleyar, at ang
nakalalasong pagsusunog ng basura para sa enerhiya.
Paigtingin
ang mga pagkilos para sa mabilis at makatuwirang pagbabago ng ating sistema sa
enerhiya upang tiyakin ang karapatan ng mamamayan sa malinis at nagpapanumbalik
na enerhiya at pigilan ang maling sakunang dulot ng klima! Ang ating
pakikibaka ay bumabagtas sa mga kontinente at kultura. Lumalaban tayo upang
mapigilan ang mga enerhiyang marurumi at nakapipinsala. Lumalaban tayo para sa
mabilis at makatuwirang pagbabago tungo sa pampubliko at pampamayanang
pagkontrol sa sistema ng enerhiyang nagpapanumbalik. Lumalaban tayo sa iba't
ibang anyo at prente, ipinagdiriwang ang samutsaring pakikibaka at ang lakas ng
ating nagkakaisang pagkilos.
Sa Oktubre 9 at 10, halina't magmobilisa tayo sa
lahat ng mga bansa para sa makapangyarihang pagpapahayag ng pandaigdigang
pagkakaisa para sa pagbabago sa ating enerhiya at sistemang pang-ekonomiya!
ANG ATING
MGA KAHILINGAN
- Ipagbawal ang mga bagong maruruming proyektong
enerhiya.
- Wakasan ang subsidyo at donasyon ng gobyerno sa
maruruming enerhiya.
- Umalis sa mga korporasyon ng mga gatong na fuel.
- Tiyakin ang pangkalahatang pagkukunan ng
enerhiya.
- Pigilan ang labis na pagkonsumo ng enerhiya ng
mga korporasyon at mga pinuno ng daigdig.
- Mabilis at makatuwirang pagbabago sa mga
pampubliko at pampamayanang organisasyon para sa nagpapanumbalik na enerhiya.
Martes, Marso 17, 2015
Awit: Kay Celia - salin ng tula ni Ben Jonson
AWIT: KAY CELIA
Ni Ben Jonson
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Tagayan mo ako ng iyong mga mata lamang
At ako'y mamamanata nitong abang sarili;
O mag-iwan kaya ng halik subalit sa tasa,
At ako'y hindi na maghahagilap pa ng basi.
Ang uhaw na mula sa aking kaluluwa'y buhat
Sa inaasam-asam na basing may pagkasanto:
Subalit ako man sa lagdò ni Jove'y hihigop
Ako'y hindi magbabago alang-alang sa iyo.
Pinadalhan kita nito lang ng rosas na putong,
Ito'y hindi upang ikaw ay bigyang-karangalan,
Na animo'y nagbibigay ng pag-asa, na roon
Ay hindi na nga malalanta-lanta pang tuluyan.
Ngunit ikaw kapagdaka'y humihinga na lamang,
At iyong ibinalik iyon sa aba mong lingkod;
Subalit nang lumago iyon at humalimuyak,
Ako'y sumusumpa, hindi roon, kundi sa iyo.
SONG: TO CELIA (1616)
Ben Jonson (1572-1637)
Drink to me only with thine eyes,
And I will pledge with mine;
Or leave a kiss but in the cup,
And I'll not look for wine.
The thirst that from the soul doth rise,
Doth ask a drink divine:
But might I of Jove's nectar sup,
I would not change for thine.
I sent thee late a rosy wreath,
Not so much honoring thee,
As giving it a hope, that there
It could not withered be.
But thou thereon didst only breath,
And senst it back to me;
Since when it grows and smells, i swear,
Not of thyself, but thee.
Ni Ben Jonson
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Tagayan mo ako ng iyong mga mata lamang
At ako'y mamamanata nitong abang sarili;
O mag-iwan kaya ng halik subalit sa tasa,
At ako'y hindi na maghahagilap pa ng basi.
Ang uhaw na mula sa aking kaluluwa'y buhat
Sa inaasam-asam na basing may pagkasanto:
Subalit ako man sa lagdò ni Jove'y hihigop
Ako'y hindi magbabago alang-alang sa iyo.
Pinadalhan kita nito lang ng rosas na putong,
Ito'y hindi upang ikaw ay bigyang-karangalan,
Na animo'y nagbibigay ng pag-asa, na roon
Ay hindi na nga malalanta-lanta pang tuluyan.
Ngunit ikaw kapagdaka'y humihinga na lamang,
At iyong ibinalik iyon sa aba mong lingkod;
Subalit nang lumago iyon at humalimuyak,
Ako'y sumusumpa, hindi roon, kundi sa iyo.
SONG: TO CELIA (1616)
Ben Jonson (1572-1637)
Drink to me only with thine eyes,
And I will pledge with mine;
Or leave a kiss but in the cup,
And I'll not look for wine.
The thirst that from the soul doth rise,
Doth ask a drink divine:
But might I of Jove's nectar sup,
I would not change for thine.
I sent thee late a rosy wreath,
Not so much honoring thee,
As giving it a hope, that there
It could not withered be.
But thou thereon didst only breath,
And senst it back to me;
Since when it grows and smells, i swear,
Not of thyself, but thee.
Martes, Marso 3, 2015
Pakikipagtalastasan kay Kasamang Lenin (1929)
Pakikipagtalastasan kay
Kasamang Lenin (1929)
Tula ni Vladimir Mayakovsky
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Pinaghalawan: Panitikang Ruso ng
ika-20 Siglo
Sa pag-inog ng mga pangyayari,
Na tambak ang
sangkaterbang gawain,
unti-unting lumulubog ang araw
habang
palubog na rin ang anino ng gabi.
May dalawang tao sa silid:
ako
at si
Lenin -
isang larawan
sa kaputian ng
dingding.
Sumirit pataas ang pinaggapasan
sa ibabaw
ng kanyang labi
habang namutawi ang talumpati
sa kanyang bibig.
Ang igting
ng lukot ng kanilang noo
ay may diwang
mahigpit
nilang tangan,
ang noo nilang napakalapad
ay tinutumbasan ng
napakalawak niyang diwa.
Isang gubat ng mga bandila,
mga taas-kamay na
singkapal ng damo...
Libu-libo ang nagmamartsa
sa ilalim
niya...
Nakalulan,
nag-aalab sa ligaya,
bumangon ako mula
sa aking kinalalagyan,
upang makita lamang siya,
papurihan siya,
mag-ulat
sa kanya!
“Kasamang Lenin,
ako'y nag-uulat sa
iyo -
(hindi dikta ng opisina,
ang puso’y
nadidiktahang mag-isa)
Ang napakabuktot na gawaing ito
na dapat nating
gampanan
ay dapat magawa
at ginagawa na.
Pinakakain naming at dinadamitan
at nagbibigay-liwanag sa
nangangailangan,
ang mga kota
para sa uling
at para sa bakal
ay
nagampanan,
ngunit mayroong itong
anumang halaga
ng pagdurugo
marumi
at kalokohan
pa rin sa paligid
natin.
Kung wala ka,
napakarami
ang hindi
na napanghawakan,
lahat ng pag-aaway
at pagbabangayan
ang naganap.
Maraming mga
taong hamak
na nasa ating
mga lupain,
nasa labas ng hangganan
at narito rin
sa
loob.
Subukan mong
bilangin sila
at
itala sila -
wala yaong paroroonan,
naroon ang lahat ng tipo,
at sila’y
singkapal ng kulitis:
ang mga panggitnang magsasaka,
mga may disiplinang bakal,
at,
sa baba ng
hanay,
mga lasenggo,
mga sektaryan,
mga sipsip.
Gumigiri-giri sila sa paligid
nagmamalaking
tulad ng
pabo,
ang mga tsapa at plumang
nagkalat
sa kanilang dibdib.
Gagapiin natin ang karamihan sa kanila -
ngunit
ang
sila’y gapiin
ay di madaling gawin
sa pinakainaman
nito.
Sa mga lupaing nagyeyelo
at sa mga pinaggapasang
palayan,
sa mga plantang mauusok
at sa mga pabrika,
narito ka sa aming puso,
Kasamang Lenin,
nagtatatag kami,
nag-iisip kami,
humihinga kami,
nabubuhay kami,
at
lumalaban kami!”
Sa pag-inog ng mga pangyayari,
Na tambak ang
sangkaterbang gawain,
unti-unting lumulubog ang araw
habang
palubog na rin ang anino ng gabi.
May dalawang tao sa silid:
ako
at si
Lenin -
isang larawan
sa kaputian ng
dingding.
Conversation with Comrade Lenin
(1929)
Poem by Vladimir Mayakovsky
Source: 20th Century Russian Literature.
Awhirl with events,
packed with
jobs one too many,
the day slowly sinks
as the night
shadows fall.
There are two in the room:
I
and Lenin-
a photograph
on the whiteness of
wall.
The stubble slides upward
above his
lip
as his mouth
jerks open in speech.
The tense
creases of brow
hold thought
in
their grip,
immense brow
matched by thought
immense.
A forest of flags,
raised-up hands
thick as grass...
Thousands are marching
beneath
him...
Transported,
alight with joy,
I rise from my
place,
eager to see him,
hail him,
report to
him!
“Comrade Lenin,
I report to you -
(not a dictate of office,
the heart’s prompting alone)
This hellish work
that we’re out to
do
will be done
and is already being done.
We feed and we clothe
and give
light to the needy,
the quotas
for coal
and for iron
fulfill,
but there is
any amount
of bleeding
muck
and rubbish
around us still.
Without you,
there’s many
have got out of hand,
all the sparring
and squabbling
does one in.
There’s scum
in plenty
hounding our
land,
outside the borders
and also
within.
Try to
count ’em
and
tab ’em -
it’s no
go,
there’s all kinds,
and they’re
thick
as nettles:
kulaks,
red tapists,
and,
down the row,
drunkards,
sectarians,
lickspittles.
They strut around
proudly
as
peacocks,
badges and fountain pens
studding
their chests.
We’ll lick the lot of ’em-
but
to
lick ’em
is no easy job
at the very best.
On snow-covered lands
and on
stubbly fields,
in smoky plants
and on factory
sites,
with you in our hearts,
Comrade Lenin,
we build,
we think,
we breathe,
we live,
and we
fight!”
Awhirl with events,
packed with
jobs one too many,
the day slowly sinks
as the night
shadows fall.
There are two in the room:
I
and
Lenin -
a photograph
on the whiteness of wall.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Ang Magsasaka at ang Tagak, ni Aesop
Ang Magsasaka at ang Tagak ni Aesop Isang Tagak na napakasimple at mapagkakatiwalaan ang hiniling ng isang masayang grupo ng mga Itik na bis...
-
CALL FOR A NATIONAL CONFERENCE AGAINST DICTATORSHIP 20-21 July 2017 PANAWAGAN PARA SA ISANG PAMBANSANG KUMPERENSYA LABAN SA DIKTADURA...
-
SALIN NG DEMYSTIFY Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Wala akong makitang eksaktong salin ng demystify sa wikang Filipino. Wala nit...
-
SONETO 116 ni William Shakespeare malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg) Huwag a...